Kabanata 13

2124 Words
"OH 'DI BA? Sabi ko naman sa iyo, eh. Hindi tayo mala-late," proud pang wika ni Angelo nang makarating sila sa loob ng classroom. Nakangisi pa ito dahil kanina pa siya sinesermunan ni Serene roon sa bangka na ang bagal-bagal daw nilang kumilos. Mabuti na lang at palaging pabor sa kan'ya ang Maykapal, dahil kung nagkataon nga siguro na late sila ng dalagita ay higit pa roon sa sermon ni Serene kanina ang gagawin nito. "Malamang, eh 'yong teacher yata 'yong late." sagot naman ni Serene bago niya ito inirapan. "Sinuwerte lang tayo, ano," dagdag niya pang sambit bago ito umupo sa unahan. Kahit noong elementarya pa lang siya ay wala na talagang gustong umupo sa unahan. Hindi niya maintindihan kung bakit palaging natatakot ang mga estudiyante sa kanilang guro, gayong hindi naman sila nangangagat. Saka isa pa ay medyo malabo kasi ang paningin ni Serene, at mas gusto niyang naririnig ang boses ng guro. Kaagad namang sumunod sa kan'ya si Angelo at umupo sa tabi niya. Nakaupo si Angelo sa dulo sa first row ng upuan katabi ng bintana, habang nakaupo naman si Serene sa tabi nito. Grade 5 na sila mula nang mapagdesisyunan nilang dalawa na maging ganito ang set-up ng upuan nila. Ayaw kasi ni Angelo na may tumatabi sa kan'ya sa upuan bukod kay Serene, at wala rin namang tumatabi kay Serene kapag sa unahan sila nakaupo. Win-win situation ito para sa kanilang dalawa. "Talagang susuwertehin tayo kasi kasama mo ako, Serene." Ngumisi ito sa dalagita bago ito nagpogi pose. "Ako ang lucky charm mo, hindi ba?" dagdag pa nitong tanong pero hindi siya kaagad pinansin ng batang babae. Sa tingin ni Serene ay nandoon na ang lahat ng kan'yang mga kaklase puwera lang sa kanila ni Angelo. Pinagtinginan sila ng mga estudyante pero sanay na siya roon. Ang kutis ba naman kasi ni Angelo ay parang pang-Amerikano. Talagang takaw-pansin ito sa lahat, lalo na nga sa mga kababaihan. "Hindi. Ikaw ang gulo sa napakatahimik kong buhay," sagot niya na naging dahilan para magpanggap si Angelo na nasaktan ito sa sinabi niya. Hawak-hawak pa nito ang dibdib kaya naman ay napasinghal na lang siya bago nito kinuha ang kan'yang notebook sa bag. Regalo 'yon ng kan'yang teacher Julie sa kan'ya. "Grabe ka na talaga!" Sasagot pa sana si Serene pero hindi na niya 'yon nagawa dahil biglang lumapit ang mga kaklase nila sa kanilang puwesto... pero hindi para batiin siya, kung hindi para batiin si Angelo na sobrang lawak ng pagkakangiti habang tinitingnan ang mga babaeng nakapaligid sa kan'ya. "Hello, Angelo!" sabay-sabay na wika ng mga babaeng kay babata pa lang ay ang kakapal na kaagad ng make-up sa mukha. Wala namang masama roon para kay Serene, pero kung ginagawa lang nila ito para mapansin sila ni Angelo... 'yon ang hindi maganda para sa kan'ya. Kung gusto man nila maglagay ng mga kolorete sa mukha, dapat ay dahil gusto talaga nila 'yon at hindi para magpa-impress sa ibang tao. "Hi!" At itong si Angelo naman ay talagang bumati pa pabalik bago nakipagkuwentuhan doon sa mga babae. 'Ang aarte naman,' wika ni Serene sa kan'yang sarili bago ito humalukipkip at tumitig na lang sa kan'yang harapan. Wala naman siyang nakikitang kakaiba roon sa blackboard na nasa harap niya, pero sa tingin niya ay mas kaya niyang makipagtitigan doon kaysa naman dito kay Angelo at sa mga kaklase nitong naglalandian pa sa kan'yang gilid. Ginawa naman niya ang kan'yang makakaya upang hindi pansinin ang mga ito. Isa pa kasi 'to sa ikinakatakot ni Serene kapag nagkagusto siya kay Angelo. Normal na friendly naman talaga ito kahit kanino... pero paano niya ito pagkakatiwalaan ito kung ganito ito... na parehas lang ang trato niya sa lahat? "Aray naman!" singhal ni Serene nang bigla siyang itulak ng isa nilang kaklase na dahilan kung bakit muntik nang tumumba ang kan'yang inuupuan kung hindi lang kaagad nahawakan ni Angelo ang gilid nito. "Ingat naman, oh," naiinis pa nitong sambit bago nito inayos ang kinauupuan. Hindi niya tuloy alam kung saan nga ba siya naiinis. Dahil ba sa muntik na siyang mahulog at mapahiya sa harap ng buong classroom, dahil sa babaeng bumangga sa kan'ya na tila ay walang pakialam kung malaglag man siya o masaktan dahil nakatingin pa rin ito kay Angelo gamit ang nagniningning nitong mga mata... o dahil sa tingin sa kan'ya ni Angelo ngayon na para bang nag-aalala ito sa kan'ya? "Doon na nga kayo. Ayaw ko na kayong kausap," sambit naman ni Angelo na parang bata kaya naman ay napangisi si Serene. Sumimangot kasi ang mga babae rito na siyang nagpasaya sa kan'ya. Kahit ilang beses naman silang magpapansin kay Angelo ay hindi naman sila magugustuhan nito... dahil na kay Serene lang ang atensyon nito. Kaya lang, madalas ay nag-eenjoy siya kapag nakikita ang reaksyon ni Serene sa tuwing may kausap siyang ibang babae. Wala namang malisya sa mga pag-uusap nila. Sadyang masungit at judgmental lang talaga itong si Serene. "Hoy, Serene," pagtawag ni Angelo rito sabay kalabit sa kan'ya pero kaagad na iginalaw ng dalagita ang kan'yang braso na para bang inaalis nito ang pagkakahawak ni Angelo sa kan'ya. "Ayaw din kitang kausap," sagot naman ni Serene sa kan'ya. Nakakrus ang magkabilang kamay nito sa kan'yang dibdib habang nanatili ang tingin nito sa unahan. "Tigilan mo ako. Shoopi." 'Cute,' ani Angelo sa isipan. Naka-pout pa kasi ang labi ni Serene kaya naman ay napatitig pa tuloy siya roon. Napalunok pa siya nang bahagya nang igalaw ni Serene ang kan'yang labi, pero mabuti na lang at pumasok na ang kanilang guro kaya naman ay kaagad itong nabalik sa reyalidad. Ang bata ko pa pero kung anu-ano na itong mga naiisip ko! "Good morning, class," pagbati naman sa kanila ng guro. "I am teacher Shaina, and I will be your teacher for today. Are you ready for your self-introduction?" "Yes, ma'am!" Nakasimangot si Angelo habang malawak naman ang pagkakangiti ni Serene. Gustong-gusto kasi talaga nito kapag mayroon silang klase. Ang pag-aaral kasi ang bumubuhay sa dugo ni Serene, habang ito naman ang nagpapa-bored kay Angelo kahit na likas din naman itong matalino. Ang dahilan kung bakit gustong-gusto ni Serene mag-aral ay hindi lang para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya nito, kung hindi dahil 'yon din talaga ang gusto niya sa buhay. Gustong-gusto niya ang bagong kaalaman. "Dahil kayong dalawa lang naman ang nakaupo sa unahan, kayo na ang mauna," saad naman sa kanila ng guro na nakangiti lang sa kanila. "At dahil diyan, may plus points kayo sa akin!" dagdag pang wika nito. Nagpasalamat si Serene at Angelo dahil sa narinig. Hindi tuloy matanggal ang pagkakangiti ni Serene kahit na nakatayo na ito sa unahan at nakaharap sa kan'yang mga kaklase. "Hala, ang daya naman!" rinig niya pang reklamo ng isang kaklase nito. "Ano'ng madaya roon?" nagtatakang tanong naman ng guro. "May dahilan kung bakit ko sila binigyan ng plus points, at kapag nalaman n'yo na sa sarili n'yo kung bakit, baka pag-isipan kong bigyan kayo ng points," pagpapaliwanag pa nito bago inilibot ang kan'yang tingin sa buong classroom. "Sige nga, sa tingin n'yo, ano ang dahilan kung bakit mayroon silang plus points at wala kayo?" Nakasimangot man ang iilan niyang mga kaklase pero ni isa naman sa kanila ay walang nagsalita. Kung hindi yuyuko ay magsisiiwas naman sila ng tingin kada mapapadaanan sila ng tingin ng kanilang guro. Ayaw nilang matawag dahil hindi naman nila alam ang sagot, at kahit na gusto rin nila ng plus points ay ayaw naman nilang mapahiya sa harap ng buong klase. "Magpakilala na kayo," nakangiting utos naman sa kanila ng guro habang nakatingin ito kay Angelo, pero maya-maya lang ay bumaling ang tingin nito kay Serene. Natutuwa ang guro rito dahil sa tapang nilang umupo roon. Nakikita kasi ng mga guro kung gaano ka-dedicated ang mga bata matuto depende kung saan ito uupo sa unang araw ng klase. Umupo ang dalawang bata sa unahan dahil gusto nilang mapakinggan nang maayos ang mga ituturo nito mamaya. Ito naman talaga ang inaasahan niya kay Serene at Angelo, ang first and second honor ng elementary batch doon sa katabi nilang school. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit lumipat ng eskuwelahan ang mga ito kahit na nag-ooffer din naman ng high school ang eskuwelahan kung saan nag-aaral ang mga ito, pero kung ano man ang dahilan ay hindi na niya 'yon aalamin. Ang gusto niyang makita ay kung gaano nga ba kagaling ang dalawang batang ito... at kung ano ang maaari niyang maitulong upang mas madagdagan pa ang kanilang kaalaman... lalo na kay Serene. Balita kasi niya sa mga kaibigang guro rin mula sa kabilang eskuwelahan ay sadyang matalino raw talaga ito at mahilig mag-aral, habang si Angelo naman ay sikat at mayaman. "I am Angelo Jacob Hernandez, 14 years old. Lucky charm ni Serene Faith," paunang pakilala ni Angelo dahil sa kanilang dalawa ni Serene, siya lang naman ang makapal ang mukha. Pero hindi inaasahan ni Serene ang huling sinabi nito kaya naman sinamaan niya ng tingin si Angelo. "Ginagawa mo?" tanong ng dalagita sa kan'ya bago niya ito pasimpleng kinurot sa likod. Muli ay tumingin ito sa unahan bago ito nagpeke ng ngiti. "Joke lang!" kaagad naman na pambawi ni Angelo sa kan'yang sinabi habang nakangiwi ito. Hindi naman mahaba ang kuko ni Serene pero tila ay bumaon sa kan'yang likod ang kuko nito. Kahit na pinagtitinginan na tuloy siya ng mga kaklase ay hindi pa rin siya makangiti nang husto, habang si Serene naman ay inaasar siya sa paminsan-minsang pagsulyap nito sa kan'ya. "Napakasadista mo," bulong pa ni Angelo pero mas lalo lang lumawak ang pagngisi ni Serene. Sanay na kasi siya kay Angelo kapag sinasabi niya 'yon. Pakiramdam nga niya ay kaya niya sinusungitan si Angelo ay dahil natutuwa na siya kapag naiinis ito. Sasagot pa sana si Serene pero naunahan siya ng pagsasalita ng kan'yang guro. "Next." Tumikhim muna si Serene bago ito huminga nang malalim. Hindi naman siya mahiyain pero gusto niyang makalikha ng magandang first impression sa kan'yang mga kaklase. Ito kasi ang unang beses na mag-iiba ang environment na kan'yang kinabibilangan. Pasalamat na nga lang din siya dahil kasama niya si Angelo ngayon kahit na kung tutuusin ay puwede naman itong mag-private school na lang. "I am Serene Faith Buenavista, 13 years old. I do really hope that we could be friends!" Hindi pa ganoon kaganda ang English accent ni Serene dahil na rin sa school lang naman siya nakakapag-practice, pero kahit papaano ay masaya na rin siya dahil at least ay nadadagdagan ang kan'yang kaalaman habang lumilipas ang panahon. Ngumiti siya sa kan'yang mga kaklase. Ang iba ay pumalakpak, nginitian siya pabalik, pero ang iba ay pinagtaasan siya ng kilay at inirapan siya, lalo na nga ang mga kababaihang pilit nakikipag-usap kay Angelo kanina. 'Mali ba ang English ko?' tanong ni Serene sa kan'yang sarili bago nito pinunasan ang kan'yang pawis sa noo gamit ang kamay nito. Kinakabahan kasi siya at hindi niya alam kung bakit. "Students, if you don't know, she's the top 1 on their batch last year," pagbanggit naman ng kan'yang guro na ikinagulat naman niya. Hindi niya kasi inaasahan na alam ng guro ang tungkol sa bagay na iyon. "She's also a consistent top 1 student. Congratulations! Everyone, clap your hands!" Nagsipalakpakan ang lahat kahit na 'yong iba naman ay halatang napipilitan lang. Wala naman silang magagawa dahil si teacher Shaina ang nag-utos no'n sa kanila. Maging si Angelo ay todo kung makapalakpak. Proud kasi ito sa future girlfriend niya, at kahit na hindi siya sigurado sa future na 'yon ay ima-manifest na niya 'yon kaagad. "Thank you po, ma'am," kaagad namang sambit ni Serene habang nakangiti, pero kaagad din na nawala 'yon nang marinig ang iilan sa bulung-bulungan ng kan'yang mga kaklase. "Sus, aanhin niya pagiging top 1 niya, eh mahirap lang naman siya." "Baka pagkaperahan lang tayo niyan, eh." "Bakit kasi pumasok pa siya rito sa school natin? Sana nanatili na lang siya roon sa pipitsugin nilang school." Tila ay may bumaon na kutsilyo sa puso ni Serene nang marinig ang mga salitang 'yon. Iyon ang unang beses na nakarinig siya ng masamang bagay tungkol sa kan'ya... at tungkol sa pagiging top 1 niya na kay tagal niya ring pinaghirapan. Kaagad na tumahimik ang kan'yang paligid at tanging ang t***k ng puso lang niya ang kan'yang naririnig. Hindi niya alam ang gagawin. "Serene?" rinig niyang pagtawag sa kan'ya ng kanilang guro pero hindi niya magawang sumagot. Ito ang unang beses na hindi siya nagustuhan ng ibang tao, at ang hipokrito naman niya kung hindi niya aaminin na nasaktan siya dahil sa mga sinabi nito. Iyon ang umpisa ng kalbaryo na tinutukoy ng kan'yang ina... ang sakit na kan'yang daranasin sa kamay ng kan'yang mga kaklase dahil lang sa hindi siya ipinanganak na kagaya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD