Chapter 3

1267 Words
*Mariano's Pov* ___ I awoke to a call and looked to see who it was. Bernard is Zandria's stepfather, I immediately answered dahil baka may importante siyang sasabihin sa akin. “Hey, ang aga mo naman mang bulabog.” Paos na boses kong sabi sa kanya. "Are you busy today? Come to Zandria's birthday dito sa house; there's a small party." Masiglang aya niya sa akin, so I checked my schedule. Birthday niya ngayon? Bakit wala siyang nabanggit kahapon. "What time? May kakausapin akong tao ngayon, so maybe I'll just catch up." I responded to him bago tuluyang bumangon sa kama. May business partner kasi akong kausap mamayang nine AM. "Later, at six o'clock in the evening, I will cook your favourite sisig pero ikaw na ang bahala sa alak." He said laughing, napa kamot naman ako ng batok habang tumatawa. "Okay, I'll go." Tipid kong sagot. Binaba ko na yung tawag at inihagis ang aking cellphone sa kama. Nagtungo na ako sa banyo para gawin ang aking morning routine. Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng sky blue na polo shirt, black slacks, at black leader shoes. Nang matapos akong ayusin ang sarili ko. Inayos ko na rin ang attache case, kung saan nilagay ko ang mga dokumentong kailangan ko. Alas otso na ng umaga kaya kailangan ko ng umalis. Sumakay na ako sa sports car ko para mag drive papunta sa restaurant kung saan kami mag-uusap. I came in less than ten minutes. I parked my car before exiting. Pagpasok ko sa restaurant, may sumalubong sa akin na receptionist. "Good morning, sir." Magalang niyang bati sa akin. "Nandito na ba si Mr. Hernandez?" I asked her, bago tumingin sa paligid. "ikaw po ba ang kausap ni Mr. Hernandez? I will accompany you to the special VIP room." She replied with a smile, and I simply nodded. I followed her and she opened the door. Tumingin ako sa suot kong relo, alas nuwebe na pero hanggang ngayon ay wala pa siya. When I got inside, I sat on the sofa and placed my attachè case on the table. I'm agitated because I've been waiting for several minutes and still wala pa rin yung ka-business deal ko. Hasn't he been advised na ayoko sa lahat ay naghihintay? He was going to make an agreement, pero anong ginagawa niya! Kanina pa ako dito nakakainip na, I'm wasting my time on meaningless tasks. I got up from my seat and was about to go when the door suddenly opened. "Mr. Escriba, I am sorry I was trafficked." "I don't care, ang usapan natin it's nine o'clock. I've been waiting here for 30 minutes; I'm not going to deal with you; mas maganda pang maghanap ka nalang ng ibang kompanya!" Malamig kong sagot sa kanya, didn't wait for him to say further, and left the VIP room totally. Agad akong sumakay ng aking sasakyan, bibili pa pala ako ng regalo kay Zandria. Nakakahiya naman kung wala akong maibibigay. May nadaanan akong cake shop kaya huminto mo na saglit. Pumasok ako sa loob ng shop, pinili ko yung chocolate cake na may maraming strawberry at cherry sa ibabaw. Nang mailagay na nila sa box binigay na sa'kin at nagbayad. Pagkatapos kong bumili ng cake, dumiretso na ako sa hotel para kumuha ng alak. Nakipag-ugnayan ako kay Bernard at sinabing papunta na ako sa kanila. "Papunta na ako dyan bahay niyo, naluto muna ba ang pulutan natin?" Malamig kong tanong sa kanya, iinom ko na lang 'to kesa mainis. Ang ganda ng usapan namin, na dapat maaga dahil may iba pa kaming mga lakad. Ang hilig talaga nila sa Pilipino time. "Sige, hintayin kita dito sa bahay habang nag-iihaw ako ng puluta natin." Agad naman siyang sumagot, kumunot ang noo ko dahil may narinig akong ingay sa kabilang linya. Oo ko "Sino yung mga maiingay dyan?" Tanong ko dahil may narinig akong nagtatawanan. "Nag-iinuman sa balcony ang mga kaklase ni Zandria. Hihintayin kita dito." Agad niyang sagot bago ako p*****n ng tawag. Nag-iinuman na sila anong oras palang. Papunta na ako ngayon sa bahay nila Zandria. Pagdating ko ay nagsasayaw na yung mga kaklase niya. Pinarada ko sa garahe ang aking sasakyan, bago lumabas ay binitbit ko na rin yung cake ni Zandria. Sinalubong ko ni Bernard, napatingin naman sa akin yung mga kaklase ni Zandria. "Kumain ka mo na bago tayo magsimulang uminom." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Zand, asikasuhin mo muna si Mariano." Tawag niya kay Zandria, tumayo naman ito at nagpaalam sa mga kaklase niya. Lumapit siya sa akin habang nakangiti, namumula na ang kanyang pisngi. "Tara po dito sa loob." Aya niya sa akin nauna siyang lumakad sumunod naman ako. "Here, para sayo bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon na birthday mo pala ngayon?!" Seryoso kong sabi sa kanya bago inabot yung cake. "Nakalimutan ko rin po, si papa lang nagsabi sa akin kanina. Hindi na kasi ako nag-celebrate ng birthday ko, ngayon lang po ulit." Magalang niyang sagot sa akin bago kinuha yung dala kong cake. "Salamat po dito Uncle Mariano." Sumingkit ang mga mata ko dahil Uncle na naman yung tawag niya sa akin. "Ano pong gusto mo?" Tanong niya sa akin habang nag sasandok ng ulam. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. "Huwag ka ng uminom namumula na yang mukha mo. Masama ang alak sa katawan kapag nasobrahan." Seryoso kong sabi, hindi siya nagsalita nakatingin lang sa'kin. Ang inosenteng mga mata at magandang maamong mukha, na ngayon ko lang ulit natitigan. Napatingin ako sa namumula niyang labi, nanatili kaming nakatitig sa isa’t-isa. Nagulat kaming dalawa nang makarinig ng ingay papunta dito sa kusina kaya agad siyang lumayo sa akin. “Ku-kumuha ka na lang po dyan ng pagkain na gusto mo.” Nauutal niyang sabi bago binuksan ang refrigerator at kumuha ng alak. Agad siyang lumabas ng kusina para salubungin ang kanyang mga kaklase. Napamura naman ako sa aking sarili, dahil hindi ko na napigilan baka kung anong isipin o di kaya mailang siya sa akin. “Darn it!” Mahinang mura ko ulit bago sumandok ng palabok. Maya-maya ay pumasok na si Bernard dito sa kusina dala ang iniihaw niyang karne kanina. “Titimplahan ko lang to magsimula na tayong uminom.” Nakangiti niyang sabi sa akin, tumango lamang ako bilang tugon. “Mukhang lasing na mga kaklase ni Zandria, maiingay na sila eh.” Seryoso kong sabi sa kanya. “Kanina pa sila nag-iinom, ihahatid ko na lang mamaya.” Sagot niya habang naghihiwa. “Ilang taon na si Zandria?” Tanong ko, bago muling sumandok ng palabok. “Twenty three na siya, ang bilis nga ng araw kailan lang noong kakadebu niya lang. Pero ngayon ang laki na ng pinagbago niya, tinatanong ko nga kung may boyfriend na siya.” Nakangiti niyang kwento sa akin, napatingin naman ako sa kanya. “Parang gusto mo na siyang magkaroon ng boyfriend, hindi kaba nababahala na baka saktan lang siya?" Tanong ko sa kanya nagkibit balikat naman siya bago nagsalita. "Parte yun sa isang pag-ibig hindi ka masasaktan kung hindi mo mahal. Para namang hindi ka dumaan sa ganyan, ikaw nga hanggang ngayon wala pa ring asawa. Huwag mong sabihing bata ka pa, kuwarenta ka na Mariano." Natatawa niyang sagot sa akin, ngumisi naman ako bago siya sagutin. "May hinihintay kasi akong babae, ngayon mukhang pwede na kaming dalawa. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito, ilang taon akong naghintay sa kanya. Hindi ko hahayaan na mapunta siya sa iba." Seryoso kong sabi sa kanya, hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang paghihintay ko ng limang taon. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD