Chapter 4

1319 Words
*Zandria's Pov* —— Hindi pa rin ako maka-get-over sa ginawa sa akin ni Uncle Mariano, para akong lalong na lasing kanina pa nababaliw ang puso ko. Parang may mga kabayong nagtatakbuhan, at nag-uunahan sa finish line. "Hoy Zand, kanina kapa tahimik tunaw na yang yelo ng iniinom mo." Sita sa akin ng isa kong kaklase, napatingin naman ako sa kanya at ngumiti para hindi halatang lutang. "Nahihilo na ako eh." Agad kong sagot sa kanya, mahina talaga akong uminom ng alak dahil tuwing may okasyon lang naman ako nainom. "Ang hina mo talaga sa inuman." Umiling nilang sabi, napatingin ako sa plato wala na silang pulutan. Kinuha ko ito para lagyan. "Kuha lang ako ng pulutan, uminom lang kayo dyan." Paalam ko sa kanila bago naglakad papasok sa loob ng bahay. Umiikot na talaga yung paningin ko, pero kaya pa namang uminom. Narinig ko ang tawanan nila papa at Uncle Mariano sa kusina. Kaya hindi agad ako pumasok, bakit dito sila nagiinoman pwede namang sa sala. "Kailan mo naman balak magpakasal? Sino ba yang swerteng babaeng hinintay mo?" Tanong ni papa, magpapakasal na si Uncle Mariano? Sabi niya kahapon wala siyang girlfriend, tch kapag mga seaman talaga babaero. Akala ko pa naman pareho sila ni papa, pero mukhang nagkamali ako ng hinala. "Hindi pa ako nanliligaw sa kanya, kasal ka agad nasa isip mo. Soon ipapakilala ko siya sayo." Sagot ni Uncle Mariano kay papa, huminga mo na ako ng malalim bago pumasok sa loob. "Bakit dito po kayo nag-iinom? Bakit hindi na lang po sa sala?" Agad kong tanong pagpasok, sabay silang napatingin sa akin. "Nakakahiya sa mga kaklase mo, tapos na ba kayong uminom huwag kayong magpakalasing?" Pabalik na tanong ni papa. "Hindi naman po nalalasing ang mga yan papa, ginagawa ngalang tubig yung alak. Kukuha lang po ako ng pulutan namin." Sagot ko sa kanya bago kumuha ng plato, ako lang ata ang hindi sanay uminom sa kanila. Hindi naman ako makatanggi dahil kaarawan ko ngayon. "Huwag kang magpakalasing Zand, kahit nandito ka pa sa bahay last niyo na yan. Ihahatid ko na sila mamaya sa sakayan." Bilin sa akin ni papa, tumango naman ako bilang sagot. "Sige po papa, ikaw din sabi mo kanina pupunta ka pa sa karinderya." Paalam ko sa kanya bago kumuha ng isa pang alak. "Papa ito na lang inumin namin total last na." Dagdag ko na sabi bago pinakita yung isang bote ng tequila rose. "Last na yan, hindi na pwedeng bumili pa." Seryoso niyang sabi, ngumiti naman ako bago lumakad palabas ng kusina. Ramdam kong sinundan ako ng tingin ni Uncle Mariano hindi ko na lang pinansin. "Here, meron pa tayong iinumin last na raw iyan sabi ni papa dahil uuwi pa kayo." Sabi ko sa kanila bago nilapag sa mesa yung sisig at alak. "Uy masarap to, may Glazed Donut Flavored Vodka kayo? Try natin yung Strawberry Shortcake." Nakangiti na sabi Jada. "Meron sa refrigerator baka pagalitan na ako ni papa." Sagot ko agad. "Patikim nga ako." Dagdag kong sabi nilagyan naman ni Jada yung baso ko. Lansang strawberry pero sabi nila nakakalasing pa rin ito. "Kunin mo dali kuha ka na rin ng Strawberries." Utos niya sa akin wala akong nagawa kundi bumalik sa kusina. Kahit umiikot na yung paningin ko, kanina pa kasi ako galaw ng galaw. "Mariano, pwedeng tulungan mo si Zandria para makapagtrabaho sa Maynila? Iyon kasi ang gusto niya, wala akong ibang mapagkakatiwalaan kundi ikaw lang." Narinig kong sabi ni papa kay Uncle Mariano pagpasok ko ng kusina. "Walang problema, pwede naman siyang magtrabaho sa kumpanya ni mama." Agad nitong sagot, natuwa ako sa aking narinig dahil hindi na'ko mahihirapang maghanap ng trabaho. "Talaga po Uncle Mariano, pwede akong magtrabaho sa kumpanya niyo?" Tuwang-tuwa kong tanong halatang nagulat sila dahil bigla akong sumali sa kanilang usapan. "Yes, alam ko namang masipag ka, at hindi mo ako ipapahiya kay mama." Nakangiti niyang sagot sa akin. "Promise po hindi kita ipapahiya salamat po agad." Masigla kong sabi, dahil sa sobrang tuwa ko ay agad kong niyakap si Uncle Mariano. Yumakap naman siya sa akin, may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Agad akong napahawak sa aking bibig dahil ramdam kong nasusuka ako. Tumakbo ako sa banyo para doon sumuka, ito na nga ba yung sinasabi ko. "Yan napa sobra ka na sa inom." Sabi ni papa na nasa pinto kasama si Uncle Mariano. "Umakyat ka na sa kwarto mo, ako na ang bahalang maghatid sa kanila." Sabi ni papa tumango lang ako dahil umiikot na talaga yung mundo ko. "Aakyat na po ako mamaya, nasusuka pa-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil sumuka ulit ako. Ang baho, maasim na ewan yung amoy ng suka ko. Nakakahiya kay Uncle Mariano nakita niya akong ganito. Baka ma-turn off siya sa akin, ayy hindi erase-erase hindi naman ako ang gusto niya. May iba siyang gusto at hihintay niya pa ito, anong laban ko doon? Bakit kasi hindi kami magkasing-edad? Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Pero itong puso ko durog na durog, nakakahiya bakit ganito? "Mama, mama ko!" Umiiyak kong sigaw, narinig ko na tumawa si papa. "Hay nako, ganyan ka pala kung malasing." Umiling niyang sabi bago ala-layang tumayo. Napatingin ako kay Uncle Mariano seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Papa, alam mo ba hindi ako gusto ng lalaking crush ko. Ang sakit pala." Parang batang sumbong ko habang umiiyak. "Gusto ko pang uminom." Muling sigaw ko. "Ako'y pabebe lang sa umpisa 'wag lang painumin ng tequila at baka ako'y magwala kasalanan 'to ng tequila." Kanta ko habang inaalalayan ni papa at Uncle Mariano. "Buhatin ko na siya." Malamig na sabi ni Uncle Mariano, napatingin ako sa kanya. Ang gwapo talaga niya, pero masakit hindi ako yung gusto. "Nandito lang ako. How I wish you'll let me know." Kanta ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Zand, nakakahiya ka sintunado yang boses mo." Sita sa akin ni papa kaya lalo akong naiyak. "Pero bakit ba, ang layo mo? Pwedeng sa'yo na lang ako. Nakatitig sa kisame, kakaisip kung paano sasabihin sa'yo na gustung-gusto kita." Muling kanta ko wala na akong pakialam kahit pa ang pangit ng aking boses. Kanta lang ako ng kanta hanggang makarating sa aking kwarto. "Mariano, ikaw mo na ang bahala kay Zand, ihahatid ko lang yung mga kaklase niya. Natutulog naman yan kapag lasing." Rinig kong sabi ni papa, nanatili namang tahimik si Uncle Mariano. Aalis din naman siya mamaya, sino ba ako para bantayan niya. Ang sakit pala kapag malaman mong may ibang gusto yung lalaking mahal mo. Nanatili lang akong nakapikit ayokong dumilat ng mata dahil umiikot ang mundo ko. "Totoo bang ikakasal ka na Uncle?" Mahina pero sapat na para marinig niya. "Kapag ba kinasal ka na pupuntahan mo pa rin po ba si papa?" Muling tanong ko, dahil baka hindi na paano na si papa? Pati ako, kahit papaano ay nakikita ko pa rin siya. "Oo naman mamasyal pa rin ako rito, hindi pwedeng kalimutan ko ang pagkakaibigan namin ni Bernard." Sagot niya, napangiti ako masaya akong marinig iyon. "Buti naman po, akala ko hindi mo na dadalawin si papa. Siguradong nalulungkot yon." Sabi ko sa kanya, pati ako sobrang malulungkot. "Ang swerte ng mapapangasawa mo Uncle Mariano, kahit nagsinungaling ka sa akin na wala kang girlfriend. Siguro po mahal na mahal niyo ang babaeng iyon." Sabi ko sa kanya pigil na pigil ako sa paghikbi. "Sobrang mahal na mahal ko talaga siya, kasi matagal kong hinintay ang tamang panahon." Ramdam ko ang saya na kanyang nararamdaman. Pilit pa rin akong ngumiti, inaantok na'ko gusto ko ng matulog. "Sana, sana ako na lang yung babae. Bakit hindi na lang kasi ako?" Mahina kong sabi hindi ko alam kung narinig niya ba yun. Palagay ko hindi naman kasi malayo siya sa akin. Ramdam kong tila may dumampi sa aking labi, dahil nilalamon na ako ng antok hindi ko na lang pinansin. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD