bc

SISID MARINO (Spg)

book_age18+
8.4K
FOLLOW
110.9K
READ
billionaire
heir/heiress
bxg
mystery
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

⚠️I'm not a professional writer, so don't have high expectations. The story contains numerous grammatical and typographical concerns.

---

"Ilang pera ang kailangan mo para layuan si Mariano?"Tanong ng nanay ng asawa ko habang nasa hapag-kainan."Alam kong pera lang ang gusto mo sa anak ko, kaya sabihin mo sa akin kung magkano at ibibigay ko sa iyo para iwan mo siya ng tuluyan. I'll be honest: Hindi kita gusto para sa kanya."Matigas niyang sabi sa akin, at nanatili akong kalmado. Kahit na tinatapakan niya ang pagkatao ko."Mama, I adore Mariano not for the money; hindi ako yung tipo ng tao na iniisip mo na pera lang ang habol ko."Malumanay kong tugon, tinaasan niya ako ng kanyang kilay."Hindi mo ako ina, kaya huwag mo akong tawaging mama. Ayaw mo ng pera? Pero bakit nagpabuntis ka agad? Dahil ba seaman siya? Bibigyan kita ng limang milyon para lumayo kayong mag-ina; Ayokong masira ang buhay ni Mariano dahil sayo. Dahil ang tamang babae para sa kanya ay pauwi na rito sa pinas. Ikaw ay isang malandi na babae, hindi nararapat para sa anak ko!"Napayuko ako dahil hindi ko akalaing ganito pala kasama ang ugali ng nanay ni Mariano. Kasi kapag kasama namin siya, napakabait niya akala mo hindi gagawa ng masama."Ikaw ang magdedesisyon, aalis kayong mag-ina dala yang limang milyon o gagawin kong miserable ang buhay mo?"----

chap-preview
Free preview
Chapter 1
*Zandria’s Pov* — I was walking down the stairs when I heard laughter coming from the living room. Mukhang may bisita si papa; pagbaba ko ng hagdan, napansin ko yung lalaking kausap niya. Totoo ba itong nakikita ko? Nandito na ulit siya? I hadn't seen his friend, Mariano Escriba, in a long time. I last saw him during my debut. Five years have already passed. Hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan niya, parang lalo pa siyang naging gwapo kahit may edad na. Agad akong napa-iwas tingin dahil napatingin sila sa akin. Muntik na ako doon buti na lang mabilis akong nakaiwas. “Oh, Zand, pupunta ka sa school?” Tanong ni Dad, tumango naman ako bilang sagot. Pakiramdam ko sobrang pula ng aking mukha, landi mo self! Para mo na tatay 'yan! “Kumain ka muna, bago pumasok sa school.” Muli niyang sinabi, dahil lalabas na sana ako para tumakas. Narinig kong tinanong niya kung ako na nga ba talaga. “Si Zandria ba yan?” Tanong ni Uncle Mariano, sakit naman pangit ko na kasi kaya siguro hindi ako nakilala. “Oo, laging late umuwi. Ewan ko ba sa batang 'yan. Pagsabihan mo nga, Mariano, dahil hindi na siya nakikinig sa’kin.” Problemado na sabi ni papa kay Uncle Mariano, hanap pa kakampi ang isang to hirap na hirap na nga akong magpalusot sa kanya. Mas mahigpit pa naman siya kesa kay papa. “Papa, sinabi ko naman sa'yo 'di ba late ako na makakauwi dahil meron dahilan.” Tugon ko sabay nguso. Dahil hindi pwedeng sabihin na nagtatrabaho ako para makatipid. Gusto ko kasing magtrabaho sa Maynila pagkatapos kong mag-aral. "Dahilan mong laging sekreto." Agad niyang sagot lalo akong napanguso dahil hindi to matatapos, kailangan ko ng umalis. "Aalis na ako papa. sa school na me kakain. Bye!" Paalam ko, lalakad na sana ako pero biglang nagsalita si Uncle Mariano. "Sumabay ka na sa akin, Zandria." Seryoso niyang sabi aangal pa sana ako kaso naunahan na akong magsalita ni papa. "Sumabay ka na, madadaanan din naman niya ang pinapasukan mong paaralan." Wala akong nagawa kundi kay Tito Mariano sasakay, I mean sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, sana all gentleman. Nakakahiya naman sumakay dahil ang ganda ng kotse niya. Halatang mamahalin sabagay seaman kasi siya at mayaman na talaga sila. Sana all 'di ba? Tahimik lang ako habang papalabas kami ng subdivision. Naiilang na ako sa kanya dahil ilang taon na rin kaming hindi nagkikita. “Kamusta ang pag-aaral mo? Anong year ka na ngayon?” Sunod-sunod niyang tanong pero sa malamig pa rin ang tono, kaya lalo akong naiilang para nakikipag-usap sa taong yelo. "Ayos lang po Uncle Mariano, 4th year college na po ako." Magalang kong sagot bago tumingin sa labas, kanina pa ako hindi mapakali tapos ang bilis ng t***k ng puso ko. Sino bang hindi kakabahan, ihahatid ako ng iniibig ko. Oo gusto ko siya nong sixteen years old palang ako. First crush ko siya, hanggang sa lumalim ng lumalim ang aking nararamdaman. "Hanggang kailan ka po dito Uncle Mariano?" Tanong ko sa kanya habang nasa labas pa rin ang tingin. Mahihirapan ako kapag nandito siya, ang lakas kasi ng pakiramdam niya. "Mga dalawang buwan ako dito sa Baguio, dahil may mga kakausapin akong business partner." Napatango naman ako, siguro ang swerte ng mapapangasawa niya dahil hindi na sila maghihirap. "Ano yung sinasabi ni papa mo na lagi kang umuuwi ng late?" Tanong niya, napamura ako sa aking isipan sabi na eh kaya kung maaari ayokong sumabay. Papa kasi pahamak kahit kailan! "Ahh wala po yun Uncle Mariano, minsan kasi gumagawa kami ng projects namin kaya late na ako umuwi." Pagsisinungaling ko dahil hindi pwedeng malaman nilang nagtatrabaho ako tuwing gabi. Mapapagalitan ako ni papa, dahil nangako siya kay mama na aalagaan at hindi niya pababayaan. Ayoko namang laging umaasa sa kanya, mas okay na yung may naipon akong pera paluwas ng Maynila. "Zandria." Nagulat ako nang nararamdaman ko ang mainit niyang palad sa aking kamay. Lalong bumili ang kabog ng aking dibdib, kaya agad kong binawi yung kamay ko. "Ayos ka lang ba?" May pag-aalala niyang tanong, tumango naman ako nakalimutan kong may kausap pala me. "Ahh opo, okay lang ako." Agad kong sagot, nakakahiya lutang palang ako. Baka mahalata niyang nagsisinungaling talaga ako sa kanya. "Kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig, nandito na tayo sa school mo, may problema ka ba?" Muling tanong niya sa akin, ngumiti naman ako para hindi na siya mag-alala pa. Baka kiligin ako, na hindi naman dapat, che! "Okay lang po ako Uncle Mariano, wala akong problema puyat kasi ako kagabi dahil nag-review. Salamat po sa paghatid, ingat sa pag-uwi." Paalam ko dahil kapag nag tagal pa ako dito ay mala-late na talaga ako. "Sandali Zandria, here, calling card ko kapag may problema ka tawagan mo lang ako." Inabot niya sa akin yung card, kaya kinuha ko na lang at ibinulsa. Kumaway ako sa kanya bago tumakbo papasok sa gate. Sinalubong agad ako ng aking kaibigan, at mapang-asar na nakangiti sa akin. Wala ng araw na hindi ako inasar ng babaeng 'to. "Hoy! Sino yung naghatid sa'yo, boyfriend mo? Ikaw hah, hindi ka nagsasabi!" Chismosa na tanong ni Jada, tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kaibigan ni papa yun, anong boyfriend. Porket hinatid lang, may ibig sabihin na?" Mataray kong sagot sa kanya, bago ako naglakad "Aba malay ko bang kaibigan pala ng papa mo, tara na mala-late na tayo." Aya niya sa akin sabay hila, pagdating namin kung saan ang aming classroom. Pumasok na agad kami ni Jada, dahil maya-maya ay nandito na yung teacher namin. Sa unahan kami umupo, dahil ayoko sa likod wala akong maintindihan kapag doon ang pwesto namin. Kaya lagi kaming nasa harapan na dalawa. Matagal ko na kaibigan si Kada, nong high school pa lang ako. Masasabi kong masaya ang pagkakaibigan naming dalawa dahil challenge. Lahat ng bagay ay magkalaban kaming dalawa. Kami ang nag-uunahan sa ranking, walang may gusto matalo pero nanatili pa rin yung friendship naming dalawa. Dumating na nga yung teacher naming masungit, ewan ko ipinaglihi ata siya nang sama ng loob. Ayaw niya sa maingay, kahit konti kaluskos nagagalit agad paano naman kami aber? Pati pagbuga talaga namin ng hiningi pigil na pigil teh! Nagsimula na siyang nag-discuss about sa lesson namin, nag-take notes ako dahil baka next week siya magbibigay ng notes. Bigla pa namang nagpapa-quiz. Matapos ang aming klase, kumain mo na kaming magkaibigan sa cafeteria. Maging si Jada ay hindi niya alam ang tungkol sa aking trabaho. Sermon abot ko sa babaeng to for sure, dahil mas iniisip niya ay ang kanyang magiging kalaban sa lahat. "Maaga akong uuwi ngayon hah, kailangan kong mag-review baka magpa-quiz si ma'am bukas. Ikaw rin baka ma-zero ka, walang challenges!" Natatawa kong paalam kay Jada, tinaasan niya naman ako ng kilay bago nag-salita. "Kailan ka ba hindi maagang umuwi? Nakakainis hah! Lagi na lang mag-walwal naman tayo nuh Friday kaya ngayon walang pasok bukas!" Mataray niyang sagot sa akin, nag salubong naman ang kilay ko. "Duh friday ba ngayon?" Tanong ko sabay tingin sa aking cellphone, mahina akong tumawa patay Friday pala ngayon. "Ano? Mag-memorya plus ka nga nagiging makakalimutin ka na." Mataray niya pa rin na sabi sa akin. "Sorry naman malay ko bang Friday ngayon, hindi na kasi ako tumitingin ng kalendaryo!" Katwiran ko sa kanya tinaasan niya lang ako ng kilay. "Ano tara ba? Kahit tag-isang bote lang tayo sagot ko na!" Nagpupumilit niyang sabi sa akin hindi ako titigilan nito kaya bahala na. "Sige na, tara!" Pagsuko ko minsan lang naman, pagbigyan na nga baka magtampo na to. "Ayon hindi mo talaga ako matiis!" Natatawa niyang sagot, masaya siya habang palabas kami ng cafeteria. Alas singko palang mukhang resto bar ang punta namin ngayon. Agad na pumara ng taxi si Jada paglabas namin sa school. Sasakay na sana ako ng taxi pero may humila sa braso ko, kaya pareho kaming napatingin ni Jada sa aking likuran. Si Uncle Mariano, madilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Teka anong ginagawa niya dito? "Uncle Mariano, ano po ang ginagawa mo rito?" Tanong ko, walang choice kundi bumaba si Jada sa taxi at pinaalis na ito. "Sinusundo ka, let's go." Maikling sagot niya sa akin, hah? Sinusundo bakit? Inutusan ba siya ni papa? Nakakainis na talaga para akong bata sa ginagawa nila. "Ay may sundo ka na pala, next time na lang tayo lumabas." Sabi ni Jada bago lumapit sa'kin para i-kiss ako sa pisngi. "Sino yan hah? Kwento mo sa akin ang pogi!!" Kinikilig niyang bulong sa akin. "Babye Zand, ingat ka sa pag-uwi." Kumaway na siya sa akin bago muling pumara ng taxi. "So saan kayo pupunta?" Seryosong tanong ni Uncle Mariano habang nakasandal sa kotse niya. "Sakay Zandria, may pupuntahan tayong dalawa." Utos niya napanguso ako bago sumakay, saan naman kaya kami pupunta? Itatanan niya na ba ako? Hala, no no ang mo harot Zandria hindi naman ganyan si Uncle Mariano, anak nga ang turing sa'yo. Kaloka teh, bakit kasi may pagsundo pa siya sa akin? TO BE CONTINUED.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.9K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.8K
bc

The Real About My Husband

read
24.7K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
63.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
88.8K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook