Chapter 2

1557 Words
*Zandria's Pov* — Huminto ang sasakyan niya sa isang mamahaling hotel dito dito sa Baguio. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan niya ako, parang sa mga movies ko na lang mapapanood ang ganito eh. "Anong pong gagawin natin dito Uncle Mariano?" Tanong ko sa kanya, mabuti na yung nakakasiguro ako noh! Baka mamaya patayin at isinilid ako sa maleta, edi wala na. "May ibibigay ako sa'yong pasalubong, hindi naman kita nakalimutang bilhan." Seryoso niyang sagot sa akin, weh hindi niya ako nakalimutan? Kahit five years na hindi kami nagkita? "Ano pong pasalubong yan Uncle Mariano?" Muling tanong ko habang nakasunod sa kanya. "Mariano na lang ang itawag mo sa akin, huwag ng Uncle Mariano." Sabi niya bago pumasok sa elevator sumunod naman agad ako. "Eh bakit po? Uncle Mariano naman po kita, nasanay na ako." Nakakahiya naman kung Mariano lang para akong walang kagalang-galang. "Baka may makarinig sabihin sobrang tanda ko na." Malamig niya sagot, napakamot naman ako ng batok. "Sige po Unc- Mariano." Ang baduy, bakit kasi pang matanda pangalan niya. Pagbukas ng elevator ay lumabas na siya sumunod naman ako. Tumigil kami sa tapat ng isang room, pinindot niya yung password at kusang bumukas ang pinto. "Hintayin mo ako dyan sa sala kukunin ko lang yung para sayong pasalubong." Umupo na ako sa sofa siya naman ay umakyat ng hagdan. Iginala ko ang aking paningin, parang hindi lalaki yung nakatira rito dahil sobrang linis. Nahiya naman ang kwarto ko nuh, parang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat. Maya-maya pa ay pababa na siya ng hagdan, may dala itong dalawang paper bag ng Louis Vuitton at Prada. Nananaginip ba ako? Pinapangarap kong bag ang LV dahil may gusto akong bibilhin na bag yung Alma BB, nagandahan kasi ako doon pati yung Onthego MM masarap ‘to ihampas sa mga mosang na kapitbahay, chor! “Here, sana magustuhan mo.” Inabot niya sa akin yung paper bags. “Seryoso po kayo sa akin ito, walang halong joke?” Paninigurado na tanong ko mahirap na baka ma-paasa ako, masakit! “Yes, 'yan kasi ang sabi ng daddy mo sa akin. Wishlist mo raw iyan.” Nakangiti niyang sabi, wait ngumiti siya? Napatulala ako dahil lalo siyang mas gumwapo. "Buksan muna, I hope napili ko yung gusto mong bags." Utos niya, nag-aalangan akong buksan dahil mahal yung nasa wishlist ko. Ma-ingat kong binuksan yung paper bag para hindi masira. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang Alma BB nga yung binili niya. "Totoo po akin to? Hindi ka talaga nagbibiro Uncle Mariano?" Muling tanong ko habang nakatingin sa binigay niya, ang dream bag ko. "Oo sayo talaga yan, limang taon tayong hindi nagkita 'di ba? Nangako pa naman ako sayo noon na lagi kang may gift sa akin. Kaya yan ang napili kong regalo sayo." Naiiyak na ako OA na kung OA pero Potaenà, Hindi ako maiiyak ng ganito, dahil alam ko if magkano itong bag. Talagang kayod malala talaga ako para lang mabili ito, baka nga next life nalang dahil mas uunahin ko ang aking mga pangangailangan. Nasa one hundred thousands plus ang price nito, nanginginig yung kamay kong hinawakan 'to hindi ko pa inalis sa kanyang cover baka magasgasan. "Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sunod-sunod akong tumango sino bang hindi? LV kaya 'to. Maingat kong ibinalik sa loob paper. "Maraming salamat po dito Uncle Mariano, dapat yung mga mumurahin bags na lang po ang binili nyo. Nakakahiya." Nahihiya kong sabi sa kanya, nagulat ako dahil bigla niyang ginulo yung buhok ko. "Huwag mong intindihin ang presyo niyan, tara kumain mo na tayo sa labas bago kita ihatid sa bahay niyo." Aya niya sa akin, kinuha na nito yung paper bag at hinila ako palabas ng condo niya. Yung dibdib ko parang mababaliw sa sobrang bilis ng tibók. Dapat hindi ko na ito nararamdaman dahil limang taon ng hindi kami nag kita. Bakit parang nababaliw pa rin yung puso ko? May nararamdaman pa ba ako para sa kanya? Oh dahil ngayon lang ulit kami nagkita kaya ganito yung nararamdaman ko? "Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sa akin paglabas namin ng hotel. "Doon na lang po tayo, masarap dyan sa paresan." Turo ko sa malalapit na kainan hindi na kailangang gumamit ng sasakyan. "Hintayin mo ako rito, ilalagay ko lang ito sa kotse." Paalam niya tumango naman ako bilang sagot. Hindi ako mapakali habang hinihintay siya dahil ang lamig na, pinag-dikit ko ang aking kamay at hinihipan. Napatingin ako likuran ko dahil may naglagay ng jacket sa aking likuran. Si Uncle Mariano lang pa. "Tara na, sakto malamig masarap ang pares." Hinila na niya ulit yung kamay ko, nanatili lang akong tahimik. Pagpasok namin sa loob ng kainan, hinila niya ako papunta sa pinakadulo na pwesto. Umupo na ako, may lumapit sa aming babae may hawak itong papel. "Ano po sa inyo?" Nakangiti niyang tanong bago tumingin kay Uncle Mariano. "Dalawang pares overload tapos sabaw hah." Nakangiti kong sagot, agad namang tumango ang babae bago umalis. "Kamusta na ang daddy mo? Tinanong ko kasi kanina kung bakit hindi na siya sumasakay ng barko pero hindi niya ako sinasagot." Seryoso niya na tanong, sumandal naman ako sa aking kinauupuan. "Nangako po kasi siya kay mama na aalagaan niya ako at hindi iiwan. Simula noong namatay si mama mas pinili na lang niyang magtayo ng kainan. Naging okay naman po ang negosyo niyang iyon hanggang ngayon. Sinabihan ko na rin po siya na okay lang ako, kasi ilang buwan lang naman iyon. Kaso po ayaw na niya talaga, masaya na raw siyang kumikita ng kahit hindi kalakihan basta mabantayan lang niya ako." Mahabang kwento ko sa kanya, napatango naman siya habang nakatingin sa akin. "Kaya nag-aaral po akong mabuti para kahit papaano ay masuklian ang pagsusumikap niya makapagtapos lang ako. " Dagdag kong sabi sa kanya. "Kung may problema kayo tawag mo lang ako. Matalik kaming magkaibigan ng papa mo, siya lang yung dumamay sa akin noong mga panahong nahihirapan din ako." Muli niyang sabi sa seryoso pa ring boses, tumango naman ako bilang tugon. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay may kaibigan pa rin si papa na handang tumulong sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na yung order namin. Biglang tumunog ang aking tiyan dahil naamoy ko ang mabangong pares nila. Nagdasal mo na ako ng tahimik bago nagsimulang kumain. Tahimik lang kaming dalawa dahil na rin siguro sa gutom. Grabe ang sarap talaga ng pares nila rito, hindi tinipid at sulit ang bayad ang daming laman. Tapos may masarap pa silang bulalo soup na merong mais at kaunting gulay. "Nagustuhan mo po ba Uncle Mariano?" Tanong ko sa kanya. "Oo hindi siya yung tulad ng pares na natikman ko, malasa at maraming sahog." Sagot niya bago muling sumubo. "Sino palang kasama niyong pumunta rito? Girlfriend mo po?" Muling tanong ko sa kanya. "Mag-isa lang ako, at wala akong girlfriend." Napataas naman ako ng kilay habang nakatingin sa kanya. "Weh, maniwalang pong wala kang girlfriend? Sa yaman at gwapo mong yan." Sabi ko sa kanya. "So nagwagwapohan ka sa akin?" Nakangisi niya na tanong, bago humigop ng sabaw. "Bakit totoo naman po at saka wala naman pong ibig sabihin ng sinabi ko." Nakanguso na sagot ko sa kanya. "Ikaw may boyfriend ka ba?" Malamig niyang tanong sunod-sunod naman akong umiling. "Wala po hah nasa pag-aaral ang focus ko ngayon." Agad kong sagot, hindi ko pa nga nararanasan magkaroon ng boyfriend. "Mag-aral kang mabuti huwag kang makikipag boyfriend. Bago ka magpaligaw ipakilala mo muna sa akin, para makilatis ko!" Seryoso niyang sabi habang titig na titig sa akin, para akong natutunaw sa kanyang mga titig. Matapos kaming kumain ay inihatid na niya ako sa bahay. "Maraming salamat po Uncle Mariano, mag-ingat po kayo sa paguwi." Pasasalamat ko sa kanya. "Sinabi ko na sayo Mariano o Ian nalang ang itawag mo sa akin." Seryoso na naman niyang sabi, ngumiti na lamang ako. "Pumasok ka na sa loob gabi na." Utos nito kumaway muna ako sa kanyang. Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ang aking step dad na nakaupo sa sofa. "Si Mariano ba ang naghatid sa'yo?" Tanong niya, ngumiti naman ako. "Opo papa, binigyan niya ako ng regalo. Bakit mo namang sinabi na ito yung nasa wishlist ko?" Nakanguso na tanong ko sa kanya. "Regalo ko yan sayo, baka bigay niya yung isang bag." Agad niyang sagot, lumapit ako sa kanya at niyakap. "Salamat papa, pero dapat huwag na lang dapat inipon mo na lang yung pera." Ginulo niya ang aking buhok. "Pinag-ipunan ko yan para regalo sayo sa graduation mo, kaya sana mag-aral kang mabuti." Tumango naman ako. "Syempre naman po, makapagtapos ako ng pag-aaral papa." Agad kong sagot sa kanya. "Siguradong tuwa-tuwa ang mama mo, dahil yung prinsesa namin dalaga na. Pero kailangan ka magpapakilala sa akin ng boyfriend mo? Wala ka pa bang manliligaw? Ang ganda ng anak ko tapos walang boyfriend." Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. "Papa, kapag nakita ko na yung lalaking katulad mo makikipag relasyon na ako." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Para hindi ka nag-aalala sa akin, yung aalagaan ako tulad ng ginagawa mo sa akin. At lalong hindi iiwan." Dagdag kong sabi. "Bigla akong kinabahan wala na atang katulad ko ngayon baka maging matandang dalaga ka." Nagtawanan kaming dalawa dahil sa kanyang sinabi. Meron naman po, kaso malabong magustuhan niya ako dahil anak lang din ang trato sa akin. TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD