Jasmine
Pumadyak ako nang huminto ang bus na sinasakyan ko. Gusto kong sabihan ang driver na mag-drive na para makaalis na kami kaagad dito. Malabo naman iyon mangyari dahil huminto ito para may isakay na mga pasahero.
Last trip na 'tong sinasakyan ko. Naiinip na akong umalis kaya palinga-linga ako sa paligid. Matindi ang kaba na namamayani sa akin. Mamaya niyan ay magising si Mr. Cojuangco at makita niya na wala ako sa kanyang tabi. Lagot ako kapag nagkataon!
Mahuhuli nila ako kaagad dahil hindi pa nakakalayo ng tuluyan ang bus sa mansion niya. Mga sampung metro pa lang siguro ang layo ng biyahe amin dahil nakikita ko pa rin ang mansion dito. Marami iyong ilaw sa gilid ng bakod kaya alam ko na iyon pa rin ang pinagmulan ko.
Ang dami pa naman niyang bodyguard na pwede niya utusan upang hanapin ako. Marami siyang kotse na pwedeng gamitin para madali ako habulin.
Naramdaman ko ang pangangatal ng aking katawan nang maisip iyon. Pwede iyong mangyari lalo na at ayaw niya ako makatakas.
Well, problema na niya iyon. Basta tuloy ang pagtakas ko. Hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa akin. Mahal ko ang katawan ko at ayaw ko ng madagdagan ang pagdumi nito.
Paano kung mabuntis niya ako? Natatakot ako sa posibilidad na pwede iyong mangyari. Paano kaya kapag nagkatotoo ang mga iniisip ko? Natatakot ako para sa anak ko kung sakali. Baka ipalaglag niya ito dahil ayaw niya na mabuntis ako. Mawawalan ako ng silbi sa kanya.
Tumingin ako sa labas ng bintana para tingnan kung may sumusunod sa bus. Nakahinga ako nang maluwang ng wala akong makita ni isa man na sasakyan.
Sumandal ako sa upuan ko nang maging kuntento na ang pakiramdam ko. Inaantok na ako ngunit kailangan kong manatili na gising dahil baka lumampas ako sa destinasyon ko.
Sa NAIA ang tungo ko dahil naisip ko na mas mainam ang eroplano kaysa sa barko. Natatakot ako maulit iyong nangyari noong musmos pa lang ako. Wala man ako natatandaan sa nangyari ay ayaw ko naman iyong mangyari muli.
Sana may kahihinatnan ang pagtungo ko sa Cebu. Dalangin ko na may makuha ako kahit konti lamang na impormasyon na magtuturo sa mga magulang ko. Iyon ay kung hindi sila nasama sa mga tao na nasawi sa trahedyang iyon.
Muling umandar ang bus, nakaramdam ako ng kaginhawaan. Tuluy-tuloy na sana ang pag-andar nito dahil baka magkaroon pa ng pagkakataon si Mr. Cojuangco na abutan ako. Tanging bus lang paghihinalaan niya na sakyan ko dahil iyon lang nagbibiyahe ng ganitong oras.
Nakaramdam ako nang pananakit ng aking sikmura. Malakas itong tumunog dahilan para mapangiwi ako. Hindi pala ako nakakain nang maayos kaninang hapunan.
"Hay, ba't kasi sobrang excited mo Jasmine," bulong ko sa aking sarili.
Nahihiyang nagpaling-linga ako sa paligid. Naghahanap ako nang nagbebenta ng balot, mani o 'di kaya naman ay kahit tubig lang ay sapat na. Pero mukhang wala man lang naligaw na nagbebenta sa loob ng bus.
Sabagay, anong oras na rin. Siguro nasa alas-onse na ng gabi.
Tulog halos lahat ng pasahero, ako na lang yata ang nanatiling gising. Mamaya na lang ako matutulog kapag nakasakay na ako ng eroplano. Makakapag-relax na ako mamaya dahil malayo na ako sa kanya.
Napapikit ako nang makaramdam ng pagkahilo. Heto ang malaking problema ko ngayon. Hindi nga pala ako sanay sumakay sa bus dahil hindi ko gusto ang amoy ng aircon. Masyadong mabagsik ang amoy ng aircon. Mas sanay ako sumakay ng mini bus.
Nasa grade eleven noon ako nang first time ko na makasakay ng aircon na bus. Field trip iyon at mandatory na sumama lahat. Nagsuka ako at sobrang nahilo sa amoy ng bus. Hindi ko nga alam ang gagawin ko dahil feeling ko katapusan ko na. Na-suffocate ako at handa na sanang mahimatay nang bigla ay huminto ang bus at ianunsiyo na nasa tamang lugar na kami.
Napakapit ako sa upuan ng bus nang maramdaman kong babaliktad na ang aking sikmura. Sa sobrang excited ko na makaalis ay nawala sa isip ko ang magiging suliranin ko ngayon sa loob ng bus.
Inilabas ko ang kendi na nasa loob ng bagpack ko. Ito ang naisip ko na remedyo upang maibsan ang urge ko na magsuka. Guminhawa ang aking pakiramdam. Nagpunas ako ng pawis saka ako huminga nang malalim. Sana malapit na kami sa terminal ng Dau para makalipat ako sa ibang bus na papuntang Manila.
Mga limang minuto ulit ang nakalipas ay biglang bumaliktad na naman ang sikmura ko. Natutop ko ang aking bibig at naghanap ng plastic bag. Ayoko magkalat dito lalo na at ang sarap ng tulog ng mga kasama kong pasahero.
Napapikit ako nang mariin. Kumapit ako sa upuan habang sapo pa rin ang aking bibig. Naka-ready na ang supot pero ayaw naman lumabas.
Bahala na...
"Ahm, Miss. Are you okey?"
Napamulagat ako nang marinig ang boses ng isang babae. Mataray iyon at halatang iritado. Hinanap ko kung saan ang may-ari ng boses. Napangiwi ako nang dumapo ang tingin ko sa isang sopistikadang babae na napakaganda.
Makapal ang make-up niya at matapang ang awra ng kanyang mukha. Singkit ang mga mata niya na parang gaya ng sa akin, iyon nga lang matapang ang kanya samantalang ang akin ay malumanay.
Pareho kami ng hugis ng mukha at mga labi. Parang may kahawig siya ngunit hindi ko maalala kung sino.
Nakasuot siya ng isang gown na makinang na sa tingin ko ay 'di nababagay na sumakay siya sa bus dahil masyado siyang maganda at sosyal.
Cheap ang bus para sa kanya dahil mukha siyang mamahalin. Pati ang suot niyang sapatos ay mukhang mamahalin ang brand. Lumagpas ang tingin ko sa likod niya nang makita ang isang lalaki na masarap ang tulog. Nakahilig ito sa kanyang balikat at mariin na nakapikit.
"Hey, tapos ka na ba sa pag-oobserba sa akin?" Nakataas ang kilay niya at mukhang hindi nagustuhan ang pagtagal ng titig ko.
"Pasensiya na, Miss." Nagyuko ako ng ulo nang hindi na ako makatiis sa matalim niyang titig. Agaw-pansin kasi ang awra niya kaya hindi ko siya napigilang kilatisin.
"Okey ka lang? You looked constipated."
"Pasensiya na, nasusuka kasi ako." nahihiyang pag-amin ko. Tumingin ako sa kanya at hindi ko nagustuhan ang reaksiyon ng kanyang mukha.
"Ewww! Grossed!" nandidiring bulalas niya.
Napasimangot ako sa tinuran niya. Nasusuka nga ako ano magagawa ko?
"Don't try to p**e here or I'm gonna throw you outside!" Humalukipkip siya habang nakatitig sa akin ang iritado niyang mga mata. Hindi ko naman iyon nagustuhan dahil napakaantipatika lang ng babaeng ito. Sukahan ko kaya siya?
"Here, take this. It will ease your green sickness." May iniabot siya sa akin. Alanganin naman ako na abutin iyon. "Gamot iyan para hindi ka masuka." Umikot ang mga eyeballs niya.
Napabuga na lang ako ng hangin sa pagpipigil ng inis at saka tinanggap ang gamot. Mabilis ko itong ininom.
"S-Salamat."
Umirap lang siya at saka inalis ang atensyon sa akin.
Pasikreto rin ako umirap sa kanya. Ang sarap sabunutan ng bruhang ito. Lalagasin ko ang buhok niya sa ulo kapag hindi ako nagtimpi. Mabait ako pero lumalabas ang pagkamaldita ko kapag nadedehado ako.
Aalisin ko na sana ang tingin sa kanya nang dumako ang mga mata ko sa isang painting na nakalapag sa side ng upuan ko.
Kuryuso na dumako ang tingin ko roon. Hindi ko makuha kung ano ang nakapinta roon dahil abstract ito. Mahirap unawain ang nakapinta roon kailangan na titigan muna itong mabuti bago makuha ang nais ipahiwatig.
Marunong din ako mag-drawing at ang pagpipinta ang isa sa pangarap ko.
Fine Arts ang gusto kong kunin sa kolehiyo kung magkakaroon ako ng tiyansa para makapag-aral.
Siya kaya ang nagpinta sa painting? O binili niya kaya ito? Kung siya ang painter, ang galing naman niya kung ganoon. Nakakainggit dahil nakakaguhit siya sa canvas. Ito ang gusto kong i-try.
"Oh, ano na naman tinitingin-tingin mo riyan?" mataray at matigas niyang pagta-Tagalog.
Bahagya akong napapitlag dahil sa gulat. Akala ko inalis na niya ang tingin sa akin.
"W-Wala naman po. Nagandahan lang po ako sa painting."
Pansin ko, magkaboses kami. Parang ang dami yata naming similarities. Mata, labi, hugis ng mukha, at boses.
Ngumiti ako sa kanya nang alanganin. Irap naman ang isinukli niya sa akin. Ang sungit lang talaga ng babaeng ito. Dapat sa kanya sa kotse siya sumakay para hindi siya naaalibadbaran sa tingin ng tao sa kanya. Parang pinangdidirihan niya ang mga tao, especially me.
I just ignored her, inalis ko ang atensiyon sa kanya. Mabuti na ang pakiramdam ko. Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa labas ng bus. Iniwasan ko na tumingin sa masungit na babae. Baka masabunutan ko na talaga siya.
Namamangha ako sa mga naglalakihang bahay na nadaraanan namin. Makukulay at mararangya ang mga ito. Malalaki at malalawak ang lupain ng bawat kinatitirikan ng bahay. Kapag ako nanalo sa lotto ay higit na mas malaki at malawak ang ipapatayo ko kaysa sa mga ito. Iyon ay kung manalo ako, hindi naman ako tumataya.
Libre lang naman mangarap.
"Hey, Franco! Wake-up! Malapit na ba tayo?" naulinigan kong iritadong tanong ng maarteng babae.
"Medyo, Honey. Don't worry malapit na tayo," sagot naman ng tinanong. Parang may amusement na kalakip sa boses ng lalaki. Siguro, first time ng babae na sumakay ng bus.
"Tss! Bakit kasi doon mo pa naisipang itirik ang sasakyan mo?" mataray na tanong ng babae.
"Sorry, sweetheart. Nakalimutan kong ikundisyon ang kotse. Matagal na hindi nagamit kaya tumirik," natatawang sabi ng lalaki.
Gusto ko makita ang reaksiyon ng babae ngunit inis ako rito dahil sa kasungitan niya.
"Whatever!"
"Ahhhhhh!"
"s**t!"
Muntik na ako sumubsob nang biglang magpreno ang bus. Lahat ng natutulog ay napamura at nagreklamo. Malamang may nauntog sa kanila o 'di kaya naman ay nasaktan dahil biglang nagpreno ang bus na parang may iniwasan.
Tumayo ang mga tao na galit na galit. Tinanong nila ang conductor at ang driver.
"Ano ba 'yan?''
"Lasing ba 'yang driver?"
"Ano ba'ng nangyari? May nabangga ba?"
"P@tang-ina! Maghinay-hinay nga kayo sa pagmamaneho!"
Iyan ang litanya ng mga pasahero habang bumubulong sa kani-kanilang upuan. Ang conductor naman ay ilang ulit na humingi ng paumanhin. Nagpapaliwanag siya kung ano ang nangyari. Nagtataka nga raw ang driver dahil parang sinadya ng driver ng kotse na harangin ang daraanin namin.
Huwag naman sanang holdap ito dahil sayang ang perang makukuha nila sa akin. Para sa kinabukasan ko ito kaya hindi nila dapat makuha ito sa akin.
Dinukot ko ito sa aking bag at iniipit ito sa loob ng medyas ko. Dito ko muna pansamantalang itatago dahil mahirap na.
Tumingin ako sa gawi ng babae kung saan siya nakaupo. Wala na siya roon at ang kasama niya. Kanina pa pala sila nakababa. Salamat na lang dahil hindi ko na makikita ang nakakayamot niyang mukha.
Patuloy pa rin ang pagrereklamo ng mga tao habang nagpapaliwanag pa rin ang conductor at driver. Nagmamatigasan sila sa diskusyon na walang katuturan. Naiinip na ako dahil gusto ko na makaalis dito.
"Hindi ko nga kasalanan!" anang driver.
"Reckless ka kasi! Paano na tayo makakapagbiyahe nito? Kailangan ko humabol sa flight ko!" reklamo ng isa.
"Iyong mga nakakotse ang sisihin ninyo at hindi ako!" pagtatanggol naman ng driver sa sarili.
"Tama siya! Magsitigil na kayo kung ayaw ninyong barilin ko ang mga bunganga ninyo!" sigaw ng isang maotoridad na boses.
Namutla ako nang marinig iyon. Hindi pala holdap ito dahil ang pagtakas ko ang pakay nila. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon at labis ako kinabahan.
Oh my gosh! Lagot ako nito! Naabutan pa rin pala nila ako! Iisa lang ang ibig sabihin nito. Natunton niya ako!
Natahimik ang mga tao sa pagrereklamo ng marinig ang boses niya. Parang nalulon nila ang kanilang dila dahil sa takot na barilin sila nito. Mulagat ang kanilang mga mata habang nakanganga.
"Walang magsasalita sa inyo, magrereklamo, at gagalaw diyan sa mha upuan ninyo. Mabilis lang ito dahil may hinahanap kaming tao!"
Naging estatwa ang bawat tao sa loob ng bus, including me. Siguro, marami ang nakakakilala kay Mr. Cojuangco kaya walang nangahas na magsalita.
"May nakita ba kayong babae na hanggang bewang ang buhok, maputi, maganda, at maliit?" narinig kong usisa ng bodyguard niya.
Galamay niya ang mga naghahanap at mukhang inisa-isa nila ang bawat sakay ng bus. Sana walang magturo sa akin. Medyo nagkubli ako at yumuko upang hindi ako makita.
Tumingin ako sa labas. Nanlumo ako nang makita ko si Mr. Cojuangco na nasa labas na at nakatingin sa loob ng bus. Ang daming sasakyan sa labas na nakaharang sa bus. Talagang nagdala siya ng maraming galamay.
Ano pa bang kailangan niya sa akin? Nakuha na naman niya ang gusto niya! Bakit pa siya nag-aksaya ng panahon na habulin ako?
Tulirong sumilip ako sa harap habang iniisa-isa nila ang inspeksyon sa mga pasahero.
Muli akong sumulyap kay Mr. Cojuangco ngunit nawala siya bigla kung saan siya nakatayo kanina.
Napalunok ako ng medyo malapit na sila sa upuan ko. Nag-isip ako ng magandang paraan upang hindi nila ako makikilala. Ngunit napakaimposible naman niyon dahil hindi ko alam kung paano ko sila iiwasan.
Namataan ko ang katapat kong pintuan na nakabukas. Marahil binuksan ito ng driver upang makapasok ang ilang bodyguard ni Mr. Cojuangco.
Dito ako daraan upang hindi nila ako mapansin. Kaagad akong yumuko at pagapang na tinahak ang pintuan habang busy ang apat na galamay ni Mr. Cojuangco sa pagtingin sa mga tao.
Nakalabas ako na walang nakakapansin sa akin. Abot-tainga ang ngiti ko ng tumalikod ako at handa na sanang tumakbo nang bigla ako bumangga sa katawan ng kung sino.
"Where do you think you're going? Sa tingin mo, madali para sa iyo na takasan ako?" nanggagalaiting sigaw ni Mr. Cojuangco. Napaatras ako at nanginig nang matindi dahil sa takot.
Nanlilisik ang kanyang mga mata at bakas ang matinding galit. Sinunggaban niya ako at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
"S-Sir Sky, hayaan na lang po ninyo ako maka---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumapo sa mukha ko ang kanyang palad.
Sa lakas ng sampal niya ay napasalampak ako sa sementadong kalsada. Napaiyak ako habang hawak ang pisngi na sinampal niya. Pero mas lalo ako napaiyak ng maglakad siya palapit sa akin at muli akong sinampal.
"No! You're not going anywhere! Ang lakas ng loob mo na takasan ako? Akala mo ba makakatakas ka sa akin? You're wrong, Jasmine! You will stay in my house until you die!"
Napahagulgol ako nang malakas ng hilain niya ako sa buhok. Napilitan ako tumayo dahil sa lakas ng kanyang paghila.
"T-Tama na. Nasasaktan ako," pagmamakaawa ko habang mabilis niya ako hinihila patungo sa kanyang sasakyan.
"Talagang masasaktan ka sa akin!" singhal niya.
"Aray! Tama na!" Pakiramdam ko makakalbo na ako dahil sa paghila niya sa akin gamit ang aking buhok.
"Maawa ka naman sa akin Sir Sky. Payagan mo na ako umalis." Ngunit isa man sa pakiusap ko ay naging bingi siya.
Naghalo ang luha, pawis, at sipon sa mukha ko. Awang-awa ako sa sarili ko dahil lahat ng tao na sakay ng bus ay nakikiusyuso na sa amin. May nakita akong galit, nalungkot, at naawa ngunit isa man sa kanila ay walang nais na tumulong.
"Pasok!"
"Ayoko! Please, hayaan mo na ako." Humawak ako sa pintuan ng kotse upang hindi niya ako maipasok sa kotse.
Ayoko na sumama sa kanya!
"Makulit ka rin ano? Gusto mo ulit masaktan? Pwes! Ipapadama ko sa iyo kung paano ako magalit!" Dumagundong ang kanyang boses at bigla ako nagsisi.
Lumagapak ang palad niya sa mukha ko at halos matumba ako kung hindi ko lang nabalanse ang aking katawan.
Umiiyak na sinapo ko muli ang mukha ko. Awang-awa ako sa sarili ko pero hindi pa pala siya tapos sa pananakit sa akin. Napapikit na lang ako nang bigla ulit niya itaas ang palad niya para sa isang malakas na sampal.
"Tama na 'yan, Sky! Don't hurt her!"