Justin's POV "Sky! Tigilan mo 'yan! Huwag mo na siyang saktan!" malakas na sigaw ko nang makita ko na sasampalin na naman ni Sky si Jasmine. Hindi ko siya napigilan sa una kaya lumapit na ako para patigilin siya. Nagtatakbo ako palapit sa kanila para pigilan siya sa pananakit sa babae. Alam ko nahuli na ako dahil baka hindi lang mag-asawang sampal ang natamo ng kawawang babae sa kamay ng kaibigan ko. Knowing Sky ay wala itong awa, masasaktan at masasaktan niya si Jasmine. Lalo na at galit na galit siya kanina nang tumawag sa akin para magpatulong sa paghahanap kay Jasmine. Hindi ko nga sana nais tumulong dahil natuwa ako sa ginawang pagtakas ng babae. Subalit sa kabilang banda ay nalungkot ako. Kahit anong gawin pagtatago ni Jasmine ay makikita lang siya ni Sky. Mayaman si Sky, bilyo