Jasmine
Marahan ang ginawa kong pag-alis sa kama nang masiguro ko na tulog na si Mr. Cojuangco. I stand in front of him while crying. Nakipagtalik na naman kasi siya sa akin kaya umiiyak na naman ako. I wiped my tears away. Minasdan ko siyang mabuti kung natutulog na ba siya nang mahimbing.
Kita ko naman na nakapikit siya at hindi na gumagalaw ang talukap. Payapa na rin ang kanyang paghinga kaya nakakasiguro ako na mahimbing na ang kanyang pagtulog.
Twenty minutes na rin naman ang nakalipas kaya sigurado ako na tulog na tulog na siya.
Tahimik ako na naglakad papunta sa kabinet kung saan nakalagay ang bag ng damit na hinanda ko para sa gabing ito. Maingat ko itong inilabas saka nilapag malapit sa may pintuan.
Nilapitan ko muli ang kabinet para kumuha naman ng isusuot ko. Napili ko isuot ang isang itim na t-shirt at isang itim din na leggings. Maigi na ito ang isuot ko dahil hindi ako madaling makikita at mahuli ng sino man para sa pagtakas na gagawin ko. Mabilis ang ginawa kong pagbibihis dahil ayoko na sayangin ang oras. Bawat segundo ay mahalaga sa akin.
Tonight, I will escape from the demon. Hindi ko na talaga kakayanin pang manatili sa piling ni Mr. Cojuangco.
Gabi-gabi niya akong ginagalaw at madalas na masaktan muna ako bago niya magawa ang panghahalay sa akin.
Nanlalaban ako dahil ayoko pero hindi ako nagtumpay kahit isang beses. Nagawa pa rin niya ang kanyang gusto.
Halos gabi-gabi iyon at wala siyang absent. At ang masakit pa nito ay hindi ko iniinom ang mga gamot ko para hindi ako mabuntis. Nakakalimutan ko na dahil sa pagod. Nakakatulog na kasi ako pagkatapos niya ako gamitin. Sa umaga ay nakakalimutan ko rin dahil dinadalaw ako ng kanyang mga kaibigan para sa isang 'show'.
Ang maikling show na labis kong pinagpapasalamat sa kanila. Salitan sina Mr. Salazar at Dr. Lopez sa pagdalaw sa akin. Lalabas sila ng kwarto na pawisan at malawak ang ngiti sa labi. Iyong mukha na tila nanalo sa lotto o kaya naman ay nakarating sa langit.
Nagtataka naman ako kapag nakikita ko si Mr. Cojuangco na hindi maipinta ang kanyang mukha kapag nakaalis na ang mga kaibigan niya na abot-tainga ang ngiti.
Weird ang reaksyon niya. Hindi ba siya natutuwa sa ginagawa namin sa loob. Naiinggit ba siya sa mga sigaw at ungol ng mga kaibigan niya kapag kasama ko sila sa kwarto?
Ang pinagtataka ko pa sa kanya ay bigla niya akong uutusan na pumasok sa banyo at sasabihin sa akin na magbabad ako sa bathtub.
Nagtataka man ay sumusunod na lang ako sa mga utos niya. Habang nasa loob naman ako ng banyo ay paulit-ulit siyang nagmumura sa labas. Hindi malinaw sa aking pandinig ngunit alam ko na nagmumura siya.
Pagkatapos na makapagbihis ay binuksan ko naman ang isang drawer at kinuha ang perang nasa sobre na ibinigay niya kagabi. Sweldo ko raw iyon dahil isang buwan na akong nagtatrabaho sa kanila.
Sobra akong nagalak nang matanggap iyon. Hindi ako nagpahalata sa kanya dahil gagamitin ko ang perang ito sa pagtakas. Ito na lang naman ang hinihintay ko dahil ito ang gagamitin ko upang makalayo ng tuluyan kay Mr. Cojuangco.
Sa mga nakalipas na araw na pananatili ko rito sa mansion ay unti-unti kong pinag-aralan ang bawat sulok nito. Kung saan ako pwede dumaan at saan ako pwedeng tumakas. Pero hindi sapat iyon dahil hindi naman ako masyadong nakakalayo dahil sa mga bantay na nakakalat sa paligid.
Si Aling Marta ang naisip ko na lansihin upang makakuha ng impormasyon.
"Matagal na po kayo rito, Aling Marta?" Isang araw ay tanong ko. Bored kasi ako ng araw na iyon kaya bumaba ako para pumunta ng kusina.
Nakita ko naman siya roon na busy sa pagbabalat ng sibuyas. Timing ito dahil magsisimula na ako kumalap ng impormasyon para makatakas ako rito sa mansion.
"Oo naman, hija. Disisiyete anyos pa lang ako ay naririto na ako sa mansion ng mga Cojuangco."
"Ang tagal naman na po pala. Ibig sabihin kabisado na ninyo ang pasikot-sikot dito sa mansion?" kunwari ay tanong ko.
"Siyempre naman. Dito na ako tumanda at nag-asawa. Malapit lang ang bahay namin. Diyan lang sa likuran ng mansion."
"Malapit lang po bahay ninyo rito?"
"Oo, malapit lang. Kasi riyan sa likod ng mansion ay may gate riyan. Paglabas mo ng gate ay kalsada na. Pagtawid naman ng kalsada ay bahay na namin. Makikita mo na rin doon ang sakayan ng bus, tricyle, at jeep."
"Ah, okey po." Sa isip ko ay sobrang natuwa ako dahil hindi ako nahirapang kumuha ng details sa kanya.
Iniba ko bigla ang usapan. Baka makahalata ang matanda ay bigla mabulilyaso ang plano kong pagtakas.
Sakto ang araw na ito para masagawa ko ang inaasam kong pagtakas. Tulog na ang demonyo. Tahimik ang paligid. Wala ng bantay sa likod at nasa akin ang susi ng gate sa likod ng mansion.
Doon ako dadaan dahil paglabas ko roon ay kalsada na. Kung papalarin na may bus pa na bumibyahe ng ganitong oras ay magiging madali ang aking pagtakas.
Binitbit ko ang bag na siyang tanging dadalhin ko sa pagtakas. Mga lumang damit ko ito nang unang tumapak ako rito. Wala akong dinala isa man sa mga ibinigay ni Mr. Cojuangco sa akin.
Marahan ko hinawakan ang seradura ng pinto. Dahan-dahan ang pagbukas ko rito para hindi gumawa ng ingay. Sinulyapan ko siya sa huling beses. Galit pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Gusto kong malaman kung bakit ganito ang trato niya sa akin ngunit walang makapagsabi kung bakit. Pati ang mga kaibigan niya na lagi kong nakakasama sa kwarto ay umiiwas din sa mga tanong ko.
Kaya naman tatakas na ako habang maaga pa. Kapag nakatakas ako ngayong gabi ay sisiguraduhin ko na hinding-hindi na magkukrus muli ang landas namin ni Mr. Cojuangco.
Halos isang buwan niya ako ginamit. Sana makuntento na siya roon. Huwag niya na sana ako hanapin. Humanap na lang siya ng kapalit ko.
Pero palaisipan sa akin kung bakit kailangan namin magpanggap nina Mr. Salazar at Dr. Lopez. Ano bang ibig nilang palabasin doon? Naguguluhan ako pero pinagpapasalamat ko ang ginagawa nila.
"You just go with the flow, Jasmine. Give your best act." Si Dr. Lopez habang isa-isa niyang tinatanggal ang kanyang damit.
Tumalikod naman ako dahil hindi ko siya kayang panoorin na nagtatanggal ng kanyang pang-itaas.
"I-low mode mo ang aircon, then let's act," utos niya. Kaagad naman ako tumalima at ni-low mode ang lamig ng aircon.
"S-Sigurado po kayo na hindi tayo papalpak?" nag-aalangan na tanong ko.
Lumapit ako sa kanya at medyo umiwas ng sulyap sa katawan niya.
He is just wearing his boxer shorts and I felt uneasy.
"Yes, ofcourse. Anong gusto mo? Totohanin natin? Come on, I'm ready!" Pilyo itong ngumiti saka hinila ako sa kamay.
"Sir Justin, h-huwag naman kayo magbiro ng ganyan." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at dumistansiya sa kanya.
Malakas siyang napahalakhak.
"Just kidding! Ikaw naman bigla ka kinabahan. Just relax, okey. You are safe with me. Unless, you want to taste my body. I promised I'll be gentle to you." Kumindat siya sa akin sabay tawa na naman nang malakas.
Napailing na lang ako nang maalala iyon. Natatawa ako kapag ginagawa namin iyon dahil naiilang ako sa kanila ni Mr. Salazar.
Kung may CCTV lang sa kwarto ni Mr. Cojuangco ay nabisto na niya ang kasinungalingan namin.
Tahimik ang pagtahak ko papunta sa hagdan. Marahan at mabilis ang ginagawa kong pagbaba dahil baka may makahuli sa akin at isumbong ako sa demonyo. Wala sanang maalimpungatan isa man sa kanila dahil lagot ako kapag may nakakita sa akin.
Baka kapag nahuli ako ni Mr. Cojuangco ay iposas na niya ako at ikulong na lang sa kanyang kuwarto.
Takot ako sa banta niya na papatayin ako kapag sinubukan ko tumakas. Pero heto ako ngayon at desidido na kumawala . Sapalaran ang gagawin kong pagtakas dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ko. Marami pa ako pangarap sa buhay at hindi ko hahayaan na sirain iyon ng lalaking wala magawa sa buhay.
Normal na buhay ang gusto ko maranasan at hindi ko iyon malalasap hangga't hawak ako sa leeg ni Mr. Cojuangco.
Sa Cebu ang punta ko. Doon ako didiretso kapag nakalabas ako ng San Juan. Magtatanong ako sa police station tungkol sa lumubog na barko seventeen years ago. Magbabakasakali ako kung may naghanap ba sa akin. Baka sakaling mahanap ko na ang aking pamilya.
Malaki ang ibinigay ni Mr. Cojuangco na sweldo ko. Sapat iyon para pangtustos ko sa isang buwan kapag wala ako napala sa pakay ko sa Cebu. Maghahanap ako ng paupahang kuwarto at susubukan ko maghanap ng matinong trabaho.
Nakababa ako nang walang nakapansin sa akin. Hinihingal na sumandal ako sa dingding habang alerto ang mga mata ko sa paligid. Tumingin ako sa taas, tahimik pa naman ang kuwarto na pinanggalingan ko.
Sana makalabas ako nang matiwasay dahil kapag nahuli ako at nagkahabulan ay dehado ako. Maliit ako at mabagal tumakbo. At saka isa pa, may dala akong bag. Sagabal ito sa aking pagtakbo.
Sa may kusina ako dadaan dahil hindi pwede sa main door. Mabigat ang pintuan doon at baka lumikha pa iyon ng ingay.
Ang lawak ng ngiti ko ng makalabas ako sa may kusina. Isa na lang ang problema ko, at iyon ay ang makalabas sa back gate. Gagamitin ko maliit na pintuan doon na labasan ng tao. Ninakaw ko ang susi nito kanina sa mga susian na nakita kong nakasabit. Bawat susi ay may pangalan kaya hindi ako nagkamali ng pulot.
Wala pa ring nakapansin sa akin hanggang makarating ako sa back gate. Pati ang mga aso na nakakulong ay tahimik at tila hindi napansin ang aking galaw.
Nagtatakbo ako palabas nang makalabas ako sa gate. Kaagad kong pinara ang unang bus na nakita kong paalis.
Heto na!
Paalam, Lanz Sky Cojuangco! Huwag na sanang magkrus muli ang mga landas natin!