Kabanata 1: Jasmine POV Hindi ka makakatakas!
Hinahabol ko ang aking paghinga nang bahagyang sumilip ako sa aking pinagtataguan. Halos panawan na ako ng ulirat nang makita kong nasa malapit na ang lalaking aking tinataguan. Sinasaliksik niya ang bawat makakapal na halaman na sa wari ko ay iniisip niya na maaaring pagtaguan ko. Napasinghap ako nang makitang papalapit na talaga siya at ta mabubuko na niya kung saan ako nagtatago. Nanalangin ako nang tahimik na sana ay hindi niya ako mabisto dahil malalagot ako!
Kinagat ko nang mariin ang aking pang-ibabang labi para hindi ako makagawa ng ingay nang sumungaw ang ulo niya sa aking pinagtataguan. Isiniksik ko pa ang aking katawan sa mga halaman at pilit na kinukumbinsi ang aking sarili na hindi niya ako makikita rito.
Hindi ko alam kung saang parte kami naroroon. Ang alam ko lang ay nasa malawak kaming hardin dahil ito ay naiilawan ng mga ilaw na nasa poste. Ang lawak nang tinitirikan ng kanyang palasyo. Oo, isang palasyo ang kanyang tahanan. Napakalaki niyon para tirahan niyang mag-isa. Alam ko na sobrang yaman niya at kinaiinggitan ko iyon ng labis. Bakit ang swerte niya? Napakasama naman ng kanyang ugali.
Bigla siyang tumigil sa paggagalugad sa mga halaman, sinikap ko na h'wag gumawa ng ingay nang makita kong humakbang siya palapit sa akin. Alam ko na nakita na niya ako at hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Sabi ng isip ko ay tumakbo na ako habang may pagkakataon pa subalit hindi ko magawang tumayo at igalaw ang aking katawan sa sobrang panginginig at takot. Alam kong wala na akong takas!
Ang hirap naman takasan ng lalaking ito. Mahirap talaga dahil nasa teritoryo niya ako. Mabuti na lang at natuklasan ko ang tunay na magiging trabaho ko sa kanya kaya ako tumatakas. Akala ko mabait siya, mali pala dahil kampon pala siya ni Lucifer. Balak pa niya akong ikulong dito sa pamamahay niya habang hindi pa niya sinasabi na tapos na ang aming kontrata.
Ano ako preso?
Ang tanga ko kasi! Kung hindi lang ako nasilaw sa mataas na sahod, libreng tirahan, pagkain, at mga damit. Sana ay wala ako sa sitwasyong ito. Sana binasa ko man lang iyong kontrata para nalaman ko na hindi katulong ang magiging trabaho ko. Masyado akong mabilis sa naging desisyon ko.
Paano naman kasi wala ng arte at wala ng interview. Iyon ang ipinagtaka ko dahil sabi ng babae ay hindi ko na kailangan iyon dahil qualified na ako
Paano kaya ako naging qualified agad? Nakakapagtaka naman! Ni hindi man lang nila ako hanapan ng resume, police clearance o kaya ay NBI. Sabagay mas okey na siguro iyon para hindi nila malaman kung gaano ka baba ang pinag-aralan ko. Iyong ibang katulong kasi na nag-aapply sa panahon ngayon ay kailangang may tinapos lalo na at sa mayaman ka magtatrabaho. Iyong previous work ko nga ang daming requirements. Naubos ipon ko pero wala rin akong napala. Kung sana hindi nila ako minaltrato, wala sana ako sa kamay ni Mr. Cojuangco. Hindi niya sana ako katulong ngayon.
Sana hindi ko na lang nabasa iyong ads niya sa diyaryo. Naakit tuloy ako sa twenty-thousand at mga privilege. Nakakalungkot lang dahil maling-mali na naririto ako.
Bumalik sa isip ko iyong nangyari kanina bago ako tumakas at ang paghahanap niya sa akin. Naiiyak ako kapag naaalala ko iyon, ang sama-sama niya talaga.
"Sir, ano pong ginagawa ninyo?" galit na sigaw ko nang magising ako sa panghahalay niya sa akin. Kaagad ko siyang tinadyakan at mabilis na itinaas ang aking panty, na nasa bandang tuhod ko na. Jusko! Anong maaaring mangyari kapag hindi ako nagising?
"F#ck! Why did you do that?" nanggagalaiting sigaw naman ni Mr. Cojuangco nang umahon siya sa sahig. Bakas ang matinding galit na sa mukha niya. Wari ko ay hindi niya inaasahang magiging bayolente ako sa kanya kahit amo ko pa siya.
"Bakit mo ako tinadyakan? Boss mo ako hindi ba?" matalim ang pagkakatitig niya sa akin. Parang kaya niya akong patayin sa titig niyang iyon. Ngunit hindi ko mapigilan higitin ang aking paghinga at matulala sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan. Alam ko na napakagwapo niya nang una ko pa lang siyang masilayan. Pakiramdam ko nga nakalas ang garter ng panty ko nang araw na iyon dahil ngumiti siya sa akin.
Subalit ang paghangang iyon ay bigla nang nilipad ng hangin. Hindi ko sukat akalain na mahilig ang bago kong amo. Tama bang hawakan ako roon habang ako ay natutulog. Wala pa ngang iba na nakahawak dito tapos siya manghihipo na lang basta?
"Sasagot ka ba riyan o tutunganga ka na lang diyan?!"
Sumiksik ako sa kama nang dumagundong ang lakas ng boses niya sa apat na sulok ng kwarto. Alam kong dinig din iyon sa labas ng kanyang palasyo.
"S-Sir, ako po dapat ang nagtatanong sa inyo kung bakit nakababa ang panty ko at hinahawakan ninyo ako. Ang kapal po ng mukha ninyo at ang bastos pa. Wala po kayong karapatan na hawakan ako!" buong tatag na sagot ko kahit nakakadama ako ng takot sa kanya. Ayokong makita niya iyon dahil gusto kong isipin niya na hindi tama ang ginawa niya at hindi ako mababang uri ng babae. At saka, wala siyang karapatan na hawak-hawakan ako.
"B#tch!" humalakhak siya na parang isang demonyo. Naglakad siya palapit sa kinalalagyan ko at gigil na hinila ako sa aking kanang braso. Napaaray ako nang malakas dahil nabigla ako. Sobrang sakit at sobrang higpit ng hawak niya. Parang gusto niyang baliin iyon kung gugustuhin niya.
"Pag-aari na kita, may karapatan akong hawakan, halikan, at sipingan ka kung gusto ko!" pinisil niya nang mariing ang braso ko. Gusto kong pumalahaw ng iyak dahil sobrang sakit talaga. Kita ko na ang pamumula ng aking balat, malamang magkakapasa ako nito kinabukasan.
"Wala kang karapatan na gawin 'yan sa akin! Hindi pagiging pokpok ang pinasok ko! Katulong, katulong ang trabaho ko sa'yo!" galit na sumbat ko. Grabe lang ah? May karapatan daw siya sa akin? Tama ba iyong dinig ko na may karapatan siya na hawakan ako, halikan at sipingan? Ano ako, pokpok?
"Magre-resign na ako ngayon din, hindi na ako magtatrabaho sa'yo!" pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko, ngunit 'di ko talaga kaya. Napaaray pa ako nang malakas dahil mas pinisil pa niya ito. Ang bayolente lang talaga niya. Naiinis na ako sa lalaking ito! Gusto ko siyang sapakin ngunit natatakot ako na baka higit pa rito ang ipalasap niya sa akin. Baka bigla na lang manakal o kaya ay manuntok.
Ang masama pa nito ay kita ko na nasisiyahan siya na nakikita akong nasasaktan. Iyong mga ngisi niya ay tila nagbabadya ng lagim.
Pwede ko siyang kasuhan ng harassment o 'di kaya'y attempted rape. Pero sinong niloloko ko? Anong laban ko sa lalaking ito? Saan ako kukuha ng pera? Kaya nga ako naririto dahil sa pera.
"Magre-resign ka? Gusto mo bang makita ang sarili mo sa loob ng selda? You signed a contract remember?" magkakasunod na tanong niya sa akin.
Nag-smirk siya at nakakainis na humalakhak.
Napabuga ako ng hangin at biglang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko ang sinabi niyang makukulong ako. Wala akong makuha na salita para ibato iyon sa kanya. Pesteng kontrata iyan! Ano bang nilalaman no'n? Kasali ba ang katawan ko sa pinirmahan ko? Jusko! Wala akong alam! Nagmumukha tuloy akong tanga sa harap ng lalaking ito! Sayang siya! Ang gwapo nga, bastos naman!
"W-Wala naman po siguro sa pinirmahan ko na molestiyahin ninyo ako. Gaya po ng sabi ko hindi po ako pokpok!" hindi ko pa rin napigilan na ibulalas kahit takot na takot ako sa kanya.
"Binasa mo ba ang kontrata bago mo ito pinirmahan? Nakita mo ba kung anong klase ng trabaho ang pinasok mo? Ah, baka naman gusto mo pang i-discuss ko sa'yo dahil baka hindi mo naintindihan ang nakasaad doon," nakakalokong saad niya.
Nakaramdam ako nang panliliit, pinapamukha niya sa akin kung gaano ako ka tanga at kabobo. Oo na! Tanga na kung tanga. Kasalanan ko na kung bakit hindi ko binasa 'yong kontrata. Na-excite lang talaga ako at nataranta. Dinig ko kasi na maraming nag-aapply kaya nang ako na ang sunod na tinawag at pipirma ako ng kontrata ay hindi na ako nag-atubili pa.
Kaya pala ganoon na lang ang ngiti ng sexy niyang assistant noong matapos kong pirmahan at iabot sa kanya ang kontrata. Nagtataka man ay hindi na ako umimik pa. Siguro iniisip niya na masyado ng atat na atat ako at hindi na nagawa pang magbasa. Inignora ko na lang siya, isipin na niya ang gusto niyang isipin. Kailangan ko lang talaga ng trabaho.
"H-Hindi ko na po binasa dahil alam kong katulong lang naman ang magiging trabaho ko sa iyo."
"Idiot! Personal slave ang magiging trabaho mo at hindi katulong!" tumawa ito nang nakakaloko.
"A-Ano? Personal slave?" halos mawalan na ng kulay ang mukha ko sa nalaman, "di ba "wanted housemaid" 'yong nakalagay sa diyaryo?" nanginginig na tanong ko.
"Yeah, front lang namin iyon para makaakit ng mag-a-apply. Saka lang nila malalaman ang tunay nilang trabaho kapag pumunta na sila rito sa pamamahay ko. Napakaswerte mo dahil ikaw ang natipuhan namin."
"Ibig bang sabihin ako lang ang hindi nakakaalam sa tunay na magiging trabaho ko rito?" naluluhang saad ko. Bakit pakiramdam ko may mali rito? Parang sinadya ang lahat ng ito. Pero kung sinadya nga, ano naman ang motibo niya?
"Malay ko sa'yo," humalakhak na naman ito, "pero mabuti na ring hindi mo nalaman agad dahil alam kong tatakasan mo ako. Salamat na lang at tanga ka Jasmine Andrada dahil magkakaroon na ako ng libangan. Mali pala, kami pala."
"A-Anong ibig mong sabihin na kami?" natatakot na usal ko. Ano 'yon? Marami silang amo mo?
"Pati ang mga kaibigan ko ay pagsisilbihan mo rin. Magiging personal slave ka rin nila at pwede nilang gawin ang gusto nilang gawin sa' yo. Pwede ka nilang halikan, hawakan, at sipingan," pinasadahan niya ng titig ang katawan ko. Nakaramdam ako ng kilabot kaya kaagad kong tinakpan ang dibdib kong natatakpan lang ng manipis na pantulog. Tinanggal ko kanina iyong bra ko kaya alam kong naaninag niya kanina pa ang itinatago ko. "Bukas, makikilala mo na sila kaya h'wag kang magtatangkang tumakas dahil mapapagod ka lang," mariin niyang sabi.
"S-Sorry, Sir, pero ayoko po. Maghanap na lang po kayo ng iba. Please, maawa po kayo. Payagan na ninyo akong umalis," lumuluha ng pakiusap ko. Pinilit ko na baklasin ang mga kamay niya ngunit gaya kanina ay nabigo ako. Napaiyak na lang ako dahil sa awa sa aking sarili.
"No! Panindigan mo ang pinirmahan mo! Tandaan mo, makukulong ka kapag pinilit mo pa ang gusto mo!"
"Ayoko nga! Ikaw ang kakasuhan ko dahil illegal 'yang trabahong pinapagawa mo sa-- ARAY!" napahiyaw ako nang malakas dahil walang kaabug-abog na itinulak niya ako sa kama. Namilipit ako sa sakit habang hawak ko ang balakang ko na tumama rito. Katapusan ko na ba? Papatayin na ba niya ako? Ano ba'ng parusa ito? Mabait naman akong tao, ni minsan ay hindi ako nag-agrabyado ng tao.
"Sa tingin mo may maniniwala sa 'yo? Sa tingin mo paniniwalaan nila ang katulad mong basura? Mayaman ako Jasmine, pera ang kapangyarihan ko!"
Mas lalo akong napaiyak. Alam ko naman iyon.
"Ang mabuting gawin mo ay sumunod na lang. Masisiyahan ka naman dahil magagaling kaming lahat sa kama," malisyosong saad nito. Pinasadahan na naman niya ng tingin ang aking katawan. Gusto ko man itong takpan ay hindi ko magawa.
"Ngayong gabi ay paliligayahin kita, h'wag ka ng pumalag pa dahil masasaktan ka lang sa akin kapag lumaban ka pa. Hindi mo naman siguro nanaisin na masaktan dahil iba ako kapag nanakit."
napakagat-labi na lang ako at walang masabi. Ito yata talaga ang kapalaran ko.
Nakita kong mabilis nitong nahubad ang suot na damit at pagkatapos ay sinunod nito ang pang-ibaba na suot nito. Nag-iwas ako ng tingin nang makitang brief na itim na lang ang suot niya. Nagmamalaki ang nasa loob niyon at hindi ko mapigil ang kabahan.
"Sir, maawa ka naman sa akin. H'wag po ninyong ituloy ang binabalak ninyo," sinubukan kong makiusap nang humakbang na siya palapit sa akin. Pinilit kong tumayo ngunit ayaw sumunod ng katawan ko.
"Sorry, it's too late. Let me have you tonight," umibabaw siya sa akin at mabilis na inapuhap ang aking mga labi. Sinubukan kong itulak siya ngunit masyado siyang malakas. Mas nanghina lang ako at nawalan ng lakas na manlaban.
Pinagapang niya ang kanyang labi sa aking leeg habang ang isang kamay ay dumapo sa aking isang dibdib. Nakaramdam ako ng kilabot sa ginagawa niya lalo na at bago ito sa akin. Gusto ko siyang patigilin ngunit nanghihina ako. Nahahalina ako sa bawat hagod ng labi niya sa aking leeg at bawat haplos niya sa aking dibdib.
Napasinghap ako nang pisilin niya ang aking munting korona sa tuktok ng aking mayamang bundok. Nakikiliti ako at parang gusto kong magpatianod na lang sa kanyang ginagawa. Nakakadala at mainit ito sa pakiramdam. Pumikit ako para damahin ang sarap na hatid niya. Subalit, bigla akong nagising at naisip ko na hindi ito tama. Nanganganib ang kahinhinan ko na inalagaan ko sa loob ng dalawampung taon. Tinipon ko ang lahat ng pwersa sa katawan ko at buong na lakas na itinulak siya.
"F$CK!" malakas siyang nagmura nang mahulog siya sa sahig.
Wala naman akong sinayang na sandali at inabot ang malaking banga na nakapatong na sa mesa ng katabi nitong kama. Kaagad na ipinukol ko iyon sa kanya at mabilis na tumakbo patungo sa pintuan. Dinig na dinig ko ang galit niya at malutong na pagmura ngunit binalewala ko iyon dahil gusto kong makatakas.
Kaagad na tinalunton ko ang kahabaan ng hagdan at inapuhap ang main door. Mabuti na lang at nakabisado ko ang palasyong ito kanina dahil kakailanganin ko pala ito ngayon.
Nagtagumpay ako na nakalabas ng kanyang palasyo ng walang nakapansin sa akin. Marahil hindi pa sila na alerto ni Mr. Cojuangco dahil hindi pa ito nakakabawi sa ginawa ko. Tingin ko pansamantala lang iyon dahil maya-maya lang ay magsisimula na silang maghanap sa akin. Pero, bago pa nila iyon magawa ay uunahan ko na sila.
Nagbalik ako sa kasalukuyan nang biglang hablutin ni Mr. Cojuangco ang mahaba kong buhok. Napaigik ako nang maramdaman kong ilang hibla ang nabawas sa anit ko. Sabi ko na nga ba mahuhuli pa rin niya ako. Wala talaga akong kawala sa kanya.
"Sa tingin mo madali akong takasan? Ano? Tatakas ka pa ba?" nagngangalit ang bagang na wika niya. "Sinabi ko na sa 'yo na hindi mo ako matataguan at hindi ka makakatakas!"