Kabanata 7: Hinanap niya ako.

1918 Words
Sky "At ikaw na babae ka, sumunod ka sa akin sa baba!" Dumilat ako nang marinig ko si Mr. Cojuangco na magsalita. Galit na naman siya, halata sa boses niya. Iritadong mukha ang nakita ko sa ekspresyon ng kanyang mukha nang magtama ang aming paningin. Galit pa rin siguro ito sa inasal ko sa kanyang kaibigan. At natatakot ako sa maaari niyang gawin lalo na at nakaalis na si Mr. Salazar. Napansin ko na nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Maputla rin ang kanyang mukha na tila hindi natulog magdamag. Hindi siya nakatulog nang maayos? Ang himbing kaya ng tulog niya kagabi habang pinagmamasdan ko siya na nakahilata sa kanyang kama. Sa couch kasi ako natulog kahit sinabi niya na sa tabi niya ako hihiga. Nag-init ang pisngi ko nang mapasulyap ako sa mamasel niyang dibdib. Inalis ko kaagad ang paningin sa kanya dahil baka mas lumalim pa ang gusto na makita ng mga mata ko. For Pete's sake, he is half naked. Lalo na at tila nag-aanyaya ang abs niya na tinutubuan ng maninipis na balahibo. Ayokong mahuli niya ako na nakatingin sa katawan niya baka isipin niya na pinagnanasaan ko siya. Mayabang pa naman ang lalaking ito, ayoko siyang bigyan ng kasiyahan dahil doon. "What are you staring at? Mamaya mo na ako pagpantasyahan dahil matitikman mo naman ito mamaya," mayabang at confident niyang sabi. Sinasabi ko na nga ba, nahuli pa rin niya ako. I frowned when I looked at him. His lips twisted in a mischievous smile. Nagtagis ang mga bagang ko sa inis. "Mali po kayo ng iniisip, Sir. Hindi ko po kayo pinagpapantasyahan. Dito na lang po ako sa kwarto, masama pa po kasi ang pakirmadam ko." Inirapan ko siya ng palihim saka sumimangot. Kahit kailan talaga napakaantipatiko ng lalaking ito. Nahiga ako sa kama at nagkumot hanggang leeg. Hindi pa rin ako okey kahit nakainom na ako ng gamot. Gutom na rin ako dahil hapon na rin. "Psh! Masama ang pakiramdam? Pinainom ka na ni Justin ng gamot, 'di ba? Huwag mo akong artehan! Tumayo ka na riyan at magbihis. Gusto kong makasabay ka sa pagkain," masungit niyang utos. Naglakad siya palapit sa akin habang pinalalagutok ang buto niya sa leeg. Napapalunok naman ako sa ginagawa niya dahil kitang-kita ko kung paano mag-alsahan ang mga masel niya sa dibdib kapag napapaliyad siya ng hindi sinasadya. Sadyang napakalaki talaga ng kanyang katawan. Siguradong babad ito sa gym dahil perpekto ang kanyang katawan. Nasa proper place ang mga muscles at wala akong makitang fats saan mang banda ng kanyang katawan. May sarili itong gym dito sa mansion niya. Hindi na iyon kataka-taka dahil sobrang laki ng palasyo niya. And wait, tama kaya ang dinig ko. Gusto niya akong makasabay sa pagkain. Para ano? Para maging tagasubo niya ng pagkain o tagapunas sa kanyang bibig? Alam ko marami siyang katulong, hindi naman na siguro kailangan ang serbisyo ko. "S-Sige po, maglilinis lang po ako ng katawan." Nagpasya akong tumayo. Wala naman akong magagawa kung 'di ang sumunod na lang sa kanyang batas. Siya ang batas sa pamamahay na ito kaya sino ba naman ako para tumutol. Hahaba lang ang aming diskusyon kapag umapila pa ako. Matatalo lang naman ako sa kanya, sayang ang laway. "Good. Akala ko aangal ka pa." Hindi na ako nagkomento. Didiretso na sana ako sa banyo nang bigla siyang magsalita ulit. "Binigay pala ni Justin, saluhin mo." Initsa niya sa akin ang isang maliit na puting supot. Nasalo ko naman ito at nagtatakang binuklat kung ano ang laman ng plastic. Puro boxes ng gamot ang nasa loob. Nabasa ko ang isang box na para sa lagnat, pain killers, at ang iba ay maraming box ng contraceptive. Meron ding box ng condoms at makukulay ang pakete ng mga ito. Namula ako sa hiya nang mapagtanto ko kung para saan iyon. Ibig sabihin, nakahanda na talaga sila para pagsasaan ang katawan ko. Ilang buwan din na supplies ito. I don't need these medicines. Tatakas ako at hindi ako mananatili ng matagal dito. Kukuha ako ng tiyempo para makatakas sa kanila. "H-Hindi ko po kailangan ang mga ito. Hindi ko po ito iinumin." Inilapag ko ang supot ng mga gamot sa pinakamalapit na pwede kong patungan. Kinikilabutan ako sa mga condomns na naroroon. "At bakit naman, Jasmine? Gusto mo bang mabuntis ka? Inumin mo ang mga contraceptive na 'yan para hindi ka magbuntis kapag ginagamit ka na namin! S3x slave ang trabaho mo rito, s3x ang kailangan namin sa iyo at walang puwang para magdalang-tao ka!" Nagngalit ang mga bagang ko sa direktang pagsasabi niya ng mga kalaswaan. Ang pangit talaga ng tabas ng dila ng lalaking ito. Wala talaga siya ni katiting na paggalang sa akin. Babae ako, hindi ako maruming babae na binabastos na lang niya ng ganito. "Ayoko pong inumin ang mga iyan!" pagmamatigas ko. Baka sakaling kapag nagmatigas ako ay titigilan na niya ako. Paaalisin na niya ako rito. Wala naman siguro siyang balak buntisin ako. "Anong gusto mo, mabuntis ka? Palalayasin kita rito kapag nabuntis ka! Mawawalan ka ng silbi sa akin!" Iyon nga ang gusto kong mangyari. Palayasin na niya ako ngayon. Magiging masaya ako kapag pinaalis na niya ako rito. "Maligo ka na! Huwag mo ako galitin Jasmine! Tatamaan ka talaga sa akin!" Hindi ako natakot sa banta niya. "Bakit hindi mo pa ako palayasin ngayon? Huwag mo ng hintayin na mabuntis ako!" Hindi ko nakontrol ang sarili ko na sumagot. Nakuha naman na niya ang dangal ko. Pwede na ako umalis, magpapakalayo-layu ako pagkaalis ko rito. Hindi ko hahayaang magkrus muli ang landas namin ni Mr. Cojuangco. "Pwes! Hindi pwede! Hindi ko hahayaan na magbuntis ka dahil sa ayaw mo at sa gusto ay iinumin mo ang mga iyan! Kung kailangan na ibuka ko ang bibig mo, gagawin ko. Mainom mo lang ang mga pesteng gamot na 'yan!" nanggagalaiting sigaw niya. Tila nawalan na ito ng pasensiya sa akin. Mabigat ang hakbang na naglakad siya palapit sa akin. Galit na hinila niya ako patungo sa kama at walang pakundangan na itulak niya ako roon. Napaaray ako ng bumagsak ako. Kahit malambot ang kama ay hindi nakaligtas ang masakit na parte ng gitna ko. "Huwag! Huwag mong gawin sa akin 'to!" pakiusap ko nang warakin niya ang suot kong damit. Nagsisi tuloy ako kung bakit sinuway ko pa siya. Nanunuot ang lamig ng aircon sa balat ko. Nanginig ako sa sobrang lamig. Hilung-hilo na rin ako dahil sa lagnat at gutom. Nagdidilim ang paningin ko subalit pinilit ko na huwag himatayin. Napansin ko ang pamumula ng braso ko. Sa sobrang rahas ng paghila niya sa akin ay nagmarka roon ang kanyang kamay. Napayakap ako sa katawan ko nang matagumpay niya na maalis sa katawan ko ang kakarampot na damit. Initsa niya ito sa kung saan saka siya pumatong sa akin at marahas na hinalikan ako sa labi. Napaiyak ako habang sige siya sa paghalik sa akin. Tumigil lang siya ng kapusin ng hininga. "Ano? Magtatanda ka na ba, Jasmine! Susundin mo na ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo! Hindi ka pwedeng umangal dahil masasaktan ka talaga sa 'kin! Huwag mong sagarin ang pasensiya ko sa 'yo! Isang suway, kapalit ay parusa, Jasmine!" Hinalikan na naman niya ako. Mas mariin, mas masakit. Pakiramdam ko mapupunit na ang labi ko sa sobrang dahas ng halik niya. Humagulgol ako ng iyak nang sa wakas ay palayain na niya ang labi ko. "And now you're crying again?! Damn it! Sa tingin mo maaawa ako kapag umiyak ka? Isang oras na ligaya sa piling mo ang gusto kong kapalit kapag sinasaway mo ako, Jasmine! Ngayon ang paniningil ko dahil sumuway ka sa utos!" Pinunasan ko ang luha ko saka ko siya nagmamakaawang tinitigan. Nakatitig din siya sa akin at matinding galit ang naaaninag ko sa mga mata niya. Hindi ako makakita ni katiting na awa sa ekspresyon ng mukha niya. Bakit hindi siya marunong maawa? Ganito kaya talaga siya kahit sa ibang empleyado niya. Ano'ng nagawa ko para maging malupit siya sa akin ng ganito? Gusto ko na ngang umalis, maghanap na lang sila ng kapalit ko na willing magpaalipin sa kanila sa kama. "M-Maawa ka, Mr. Cojuangco. Hindi ko pa kaya, please. Susundin na kita, susundin ko lahat ng gusto mo. Huwag lang ngayon, masakit pa," pagsusumamo ko. "Makulit ka rin, ano? Sinabi ko na sa iyo na wala akong awa!" Inilapit niyang muli ang labi sa labi ko ngunit umiwas ako. Tumama ang labi niya sa leeg ko kaya roon niya ako hinalikan, dinilaan, at kinagat. Itinulak ko naman siya paalis sa katawan ko at himalang nagawa ko siyang alisin sa katawan ko. Mabilis na tumayo ako kahit na feeling ko ay matutumba ako dahil hilung-hilo na ako. "F3cking s**t! Talagang sinasagad mo pasensiya ko sa'yo, Jasmine!" Hinila niya ako sa buhok saka malakas na itinulak muli sa kama. "Aray!" Nasaktan ako nang bumalandra ang kalahati ng katawan ko sa kama. Napamura ako sa isip nang tumama ang balakang ko sa kahoy na materyal nito. Namilipit ako sa sakit habang padausdos ako na bumababa. Umiyak ako nang umiyak habang hawak ang nasaktan na balakang ko. Wala na akong pakialam kung nakabuyangyang ang katawan ko sa kanya. Awang-awa ako sa sarili ko. Lumapit siya sa gawi ko habang nagmumura ng malulutong. Dahan-dahan niya akong inangat sa ere habang bumubulong ng kung anu-ano. "Ikaw naman kasi! Sinabi ko ng huwag mo akong sinusuway. Kasalanan mo kung bakit ka nasaktan!" Ako pa talaga ang sinisi niya. Marahan niya akong inilapag sa kama saka hinila ang kumot at binalot ako. "I won't say sorry to you. This is all your fault! Kung marunong ka lang sumunod ay hindi ka masasaktan ng ganyan." Nagtagis ang mga bagang ko. Wala talaga siyang puso. Nasaktan na nga ako sa ginawa niya tapos sa akin pa rin ang bunton ng sisi. "P-Payagan niyo na lang po akong makaalis dito. Hindi ko po gustong manatili rito. Parang awa mo na, pakawalan mo na ako," humagulgol na ako. Iyong balakang ko sobra na ang sakit. Napilayan pa 'ata ako. Puro na lang pasakit ang nararanasan ko sa kamay ni Mr. Cojuangco. "Alam mo, paulit-ulit na lang tayo rito, Jasmine. Dito ka lang sa akin at hindi ka makakaalis sa poder ko hangga't hindi ko sinasabi na lumayas ka. Inumin mo ang mga iyan at huwag ng madaming arte!" "Pero---" "Wala ng pero-pero! Gusto mong masaktan ulit? Mapipilitan na ako na pagbuhatan ka ng kamay kapag ipinilit mo pa rin ang gusto mo! Huwag mo ring maiisip na takasan ako dahil hahanapin kita saan ka man magtago! Ayokong masayang ang lahat ng pagod ko sa paghahanap sa 'yo." Natigil ako sa pagtangis. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin? Kilala ba niya ako? Bakit niya ako hinanap? ''A-Ano pong ibig ninyong sabihin? Bakit po ninyo ako hinanap?" Hindi na ako nakatiis magtanong. Gusto kong malaman kung bakit niya ako pinahanap. Pero nanlumo ako sa sagot niya. "Wala! Kalimutan mo na ang sinabi ko. Tumayo ka na riyan at magbihis. Sumunod ka sa akin sa baba, kapag wala ka pa within fifteen minutes. Aakyat ako rito at pahihirapan kita sa limang rounds. Ayaw mo naman siguro na maranasan iyon 'di ba? Alam kong 'di mo pa kaya." Iniwan niya ako sa silid na puno ng katanungan ang aking isip. Bakit parang pakiramdam ko ay may kaugnayan sa akin si Mr. Cojuangco. May nagawa ba akong masama sa kanya para ganituhin niya ako. Dahil kung meron man ay sabihin niya hindi iyong ganito na para akong tanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD