Kabanata 6: Sinampal niya ako.

2575 Words
Jasmine Nakatingin lang ako sa pintuan na nilabasan ni Dr. Lopez, nang biglang bumukas ito at siyang pasok ng isang lalaki. Pabalibag nitong sinarado ang pinto ng makapasok. Napapikit ako sa ginawa niya dahil parang mas sumakit ang ulo ko sa lakas ng impact sa pagkakasara ng pintuan. Hindi kaya magalit si Mr. Cojuangco sa kanya. Kung makaakto siya ay parang pagmamay-ari nito ang bahay. "Good noon, sleeping beauty," bati ng dumating nang mapansin na nakatanga ako sa kanya. Nagsimulang maglakad siya palapit sa akin. Kinabahan naman ako dahil baka ito iyong tinutukoy ni Dr. Lopez na kaibigan niya na desperadong makita ako. Matangkad at malaki ang katawan ng lalaking ito. Matapang ang personality niya kagaya ni Mr. Cojuangco. Nakaka-intimidate at parang nakakatakot ang dating niya. Kayumanggi siya, pangahan, at medyo mahaba ang buhok niya. Gwapo siya bilang pangkalahatan ng deskripsiyon ko sa kanya. Mahangin nga lang ang awrang lumalabas sa kanyang katawan. Bakit binabaha yata ako ng mga gwapong bisita ngayong araw? Kung wala lang sana ako sa sitwasyong ito ay tiyak na kikiligin ako. Matutuwa ako dahil may mga ganitong lalaki na pag-aaksayahan na makita ako. Subalit hindi dapat dahil iba ang pakay nila sa akin. Gusto lang nila ako makita at makilatis para siguro pag-aralan kung anong ligaya ang mapapala nila sa katawan ko. Iniisip ko pa lang iyon ay parang mababaliw na ako. Kahit gaano pa sila kagwapo ay hindi basehan iyon para tanggapin ko ang trabaho na maging alipin nila sa kama. Isa rin kaya siya sa mga kaibigan ni Mr. Cojuangco at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Erwin na tinutukoy ni Dr. Lopez. Desperado raw itong makita ako, sa ano naman kaya na rason? Hindi kaya dahil desperado itong matikman ako? Nakwento rin kaya ni Mr. Cojuangco rito na may nangyari sa aming dalawa kanina. Malamang, kay Dr. Lopez nga nakwento niya, dito pa kaya sa isang ito. Anu-ano kaya ang nakwento niya sa mga ito? Paano kaya niya inilarawan ang ginawa niyang pag-angkin sa akin. Nakakahiya naman, sana hindi naman na siya nagkwento pa. Sinarili na lang sana niya dahil hindi naman kaaya-ayang ikwento iyon sa iba. Ang sama niya kung totoo ang nasa isip ko. Sana naman naisip niya ang magiging reaksyon ko. Sabagay wala naman siyang pakialam kung ano ang mararamdaman ko dahil para sa kanya isa lang naman akong empleyado---parausang empleyado. Nakakapanggalaiti talaga ang demonyong iyon. Sinaktan na nga ako, linapastangan ang p********e ko, at ngayon ay ipapatikim pa ako sa mga kaibigan niya. Gaano ba sila kahayok sa laman? Ang daming GRO na pwede nilang pagparausan. Bakit ako pa? Bakit ako pa na hindi alam na magiging ganito ang trabaho ko? Sa itsura at kapal ng kanilang wallet ay siguradong magkakandarapa ang sino man. Bakit kailangang maghanap pa sila ng serbisyo sa iisang babae lang na kung tutuusin ay kaya naman nilang kumuha ng maraming babae na libre at papayag sa gusto nila. Malaking palaisipan sa akin ang pakulo nilang ito. Hindi naman siguro nila ako pinaparusahan dahil may nagawa akong mali sa kanila. Wala akong atraso kanino man dahil mabait ako at hindi ko kayang gumawa ng masama. Namulat ako sa mabuting pagpapalaki ni Tiya Selina kaya hindi ko magagawang manakit ng kapwa ko. Wala akong ininsulto at nagawan ng masama sa tanang buhay ko. Imposibleng mangyari iyong naiisip ko dahil hindi ko sila kilala. Hindi pamilyar sa akin ang Cojuangco, Lopez, at kung ano pa man ang mga apelyido ng mga susunod pang kaibigan niya na makilala ko dahil siguradong mayayaman lahat sila. Kaya nagtataka ako kung bakit nila ako gagawing s3x slave. Mabagal siyang naglakad patungo sa gawi ko habang nakatutok ang paningin niya sa akin. Feel na feel niya ang paglalakad na tila isang matinee idol na naglalakad sa gitna ng catwalk. Nakakaasar ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi na parang inaasar ako sa kung ano. Sumisigaw ng kayabangan ang kabuuan niya at parang hindi ko gugustuhin makalapit sa isang katulad niya. Pilyo siya sa madaling salita, parang mahilig at marunong itong makipaglaro. Ibang-iba ang personality nito kay Mr. Cojuangco at Dr. Lopez. Kung si Mr. Cojuangco ay suplado, badboy, at marahas. Si Dr. Lopez ay mala-anghel at itong kaharap ko naman ay tipong playboy ang dating. Malakas ang confident sa sarili na parang kasing lakas yata ng isang bagyo. "Did you like, what you see?" Napanganga ako. Masyado na ba ako naging obvious sa pagkilatis sa kanya. "Silence means, yes." Kumindat siya sa akin. Mabilis na nakalapit siya sa kinaroroonan ko habang hindi inaalis ang titig sa akin. Tumaas ang isang kilay niya nang makita niyang pinapasadahan ko pa rin siya ng tingin. Tinatantiya ko kung gagawan ba niya ako ng masama. But honestly, nakaka-insecure ang mapupula pero maninipis niyang mga labi. Nakakanganga ang abs niyang bakat sa tight-fitting na t-shirt na camouflage, na tinernuhan niya ng isang dark blue na signature pants plus leather boots na itim. Pansin ko na nakasuot siya ng dog tag. Pang-military ang porma niya na labis na nagpadagdag ng appeal niya. Hindi naman siya mukhang sundalo dahil mahaba ang buhok niya na lampas balikat. Sumasabay sa paglalakad niya ang paghampas ng buhok niya sa balikat niya. Kamukha siya ni Borgy Manontoc kung tutuusin. Mas guwapo nga lang ito dahil parang may lahi itong mexican. "How are you, Jenny?" aniya nang tuluyang makalapit sa harap ko. Nasa gilid siya ng kama habang sinisipat ang kabuuan ng aking mukha. Naiilang ako sa ginagawa niya ngunit hindi ko naman maalis ang sulyap sa kanya. Parang hindi kasi siya kumukurap habang nakatitig sa akin kaya hindi ako mapakali. "J-Jasmine po," pagtatama ko. Kumunot ang noo ko, wala bang nagsabi rito na Jasmine ang pangalan ko at hindi Jenny. Ang layo kaya ng Jasmine sa Jenny, kung nagkamali lang ako ng dinig. Excited ito na makita ako 'di ba, bakit hindi niya alam ang pangalan ko. "Oh, I'm sorry. Jasmine pala, hindi ako matandain sa mga names pero ngayon ay sisiguraduhin ko na tatandaan ko ang pangalan mo. Your name should be remember,'' aniya sabay pasada ng dila sa kanyang labi. Napasimangot ako. Palikero nga ang isang ito. Matamis at malandi ang tabas ng kanyang dila. Mahirap pagkatiwalaan ang isang ito. Umupo siya sa kama ng walang paalam. Ako naman ay napaatras at napasandal sa headboard ng kama habang nakatingin ako sa kanya. Mas gwapo siya sa malapitan. Pansin ko nga na makinang ang kanyang mga mata. Kahit hindi siya ngumiti ay parang nakangiti siya. Playful ang nakaukit na ngisi sa labi niya na tila laging nang-aasar. "They are right, you are so beautiful. No doubt you had passed his qualifications. You really looked like her," aniya na parang sarili lang ang kinakausap. Nakatitig lang siya sa akin habang iniinspeksyon ang features ng aking mukha. Parang hinahanapan niya ako ng mali para may maipintas o ano. Ewan ko. Naguguluhan din ako sa sinasabi niya na kamukha ko raw. Sino naman ang kamukha ko? Hindi ko nga alam kung sino sa mga magulang ko ang kamukha ko dahil hindi ko naman nakilala ang mga magulang ko. Hindi nila ako hinanap nang mawala ako, iyon ay kung nakaligtas sila sa barko at buhay pa ngayon. Baka naman may kamukha akong artista at iyon ang tinutukoy niya. "By the way, I'm Erwin Kian Salazar, the pilot," dagdag niya nang mahalata siguro na hinihintay ko siya na magpakilala. Nabasa niya ang nasa utak ko? Wow, ha! Piloto pala ang isang ito, kaya naman pala mahangin ang awra. Ang yayaman naman ng mga kaibigan ni Mr. Cojuangco. May doktor at piloto siya na kaibigan. Samantalang ako puro labandera, magwe-jueteng, taga-tinda ng balot, at mga sugalero ang mga kaibigan ko sa loob ng squatter's area kung saan kami dati nakatira ni Tiya Selina. Kahit ganoon ang mga kaibigan ko ay mabubuti silang tao. Hindi sila kagaya ng mga mayayaman na asal-hayop. Para ngang kaugali ni Mr. Cojuangco ang mayamang may-ari ng squatter's area na kinatitirikan ng tinitirhan naming kwarto na paupahan. Walang-awa basta makuha lang ang gusto. Noong nakatira kami roon ay dine-demolished na ang lugar na iyon. Ewan ko kung natuloy dahil umalis na ako roon simula ng mamatay si Tiya Selina. Masyadong marahas ang nagpa-demolished doon dahil minamadali nila ang mga taong umalis. Naisip ko noon na kapag ako yumaman, babahaginan ko ang mga mahihirap. "Hindi ko na po siguro kailangan na magpakilala, Sir. Kilala naman po ninyo siguro ako." "Oh yeah. Sky, told me everything about you. Gago ang lalaking iyon, hindi ka man lang dinahan-dahan. Ikaw naman kasi, nanlaban ka pa. Hayok iyon makatikim ng virgin, pagpasensiyahan mo na lang. Hindi na nakapagpigil kagabi, dapat ipinakilala ka muna niya sa amin before he did that to you. Madaya talaga ang lalaking iyon!" Nakagat ko ang aking labi sa sinabi niya. Iyong mukha ko ay nag-init sa sobrang kahihiyan. Ang demonyong Mr. Cojuangco na 'yon! Nagkwento pa ng kabalbalan niya sa mga kaibigan niya. Kaya naman pala ganoon na lang makatingin sa akin ang dalawang kaibigan niya. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso kay Mr. Salazar dahil sa mga kinuwento ng kaibigan niya. Malisyoso na iyong ngiting nakikita kong nakasilay sa labi niya. Pati ang mapanuri niyang tingin ay naglakbay sa katawan ko. Nagpapasalamat naman ako dahil nakatakip pa rin ang kumot sa katawan ko kaya wala siyang makikita. "Nagkwento po siya sa inyo?" hindi ko napigilang itanong. Nagtagis ang mga bagang ko sa matinding galit. Ang kapal naman talaga ng apog ng lalaking iyon. Napakatsismoso! Bakit kailangan pa niyang ibahagi ang katarantaduhan niya! Ganoon na ba talaga siya kagago! "Yup. What's wrong with that? You are our private slave. Wala ako nakikitang mali na magkwento siya tutal we will share the same pleasure with you." Nangilid ang luha ko. Napakababa ng tingin nila sa akin. Kailangang makatakas ako dito as soon as possible. Ayokong pagpiyestahan nila ang katawan ko! "You know what? Gusto ko ang pagpapakipot mo at panlalaban. Nakaka-turn-on iyon! I feel excited kapag ganoon ang eksena. I never tried to rape a girl. Gusto ko iyong mga katulad mo na hindi nahuhumaling kaagad sa gwapo at salapi. I wish I was the one who devirginized you," and with that he smirked at me. "Katulad ka rin ni Mr. Cojuangco! Wala kayong ipinagkaiba! Manyak ka rin! Subukan mong lumapit! Ibabato ko sa iyo 'tong lampshade," warning ko nang makita ko siyang gumalaw at dahan-dahang gumapang patungo sa akin. Pero hindi man lang siya natinag sa banta ko. Nginisihan niya lang ako at pagkatapos ay dinilaan niya ang kanyang labi. Napasiksik ako sa headboard ng kama at mas lalong kumapit sa kumot. Baka maisip niyang halayin ako. Sabi kasi ni Mr. Cojuangco, depende raw sa kanila kung gagalawin nila ako o hindi. I am not safe with this bastard. They share the same manners with Mr. Cojuangco. "Manyak? Do you want me to prove it to you?" tumawa niya nang malakas. Kinulong niya ako gamit ang dalawa niyang braso. Itinukod niya ito sa headboard at ini-level ang mukha sa akin. "You are beautiful, Jasmine. I am very tempted to kiss you," paos ang boses na anas niya. Dumukwang siya sa akin at tangka sana akong halikan sa labi ngunit bago pa dumampi ang labi niya ay naglakas-loob ako na sampalin siya. Napaatras siya ng wala sa oras habang nakanganga at gulat na gulat sa ginawa ko. "Bullshit! Bakit mo ako sinampal?" galit na utas niya habang nakasapo ang palad sa pisngi niyang sinampal ko. "Pinadapo mo man lang sana ang labi ko sa labi mo bago mo ako sinampal," aniya na asar na asar dahil hindi nakahalik sa akin. Lumayo siya sa akin habang panay ang himas sa pisnging nasaktan ko. Kita ko pa na nagmarka iyon at natatakot ako sa maari niyang iganti. "Palaban ka nga, hmn. This is exciting! Wala pang nakakasampal sa akin dahil nahihiya ang mga babaeng saktan ang mukha ko." Nanlisik ang mga mata niya sa akin. Napaatras ako. Natakot ako sa kanya at sinubukan kong pumunta sa kabilang ibayo ng kama. Pero hindi ko kaya, nahihilo ako dahil sa lagnat. "Ikaw!" Dinuro niya ako. "Ang lakas ng loob mong saktan ako! Pero, gusto ko ang pagiging palaban mo! I like you because of that. I can't wait to taste you," ngumiti siya ng mas malisyoso. "H-Hindi mangyayari 'yang iniisip mo!" "Huh? Let's see! Pumirma ka ng kontrata 'di ba? Sa ayaw at sa gusto mo ay matitikman kita! Ako ang isa sa gumawa ng kontrata at magpapasahod sa'yo, kaya may karapatan ako sa iyo!" Nanlambot ako sa narinig. Nawalan ako ng lakas para magsalita. "H-Hindi...ayoko," naiiyak na sabi ko. Wala talaga ako ng kawala sa mga kamay nila. "Wala kang karapatan na tumanggi. Pumirma ka, pangatawanan mo ang pinirmahan mo. Wala kang magagawa kung 'di ang sumunod. Masasaktan ka lang kapag nanlaban ka." Tinalikuran niya ako pagkatapos na masabi iyon. Tinahak niya ang pintuan at lalabas na sana ngunit umikot ang seradura at sumungaw ang pigura ng lalaking humalay sa akin. "Did you f3cked her?" agad na tanong niya nang magtama ang tingin nila ni Mr. Salazar. Umiling naman ang huli habang asar na sinusulyapan ako. "She slapped me, paano ko magagawa ang gusto ko sa kanya. Hahalikan ko pa nga lang sana pero sinampal niya kaagad ako," parang batang pagsusumbong nito kay Mr. Cojuangco. Tapos lumingon siya sa akin at ngumisi nang nakakaloko. "What?" gulat na bulalas ni Mr. Cojuangco. Kaagad siyang bumaling sa aking habang hindi maipinta ang mukha. "Bakit mo sinampal si Erwin? Hindi mo pwedeng gawin sa kanya ang ginawa mong pananakit sa akin." Itinuro nito ang kanyang mukha. "Look at my face? Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin kagabi. You'll pay for what you have done to him. Er," tawag nito kay Mr. Salazar na nakatayo pa rin malapit sa pinto. "Go, f3ck her. Let her pay for what she did! I will hold her for you." Naglakad papunta sa akin si Mr. Cojuangco at gigil na hinila ang kumot. ''Huwag!" protesta ko habang nakikipaghilahan sa kumot. "Dapat sa'yo pinaparusahan! Er, halika na! Let her suffer your anger!" Para nasampal ko lang ang kaibigan niya ganoon na siya maka-react. Anong gagawin niya? Magla-live show kami ni Mr. Salazar sa harap niya? "Sky! Masyado kang over-reacting! Tigilan mo na siya, masama ang pakiramdam niya. Baka mapaano si Jasmine," nabanaag ko ang awa sa mga mata ni Mr. Salazar. Mabilis siyang nakalapit sa amin at pinigilan si Mr. Cojuangco sa ginagawa nito. "Okey lang na sinampal niya ako. Gusto ko ang pagiging palaban niya. I will f3ck her soon. Pero huwag muna ngayon, I don't have the appetite to taste her. Walang excitement dahil hindi siya makakapalag sa akin." "Okey, if you say so." Binitawan nito ang kumot at binigyan ako ng warning gamit ang kanyang mga mata. Nakahinga ako nang maluwang. Inayos ko ang kumot at umiwas ng tingin sa kanila. "I'll go ahead. Be good to her, Sky. Maisipan niyang tumakas ay kasalanan mo kapag nagkataon." Tinapik niya sa balikat si Mr. Cojuangco kasabay ng pagkindat sa akin. "Bye, Jasmine, pahirapan mo itong lalaking ito kapag hinalay ka ulit. And don't forget to take your pills, dahil aaraw-arawin ka namin," tumawa ito na g malakas saka bumira ng alis sabay balibag ng pinto. "F3ck you, Salazar! Gigibain mo ba ang pintuan ng kuwarto ko?" sigaw ni Mr. Cojuangco na halos umalingawngaw sa buong mansion. Napapikit na lang ako nang mariin habang dinig naman sa labas ang lakas ng halakhak ni Mr. Salazar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD