"Hmn," asar na ungol ko ng mayroon dumapo na kung ano sa leeg ko. Napakislot ako dahil parang may maliliit na buhok na tumutusok sa akin.
Hindi ko naman sana papansinin iyon ngunit umulit ang pagtusok nito sa balat ko. Kasabay nito ay ang paghaplos ng isang pangahas na kamay sa isa kong matayog na dibdib.
Wala sa oras na napamulagat ako ng mga mata. Tumambad sa paningin ko ang matiim na titig ni Mr. Cojuangco. Napakurap pa ako ng ilapit niya ang mukha sa akin at kinuyumus na naman ako ng isang mainit na halik. Dahil kagigising ko lang at wala pa sa katinuan ang utak ko ay nasapak ko siya.
"Aw! s**t!" He screamed angrily. ''Namumuro ka na talaga sa aking babae ka! No one did that to me! Kagabi, dinuraan mo ako sa mukha at ngayon sinapak mo naman ako! Hindi ka ba natatakot sa akin?" Tinanggal niya ang pagkakahawak sa dibdib ko at bahagyang lumayo sa akin, sapo ang pisnging sinampal ko.
Napakurap ako muli dahil hindi ko pa rin maproseso ang nangyayari. Ang alam ko lang, he deserves it. Bastos kasi. Sabi nga nila masamang gulatin ang bagong gising. Nagulat ako sa paghalik niya kaya ko siya nasapak.
Pumikit akong muli para matulog. Hinayaan ko si Mr. Cojuangco na dada nang dada ng kung ano. Kung gusto niya akong saktan, go. Matutulog na lang ako.
Masakit pa rin ang p********e ko at pati na buong katawan ko. Parang lalagnatin pa yata ako dahil mabigat ang ulo ko. Grabe iyong ginaw na nanunuot sa kalamnan ko. Kailangan ko ng init na pwedeng pantakip sa katawan ko.
Napabaluktot ako ng katawan nang maramdaman ang lamig ng aircon. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ako nilalamig. Gusto kong utusan si Mr. Cojuangco na patayin ang aircon ngunit tila pati ang dila ko ay may dipirensiya.
Hindi ako makaapuhap ng salita para utusan siya. Nangangatal na talaga ako. Nilingon ko siya na halos 'di ko maibuka ang mga mata. Pati mga mata ko ay bumubuga ng init.
Teka, pansin ko lang, andito na ako sa kama niya at magkatabi kami. Marahil naalimpungatan siya at binuhat ako galing sa couch. Alangan naman na nag-sleepwalking ako? Ni sa panaginip ay hindi ko siya gugustuhing makatabi sa pagtulog. Natatakot ako sa kanya and at the same time ay namumuhi. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin kagabi.
"Ang init-init bakit ka ba nagkukumot?" sita niya nang makita ako na nagkumot ng hanggang leeg. Nawala na iyong iritasyon sa boses niya.
Gusto ko ngang takpan hanggang sa ulo ko ngunit baka magmukha akong weird sa harap niya. Gusto ko lang maging kumportable ang pakiramdam ko.
Mas lalo akong namaluktot nang hilain niya ang kumot. Nangatal ang buo kong katawan at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para maibsan ang ginaw. Kumot lang ang solusyon dito ngunit ipinagkakait pa niya.
"A-Akin na ang kumot. Please, nilalamig po ako," turan ko. Nang hindi niya ibigay ang kumot ay lumapit ako sa kanya.
"Hey! What's happening to you?" bigla siyang naalarma nang yumakap ako sa kanya habang nanginginig ako nang matindi. Siya ang pinakamalapit na puwedeng mayakap at mahingan ng init kaya ko siya niyakap.
"You are so hot, Jasmine!" bulalas niya. Akala ko ang pagiging agresibo ko ang tinutukoy niya kasi yumakap ako sa kanya.
Sinapo niya ang noo ko at halos mapangiwi siya nang maramdaman ang taas ng lagnat ko.
"f**k! You have a fever." Ngani-ngani kong sabihin na, "obvious ba? Kasalanan mo ito!"
"You need to be warm." Hinila niya ang kumot pataas sa katawan namin at niyakap ako nang mahigpit. Napasinghap ako sa init na hatid ng kanyang katawan. Isiniksik ko pang mabuti ang maliit kong katawan sa kanya. Wala na akong pakialam kung ganito man kami kalapit ng lalaking ito na lumapastangan at kinamumuhian ko. Ang mahalaga ay maging kumportable at bumuti ang lagay ko.
Ayoko kasi kapag nilalagnat ako. Nahihirapan ako nang sobra at umiiyak ako kapag mataas ang lagnat ko. Ayaw na ayaw kong nilalagnat.
Ang huling natatandaan ko na nilagnat ako ay noong maligo ako sa ulan. Kinse anyos ako noon at napagkatuwaan naming maligo ng mga kaibigan ko sa ulan. Nag-enjoy ako nang husto kaya hindi ko namalayan na masyado na pala akong nababad sa ulan.
Pag-uwi ko ng bahay ay saka ako inapoy ng lagnat. Sobrang taas ng dumapo sa akin kaya nagkombulsiyon ako. Simula noon iningatan ko na ang sarili ko na huwag magkasakit.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko. Ang gusto ko lang talaga ay matulog at magpahinga maghapon.
Hindi ko alam kung anong oras na at gaano kahaba ang itinulog ko. Nagising na lang ako sa isang boses na nagbigay nang magandang pakiramdam sa akin.
"Jasmine, wake up. You need to take your medicines." Malambing ang boses nang nagsasalita at parang ingat na ingat ang bawat pagbigkas ng salita.
Iba ang boses, baritono ang boses, at parang masarap sa tenga. Hindi kagaya ng kay Mr. Cojuangco na malamig at malalim. Parang boses ng isang bampira kasi ang kanya, walang emosyon.
Pakiramdam ko nga nasa hospital ako at doktor ang nagsasalitang iyon. Ganoon ang mga boses ng doktor sa pagkakaalam ko dahil malambing ang mga ito sa kanilang pasyente. Ganoon sila dahil masaya sila kapag nabibigyan nila ng comfort ang mga pasyente.
Nanatili ako na nakapikit. Masakit pa rin ang ulo ko kasabay pa ng pagkirot ng gitna ko. Mainit pa rin ako, nalaman ko iyon ng damhin ko ang aking noo.
"Sa wakas gising ka na rin," masayang bulalas ng nagmamay-ari ng boses. Tila natuwa ito na nagising na ako.
Na-curious naman ako malaman kung sino siya kaya naman awtomatikong nagmulat ako ng mga mata.
Nilipad pa yata palabas ng dibdib ko ang puso ko nang makita ko ang mukha ng may-ari ng magandang boses.
Sumalubong sa akin ang mukha ng isang guwapong anghel. Anghel na walang pakpak.
"Magandang tanghali sa iyo," malambing na bati niya at pagkatapos ay ngumiti siya.
Lumabas ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Parang namalikmata pa nga ako dahil parang nakita ko na kuminang ang mga iyon, gaya sa commercial sa tv. Imagination ko lang iyon dahil masyado akong na-mesmerized sa taglay niyang kagwapuhan.
Nakasuot siya ng puting polo na open ang dalawang butones sa may bandang leeg. Tinernuhan niya ito ng dirty-white na slacks. Mukha talaga siyang anghel.
Anghel nga ba talaga? Kasi nakita ko siyang ngumisi. Ang mga anghel ay hindi marunong ngumisi, maliban na lang kung demonyo ito at nagbabalat-kayo bilang anghel.
"I think nagustuhan mo ang nakikita mo? You will free to taste it, if you want." Kinindatan niya ako at muling ngumisi. Nairita ako.
Hmpt! Ma-feeling ang isang ito! Sinasabi ko na nga ba! Hindi siya anghel dahil isa siyang mayabang na demonyo. Kaugali niya si Mr. Cojuangco.
Natutop ko ang aking dibdib, isa kaya ito sa mga kaibigan niyang titikim sa akin? Naalala ko na nabanggit niya kagabi na darating ang mga kaibigan nito ngayon para makita ako at makilala nila. Hindi kaya isa ito sa mga kaibigan ng gagong iyon?
Bigla akong napabalikwas ng bangon ng maisip ko iyon. Baka kaya siya nandito ay para tikman din ako. Ginising niya ako para maisagawa niya ang gusto niya.
Oh, My God! Huwag naman ngayon!
"S-Sino ka?" kinakabahang tanong ko habang alerto ang mga mata ko. Naghahanap ako ng puwede kong ibato kapag tinangka niyang lumapit.
Nalaglag naman ang panga niya nang makita ang reaksyon ko. Nakadama ako ng relief sa inakto niya. He is different naman siguro. Huwag lang siyang maging manyak at malupit kagaya ni Mr. Cojuangco. But I am not sure with that.
Hinila ko ang kumot at mahigpit na hinawakan ang magkabilang laylayan. Hinigpitan ko talaga dahil baka bigla niyang hablutin ito ay tumambad pa sa mata niya ang alindog kong natatakpan lang ng pulang nighties. Maiksi kasi ang suot ko at mahalay. Iyon ang napansin ko kagabi habang nilalantakan ko ang mga pagkaing ipinahain ng Mr. Cojuangco. Sobrang iksi dahil pagtingin ko sa repleksiyon ko sa salamin na kaharap ko ay nakita ko ang panty na isinuot din niya sa akin.
Naisip ko nga na sobrang mahalay talaga siya dahil pati ang pinasuot sa akin ay mahalay. Wala rin akong suot na bra.
"Im Justin Lopez at your service," pagpapakilala niya. Sumaludo siya sa akin at muling ngumiti. Inilahad pa niya ang kanyang palad para makipagkamay sa akin.
Napatingin lang naman ako sa palad niya. Nagdadalawang-isip ako kung aabutin ko ba iyon o iignorahin na lang. Sa huli ay nagdesisyon ako na huwag na lang. Kinakabahan pa rin ako sa presensiya niya dahil dalawa lang kami rito sa kuwarto.
"Alright, I get it. I know what you're thinking and I don' like it. Tsk!" Hindi ko na naintindihan ang iba pa niyang idinugtong dahil mahina ang boses niya na parang sadyang ibinulong para hindi ko marinig.
"I'm just checking your temperature. Sorry kung natakot kita. I didn't mean it. f**k that asshole! Kainis!" Hindi ko na naman narinig ang kadugtong ng sinabi niya. Nakakainis dahil mukhang sinasadya niya talaga. Ano kaya ang binubulong niya? May kinalaman kaya ito sa akin?
"Doktor po kayo?" tanong ko kahit obvious naman na, oo. Nakita ko kasi ang isang stethoscope na nakalapag sa side table na nasa malapit lang at isang bag na sa hula ko ay naglalaman ng kung anu-anong gamit niya sa paggagamot. Hawak din niya ang isang thermometer na sa hula ko ay nag-check siya ng temperature ko habang tulog ako.
"Yeah. I am Dr. Justin Gio Lopez. Pasensiya ka na nakalimutan kong banggitin. I am not used to it, ang tawagin na doktor ang sarili ko," natatawang sabi niya. Tiningnan niya ang hawak na thermometer at binasa ang resulta.
"Thirty-eight degrees, medyo mataas pa." Ibinaba nito ang hawak na aparato saka may iniabot ito sa akin. "Here, take this." Nakita ko na isang kapsula iyon at isang maliit na tabletas na hindi ako pamilyar kung ano.
Nagtatakang inabot ko naman ang hawak niya. Tinitigan ko ang maliit na tabletas. "Para saan po ito?" curious na tanong ko. Malay ko baka drugs na pala itong ipinapainom niya sa akin.
"Pills 'yan, inumin mo para hindi ka mabuntis," walang kiyeme niyang sagot.
Namula naman ako nang marinig ko ang sagot niya. Napatungo ako dahil sa matinding pag-iinit ng aking pisngi. Sinabi marahil ni Mr. Cojuangco na may nangyari sa aming dalawa. Nahihiya tuloy ako at hindi naging kumportable.
Tama ako, isa siya sa mga kaibigan ni Mr. Cojuangco. Mukhang mabait naman ito ngunit sabi nga nila "looks can be deceiving" hindi pwede gawing basehan ang itsura ng isang tao para sabihin mong kilala mo na siya. Ang itsura natin minsan ay madaya.
"Take it now. Pwede mo namang inumin 'yan kahit wala pang laman ang tiyan mo," aniya nang makita na parang nag-aalangan ako na inumin iyon.
Oo nga pala, tanghali na. Ayos lang iyon dahil nakapagpahinga ako nang maayos. Ang gutom ay hindi ko naman dama dahil nabusog ako nang sobra kagabi.
"Here, inumin mo na 'yan." Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig. Kaagad ko naman iyong tinanggap, initsa ko ang kapsula sa bibig ko saka uminom ng tubig. Inulit ko ito ng ang maliit naman ang isinunod ko.
Malawak na ang ngiti niya nang ilapag ko ang baso sa ibabaw ng mesa.
"Good girl. You should eat now. I'll go ahead Jasmine. Erwin wants to see you desperately," aniya sa natatawang boses. Sinipat niya ang mensahe sa cellphone na tangan niya.
Nakangiti ito habang nagtitipa ng kung ano mula rito. Natulala na naman ako dahil ang gwapo lang talaga ng doktor na 'to.
"Bye, Jasmin. I'll see you around tomorrow." Tumango lang ako bilang tugon. Inayos nito ang laman ng bag niya saka naglakad at tinungo ang pinto.
Malakas akong nagbuntung-hininga ng mapag-isa.