Jasmine
Natigil ako sa paghakbang nang marinig ko siyang magsalita, gising na pala siya. Nagising ba siya dahil sa galaw ko? Marahan ang pagbaba ko sa kama para hindi siya magising pero nagising pa rin ang demonyong ito. Akala ko kasi mahimbing ang tulog niya dahil napagod ito sa mga ginawa niya sa akin.
Ako rin naman ay pagod tapos dagdagan pa ng sakit ng aking katawan. Gusto kong magpahinga at matulog na lang pero nagugutom ako. Parang nawala ang lahat ng lakas ko pagkatapos na may nangyari sa amin ni Mr. Cojuangco.
Kailangan pala ng lakas at tibay ng katawan kapag nakikipag-s3x. Inubos niya ang lakas ko kaya ako nanghihina ngayon. Hindi rin ako nakakain nang maayos kanina dahil sa excited ako sa bago kong trabaho.
"Are you trying to escape?" wika niya malapit sa tenga ko. "You can't escape from me, Jasmine."
Napapitlag ako sa ginawa niya kaya naman naitulak ko siya ng wala sa oras. Nakakagulat na bigla na lang na nasa tabi ko siya.
Natatakot na yata akong mapalapit sa kanya pagkatapos nang nangyari kanina. Nanginginig ako. Phobia? Iyon kaya ang nararamdaman ko ngayon.
"Hey! Easy!" aniya na nakakunot ang noo.
Napayuko na lang ako ng ulo nang magtama ang aming paningin. I can't look at his face. Natatakot ako sa kanya. Nakalapit siya ng hindi ko namamalayan. Ang bilis ng paglapit niya. Wala naman ako balak tumakas gaya ng iniisip niya. Mag-iipon muna ako ng lakas ng katawan bago ko isagawa ang gagawin kong pagtakas. Hindi ako makakapayag na maging parausan niya at ng mga kaibigan niya.
"H-Hindi po ako t-tatakas, Sir. G-Gusto ko lang naman po kumain," natatakot na sabi ko. Pinisil ko ang mga daliri ko sa aking kamay dahil talagang natatakot ako sa kanya.
Gutom na talaga ako. Huwag naman sana niyang ipagkait na kumain ako. Kailangan ko lang talagang malamnan ang kumukulo kong sikmura. Hindi ko na talaga matitiis ito, sobrang kumakalam na talaga.
Kahit tubig siguro pwede na basta maibsan lang ang gutom ko.
Pero paano kung hindi niya ako pakainin? Paano kung pagdamutan niya ako. Mas magiging malala pa siya sa dati kong amo pag nagkataon.
Ang sama na nga ng ginawa niya sa akin, gugutumin pa niya ako. Alam ko malupit si Mr. Cojuangco, walang awa at napatunayan ko na iyan kanina.
Sana naman huwag niyang dagdagan ang pagkamuhing nararamdaman ko para sa kanya.
Ngayon, alam ko na kung bakit marami ang namamatay sa maling akala. At marami ang nagsisi sa bandang huli.
Ang akala ko gaganda ang buhay ko sa bago kong trabaho. Akala ko lang iyon dahil hindi naman matinong trabaho ang nasumpungan ko. Naakit ako sa ganda ng offer. Nasilaw ako sa malaking sahod. Naeengganyo ako sa libreng tirahan, naaliw ako sa mga libreng gamit, at natakam ako sa maraming pagkain.
"Yes, sa wakas magkakatrabaho na ulit ako, Tiya Selina. Sana po andito pa kayo dahil makakabawi na sana ako sa inyo. Malaki po ang sahod ko, mabibili ko na iyong mga gusto natin na kainin."
Nang matanggap ako sa trabaho ay kaagad ko siyang dinalaw sa sementeryo. Wala kasi akong ibang mapagsabihan ng kagalakan ko kaya siya ang pinuntahan ko.
Pero dahil sa katangahan ko at excited na magkatrabaho ay nalinlang ako. Dangal ko lang naman ang kapalit. Dangal na nawala sa isang kisap-mata.
Lumaki kasi ako sa hirap at ang mga ganitong simpleng karangyaan ay nakakatakam. Ignorante ako alam ko, kaya ako napahamak ay dahil padalus-dalos ako. Nakakaakit naman kasi, isa ito sa mga pinangarap ko dahil hindi ko ito nalasap. Mahirap lang ang buhay namin, bihira ako makatikim ng kahit anong karne. Isda at panay lutong-ulam na tig-sampu o kaya tig-bente ang kinakain ko na binibili lang namin sa may kanto araw-araw.
Minsan naman ay tig-thirty-pesos ang halaga ng ulam namin kapag adobo o nilagang baka iyon. Sapat lamang para ulamin namin ng dalawang beses sa isang araw. Kung mamalasin naman kami ay magtitiis na lang kami na magdildil ng asin.
Nakakaawa kami, alam ko. Pero kahit na ganoon ay masaya naman kami. Sapat naman na iyon bilang pantawid-gutom.
Labandera lang kasi si Tiya Selina. Nakiki-extra lang siya, tatlong daan kada laba. Twice a week lang iyon kaya hindi sapat sa amin. Nag-aaral pa ako at umuupa pa kami ng tirahan sa isang squatter's area.
Biruin mo, pagkakasyahin niya ang anim na raan sa loob ng isang linggo. Hindi sapat, alam ko. Kulang na kulang kung tutuusin. Naaawa na nga ako sa kanya kaya gusto kong tumigil sa pag-aaral at tulungan na lang siya sa paghahanap-buhay.
Pero ayaw niya, hindi raw bagay sa akin ang magtrabaho dahil isa akong prinsesa. Kaya naman makikita na napakinis ko dahil hindi niya ako pinagtatrabaho. Kung makakapagsuot lang ako ng mas maayos na damit ay talagang mapagkakamalan ako na may kaya.
Sabi pa nga niya noong nabubuhay pa siya.
"Alam mo, Jasmine, kung buhay lang ang mga magulang mo ay hindi ka sana naghihirap ng ganito. Nagbubuhay- prinsesa ka sana, hija."
Hindi ko naman na tinanong noon kung bakit. Hindi naman na ako nagtanong noon. Hindi naman kasi ako interesado pang malaman dahil hindi ko naman na sila nakagisnan.
Bata pa ako nang mangyari ang trahedyang iyon. Ang kwento lang sa akin ni Tiya Selina ay kasama ko ang mga ito sa lumubog na barkong sinakyan namin patungong Cebu. Isa si Tiya sa sakay no'n at isa rin siya sa nakaligtas gaya ko.
Sa kasamaang-palad ay hindi raw alam ni Tiya Selina kung nakaligtas ang mga magulang ko dahil hindi naman nila ako hinanap. Tapos hindi rin niya kilala ang mga ito dahil napulot lang niya ako. Kinuha niya ako dahil wala naman naghahanap sa akin. Kinupkop niya ako at pinalaki.
Matandang-dalaga si Tiya Selina at nag-iisa na lang sa buhay. Itinuring niya akong kamag-anak na hindi na iba sa kanya. Sayang, hindi ko man lang nasuklian ang kabaitan niya. Bente anyos na ako pero ang tingin niya sa akin ay bata pa.
Sa bahay lang ako at kasa-kasama niya kapag nakikilabada. Ikinalungkot ko ang maaga niyang pagkamatay ng wala sa oras. Nasaksak kasi siya ng isang adik na lango sa droga. Hindi na namin naitakbo sa hospital dahil kaagad itong binawian ng buhay.
Sobrang pag-iyak ang ginawa ko noon araw-araw. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay. Mabuti na lang at naka-graduate na ako ng senior high bago mangyari iyon.
May magagamit ako kung sakali na maghanap ako ng trabaho. May naiwan siya sa akin na limang libo na hindi ko alam na nakaipon pala siya ng ganoon kalaking pera. Ginamit ko iyon para gamitin sa paghahanap ng trabaho.
Mababait ang mga kapit-bahay namin kaya nailibing si Tiya Selina nang maayos. Pinagtulungan nila ang pagpapalibing sa kanya kaya wala na akong prinoblema.
Tumatak sa isipan ko noon na may natitira pang mabubuting tao sa mundo.
Sa mahihirap na katulad ko lang iyon matatagpuan. Dahil ang mayayaman ay mapagmataas at makasarili. Iyan ang napatunayan ko dahil naranasan ko noon at ngayon ay mararanasan kong muli sa mga kamay ni Mr. Cojuangco.
Sana hindi na lang namatay si Tiya. Masaya sana ako sa piling niya. Hindi sana ako nakakaranas ng ganito. Hindi sana ako nakasadlak sa putikan.
Magsisi man ako ngayon ay masyadong huli na. Masyado ng huli para magsisi. Nakuha na ako, nawala na. Nasayang ang dalawampung taon. Napakasakit ng sinapit ko sa kanya. Hindi man lang niya ako binigyan ng choice.
Tinakot niya ako at inabuso. Dahil ba sa mahirap lang ako at mayaman siya.
Hindi ko gusto ang ugali niya. Pera ang pinapalakad niya dahil alam niya na wala akong laban.
"Oh, I see." Nag-agat ako ng paningin sa kanya nang marinig ko ang sabi niya. "You can eat all the food there." Iminuwestra niya ang mesang punung-puno ng mga mangkok at pinggan na nakatakip.
Tama ang hinala ko na mga pagkain nga ang laman ng mga iyon. Napansin ko ang pitsel na kristal na may lamang kulay brown na likido na sa hula ko ay mamahaling juice para sa mayayaman. Nangingintab ang labas nito dahil sa pawis ng lamig.
"S-Salamat po," tanging nasabi ko ng ibalik niya ang paningin sa akin.
Yumuko ako dahil hindi ko talaga makayanan ang makipagtitigan sa kanya. Napansin ko na sobrang laki pala ng katawan niya lalo na at malapit siya sa akin. Hubad baro siya at tanging pajama na itim ang suot niya.
Eight-pack abs? Totoo pala ang mga iyon. Nasilip ko lang ng magyuko ako ng ulo. Kakaiba rin ang haircut niya dahil ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganito ang gupit. Shaved sa magkabilang gilid at parang may korte na pa-zigzag. Tapos medyo mahaba sa taas na nagbigay nang kakaibang dating sa mukha niya. Nagmukha siyang bad boy at talaga nga naman na hindi gagawa ng mabuti.
May piercing siya sa magkabilang tenga na hindi ko masyadong napansin kahapon dahil natulala ako sa kagwapuhan na taglay niya.
Singkit ang matatapang niyang mata, matangos ang ilong, at makapal ang mapupulang labi. Moreno siya at nagpadagdag iyon ng appeal sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang lahi mayroon siya pero alam ko na isa siya sa mapalad na nagtataglay ng dugong bughaw.
"No, need to thank me. Remember, all are free," aniya.
Lumapit siya sa akin sabay angat ng kanyang kamay sa mukha ko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at saka mabilis na kinuyumos ako ng halik.
Itinulak ko naman siya at takot na nagmakaawa.
"H-Huwag po. H-Hindi ko pa po kaya," nangangatal ang boses na pakiusap ko. Napayakap ako sa katawan ko dahil tila nakaramdam ako nang matinding lamig.
Huwag na muna sana niya akong galawin ulit. Hindi ko pa kaya dahil masakit ang gitna ko. Ang sakit ay abot sa kaloob-looban ng pagkababaë ko. Sagad ang pagpasok niya sa akin kaya naman ramdam ko pa rin kung hanggang saan ang naabot niya. Ang hapdi ng aking pagkababaē at parang dinudugo pa rin ako sa sobrang pananakit ng loob ko.
"Tss! I know you're still sore down there. I won't touch you if that's what you are thinking. Just one kiss, Jasmine and touch to your," ngumisi siya sa akin nang nakakaloko sabay tawa nang malakas. At pagkatapos ay pinadausdos niya ang isa niyang kamay mula sa dibdib ko pababa sa pagkababaē ko.
Nandidiring inalis ko ang kamay niya. Tinapunan ko siya nang masakit na tingin. Bumalik ang tapang ko dahil sa kabastusan niya.
''Hindi ka pa ba nakuntento sa ginawa mo sa akin?" nanlilisik ang mga matang tanong ko.
"Oo, hindi pa. Gusto ko ngang makipag-s3x ulit ngayon sa iyo pero mukhang hindi mo ulit ako kakayanin. Ang sarap-sarap mo, Jasmine. Ang sikip-sikip mo, ang tam---"
"Tama na! Napakabastos ng bunganga mo !" hiyaw ko.
Napaka-straight-to-the-point niya. Wala siyang kiyeme sa pagbibitaw ng mga salita buti sana kung hindi masagwa pakinggan.
"Walang bastos sa sinabi ko. Prangka lang talaga ako. Masarap kang ka-s3x Jasmine. Masarap ka!" anas niya saka siya muling ngumisi nang nakakaloko.
Tiningnan ko lang siya nang matalim. Kung nakamamatay lang ang tingin ay malamang kanina pa siya bumulagta sa sahig.
"Eat must now, and after that you take a rest. You need to gain your energy. My friends will arrive this morning. Gusto ka nilang makita at makilala," pagkuwa'y sabi niya.
"A-Ano?" iyon ang tanging naibulalas ko.
Napahumindig ako nang maisip kong sila na ang susunod na gagamit sa akin. Ilan kaya sila? Sabay-sabay ba? Napakaaga naman para sumunod sila sa paggalaw sa akin. Paano ako makakatakas kung gusto na nila ako makita.
"You heard me, Jasmine. Don't worry mali ang iniisip mo. Hindi ka pa nila gagalawin. Gusto ka lang nilang makita at makilala. Pero nasa kanila pa rin ang desisyon. Kumain kana. Matutulog na ako. Sa tabi ko ikaw matutulog at huwag na huwag kang magtatangka na tumakas kung ayaw mong ipalapa kita sa aso," banta niya sa akin.
Binigyan niya ako ng huling sulyap saka ako tinalikuran. Tinungo nito ang kama saka nahiga at pumikit.
Naiwan naman akong nakatanga sa kinatatayuan ko. Iniisip ko ang mga sinabi niya. Gusto nila ako makita pero nasa kanila kung gagamitin nila ako o hindi. Sana naman, hindi. Sana hindi nila maisip na galawin ako. Mababait naman sana sila baka puwede akong magmakaawa. Hindi sana sila kaugali ng demonyong ito.
Napatingin ako kay Mr. Cojuangco na nakahilata na at nakapikit. Sa tabi niya ako matutulog, iyon ang utos niya. Pwes! Hindi ako tatabi. Sa couch na lang ako matutulog. Nasulyapan ko ang couch na sa tingin ko ay kumportableng tulugan ko mamaya.
Ayokong tumabi sa kanya. Baka sapian na naman siya ng kamanyakan at bigla akong halayin.
"Tatakas pa rin ako, hindi nga lang ngayon," bulong ko sa hangin habang nakatingin sa lalaking mahimbing na natutulog. Sarap barilin o 'di kaya naman ay hatawin ko siya ng lampshade.
Psh! Huwag na pala dahil baka pabayaran pa niya sa akin. Mas lalaki ang utang ko at baka hindi ako tuluyang makatakas sa anino niya. Tuso siya at ang tuso ay madumi maglaro. Madaya.
Naramdam ko muli ang pagkalam ng aking sikmura kaya naman nakalimutan ko na ang mga iniisip ko. Paika-ika ako na naglakad sa mesa kung saan naroon ang mga kailangan ko. Halos maglaway ako nang makita ko ang laman ng bawat pinggan at mangkok na inaalisan ko ng takip.
Hindi ako makapaniwalang matitikman ko ang mga ito sa tanang buhay ko. Kaagad akong sumandok ng kanin. Kaagad kong nilantakan ang unang putahe na kumuha ng atensiyon ko. Halos mabulunan ako nang sabay-sabay akong sumubo.
Kaagad kong inabot ang pitsel na may lamang juice. Nilamnan ko ang basong bakante at saka ito tinungga. Pati ang juice ay lasang mamahalin.
Ang sarap sigurong mayaman. Mga ganitong pagkain ang lagi kong kakainin. Titira ako sa ganitong palasyo.
Ngunit naisip ko, mararanasan ko nga ang pamumuhay nila ngunit kapalit naman nito ay dangal ko.
Mabilis kong nabitiwan ang tangan kong kubyertos nang maisip ko iyon.