Lanz Sky
"Concern lang ako sa iyo, Sky. Kapag nalaman nila na nasa poder mo si Jasmine ay malaking gulo ito kung sakali. At mas lalo magkakagulo kapag nalaman nila na ginawa mo siyang s3x slave!" inis na turan ni Justin. Pilit niya ipinapaintindi sa akin ang side niya. Pero desidido na ako, pangangatawanan ko ang aking sinimula.
Yes, he is just concern. But I don't need it for now because I need my f3cking revenge to be fulfilled! Wala akong pakialam kung mapahamak man ako. Ang gusto ko lang naman ay makaganti. Mas marami akong pera kaysa sa kanila pero hindi iyon sapat dahil mas marami silang koneksyon.
Maging pulitika man iyon o sa sindikato. Alam ko na malakas ang pamilya Trillanes ngayon, hindi na sila kagaya noon na salat sa kapangyarihan. Sa dami ng niloko nilang tao ay hindi malabong umangat sila ng ganito at maging maimpluwensiya.
"F3ck that s**t, Justin! Huwag ka na nga makialam! Just mind your own life! I don't need you! Sige, umatras kana sa usapan! You are free to do what you want! Heto lang masasabi ko sa iyo! Kalimutan mo na naging kaibigan mo ako!" nanggagalaiting hiyaw ko. Ayokong umabot sa ganito ang usapan na ito because of that issue! Pero hindi nga talaga maiiwasan na kami ay magtalo.
"Huwag naman ganito, Sky. Natatakot lang kami ni Erwin na baka isunod ka na nila kapag nalaman nila na nasa iyo si Jasmine. Ayaw namin mawalan ng kaibigan dahil sa kagustuhan mong makaganti sa mga Trillanes. For Pete's sake Sky! Wake up! Kung pwede ko lang buhayin sina Tito Sun at Tita Kylie ay gagawin ko para pigilan ka lang. Itama mo na ang mali mo, palayain mo na siya habang maaga pa. Huwag mong idamay si Jasmine dito dahil hindi naman alam ng mga Trillanes na buhay ang nawawala nilang anak," mahabang pahayag ni Justin.
Mas sumiklab ang galit na nadarama ko. Kung naririnig ako ng mga magulang ko ngayon ay alam kong matutuwa sila dahil sa wakas ay makakaganti na kami. Ito ang hindi maiintindihan ni Justin kahit kailan.
"Wala silang malalaman dahil walang pwede makaalam na nasa akin siya!" Wala silang malalaman dahil hindi sila makakapasok sa pamamahay ko. Nasa labas pa lang sila ay babarilin ko na sila.
Si Jasmine ay mananatili sa piling ko. Hindi siya makakalabas ng mansion dahil ikukulong ko siya. Alam ko kung gaano katakot ang babaeng iyon sa akin kaya hindi siya magtatangka na tumakas.
Nagbanta ako sa kanya na papatayin ko siya oras na tumakas siya at mahuli ko siya. Siya na lang ang alas ko para mapasunod ang mga Trillanes. Magagamit ko siya in the near future. Kapag kaya ko ng pabagsakin ang mayayabang na Trillanes.
"Sky naman, gawin mo ang tama. Maayos naman na ang buhay mo bakit kailangang gawin mo pa ito." Pilit pa rin na kinukumbinsi ako ni Justin.
Ang kulit lang naman talaga ng isang ito.
"No! Ayoko masayang ang paghahanap ko sa kanya!"
Punung-puno na ako sa usapang ito! Ayaw ko na mag-away kami ngunit mukhang sa bugbugan ito magtatapos!
Umagang-umaga ganito ang topic! Sana hindi na lang ako nagkwento sa kanya! Alam naman niya na iniiwasan ko ang topic na ito noon pa man dahil dito ako nag-break-down kapag nasagad ang galit ko. Mawawala ako sa tamang katinuan at alam kong malabong may pwedeng kumalma sa akin.
Humakbang ako palapit sa kinatatayuan niya. Nanginginig ako sa matinding galit. Masama ang tingin ko kay Justin. Kuyom ang mga kamao ko at mabibigat ang aking mga hakbang. Pakiwari ko nag-transform ako sa katauhan ng isang demonyo.
Oo, demonyo ang gusto kong paglalarawan sa sarili ko. Iyon na ako simula ng mangyari ang malaking trahedya sa buhay ko.
Walang puso, walang awa, at malupit. Wala ako sinasanto bata man o matanda. Galit na galit ako sa mga tao. Tingin ko lahat sa kanila ay mapagsamantala at sasaktan nila ako.
Ganyan ang tinatak sa utak ko ng mga Trillanes. Hindi lang puso ko ang sinaktan nila. Pati buong pagkatao ko ay niyurakan nila. Pinagmukha nila akong tanga. Niloko nila ako at ang mga magulang ko.
Ginamit nila ang kahinaan ko bilang lalaki upang makamkam ang lahat ng yaman namin. Pero mabait ang nasa itaas dahil natuklasan ko ang kabuktutan nila.
Doon na nagsimula ang maraming gulo na kinasawi ng mga magulang ko. Nagdusa ako dahil sa kanila. Tinapos nila ang buhay ng dalawang taong tanging sandigan ko. Nawalan ako ng paghuhugutan ng lakas.
Mabuti na lang nasa tabi ko sina Justin at Erwin subalit mukhang titiwalag na si Justine dahil ayaw na niya sa kasunduan namin.
Sila na lang ang natirang pamilya para sa akin. Ayokong pati sila ay mawala, hindi ko kakayanin. Baka tuluyan na akong mabaliw.
"Sky! Tama na! Patawarin mo na sila! Palayain mo na ang sarili mo sa galit! Walang mangyayari kapag ganito ang gusto mong gawin! Sarili mo ang pinahihirapan mo! Look at them? They are free and happy. Panahon naman na siguro para maging masaya ka na rin. Find a woman that will love you and take care of you. Please, I'm begging you. Forget the past!"
"No! No!"
I will make them all suffer my anger. Uumpisahan ko kay Jasmine, isusunod ko si Jenny, at pagkatapos ay isusunod ko ang demonyong mag-asawa.
Huminga ako nang malalim. Pilit ko pinakakalma ang aking sarili kahit na hindi ko na kaya.
Naalala ko noong nasa akin pa ang magaling kong asawa. Noong masaya pa kaming nagsasama . Noong hindi ko pa alam ang tunay na dahilan ng pagsasama namin.
Lagi siyang umiiyak sa gabi dahil sinisisi niya ang sarili dahil sa pagkawala ng nag-iisa nitong kapatid.
Naalala ko na dinadaan niya sa pagpipinta ang frustration niya. Madalas siya magpinta ng mga abstract painting. She is a talented painter. She always paint a sea scene where in the ship is drowning. A ship that has many corpse.
Pagkatapos ay lalagay niya sa ibaba ang pangalan ng kanyang kapatid.
Three years old ang kapatid niya ng mawala ito kasama ng barkong lumubog. Hindi nila alam kung buhay pa ito o patay na. Nasabi sa akin ni Jenny noon na hindi natagpuan ang bangkay ng kanyang kapatid.
Kaya ako ang gumawa ng paraan para mahanap ang nawawala niyang kapatid. Pinahanap ko siya upang gawin kong bitag sa mga Trillanes.
"Sa tingin mo maibabalik pa ang buhay ng mga magulang mo kapag naghiganti ka? Kahit patayin mo si Jasmine ay hindi na maibabalik ang buhay nila! Mag-move-on ka na Sky! That's the best solution that I suggest!"
"Hindi ikaw ang nasa lugar ko kaya hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko! May pamilya kang sumusuporta sa iyo kaya hindi mo alam kung paano ang mag-isa! Mag-isa lang ako, Justin! Mag-isa na lumalaban upang mahanap ang hustisya para sa kanilang pagkamatay!" sigaw ko habang unti-unti nang nababasag ang boses ko.
"Hinding-hindi mo ako maiintindihan..." anas ko.
Nakita ko siyang natigalgal nang makita ang bumabahang emosyon sa mukha ko. Hindi ko na kayang pigilan dahil sumasakit na ang dibdib ko.
Nakalapit na ako sa kanya saka ko siya kinuwelyuhan. Mabilis na pumatak ang mga luha ko kasabay nang matinding hagulgol na hindi ko na kayang pigilan.
Nakakahiya man na makita niya akong umiiyak ay wala na ako pakialam! Masakit pa rin ang mga naiwan na pilat sa puso ko.
"S-Sky..." tanging nasabi niya habang nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin.
When was the last time that I cried like this? Six years ago, I think. Nang matuklasan ko ang panloloko ni Jenny. Nang sadya na banggain ang sinasakyan ng mga magulang ko.
Galit na galit ako noon at kasabay nito ang pagluluksa ko. Gusto ko ng sumunod sa kanila dahil wasak na wasak na ako.
Wala ako mukhang maihaharap sa mga tao dahil kalat na kalat sa buong lugar namin na niloko lang ako ng asawa ko. Pinagtaksilan niya ako at hinuthutan lang ng salapi. Baon kami sa utang at marami ang naghahabol sa akin dahil bumagsak ang lahat ng negosyo namin.
Halos mabaliw na ako noon. Kulang na lang ay ipasok ako sa mental hospital dahil sa matinding depression. Mabuti na lang at nasa tabi ko sina Erwin at Justin. Sila ang tumulong sa akin upang makaya ko ang lahat ng suliraning ito.
Ang trust funds na iniwan nina Papa at Mama ang ginamit ko bilang pambayad sa lahat ng utang. Ang natira ay ginamit ko para muling magpatayo ng negosyo. Unti-unti ako bumangon ngunit kalahati ng katawan ko ay nakabaon na sa lupa. Buhay nga ako ngunit patay naman ang puso ko.
"Support me to this, Just, please. Huwag ka na kumontra. Kung ayaw mo makisawsaw sa pag-alila kay Jasmine sa kama ay ayos lang. Basta suportahan mo lang ako. I need you by my side," paos na pakiusap ko. Binitiwan ko siya saka ako tumalikod. Sinipa ko ang lahat ng maraanan ko. Binato ko ang bawat mahagip ng mga kamay ko.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!" Sumigaw ako nang malakas para mawala ang nakadagan sa dibdib ko. Feeling ko hindi ko na kaya. Mababaliw na ako.
Bumaling ako sa dingding at sumuntok dito ng ilang ulit. Nang magsawa ako ay naglakad ako patungo sa mesa ko at doon ay pinagtatapon ko ang mga papeles na naroroon.
Nang makuntento na ako sa pagwawala ay sumalampak ako sa sahig habang humahagulgol nang malakas.
"Erwin, yeah. Pumunta ka ngayon dito sa office ni Sky. Yeah. Asap!" Naulinigan kong nagsalita si Justin. Bakas ko ang pagkataranta sa kanyang boses.
Sinabutan ko ang sarili ko habang patuloy na umiiyak. Gusto kong manakit pero ayoko makatikim si Justin sa akin. Kawawa siya kapag binugbog ko siya.
"Sky, take this..."
Nag-angat ako ng paningin sa kanya nang marinig ko siya magsalita. Nanlisik ang mga mata ko nang makita ang hawak niyang tableta.
Sleeping pills?
Madalas ako mag-take ng ganito noon kapag hindi ako makatulog sa gabi. Ito ang nireseta niya para hindi ako masyado mag-isip lalo na kapag nag-iisa ako. Tranquilizer naman ang itinuturok niya kapag nagwawala na ako.
"No! I won't take that!" I hissed. Tinabig ko ang kamay niya kaya tumilapon ang gamot sa kung saan.
Napamura siya sa ginawa ko. Napalayo siya sa akin at mabilis na hinanap ang kanyang medical bag na lagi naman niyang dala kahit saan siya magtungo.
Hindi niya ako matuturukan ng pampakalma dahil mag-isa lang siya .
"Ilayo mo sa akin 'yan!"
Halos takpan niya ang tainga niya sa lakas ng sigaw ko. Napaatras siya hawak ang syringe na ituturok sana niya sa akin.
"Sky, tumigil ka na. I'm sorry. Pasensiya na. Oo na. Nasa iyo na ang suporta ko. Mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin. Hindi na ako kokontra sa gusto mong gawin kay Jasmine. Please kumalma ka na. Inumin mo na 'to."
Hilam ng luha ang aking mukha nang sumulyap ako sa kanya. Lumambot ang loob ko sa sinabi niya.
"Calm down, take this now..." Iniabot niya ang bagong tableta sa akin at saka niya mabilis na inabot ang mineral water na namataan niyang tumilapon malapit sa paanan niya.
Wala sa sariling tinanggap ko ito saka nilulon. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakadama ako ng antok. At ilang minuto lang ay nawalan na ako ng malay.
Tanghali na nang magising ako. Nakahiga ako sa couch na naririto sa aking opisina. Tiningnan ko ang mga kinalat ko kanina. Maayos na ang paligid at wala na ang mga kalat na likha ko kanina.
"How's your feeling, Sky?"
Umikot ako para makita ang nagsalita. Si Erwin, nakatayo siya malapit sa may salamin na bintana, na kung saan ay makikita ang magandang view ng San Juan, La Union. Nakahalukipkip siya habang kunot ang noo na nakatingin siya sa akin.
Pumunta pa rin pala siya rito sa opisina ko kahit maayos naman na ako. Sabagay hindi naman nila ako pwedeng pabayaan na lang basta-basta dahil mabuti silang kaibigan.
I am so blessed having this two in my life.
"Sorry lang pala ang katapat mo para kumalma ka," tudyo niya sa akin.
Sumimangot ako sa tinuran niya. Samantalang siya ay napahalakhak nang malakas.
Nahihirapan kasi sila na pakalmahin ako. Nasasaktan ko pa sila kung minsan. Now, hindi nangyari, muntik oo pero hindi ko ginawa. Nag-mature na siguro ako. Kaya ko ng makontrol ang emosyon ko kahit papaano.
"Don't start, Er," warning ni Justin sa kanya. Sumulyap ako sa gawi niya. Nakita kong napaiwas siya ng tingin sa akin. Nagkunwari siya na abala sa tablet na hawak niya.
"What ever," natatawang saad ni Erwin. Nabalik ang atensiyon ko sa kanya.
Magaling talaga siya mang-asar. Pero hindi ako naasar sa kanya. Sabi ko nga hindi niya ako kinokontra kaya magkasundo kami.
"Kanina ka pa rito?" I asked Erwin.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at saka sumandal sa backrest ng couch. Hinilot ko pa nang bahagya ang sentido ko dahil sumasakit ang ulo ko.
"Yup. Two hours, I guess. Ang sarap kasi ng tulog mo Prince Charming. Hindi naman makapunta rito 'yong prinsesa mo dahil nakakulong sa mansion mo," panunudyo pa niya.
"What do you mean by that?" singhal ko. Don't tell me, si Jasmine ang tinutukoy niya? I can't like her. I mean, I don't like her, kalaban siya.
Bakit niya naisipan na asarin ako gamit ang babaeng iyon?
"Er, don't pissed him. Gusto mo ba na magwala muli si Sky?" warning muli ni Justin.
"Okey, shoot! Malay mo kasi ma-in love itong bestfriend natin kay Jasmine. Baka sakaling makalimutan na niya ang paghihiganti," natatawang dagdag pa niya.
Nagtagis ang mga bagang ko. "That will never happens...hindi ako muling mahuhulog sa lahi ng mga Trillanes," sumpa ko sa sarili. Kahit kailan hindi ko inisip na magpapaloko ulit ako.
"Huwag kang magsalita ng patapos."
"Then, try me."