Sky's POV Halos patayin ko sa isip ko ang babaeng iyon nang malaman ko kina Papa at Mama na hindi ko siya totoong fiancee. "Hindi ka namin ipinagkasundo sa kanya, hijo. Kung pipili ako iyong matino at masisiguro ko na maaalagaan ka niya katulad ng pag-aalaga ko sa iyo." Si Mama na natatawa. Busy siya sa pagluluto dito sa kusina ng paborito namin ni Papa na tanghalian. Dito ko sila nadatnan paggising ko. Noong isang araw ko pa sana itatanong sa kanila ito ngunit nawala sa isip ko. Busy din kasi sila sa pamamasyal kaya hindi talaga ako nagkaroon ng pagkakataon para usisain sila. "Napagtripan ka lang ng batang iyon, Sky. Palikera iyon gaya mo, kaya siguro nilapitan ka." Si Papa na napapailing habang nasa gilid ni Mama at naghihiwa naman ng mga rekado para sa susunod na lulutuin ni Mama.