Jasmine's POV Luhaan na humiga ako sa kama nang makarating ako sa kwarto ni Mr. Cojuangco. Sumubsob ako sa unan habang humihikbi nang tahimik. Masamang-masama ang loob ko sa mga nangyayari sa akin. Gusto ko na matapos ang lahat ng ito ngunit ayaw niya ako umalis sa poder niya. Hindi ko gustong manatili dito ngunit ito na nga yata ang kapalaran ko. Mananatili akong s3x slave niya hanggang hindi niya tinatapos ang kontrata namin. Dito na yata ako tatanda at mabubulok. Iyon ang ipinahiwatig niya dahil walang kasiguruhan kung kailan niya ako balak paalisin kapag dumating ang araw na iyon. Nakiusap ako sa kanya kanina kahit masama ang pakiramdam ko na bumaba. Takot ako maparusahan kaya ako nakapag-isip na makiusap sa kanya upang hindi niya ako ikulong sa kwartong ito at lagyan ng tanikala