Kabanata 21: Ang nakaraan. (Part I)

1806 Words

Sky's POV Nakaalis na sina Justin at Erwin ay nanatili pa rin ako sa veranda. Dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos naming magkasagutan ni Erwin. Nagalit ako sa kanya dahil pati siya ay hindi ako maintindihan. Malungkot ko tinanaw ang lumiliwanag ng langit habang sumisimsim ng alak sa basong tangan ko. Mag-aalas singko na pero andito pa rin ako at umiinom. Hindi man lang ako tablan ng kalasingan at antok. Gusto ko makalimot kahit saglit lang gamit ang alak ngunit mas lalo lang nito pinapabigat ang pakiramdam ko. Ayaw pa rin ako dalawin ng antok, naalala ko iyong pananakit na nagawa ko kay Jasmine. Kinakain ako ng konsensiya at parang gusto ko humingi ng tawad dahil sa mga nagawa ko. Tulog na kaya siya? Kumusta na kaya ang pakiramdam niya? Sabi ni Erwin, mabuti naman na daw ang laga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD