Lanz Sky
Maaga akong umalis ng mansion para sa mga investor na ka-meeting ko ng alas-otso ng umaga. I don't like to wake up that early but I need to do it because those investors are very important. Malaki ang ipapasok nilang investment sa kumpanya ko. Mahirap na magbago pa ang isip nila at baka masulot pa ng ibang kumpanya.
Kahit na gusto ko pa sanang matulog dahil pagod at puyat ako kagabi. Hindi naman maaari dahil importanteng tao ang imi-meet ko.
Walang humpay kasi ang paggalaw ko sa babaeng iyon kaya umaga na ako nakatulog. Nakatatlong rounds pa ako kay Jasmine kaya medyo tinamad ako na bumangon kanina.
Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa tagal ng pagtatalik namin. Hindi na sana ako mahihirapan na makuha ang gusto ko sa kanya kung 'di lang siya nanlaban.
Gabi-gabi na ganoon ang eksena. Gusto muna niyang masaktan bago pagbigyan ang gusto ko. Matigas talaga ang ulo niya at ayaw sumunod. Ayaw sumunod kahit ilang beses ng may nangyayari sa amin.
Gusto muna niyang masaktan bago sumunod sa gusto ko, tuloy nakatikim siya ng sampal sa akin. Iyong galit na nasa puso ko ay lumalabas kapag hindi siya sumusunod gusto ko.
I want her to suffer. Suffer all the pains that cause me to be like this. Kulang pa ang parusa na binibigay ko sa kanya dahil nagsisimula pa lang ako.
Kapag nakikita ko ang mukha niya ay pilit na umalpas ang matinding galit sa puso ko na pilit ko na noon na ibinaon sa limot. Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko kung gaano siya kainosente. They have the same face, hindi ko mahanap kung saan sila nag-iba.
Alam ko naman na hindi siya dapat ang pinarurusahan at pinahihirapan ko ng ganito ngunit siya ang dapat ang dumanas nang galit ko. Mas masakit ang balik nito sa taong dapat makaranas ng paghihiganti ko dahil hindi niya gusto na maranasan ni Jasmine ang nararanasan niya sa mga kamay ko.
Mabait pa nga ako ng lagay na ito dahil buhay pa siya. Gusto ko dahan-dahan ko siya pahirapan hanggang magdedesisyon ako na bigyan ng wakas ang buhay niya. Katulad ng ginawa nila sa mga magulang ko. Buhay ang kanilang kinuha, buhay din ang magiging kapalit.
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Sky?" yamot na sita sa akin ni Justin. Prenteng nakaupo siya sa couch dito sa opisina ko.
Nakwento ko kasi sa kanya na sinampal ko na naman si Jasmine kagabi. Mukhang hindi niya nagustuhan ang kwento ko dahil ayon sa kanya huwag na huwag kong sasaktan ang babaeng iyon.
"Sana naman hindi mo na sinaktan."
Tinitingnan niya ang ginagawa kong paghagis ng dart sa dingding habang tangan niya ang isang tasa ng kape.
Nayamot naman ako dahil nanonood siya sa ginagawa ko. Nawawala ako sa magandang konsentrasyon kapag may nanonood sa akin. Napamura ako ng wala sa oras dahil isa man sa mga binato ko ay puro sa labas ang tama. Hindi talaga ako makapag-focus lalo na at kinakausap pa niya ako. Hindi ko gusto ang topic na binuksan niya dahil masisira ang araw ko. Maganda pa naman ang araw ko ngayon dahil na-close ko ang deal kanina.
Mamayang gabi kami magsasaya nina Erwin. Pupunta kami doon sa favorite bar namin.
"Yeah, what's wrong with that? We already talked about this. You and Erwin agreed, why are you asking if I'm sure with that?" patanong din ang naging sagot ko. Asar na tinapunan ko siya ng sulyap.
Binunot ko muli ang tatlong dart at saka ko ibinato sa dart board, ngunit palpak ulit. Hindi ko pa rin na-hit ang bull's eye. Ngayon lang ako nagmintis na hindi bull's eye ang tinamaan ko. Buong buhay ko na 'to ginagawa araw-araw, ngayon lang talaga ako sumablay.
Routine ko na ito tuwing umaga kapag papasok ako ng opisina o 'di kaya'y pag tatambay ako rito. Malas na nandito siya dahil sira ang record ko.
Kung hindi lang sana kailangan ang pirma niya ay hindi ko siya papupuntahin dito ng maaga. Isa kasi siya sa stock holder ng kumpanya na ito. Kailangan ko ang pirma niya sa ilang dokumento kaya ko siya pinapunta rito.
I don't like his presence here because we are opposite. He is an angel and I am the damn demon. Sa madaling salita, hindi kami magkasundo.
I don't know how we became bestfriend's samantalang magkaiba kami ng prinsipyo sa buhay. Kontra-bida siya sa buhay ko at labis akong naaasar sa kanya. Mabuti na lang at pumayag siya sa mga hinanda ko na plano. He can't protest to me. Alam niya kung paano ako nalugmok sa putikan dahil sa nakaraang naranasan ko.
"I just want you to move on, Sky. Don't do this to her. Wala siyang kasalanan dito, palayain mo na siya."
Nagtagis ang mga bagang ko. Ano na namang kalokohan ang sinasabi niya? We already talked about this! Why the sudden change of heart? Bumabaliktad na ba siya sa akin?
Damn it!
"Why, Just? Naaawa ka ba sa kanya? How about me?"
"Yes, naaawa ako kay Jasmine. Ikaw lang kasi itong ayaw mag-move on. Ang tagal na noon, Sky."
Napailing ako. Nayayamot ako na binato ko ang isa pang dart na hawak ko at natuwa naman ako dahil sa sentro na ito tumama. Itinapon kong muli ang isa at bull's eye ulit. Not bad, dalawang bull's eye at isang palpak.
Nagagalak na tinungo ko aking swivel chair at umupo. Kumpleto na ang araw ko dahil doon. Itinaas ko pa ang dalawa kong paa sa mesa saka ko siya binalingan.
"So? I don't care! Hindi ako makakapag-move on hangga't hindi ako nakakaganti sa kanila," malamig na sabi ko.
Nayayamot na ako, gusto ko na siya paalisin. Mag-aaway na naman kami sigurado. Hindi ko nais pag-usapan ang tungkol sa babaeng iyon dahil bumabangon ang galit sa dibdib ko. I know wala siyang kasalanan pero siya ang dapat magbayad.
Masama na ako, oo. Masama na kung masama dahil hangga't hindi ko nakakalimutan ang ginawa sa akin ng asawa ko. Hindi ako titigil sa pagbibigay ng parusa sa kanya. Mababaliw siguro ang babaeng iyon kapag nalaman niya ang ginagawa ko kay Jasmine.
Mabuti na lang at naunahan ko sila sa paghahanap. Salamat sa mga detective na na-hire ko pa sa Manila dahil nagawa nilang hanapin ang taong matagal na nilang hinahanap.
Sa Agoo ko lang pala siya makikita, akala ko dahil sa Cebu lumubog ang barko ay doon ako naghanap. Mabuti na lang at nagkasakali ako na roon ko siya mahahanap. Marami ang sakay ng barko na taga La Union. At isa si Selina Andrada, ang isa sa lulan ng barko na nakakuha kay Jasmine Victoria.
Seventeen years na nila itong hinahanap samantalang ako five years lang ako naghanap. Ang bobo naman ng mga binayaran nila upang mahanap lang si Jasmine.
Nanggagalaiti ako kapag sumasagi sa isipan ko ang ginawa ng mga demonyong iyon sa pamilya ko. Ginamit nila ang pamilya ko at ginamit nila ang anak nila para mahuthutan kami ng salapi. Pinatay nila ang mga magulang ko dahil ayaw nilang mabisto ang kalokohan nila. Dapat sa kulungan ang bagsak nila subalit wala akong matibay na ebidensiya.
Ngayon, gagamitin ko si Jasmine upang maging kabayaran sa mga utang nilang buhay.
Sayang, minahal ko pa naman siya. Niloko lang niya ako. Pagkukunwari lang pala ang lahat ng ipinakita at ipinadama niya sa akin.. She only wants me for money. No! They only want me for my money!
"Pero, Sky. Wala sa katarungan ang ginagawa mo sa kanya! You're not respecting her! Binababoy mo ang pagkababaē niya!"
"Shut up! I am not asking for your damn opinion, Justin!" I shouted in anger. Iyong manipis na pisi ng pagtitimpi ko ay napatid na. Kita niya na kanina pa ako naiinis ay talagang sinagad niya pa.
"Sorry, Sky. Gusto ko na mag-back-out sa agreement natin. Ayoko na maging parte ng paghihiganti mo. Hindi ko masikmura na babuyin ang katawan ng isang inosente na babae dahil lang paghihiganti mo!"
I laughed mockingly. Tumayo ako at niluwagan ang pagkakatali ng necktie sa aking leeg. I suddenly felt suffocated.
"Nagbago ang isip mo dahil ano? Did you find her hot and you only want her for yourself?"
"No, Sky. I'm just being fair with her. She is so innocent for all your revenge!"
"Wala akong pakialam! She will bear all my anger! I will punish her until my heart is contented!"
"Sky, be reasonable with your words. Hindi ikaw 'to! Don't make it hard for you. Ikaw lang din ang masasaktan sa ginagawa mo. Sa tingin mo? Mabubura ng paghihiganti mo ang sakit diyan sa dibdib mo? Huwag mo gamitin na kasangkapan si Jasmine dahil una sa lahat ay wala siyang kinalaman sa kasalanan ng pamilya niya."
"F3ck you, Justin! You agreed to this! Tandaan mo, nangako kayo ni Erwin na tutulungan ninyo akong maghiganti! Bakit ngayon nangangaral ka?"
He's always like this. Lagi niya ako pinapangaralan. Akala ko ba susuportahan nila ako sa mga ginagawa ko? Why the sudden change of heart! Damn that girl! Anong pinagsasabi niya kay Justine para magbago ang isip niya ng ganito!
Nag-usap na kami tungkol dito bago pa namin naplano ang lahat. May privilege naman sila dahil pwede nilang sipingan ang babaeng iyon. Want to sawa sila basta huwag lang ito mabuntis.
"Yeah. I admit pumayag ako noong una. I want you to move on kaya pumayag ako. Pero nang makita ko siya sa kwarto mo na may sakit at takot na takot ay bigla akong nakadama ng konsensiya. Hindi ko siya kayang babuyin, Sky! Hindi ko kayang abusuhin ang inosenteng babae na katulad niya. She is so fragile. She is different from her."
"Wala silang pinagkaiba dahil iisa lang ang mukha nila!" I shouted in so much rage.
Halos pumutok ang mga litid ko sa leeg dahil galit na galit ako. Hindi dapat siya maawa sa babaeng iyon dahil mas masahol pa ang ginawa ng pamilya niya sa akin. Hindi ba iyon naiintindihan ni Justine. Sabagay, wala siya sa sitwasyon ko kaya hindi niya alam kung paano mawalan ng minamahal sa buhay. Ang hirap mabuhay nang nag-iisa. Nasa akin nga ang lahat ngunit wala naman ako pag-aalayan ng mga ito.
"Pero magkaiba sila. Hindi siya, siya. Kalimutan mo na siya, let go of her memories. Alam kong masakit ang ginawa niya sa iyo pero mas masakit ang ginagawa mo kay Jasmine. Huwag mong sirain ang buhay niya dahil sa mga taong may kasalanan sa iyo."
"Damn it, Just! Wala kang alam sa nararamdaman ko! Stop talking! I don't wanna hear your f3cking opinions!"
"I'm just telling the truth. Oo, naroroon na ako. But five years is long enough to forget all the hatred in your heart."