Kabanata 4

2601 Words
Kabanata 4 CHAOS paused. Mula sa pagkakaharap sa salamin habang hawak ang sobre na naglalaman ng singkwenta mil ay tiningnan niya ang sarili. He will definitely need a lot of patience. Tama kaya ang kanyang pinasok o baka mas tama na pinakasalan niya na lang si Adelaide? No, this is way better than marrying that cheater. This was his only way to secure his position in the company and secure his wealth. Kapag tumanggi siya sa kasal, baka maisip ng Papa niya na itulad sa Kuya Dusk niya ang mga accounts niya. It's not that he couldn't live without his money, but he needs it. Hindi naman siya tulad ni Cain na nakaya ang hirap sa iskwater. Siya, mula sa murang edad ay halos patakbuhin na ang kumpanya. Doon na siya nagkaisip at lumaki. Malaking kawalan kung matitigil siya sa pagtatrabaho. Hindi niya kayang mag-adjust sa isang panibagong buhay na wala ito at ang lahat ng ito sa buhay niya. Mas mabuti na ang makasal siya sa isang tulad ni Amary Shane kaysa kay Adelaide. Kahit na hindi pa siya nakapag-move on sa babae, hindi rin naman siya pauuto lalo roon. Those people will never have the chance to manipulate him. He wasn't born to be manipulated. He was born to be the boss. He was born to manipulate and order. Tumalikod si Chaos para lumabas na muli ng kanyang kwarto, bitbit ang kanyang mga sobre. And he was expecting to see Randall and Amary in the living room, but they weren't there. Sumilip siya sa receiving area at naroon ang dalawa. "Attorney, here's for you. I'll call you when I need your help again. Nasaan na ang mga papeles?" Aniya kaagad nang makalapit sa abogado. Kinuha no'n ang isang envelope sa loob ng briefcase. "Nandito na lahat, kasama ang kontrata, ang prenup and everything." He nodded. "Mauna na rin ako. Salamat dito," ani Randall saka itinago ang sobre sa attaché case. Kapagkuwan ay binalingan ng lalaki si Amary na nakapaa na lang, walang suot na tsinelas. "Mauna na ako, Mrs. Castelloverde," paalam no'n. Tumango na lang naman ang isa tapos ay sinundan ng tingin ang lumabas na abogado. "Excuse me, po. Ma'am, heto na po ang tsinelas niyo," nagmamadali na lumapit si Corazon at inilapag sa paanan ni Amary ang pares ng tsinelas. "Salamat po," anaman ng isa. Nang umalis si Corazon ay hinarap niya ang dalaga, o mas dapat ba niyang sabihin na asawa? "Here's for you. Fifty thousand iyan. Nakalista 'yan. Hindi na kita papipirmahin pero huwag na huwag mo akong gugulangan dahil nasa teriyoryo kita. Wala tayo sa perya," aniya rito. Kinuha kaagad nito ang sobre at binuksan, "Salamat sa Diyos. Ito talaga ang hinihintay ko. Sandali at bibilangin ko. Baka kulang," sabi nito na nag-umpisa magbilang kaya halos malaglag ang mga panga niya. Ginawa pa siyang manloloko. Matapos itong magbilang ay ibinalik sa sobre ang pera, "Nasaan na ang asawa ko? Ipakilala mo na siya sa akin," nakabungisngis nitong sabi, "Siya ba ay alagaan na? Hindi na nakakatayo, need bihisan at pulbusan ang singit? Sabihin mo at kayang-kaya ko 'yong gawin. Nasaan na?" "Nasa harap mo," aniya kaya napatanga ito tapos ay luminga sa kaliwa at kanan tapos ay parang may kinakapa sa harapan. "Huwag mong sabihin na invisible ang asawa ko? Hindi naman ito si Hollow man, 'di ba?" Nagpatuloy ito sa pagkapa kaya kinuha niya ang mga kamay nito at inilagay niya sa may t'yan niya. "Ikaw ang asawa ko?" Gulat na tanong ni Amary sa nanlalaking mga mata tapos ay talagang kinapa siya. Bigla nitong nasaling ang harap niya at agad din na nabuhay iyon. Fuck. Umalis si Chaos sa harap nito at tumalikod, "Follow me. I'll show you your room." "Yes, Commander," agad nitong sagot. Mabilis talaga itong kumilos at nasa likod na kaagad niya. Umakyat sila sa hagdan. Hindi niya ito pwedeng patulugin sa guest room sa ibaba dahil baka biglang dumating ang ama niya. She has to be upstairs, ayaw man niya sana. Itatabi niya lang ito sa kwarto niya kahit na parang delikado na gawin iyon. "I am reminding you that you can't touch anything here." "Ikaw, pwede?" Humagikhik ito pero tiningnan niya nang masama, na parang balewala lang naman dito. "Ang akala ko ay ang tatay mo talaga ang asawa ko sa papel. Wala akong ideya na ikaw pala. Baka ma-develop ka sa akin ha." "Not even in my worst nightmare," agad niyang sagot dito. Kung tutuusin, walang-wala ito sa kalingkingan ni Adelaide mula noon hanggang ngayon. Napaka-sopistikada ng ex niya, iyon lang ay nanlalaki. Nakakasampal iyon sa p*********i niya dahil hindi niya alam kung anong mali o kulang sa kanya. Other than that, wala sanang mali kay Adelaide. "Napakasungit mo naman. Pwede na tayong maging friends dahil bayad ka na ng fifty K. Sabi nga pala ni Attorney ay ikaw ang magdi-discuss ng mga rules and regulations. Kailan nating aaralin?" "Later." "Ay oo, kasi 'di pa pala kami nagkakape. May kape ba kayo?" "Yes, downstairs," maikli niyang sagot. Tumuloy siya sa pinto ng kwarto niya. "This is my room, and this one will be y—" napatigil siya nang lumingon pero wala siyang kausap. Agad siyang napakunot noo, "Shane?" He called. Nagmamadali siyang bumalik at hinanap ang babae na baka kung saan sumuot, o kaya naiwan sa may indoor balcony pero wala. "Damn it!" Naiinis na mura niya. Alam ba ng babae na iyon kung ano at sino siya? Hindi siya tinatalikuran ng kausap niya. Ito ang kauna-unahang tao na gumawa ng gano'n sa kanya. That's just so disgusting. Isa siyang CEO. Bwisit na babae. Malapit niya iyong ibaon sa iskwater na pinanggalingan no'n. "Shane!" Malakas na sigaw ni Chaos sa may hagdan, at maya-maya ay lumabas ang babae sa bukana ng papuntang kusina. "O, miss mo agad ako! Magkakape ako sandali. Coffee is life, you know. Kawawa naman ang mga kuya-kuyahan ko kapag hindi sila nagkape, baka kami magka-anemia. Ikaw, nagkape ka na, asawa ko—aray mainit!" Tili nito nang mabanlian ang bibig ng kape. Diyos ko. Baka mapaaga ang pagretiro niya hindi lang basta CEO kung hindi pagretiro sa mundo. Wala siyang nagawa kung hindi pumameywang. "Nobody turns his back on me. I am a CEO. I am a boss." "E wala ka naman sa office. Nandito tayo sa bahay at hindi ka CEO ngayon, mister kita. At mga mister, sumusunod sa misis..." "What?" Dismayado niyang tanong. "A-Ang sabi ko, sandali po CEO kasi magkakape lang kami. Aakyat ako pagkatapos," ngumiti ito nang maganda, "May agahan pala kayo rito, makikikain na rin kami ha. Kawawa naman itong kuting ko dahil baka mamatay." Wala siyang nagawa kung hindi bumuntong hininga. Kapag bumuka pa ang bibig niya, malamang hindi sila matatapos na dalawa. Hindi na niya matandaan kung madaldal ba ito sa peryahan pero malamang ay oo, dahil kailangan iyon sa linya ng trabaho nito. He sighed, "Iiwan mo ang pusa sa labas." "Ano? Ayoko. Magpapabili ako kay Picolo ng lalagyan. Doon ko lang ito sa kwarto. Hindi mo naman maaamoy ang tae nito dahil magkaiba tayo ng tulugan. Sige na. Kakain na muna kami. Sure ka na hindi ka kakain? May hamon akong nakita," alok nito sa kanya. Umiling siya, "I'll wait for you upstairs. For the meantime na wala ka pang kulungan, sa labas mo muna ang pusa." "O sige, asawa ko," anito pero tumalikod na siya. Dumiretso siya sa sofa at naupo. He checked his phone. Nakita niya ang mga litrato ng pamilya Bentley. Nasa Pilipinas ang mga iyon at kasama sa litrato ang ina niya. It was even sent by his mother. "Expect me one of these days, son. I will have a vacation there while your Uncle Juan Andres and Aunt Charlotte will live in the Philippines for good again, with Adelaide, "Iyon ang mensahe ni Claudia sa kanya matapos ang ssngkatutak na missed video calls. Who cares about those people? Matagal na niyang pinutol ang koneksyon sa mga iyon. Tanging ang Mommy na lang niya ang matiyaga na nagdudugtong sa kung anong pinagsamahan nila noon at ng pamilya ni Adelaide. Nag-reply siya, "I can't offer my house, Mom. Kung ikaw lang, sige pero nandito ang asawa ko." Hindi pa iyon online, at malamang ay puputok ang butsi no'n kapag nabasa ang mensahe niya. Lumayas siya sa U.S nang mismong gabi na umalis siya sa bahay ng mga Bentley. He heard that it was for sale. Malamang ay nagsawa na ang mga iyon sa America kaya babalik na naman sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay walang pinaniniwaalan ang kahit na sino na siya ay may asawa na. Hindi naman kasi siya nagpakita ng kahit na anong prueba sa pamilya niya. Malamang, magugulat na lang ang Papa niya sa oras na dumating iyon sa mansyon para bisitahin siya. Magkita-kita na lang sila, kasama si Amary Shane. He has to rehearse that woman. Baka magmukhang hindi kapani-paniwala ang pagiging mag-asawa nila dahil sa kawalan ng alam ng babae na iyon. Mali rin suya. Humanap siya ng bagsak sa taste niya pero ang kalidad ay hindi niya inisip. Pero saan ba siya hahanap ng babaeng mayaman na bagsak sa taste niya? Elegant women are fun to be with, edukada, mataas ang I.Q at may finesse. And since he wanted to secure his heart, he chose this woman. MATAPOS na maubos ni Amary ang malaking mug ng kape ay ipinagtimpla naman niya ang dalawa niyang kaibigan sa labas. Kumuha na rin siya ng plato, saka niya nilagyan ng pagkain. Nakatingin sa kanya ang limang kasambahay na nakatayo, nakahilera. "Kailangan niyo po ba ng tulong, senyorita?" Tanong ng isa sa mga kasambahay, na siguro ay nasa edad singkwenta. Iyon na ang parang may edad doon, pero halos lahat ay nasa kwarenta siguro mahigit. Si Corazon, mukhang trenta pa lang. Si Corazon pa lang ang nagpakilala sa kanya kanina. "Naku, hindi na po Ate. Batak na batak po ako sa mga ganitong handaan," sagot niya kaya natatawa na napatakip ang mga iyon sa bibig. Gusto pa sana niyang magsalita pero napaisip siya. Baka siya kagalitan ng asawa niya. Baka walang alam ang mga kasambahay sa pagkatao niya. "Ahm," Tiningnan niya ang mga ito, "Kilala niyo po ba ako? Ipinakilala po ba ako ni mister ko?" Alanganin niyang tanong. "Nabanggit po ni senyorito pero hindi kami pwedeng magsalita ng kahit na ano sa Papa po niya. Pero, makakaasa po kayo na ituturing namin kayong senyorita rito," sabi ng isa pa sa mga kasambahay. "Naku, hindi po ako saging," aniya kaya natawa ang mga ito, "Basta po may pagkain lagi, masaya na po ako, saka ano, kape. Tatlong beses po ako nagkakape tapos may meryenda pa, mga apat hanggang lima." Kape lang naman kasi halos parati ang mayroon sila sa iskwater kaya ang kape ay buhay nila. Kapag walang pambili ng bigas, magkakape sila. Minsan kapag walang-wala, kape na walang tamis dahil walang asukal. Nangingiti siyang umiling sa sarili. Binitbit niya ang tray, "Kayo po?" "Tapos na po kami." "Ano ho pala ang mga pangalan niyo? Si Ate Corazon pa lang po ang nakilala ko." "Ako si Maria," sagot ng pinakamatanda sa paningin ni Amary. "Ako naman po si Josefa," ani naman ng katabi ni Maria, "Ang hilera po namin ay kung anong edad namin." "Ako naman po si Melchora." "Ako po si Gabriela." "At ako po si Corazon, ang babaeng aswang." Siya naman ang napahagikhik. Nasa isip na niya iyon kanina pa. At naiisip din niya na may koleksyon ang mister niya ng mga babaeng bayani. Maria Josefa Gabriela Silang at Melchora Aquino. "Ako naman po si Amary Shane. Lalabas po muna ako at pakakainin ko po ang mga kasamahan ko," paalam niya. Nang siya ay papalabas na ng kusina, lumabas naman ang ulo ni Snow sa bag, ngumingiyaw. Malamang ay naaamoy no'n ang ham. Mabuti pa rito, may ham kahit hindi pasko. Sila, buong buhay nila ay hindi sila nagkaka-ham sa mesa. Nakakatikim sila sa mga tira-tira. Oo, hanggang ngayon ay kumakain sila ng pagpag. Ngayon, hindi pagpag na ham ang dala niya. Nakita niya ang mga kaibigan na katawanan na ang mga tauhan na sumundo sa kanila. Nasa malaking beranda ang mga iyon at parang nagkakasiyahan. Napangiti na lang siya. Natuwa siyang makita na nakikipagtawanan ang mga tauhan na parang hindi ngumingiti sa tao. "Oy," aniya na lumapit sa mga iyon. "Pagkain! Salamat sa Diyos!" Bulalas ni Watusi, "Kain tayo mga pards. Hindi pa kami nag-aalmusal e." "Tapos na kami," sagot ng isa sa mga lalaki. Agad na pumuwesto ang dalawa sa pasamano at nag-umpisa na kumain. "Ikaw?" Tanong ni Picolo sa kanya. "Tapos na. Ang sarap ng pagkain dito." "May hamon unang araw ng pagdating mo. Baka sa annulment may litson," sabi pa ni Picolo sabay ngisi. "May natanggap na akong bayad. Mamaya ibili natin si Snow ng kulungan dahil mainit ang dugo ni mister. Baka i-salvage ang pusa ko." "Aba, oo," sagot ng dalawa. "Itago mo na 'yan kaagad para sa balak mong pagpasok sa eskwela. Kami naman ay magbabakasali pa rin na makahanap ng trabaho kahit malabo pa sa tubig asero ang tyansa ma matanggap kami," sabi naman ni Watusi. Ewan ba niya at talagang mapanghusga ang mundo, o ang mga tao sa mundo. Kapag nakikita o nalalaman na taga-iskwater sila, wala kaagad sa kanilang tiwala. Pwedeng mawalan naman talaga dahil ngayon nga ay mga mandurugas sila, nanloloko sa panghuhula sa peryahan. Hindi naman niya masasabi na hindi naghahanap ng mapagkakakitaan ang dalawang ito. Pumasok na rin ang mga ito sa factory ng noddles pero anong kamalasan ang dumating at napagbintangan na magkasabwat sa pagnanakaw kahit na hindi naman nagnakaw sa bag ng kasama. Tapos, narinig din ng dalawa na gusto lang pala ng mga iyon na matanggal ang mga ito sa trabaho dahil mga amoy pusali raw. Marami na rin na sinubukan na trabaho ang mga ito. Naroon na pumasok sa pagko-construction pero naaksidente lang si Watusi dahil sa kapabayaan ng mga kasama nito. Mabuti at hindi ito napuruhan. Ngayon, talagang pagpe-perya ang ikinabubuhay nila. Minsan ay sumasabak sila sa magic show bilang mga mga ekstra. Nangangalakal sila, nagka-car wash at kung anu-ano pa. Pero kapag walang-wala, mahirap man na tanggapin ay dumarating sa punto na nagiging mandurukot sila. Ang tingin Sa kanila ng tao, kung anong dungis ng panlabas nilang anyo ay ganoon din ang kanilang pagkatao. Sino ba ang hindi nangarap na magbagong-buhay? Ang makaraos at kahit paano ay makaangat nang kaunti sa pagiging tulad ng isang pobreng daga sa isang lungga? Kaya hindi ni Amary minsan naisip na mag-boyfriend dahil baka mabuntis lang siya ay matulad sa kanya ang magiging anak niya. Ayaw niyang magkaroon ng abak kung sa tinitirhan lang din niya ititira at palalakihin. Mahirap. Kahit siya mismo ay hinuhushagan ang sarili niya dahil alam niya kung anong uri ng mga tao sila sa lipunan. "Sarap, bunso. Mapalad tayo dahil kahit minsan ay naranasan natin ito," sabi ni Watusi saka sinubuan ng kapirasong bacon si Snow. "Hindi ito pagpag," ani Picolo na nakangiti sa kanya. Kita niya sa mga mata nito ang saya na may kahalong lungkot, o awa siguro sa kanilang tatlo. Ngumiti na lang din si Amary at binalewala ang nakikitang bahid ng kaseryosohan sa mga mata ng kuya-kuyahan. Mabuti pa sa mga ito, hindi niya naramdaman ang matakot at makapansin ng kalaswaan. Kahit na hindi niya mga kadugo ang dalawa, maalaga ang mga ito sa kanya at mahal siya. Kapag may aberya sila, sinasalo ng mga ito para lang maprotektahan siya. "Sulitin," natatawa naman na sagot niya pero pagkatapos nito siguradong may bagong simula na tayo. Mag-iisip tayo ng maayos na hanapbuhay." Tumango ang dalawa at itinaas ang malalaking mug ng kape. Iyong marangal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD