Introduction
Prologue
Amary
“Bilisan niyo. Ang dami ng customer sa labas. Ihanda niyo na ang mga baraha,” napapakamot sa ulo na sabi ko sa dalawa kong kaibigan.
Napakababagal naman ng mga peste kong side kicks, parang mga gutom. Pero malamang ay gutom nga talaga dahil kulang sa pagkain.
Dalawa ang katulong ko sa trabaho kong ito, sina Picolo at Watusi. Sila ay kapwa bente uno anyos at ako naman ay bente. Nagkakilala kami noong mga bata pa kami sa isang tambakan ng mga basura, iyong mga bagsakan ng mga hindi naubos na pagkain sa mga restaurants at fast food chains.
Namumulot ako ng pagpag at sila ay ganoon din, pero binully ako ng ibang mga bata, buti na lang ay ipinagtanggol ako ng dalawang ito. Ako ay ulila. Pitong taon ako nang umalis ako sa poder ng lola ko dahil may pakiramdam ako sa mura kong edad na hindi ako ligtas sa isa kong pinsan na bente anyos na noon.
Hindi ko matandaan kung paano ako nakarating dito sa Maynila basta sa pagkakaalam ko ay sumakay ako sa isang trak.
Nang bumaba ako ay narito na ako. Gulat na gulat ang pahinante na makita ako na kukurap-kurap. Ang pakiramdam ko noon ay iyon na ang katapusan ko sa mundo. May mga humihila sa akin para daw dalahin ako sa istasyon ng pulis pero tumakbo ako. Wala akong tiwala sa kahit na sino. Natatakot ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Nag-umpisa na akong magpalaboy-laboy sa kalsada magmula noon. Nakakakita rin kasi ako ng mga batang tulad ko, pero sila ay hindi hamak na mga sobrang agresibo. Nakikita ko silang nanlilimos pero kapag hindi inabutan ng barya ay dinuduraan nila ang mga tao.
Hanggang sa nasumpungan ko sin Watusi at Picolo nang hindi ko na matiis ang gutom at nakakakita ako ng mga may kagat na fried chicken sa basurahan.
Ang dalawa ko namang kaibigan ay pinangalanan ng tawag sa mga paputok, dahil parehas na biktima ng mga ito. Si Picolo ay biktima ng paputok na Piccolo, habang si Watusi naman ay nalason nang kumain ng Watusi. O 'di ba napakatanga niya? Ganoon na ba siya kagutom para kainin ang hindi dapat? Anong tingin niya sa t'yan niya, imbakan ng pulbura?
Pumunta ako sa likurang bahagi ng tent para magsuot na ako ng aking costume. Ako si Madame Lauring, isang magaling na manghuhula. Marami akong pwesto, kung saan ako pwedeng makapanloko. Isa itong raket. Tumingin ako sa salamin. Ito ang hanapbuhay ko kapag walang huma-hunting sa akin. Minsan ay yaya ako, minsan ay nasa kalsada suma-sideline sa paglilinis. Lahat ay pinapasok ko mabuhay lang.
Nakatira kami sa iskwater. Ang bahay namin ay pinagtagpi-tagpi na mga yero, lawanit at sako.
“Ahhhh…”
Huh? Agad akong napatitig sa salamin. May umuungol. May multo siguro sa salamin na ito kaya agad kong kinapa. Napapanood ko sa KMJS na ang isang salamin ay portal ng mga kaluluwa.
Hindi naman ako multo sa huling pagkakatanda ko, kahit na garapal ang make-up ko para hindi ako makilala ng mga tao.
Nasundan ang ungol na iyon ng mga kakaibang tunog. Parang may kung anong isinusubo ang tao sa salamin, na animo ay nabubulunan ng Bubble gum. Sandali. Sa salamin nga ba galing ang tunog o sa likod ng tent ko?
Slurp. Slurp.
“If this is the p*****t for exposing me to a place like this, feel free to swallow me then,” anang boses ng isang lalaki.
Hindi nga multo, tao nga!
Wala iyong kontrol sa lakas ng boses. Normal na boses na iyon. Parang wala iyong pakialam kung may makarinig o ano sa sinasabi.
“Yeah,” mahalay na sagot ng babae at nagpatuloy sa tunog na parang may minumumog.
Aba at nagsipilyo pa ang mga walang hiya sa likod ng tent ko. Baka mga tagabantay iyon sa ferris wheel.
“Uhm s**t,” anang lalaki tapos ay nasundan ng ungol.
Diyos ko. Napatutop ako sa bibig. Parang iba. Parang may mali.
Sumilip ako sa butas ng tent ko, at saktong sakto na mukha ng isang napakagwapo at matangkad na lalaki ang nakikita ko. Tumatama ang ilaw ng Ferris wheel sa mukha nito kaya kitang-kita ang kagwapuhang taglay. Anong sinabi ng mga artista sa mukha ng lalaking ito? Wala, walang-wala!
Naka-squat ang isang babae sa harap nito, isinusubo ang p*********i tapos ay dinidila-dilaan pa, parang may sinasaid na kung ano. At mukha itong sarap na sarap dahil paungol-ungol pa.
Hindi ko halos makita ang p*********i ng estranghero kung malaki ba. Madilim na kasi sa may parteng ibaba at bandang mukha lang ang maliwanag.
Humagikhik ang babae habang hawak iyon sa ulo ng lalaki. Parang bola lang iyon sa basketball kung hawakan ng mamang pogi tapos ay dinidribol-dribol.
“You see, payag ka ng magpahula ako? Bayad na ang oras mo,” hagikhik ng babae habang inaayos ang sinturon ng lalaki.
“Let’s go,” anang pogi.
Ingleserong frog ang lalaki. Agad akong pumihit at sinenyasan sina Picolo at Watusi na lumapit sa akin.
“Target spotted,” ngisi ko sa dalawa na parehas na tumango.
“Kikindatan ko ang lalaki. Kung sino ang kindatan ko, iyon ang target niyo,” bulong ko pa at tumango muli sila.
Isinuot ni Watusi sa akin ang costume ko sa ulo. Para akong Genie na ligaw sa dami ng mga bato-bato ko sa ulo.
Violet ngayon ang suot ko kaya ako ngayon si Madame Violet. Ang pakilala ko sa mga customer ay nakadepende sa kulay ng costume ko pero Lauring ako madalas.
Lumabas ako sa tent at naupo sa aking magic silya, pilit kinalimutan ang nakita kong eksena. Plakadong-plakado ang lahat ng gamit ko. Plakadong-plakado rin ang mukha ko. Tiba-tiba na naman kami nito ngayon dahil mayaman ang lalaking iyon, sigurado.
“Here, babe, here,” bungisngis ng isang babaeng maikli ang buhok na parang siete pero bagay na bagay dito.
Napakaganda ng babae, sukbit ang isang kumikinang na bag. Wow. Bag pa lang ginto na. Napatingin ako sa hinihila nitong lalaki at literal na nanlaki ang mga mata ko pagkakita rito. Ito ang nasa likod ng tent, nagpapasubo ng kanyang hotdog.
Tumingin ako kaagad sa dalawa kong alalay sa may harapan ko, tapos ay tumingin ako ulit sa lalaki, saka kinindatan ko siya. Ang mga mata nitong masungit ay lalong sumungit pero tumaas ang sulok ng labi ko.
Awtomatiko naman na naglakad sina Watusi at Picolo sa may pwesto ng lalaki.
“Sir, Ma'am, magpapahula po kayo?” nakabungisngis na tanong ni Watusi sa dalawa, "Dito kayo sa aming magaling na si Madame V."
“Yes, yes!” bulalas ng babae, “Magpapahula ako kung kailan kami magkakaanak.”
Tanga ba iyon?
Kapag itinigil mo na ang paglunok mo sa semilya ng boyfriend mong gwapo, magkakaanak na kayo kasi hindi naman fertilized egg ang tonsils mo, gaga! Sa isip ko lang iyon. Hindi naman kasi magbubuntis ang bibig nito sa semilya, buwang.
“Lapit na. Huwag ng patunga-tunganga pa. Sayang ang oras ko,” sabi ko sa dalawa at nakita ko ang pagtiim-bagang ng lalaki.
Lalo siyang pumogi sa paningin ko. Abot dito ang amoy niya, napakabango. Postura pa lang niya at tindig, alam kong makapal ang pitaka niya. Sinong pobre ba naman ang magsusuot ng long sleeves at slacks sa peryahan? Sapatos niya ay balat at kahit madilim ay kumikintab.
Pasimpleng pumwesto na ang dalawa kong kaibigan nang sulyapan ko. Alam kong madedenggoy na nila ang target.
Napangisi ako sa isip ko. Baboy na naman ang ulam namin nito, sigurado.
Pumormal ako nang hilahin ng babae ang lalaki, papalapit sa akin. Halos bitin ang paghinga ko nang kumilos sina Picolo. Kapagkuwan ay pasimpleng itinaas ni Watusi ang pitaka sa ere kaya nanlaki ang mga mata ko
Wagiiiii!
GUSTO kong himatayin matapos na bulatlatin ang pitaka at natampal ko ang ulo ko. Ang tatak no'n ay GG. Napakunot pa ako kung anong ibig sabihin ng GG, hanggang sa maalala ko sa nabasa kong magazine sa tambakan na iyon ay Gucci.
Agad kong tiningnan ang nakasulat at iyon nga, Gucci, Made in Italy. May card pa sa loob na PHP38,787. Mukhang iyon ang halaga ng wallet kaya medyo nawala ang pagkadismaya ko.
Nakakadismaya kasi sa kapal ng wallet na itim ay wala man lang pera. Ang mga naroon ay sangkatutak na mga cards. May mga ATM pero wala namang pin. Paano kami magwi-withdraw?
"Bwisit," marahas na kinamot ko ang ulo ko, "Baboy na naging tuyo pa."
"Mukhang autenticated naman ang wallet, bunso," sabi ni Picolo sa akin.
"Anong autenticated? Autenticity 'yon, tanga," sabi naman ni Watusi habang subo nang subo ng pagkain.
"Authentic! Mga buwang!" Sagot ko naman sa kanila, "Ano pa nga ba? Ito na lang ang ibebenta ko kahit na dalawang libo. Sana bilhin ni Mister Choy para makabili naman tayo ng bigas, kahit bigas lang."
Ang mahal ng bigas, Diyos ko. Nag-uunahan ang mga tao sa a-kwarenta tapos pag minalas ay wala ng makukuha pa kaya ang patak ay sa a singkwenta mahigit.
Napabuntong-hininga ako. Sana naman ay matanggap ako sa pinag-aplayan ko na establishment kahit na grade eight lang ang natapos ko. Hindi naman ako makakuha sa palengke ng trabaho dahil lahat ng mga naroon ay permanente. May minsan na naging tindera naman ako ay napagbintangan pa akong nagnakaw sa arinolang lalagyan ng may-ari. Ako ang itinuro ng apo na babae na kumuha raw ng pera pero hindi naman ako.
Abot langit ang kahihiyan ko na kahit ang pundilyo ng panty ko ay binulatlat pa sa harap ng pulis. Sa awa ng pulis dahil wala naman nakita ang may-ari ay sinabihan din ang babae na bulatlatin ang panty ng apo.
Doon nanalaman na iyon ang kumuha ng seven thousand, isinipit sa secret pocket sa loob ng suot na panty.
Ang hirap mabuhay. Kahit na gusto namin maging marangal ay nauuwi pa rin kami sa ganito.