Kabanata 3

2537 Words
Kabanata 3 "SI Attorney 'yan. Hindi ko 'yan asawa," napakamot sa ulo na sabi ni Amary nang matauhan mula sa pagkakagising sa kanya nang wala sa panahon. Napabuntong hininga siya. "Ano ho bang atin, Attorney?" Nagsuot siya ng tsinelas pero nanatiling nakaupo sa papag niya, "Hanggang ngayon ay wala pa rin akong bayad. Ang barat-barat naman ng kliyente niyo dahil pumirma na ako sa kontrata, wala man lang iniabot kahit na singko pero nakakabili ng wallet na kwarenta mil ang halaga," nadidismaya na sabi niya sa abogado na ngumiti. Umakyat sa kandungan niya ang alagang si Snow. Isa iyong kuting na napulot nila sa peryahan. Ang dami-dami na niyang iniuwing pusa sa bahay kaya lang lahat ay sawing palad. Mayroon din inabandonang tuta pero ni minsan ay hindi siya nabuhayan. Kung hindi mina-m******e ng kapwa hayop, mina-m******e naman ng mga kapitbahay na masasama ang ugali. Si Snow ang kanyang bagong uwi na kuting, noon lang isang linggo. Puting-puti ito na kulay pink ang ilong at mga paa. Ang mga mata nito ay magkaiba ang kulay, asul at berde. "It was because the contract didn't start yet. Pirma pa lang iyon. Ngayong araw pa lang mag-uumpisa ang lahat. Makakatanggap ka na ng pera ngayon. Kunin mo na ang mga gamit mo at lalarga na tayo." "Ano?" Nalaglag ang mga panga niya, "Agad-agad, lalarga, Attorney?" Tumango iyon na nakangiti, "Ngayon na mismo." "Hindi pa siya nagmumumog, Attorney," sabi naman ni Watusi. "Kahit na. Ang order ay ngayon na. As in ngayon na." "Ngayon na pala, e 'di ngayon," sabi naman ni Picolo sabay harap sa isang durabox. Agad na hinila nito ang drawer pero nakalas iyon. Inilagay nito sa isang tote bag na gawa sa katsa ang mga damit niya. "Sandali, bakit mo inilalagay ang mga damit ko sa bag?" Protesta niya. "Bunso, kukunin ka na ng asawa mo. Ngayon na raw kaya bakit pa natin patatagalin?" Sabi ni Picolo at medyo nahimigan niya ang garalgal sa boses ng lalaking mula pagkabata ay kasama na niya at tumayo na kuya nila. "At sinong nagsabi na ako lang? Hindi ako sasama kung hindi kayo kasama," sagot niya. "Ano ka ba? Ito na ang sagot sa matagal mo ng pangarap. Nandito na ang pera, bunso. Kailangan mo ng maging praktikal. Ayos lang kami ni Pics. Mabubuhay kami sa perya at kung saan-saan pa." Agad siyang nalungkot. Hindi nila kailanman sineryoso ang tungkol sa trabaho niya. At hindi rin sumagi sa isip nila na aalis siya sa iskwater. Wala sa hinagap niya na kukunin siya rito dahil ang akala niya ay pirma lang ang kailangan para sa trabaho. Ang akala niya ay hindi siya haharap sa ibang tao bilang asawa ng isang matandang Castelloverde. Ayon kina Picolo, Leonardo Castelloverde ang asawa niya dahil iyon daw ang matanda na Castelloverde. That old man was the Chairman of a well known business company in the entire Metropolis, and perhaps the whole world, too. Who knows? Wala naman silang alam sa business. "Attorney, hindi ako sasama kung hindi kasama ang dalawa kong kapatid," sambit niya sa abogado, "Kakanselahin ko na lang ang pirma ko." Randall's brows arched. "Seryoso ako, Attorney," sabi pa niya. "Bunso naman," kumakamot na sabi ni Picolo. Tapos na nitong ilagay ang iilan lang naman niyang gamit sa bag. Iisang bag lang iyon sa totoo lang. Alangan naman na dalhin niya ang mga kurtina na kanyang costume sa panghuhula. "Tumigil ka," sagot niya at hindi nakahuma ang lalaki. Siguro ay nahalata ng abogado na seryoso talaga siya kaya lumabas iyon tapos ay bumalik din kapagkuwan. "Isama mo sila," ani Randal kaya natuwa siya na sobra. Mabilis pa sa alas kwatro na nag-impake ang dalawa. St dahil pare-parehas silang mga walang gaanong damit ay natapos iyon kaagad sa isang hakutan lang. Isinaksak niya ang kuting sa loob ng tote bag. "Pati pusa?" Tanong ng abogado kaya tumango siya. "Mahirap maulila, Attorney." Sa paglabas nila sa tagpi-tagping barung-barong ay buong baranggay siguro ang umuusyoso sa labas. Nakaparada roon ang hilera ng mga sasakyan, at ang isa ay itim na limousine, mas maikli sa normal pero hindi rin gaanon kaikli. "Nanalo ka ba sa lotto, Lauring?" usisa ng isang kapitbahay nilang killer ng mga alaga niya, "Pabalato naman!" Hindi niya iyon pinansin. Sa totoo lang ay iisang tao lang ang mabait sa iskwater na iyon pero patay na ang matanda na umaruga sa kanila. Ang mga narito na ngayon ay mga asal iskwater talaga, mga adik, mga lasenggo, sugarol at magnanakaw. Hinawakan siya ng isang lalaking nakaitim sa braso at halos isaksak siya sa loob ng limousine nang buksan no'n ang pinto. Wala siyang nagawa kung hindi ang mabilis din na pumasok sa loob, at sa harap niya ay nakita niya ang isang lalaking nakatingin sa kanya. He was sitting like a god. Iba ang kulay ng mga mata ng lalaki. Parang pinaghalo iyon na blue at green pero mas nangingibabaw ang pagiging berde, na parang kulay ng dagat. Ito ang lalaking nakita niya sa likod ng tent niya sa perya. Hindi niya alam kung paano ito babatiin o dapat ba niyang batiin, hanggang sa bumuka ang bibig niya. "G-Good morning, anak," nakangiwi na sabi niya. Malamang ay anak ito ng asawa niyang matanda. Agad itong napakunot-noo, "Anong anak?" He spoke like a god, too, "Wala akong nanay na unano." Aba, at walang ugali ang anak niya. Ang talas ng bibig nitong magsalita. Unano raw siya. Hello. 5'2 kaya siya. Hindi siya 4'11. "You didn't change your clothes. Kagigising mo lang." "Ay naku, anak, hindi ko kasalanan na maaga ka," she replied sarcastically. Sumilip siya sa bintana at nakita niya na umaandar na ang sasakyan. Wala naman naiwan na dalawang patay-gutom kaya alam niyang sumakay na rin ang mga iyon sa service. Ngayon lang siya nakasakay sa ganitong sasakyan. Kadalasan ay tricycle lang o kaya jeepney, bilang pa sa daliri dahil nagtitipid sa pamasahe. Kung alam nga lang niya na hindi pa siya makakakuha rito ng bayad ay tinanggap niya na muna ang trabaho sa isang establishment na pinag-aplayan niya. Nakuha naman siya na tindera ng tela, iyon nga lang ay 300 lang ang sahod dahil sa benefits daw. Tapos, pinakukuha siya ng SSS, Pag-ibig at BIR. Iyong dalawa madali siyang kumuha pero pag-ibig ay wala. Literal na pag-ibig naman kasi ang nasa isip niya. Wala naman siyang boyfriend kaya malamang ay walang iibig sa kanya. Isa pa, problema niya ay puro I.D. May isang I.D naman nga siya na hinihintay, ni temporary ay hindi dumarating kahit na apat na taon na ang nakakaraan. Iyon naman isang mamasang ay inalok siya na maging stripper sa club. Hindi pa naman siya nababasawan ng turnilyo sa utak para pasukin ang trabaho na iyon. Muli siyang tumingin sa lalaki. He was still looking at her. Lumabi ito at siya naman ay kumurap. Gustong manliit ni Amary sa titig ng lalaki. Pwede talaga na manliit siya lalo pa at ang laki naman nitong tao. "Pwede bang magtanong?" Aniya rito. Hindi ito umimik. "Makakakuha na ba ako ng bayad ngayon? Wala akong kapera-pera," aniya pero naramdaman niya na kumibot ang bag niyang naiipit niya sa kili-kili kaya agad niyang binuksan. "Snow!" Bulalas niya nang maalala ang kanyang kuting. Lumabas ang ulo no'n mula sa bunganga ng bag, at ganoon na lang ang pagbungguan ng mga kilay ng kaharap niya. "What the hell is that?" Tanong ng lalaki. "Hindi siya hell. Pusa siya," sagot naman niya saka hinawakan ang pobreng kuting at hinalik-halikan. "Jesus. Itapon mo 'yan," utos nito sa kanya kaya agad niyang itinago ang pusa. "Ano ka hilo? Bakit ko itatapon, e 'di namatay ito? Hindi ka naawa sa pusa. Huwag kang mag-alala dahil pagdating sa bahay niyo ipagpapaalam ko ito sa tatay mo para payagan niya na doon din tumira si Snow." "Hindi 'yan mabubuhay dahil ang liit pa na sobra. Parang daga." Patingin-tingin ito sa kuting na nasa bag. "Ikaw ang daga," inis na sagot niya, sabay irap, "Huwag mo nga akong pakialaman. Ang pakialaman mo ay ang bayad sa akin. Pumirma na ako para maging asawa ng Daddy mo pero wala pa akong nakukuha ni katiting na bayad. Kumakalam ang sikmura ko sa bawat araw, and to remind you, mister blue...green...bl—green eyes, it's been two months, you know? Napapaingles ako kapag gutom," aniya rito. He remained looking at her. There was no visible mark of expression on his face. Para itong rebulto. "You will get your fifty thousand today," simple nitong sagot, "But you have to eliminate that cat. Walang pusa sa bahay. That will poop and it's so stinky. Isang kakarampot na tae niyan, amoy na amoy ang baho." "Bakit? May tae ba na mabango?" Pilosopong sagot niya, "Kahit ikaw mabaho ang tae mo. Hindi ko ito itatapon. Kung gusto mo, humanap ka ng ibang asawa ng ama mo at uuwi na kami ng pusa ko" irap niya sabay halik sa pusa. Sa loob niya ay napapangiwi siya. Paano kung um-oo ang gwapong lalaking ito? Sayang ang kwarta, ng dahil sa isang kuting, magiging bato pa. Huwag naman sana itong um-oo. "Pero babayaran mo ako sa abala. Hindi uso ang libre ngayon sa mundo." Nang saglit na sulyapan ni Amary ang lalaking hindi niya alam ang pangalan ay nakatingin ito sa pusa. Parang gusto nitong durugin iyon sa tingin pa lang. Pasimple niyang itinago ang alagang kuting. "Mahal ng Diyos ang mga ganitong hayop. Noong bumaha, kasama ang pusa sa inipon ni Noah sa Bibliya," aniya para hindi ito makahuma. Hindi nga ito nakahuma. Wala itong panlaban sa salitang Bibliya. Kahit naman manggagantso siya ay marami siyang alam tungkol sa Diyos. Kulang na lang ay mag-preaching siya. Ginagawa niya iyon minsan sa mga batang taga-iskwater, kaya lang ay kinagagalitan siya ng mga magulang na para bang ang laking kasalanan ng mga pagku-kwento niya tungkol sa mga istorya sa Bible. Minsan ay may mga pilosopo pa na kung totoo raw ang Diyos niya ay bakit siya pobre at dumidildil ng asin kung minsan? Nag-uulam ng langis na pinag-prituhan, ng toyo na may kalamansi at kung anu-anong panakip sa kumakalam na tiyan. And she never ever liked that sarcasm. Kahit na hirap na hirap sila nina Picolo at Watusi sa buhay, kahit na wala silang pamilya at lumilipad ang buong bahay sa tuwing may bagyo, hindi siya kailanman naging sarkastiko sa Diyos. Baduy iyon para sa iba pero sa kanilang tatlo ay hindi. Para sa kanila ay higit pa sa sapat ang hininga nila sa araw at gabi. "Whatever you say. Just keep that thing away from me. Bitbit mo na nga ang mga kaibigan mo, may kasama ka pang pusa." Hindi siya umimik at lumabi lang. Napanganga na lang si Amary matapos ang napakahabang katahimikan sa loob ng sasakyan. Parang sa funeraria ang sasakyan sa sobrang tahimik. Papasok sila sa isang pang-mayaman na subdibisyon kaya napalunok ng laway ang dalaga. Totoo ba ito? Papasok sila sa Forbes Park Makati. Ang isang manggagantso ay makakapasok sa pinakamayamang subdibisyon sa buong Pilipinas. This is truly unbelievable. "It was stated in that contract that you have to behave here. I know your modus, Amary Shane. Huwag mo ng balakin na gumawa ng masama rito. Baka nasa gate ka pa lang ay tustado ka na," biglang sabi nito kaya naman tiningnan niya ito. "Hindi ka rin mapanghusga." "Alam ko lang ang background mo. I am just reminding you that this subdivision is quite dangerous for culprits." "Huwag kang mag-alala dahil matagal na akong na-inform. At ganyan ang panghuhusga mo sa akin, e bakit mo ako dinala rito at ipinakasal sa tatay mo? Sana, naghanap ka na lang ng caregiver niya," anaman niya. "Your mouth tells where you really belong, Miss Palad," he said to her. Alam na niya iyon, at wala siyang pakialam dahil sa iskwater naman talaga siya lumaki, natural na doon siya nararapat. At wala siyang pakialam sa sinasabi nito sa kanya ngayon. "Hindi ko naman inaangkin na taga rito ako. Ikaw ang nagdala rito sa akin tapos hahamakin mo ako. Ako ang iyong bagong ina kaya kaunting respeto," pang-aasar pa niya rito sabay tingin niya sa labas ng bintana. Parang napipikon ito sa kanya pero inirapan niya lang. Alam niyang ninakawan niya ito ng pitaka pero amanos na sila dahil hindi naman kaagad siya nito binayaran sa kontrata nila. Nakikita niya ang napakalalaking bahay o mansyon. Nakakalula na pagmasdan ang mga iyon. Maya-maya pa ay tumigil sila sa harap ng isang gate na brown. Kusa iyong bumukas kaya pumasok ang sasakyan sa unahan nila. Ang ganda ng bahay. Puting-puti iyon at ang accent ay parang kakulay ng mga mata ng lalaki. May nagbukas ng pinto ng limousine nang tumigil sila sa may harap ng bahay. Bumaba ang kaharap niya kaya naman agad din siyang sumunod. Lalo siyang namangha sa ganda ng buong paligid at ng mansyon. It was larger than she thought. Gusto niya itong tanungin kung bakit siya ang napili nitong ipakasal sa ama nito. Wala naman siyang kilalang lalaki na may apat na M. Nagtataka siya kung paano siya natunton nito para gawing may bahay ng ama nitong baka malapit ng mamatay. Hindi kaya may inaasikaso lang ito na benefits kaya kailangan ng pansamantalang asawa ng Chairman? Posible. Habang umaandar ang utak niya ay umaandar din ang mga paa niya. nakita niya sina Picolo at Watusi kaya lumapit siya sa mga iyon. "Doon daw kami kasama ng mga tauhan na lalaki. Ikaw lang yata ang papasok sa loob bunso," bulong ni Watusi sa kanya. "Ano? Hindi pwede 'yon," angal niya kaagad. "Huwag ka ng umangal, sayang ang pera saka kami pa ba ang choosy? Ang ganda-ganda rito. Ang yayaman ng mga nandito. Ka-level natin ang Presidente ng Pilipinas," bulong din ni Picolo kaya napigil niya ang tangka na pag-protesta sana kung bakit hindi pwede sa loob ng mansyon ang dalawa niyang kaibigan. "Ikaw lang ang pinakasalan kaya ikaw lang ang papasok d'yan. Huwag ka ng magpumilit na isama kami sa loob, kapatid. Baka maunsyami pa ang kaperahan. Sayang..." ani Picolo na tabingi ang nguso sa pagbulong. "Ang pogi talaga ng tisoy na 'yon, Bunso. Tingnan mo ang mga mata. Baka tumandang ganyan din ang asawa mo. Pihadong hindi naman iyon amoy lupa dahil mayaman," sabi naman ni Watusi. "Let's go, Miss Palad," anyata ni Randall sa kanya dahil wala na ang boss. Nakapasok na iyon nang tuluyan sa kaharian at iniwan na sila sa labas. Walang duda na tauhan nga lang din ang isang abogado. Sa kilos ng lalaking iyon ay talagang napakayaman ng dating. Paano kaya iyon napadpad sa peryahan at doon pa dumayo na magpasubo ng p*********i? Mayaman na walang pang-motel? Nakakadismaya naman. Kung sabagay, karamihan sa mayayaman ay kuripot kaya lalong yumayaman. "Huwag kayong aalis ha," aniya sa mga kaibigan. "Saan naman kami pupunta? Baka ma-salvage kami rito kapag nagliwaliw kami," ani Picolo kaya napanatag siya kahit paano. Sumama siya kay Randall papasok ng kabahayan at nang tumapat siya sa pintuan ay tumayo ang lahat ng balahibo niya dahil sa sobrang lamig ng aircon. Wala ang boss sa receiving area. Sumilip siya sa salas pero wala rin iyon doon. Hindi rin napigil ni Amary na tumingin sa kabuuan ng receiving area tapos ay sinilip niya ang kuting niya. Baka kinukuha ng boss ang ama no'n at ipakikilala na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD