Kabanata 5
"WE have a discussion to make," iyon ang sabi ng asawa ni Amary nang siya ay pumanhik sa second floor.
Dalawang palapag lang ang bahay na ito pero sobrang laki. Ang hagdan ay parang dalawang metro ang lapad, napakalawak na sobra. He even gave her a very nice room, next to his room. And purpose raw ay para hindi mapaghalataan na kontrata lang ang lahat sa kanila.
She has her own bath and tub, tub na hindi naman niya alam kung paano gamitin. Sanay siya sa tabo at pagtitipid. Dito ay sagana sa tubig. Wala ritong bulati sa sahig na pumapasok mula sa kanal malapit sa banyo. Ang sarap mabuhay na ganito. Sayang at hindi siya pinalad na maging mayaman. Kahit na hindi sana mayaman basta kahit paano ay nakaluluwag naman sana sa buhay.
Yayaman din silang magkakaibigan. Papalarin din sila. Hindi man sila magkaroon ng ganitong bahay, iyong bahay na hindi nadadala ng hangin sa tuwing may bagyo, magkaroon man ng sira ay kaunti lang. Taon-taon na lang kasi kapag sinasalanta ang Maynila ng bagyo ay nasa evacuation sila. Ang hirap pa at wala silang pera.
"Ate Sefa," tawag ni Amary sa kasambahay na dumaan sa may paanan ng hagdan, "Saan ba 'yong office of the commander?"
"Ay dito sa baba, senyorita. Dito sa may likod ng hagdan."
"Ay sige, salamat. Wanted kasi ako."
Napangiti iyon saka tumango at nagpatuloy sa pupuntahan. Siya naman ay bumaba na rin, karga ang kuting niyang nababalot ng lampin.
Diretso siya sa sinasabing likod ng hagdan. Wala siyang nakikitang ibang pinto roon, iisa lang kaya doon siya kumatok. Nakailang katok na siya pero wala namang lumalabas kaya tumalikod na siya. Noon naman ang pagbukas ng pintuan.
"Get in," her husband coldly said to her.
Tahimik siyang pumasok at pinagmasdan kaagad ang kabuuan ng opisina. Tumingin siya sa mga nakasabit ng displays, sa mga muwebles, sa mga vases at mga kung anu-ano pa.
"Nagbibilang ka na ba ng mahahakot mo?" Tanong ng lalaki sa kanya saka siya nilagpasan. Dumiretso ito sa likod ng mesa at naupo roon, naniningkit ang mga mata sa kanya.
"Sana," kibit niya kaya lang ang lalaki, hindi ko kayang buhatin," idinaan niya sa ganoon ang pang-iinsulto nito sa kanya.
Hindi naman komo tumitingin siya ay tinatantya na niya ang pwede niyang makuha.
"Ang sakit mo naman magsalita, asawa ko. Ano nga bang pangalan mo?"
Dumiretso rin siya sa harapan ng mesa nito at naupo.
"Chaos," anito sa kanya saka may dinutdot sa mesa.
"Ah, kaya pala ganyan ang bunganga mo," bulong niya sabay ngiwi.
"Look at the whiteboard," he commanded.
Para siyang robot na tumingin doon. May lumabas doon na imahe ng isang babae, maganda at mukhang Amerikana. Tulad nito ay ganoon din ang mga mata ng babae, parang dagat, parang isang mata ni Snow niya.
"Ate mo?" Agad niyang sambit. Magkamukha kasi ang dalawa kahit na ang buhok ng babae ay mas maputi. Ang buhok kasi nito ay parang may light brown at dark tapos medyo blonde.
"She's my mother."
"Mother?" Her jaws dropped, "Mas mukha pa akong nanay kaysa sa nanay mo. Ang ganda ng nanay mo," aniya habang nakatingin sa babae.
"She's my mother, and her name is Claudia. She's partly American, mixed to be precise. Nandito siya para sa bakasyon. Sa oras na makita mo siya rito, alam mo na kung sino siya."
She nodded, "Uhm, siya si Momshie."
Sumama ang tingin nito sa kanya kaya naitago niya ang mga labi.
"This is my father. He is Leonardo," pagpapatuloy ni Chaos nang pindutin ang laptop.
Amary saw a good-looking old man. Ngayon alam na niya kung bakit napakagandang lalaki ng asawa niya. Maganda ang kombinasyon ni Claudia at Leonardo.
"These are my brothers."
Isa-isang lumabas ang mga litrato ng tatlong kalalakihan na walang itulak kabigin. Walang duda na magandang lahi ang ipinamalas ni Leon sa mundo.
"Iba't iba kami ng nanay. At 'yan ang mga asa-asawa nila. Tomorrow, isasama kita sa training para maging maayos ka. You have to be pleasing in their eyes. Hindi nila ako paniniwalaan kapag ganyan ka-plain ang itsura mo.
May napindot pa ito at lumabas ang isang babaeng may napakahaba at kulot na buhok. The woman looked like a princess. Tulad nito ang kulay ng buhok no'n. Bigla iyong nawala.
"Sino 'yon?" Tanong niya rito, "lola mo?"
Kita niya sa mukha nito na parang ayaw nitong sagutin ang tanong niya kaya hindi na siya nag-usisa pa.
"I have to remind you to act like my real wife in front of my parents. I don't have to elaborate on things anymore, the reason why I married you right away. Wala kang sasabihin sa kanila na hindi ko alam."
"E ang pagkatao ko, anong sasabihin ko?"
"Hindi naman mahilig magpa-imbestiga ang Papa ko. I faked your biography. Aralin mo ito," anito sa kanya saka iniabot ang isang papel.
Pahapyaw na binasa ni Amary ang nilalaman no'n nang mahawakan niya.
Walang bago sa pangalan niya, dati lang, kahit na edad at ang birth date. Ang iba roon ay ang tinapusan niyang kurso, paaralan at kung anu-ano pang parang hindi niya maintindihan.
"A-Ano itong Bachelor of Science in Management and Supervision? Tapos nagtapos ako sa Canada? Baka papag-inglisen ako ng Papa mo at Mama mo ay intsik ang maisagot ko. Nakakatakot naman ito," aniya kaagad.
"Matatakot ka e linya mo na 'yan sa peryahan. You deceive people, right? That's an easy task for you," sagot nito sa seryosong mukha saka sumandal sa upuan.
"Sobra ka naman. Hula-hula lang iyon pero ito ay may mga tinapos na kurso na hindi ko naman alam kung ano. May university pa. Baka mamaya maraming itanong ang mga magulang mo, paano ko sasagutin kung wala naman akong alam? Malay ko naman sa business na itong kurso," napapakamot sa ulo na sabi niya.
Pinagtatakpan na rin niya ang kahihiyan dahil sa baba ng kanyang pinag-aralan. Mukhang mali siya ng pinasok na trabaho.
"They will not ask you. Kapag kasama mo ako ay sasaluhin kita," anito kaya napangisi siya.
"E kapag na-fall ako, sasaluhin mo rin?" Biro niya rito pero bumusangot ito bigla.
"Ihuhulog kita sa bangin."
"Sobra naman ito," aniya saka umirap, "Iiwas ako sa parents mo kapag wala ka para huwag nila akong tanungin nang tanungin. Itong mga magulang na nakalagay dito, totoo bang mga tao ito?"
"Nope. It was stated in there that your parents died in an accident. Basahin mo kasi," masungit na utos nito sa kanya kaya bumuntong-hininga siya.
"Babasahin ko mamaya. Siya nga pala. Pwede ba kaming lumabas? Bibili lang kami ng kulungan nitong pusa," paalam niya rito matapos niyang itupi ang bond papers na hawak niya.
"Utusan mo na lang ang kahit sino. Ipahahatid kita sa stylist ngayon. You take seriously what he says about your wardrobe," sagot ni Chaos na tumayo na.
Seryoso? As in ngayon na?
"P-Paano itong pusa? Saan ko ito iiwan?"
"Iiwan mo kay Corazon. Let's go. I'm still going to the office."
Hindi siya nakasagot at tumayo na lang din. Sumunod siya kay Chaos nang buksan nito ang pinto at hinintay siya roon.
Nakalabi siyang lumabas. Babaguhin pala siya rito.
"Parang ayos na naman itong itsura ko," reklamo pa niya.
"Ayos is not enough. You must be presentable. I am a CEO, and my wife can't be just an ordinary woman, wearing an extra large t- shirt and knee-length jersey."
Diyos ko. Nilait pa talaga nito ang suot niya. Ano naman kung ganoon ang damit niya? Ang mahalaga ay may damit, mahirap ay wala.
"Paghuhubarin ba ako roon?" Bigla niyang pihit kaya agad na napatigil si Chaos.
He furrowed, "What?"
"Sabi mo wardrobe. 'Di ba at damit 'yon? Pagbibihis, gano'n? E 'di dadamitan ako doon."
"Yes. What's the matter? It's our daily fashion stylist."
"Magpapalit ako ng panty," agad niyang talikod saka mabilis na pumanhik sa hagdan, "Butas ito at tastas ang gaster! Nakakahiya!"
She ran upstairs and went to her room. Agad niyang kinuha ang naka-plastik niyang panty na hindi niya sinusuot. Anim na piraso iyon na itinatago niya para hindi maluma.
She changed right away. Kumuha rin siya ng pera para pambili ng kulungan ng pusa. Hindi niya alam kung magkano iyon kaya isanlibo ang kinuha niya. Binigyan na niya ng pera kanina sina Picolo at Watusi para kahit paano ay may pang gastos ang dalawa. Tig tatlong libo iyon. Ayaw naman nga na tanggapin dahil para raw iyon sa kanya pero ipinilit niya dahil hindi naman siya pinagdadamutan ng dalawa kahit na sa kakarampot na kita.
Bumaba siya muli. Nasa sala si Chaos, may kausap sa smartphone kaya hindi niya pinansin. Tumuloy siya sa kung saan may makikita siyang kasambahay, at si Gabriela ang naabutan niya sa may island counter.
"Ate Gabriela, paiwan po nitong Snow ko. Pupunta raw po kami sa stylist ni Chaos," malambing na paalam niya sa babae.
"Sige po, senyorita. Ingat po kayo."
"Salamat," matamis siyang ngumiti tapos ay hinalikan si Snow bago niya inilapag sa island counter.
Pumihit siya at likas na sa kanya ang mabilis na kumilos talaga sa lahat ng oras. Dumiretso siya sa labas at hindi pa rin pinansin ang asawa niya. Hindi niya alam kung paano niya nagagawa na kumilos nang normal sa loob ng pamamahay nito. Siguro dahil ganoon naman talaga siya. Natural talaga ang nga kilos niya sa lahat ng pagkakataon, pwera na lang kung oras ng panggagantso sa perya. Talagang kailangan niya ng buwis buhay na drama at pagpapanggap.
Ngayon, magpapanggap lang siya kapag nariyan ang mga taong nakita niya sa screen kanina, hindi naman araw-araw na kailangan. Hindi naman kailangan na gawin niya iyon sa harap ni Chaos. Una sa lahat, alam nito ang background niya dahil matagal na siya nitong pinamanmanan sa tatlong P.I na mga feeling the Hunks.
"Aalis daw pala ako," iyon ang sabi ni Amary kina Picolo nang malapitan niya ang mga ito.
"Ano? Saan ka raw pupunta?" Tanong ni Watusi.
"Sa stylist daw. Kayo na lang bumili ng kulungan saka taehan ni Snow."
"O, sige. Sasabay ba kami sa iyo sa paglabas?"
Tumango siya, "Ipahahatid daw ako e."
Tumingin siya sa pintuan nang lumabas ang asawa niya roon. Nakatingin din iyon sa kanila.
"Norman, ihatid mo na siya," simpleng bilin no'n sa isang lalaki na nasa beranda.
"Yes, bossing."
Chaos glanced at them again. Kaagad na sumaludo at ngumiti sina Picolo at Watusi sa lalaki pero as usual ay wala iyong reaksyon.
"You have to behave, Shane," he reminded her, and she felt like she was a child being reminded by her father.
"Yes, asawa ko. Behave ako. Wala akong nanakawin na mannequin sa stylist," ngumisi siya nang maganda pero tumalikod na ito kaagad at sumakay sa sasakyan.
Kasama nito ay tatlong sasakyan ng mga bodyguards. Napakarami nitong gwardiya. Napapaisip tuloy siya kung gaano karami ang pera ni Chaos.
Malamang ay sobrang dami.
"Halika na, Ma'am Shane," sabi ng kaisa-isang tauhan na naiwan sa kanila.
"Pwede ba silang idaan sa pet shop, bibili lang ng lalagyan ng pusa?"
"Huwag do'n, ang mahal do'n. Sa Taiwanese kami hahanap. Bahala na kami ni Tusi," ani Picolo sa kanya.
"Basta bumalik kayo rito ha."
"Oo naman. At Saan naman kami pupunta? Ikaw bunso, masyado kang nagiging matatakutin ha."
"Hindi naman. Gusto ko lang ay kasama ko kayo rito."
"Pero ilang araw lang kami rito na maglalagi dahil maghahanap din kami ng pagkakakitaan. Dadalawin ka naman namin parati at makikiain kami," sabi ni Watusi sa kanya kaya napatigil siya nang makasakay sa SUV.
Tiningnan niya ang mga ito at napaawang ang mga labi niya, "A-Anong ilang araw lang? Paano kung magtagal ako rito?"
Inakbayan siya ni Picolo, "Kailangan namin na dumiskarte, bunso. Habang nandito ka, magbabakasali kami na makahanap ng trabaho. Malay mo ay may swerte na rin na dumating ngayon."
"Pero may pera ako," giit niya sa mga ito.
"Hindi natin pwedeng ubusin nang ubusin 'yon. Hindi ba at mag-iisip tayo ng magandang pagkakakitaan? Kapag nagkatrabaho kami, madadagdagan natin 'yon," panghihikayat pa nito sa kanya kaya napabuntong hininga siya tapos ay tiningnan ang dalawa magkabilaan.
She pouted.
"Bunso, hindi naman kami mawawala. Nasa iskwater lang kami. Parati ka namin pupuntahan," sabi ulit ni Picolo, "Isa pa, tumatanda na kami. Baka hindi na kami matanggap sa trabaho kapag lumagpas na sa trenta."
"Basta pupuntahan niyo ako. Pero sa ngayon dito pa kayo sa subdivision. Ayoko ritong mag-isa. Naiilang ako."
"Oo, mga isang linggo kami rito tapos uuwi na kami."
"Sana magpa-annul na kami sa susunod na linggo para makauwi na rin ako. Ayusin niyo pala muna 'yong bahay. Marunong naman kayo mag construction, dapat ay maging simento iyong dingding. Mga fifteen thousand lang tapos sa sunod na naman ulit," aniya sa mga ito."
"Sige ikaw bahala basta may pakape ha," biro ni Watusi kaya natawa siya.
Bumaba sa may palengke ang mga kaibigan niya. Naiwan siya sa loob ng sasakyan papunta sa sinasabing stylist. Iyon pala ay sa Mandaluyong pa iyon. Nasa trenta minutos lang ang byahe, at nang dumating sila roon ay nakita niya ang isang building na may mga salamin. Parang kuha sa itsura ng isang tailoring sa pelikulang Kingsman. Paborito niya ang pelikula na iyon.
"Nandito na kami," the bodyguard spoke.
Nagpatiuna iyon at nag-doorbell. May lumapit sa pinto na isang babaeng naka-formal attire at pinagbuksan sila.
"Hello, Mada'am," bati ni Norman sa babae at mukhang magkakilala na talaga ang mga ito.
"Siya ba ang sinasabi ni Sir Chaos?" Tanong ng babae.
"Walang iba pa. Ang babaeng hinirang," ani Norman sabay ngiti sa kanya.
Nakangiti rin ang babae at tinanguan siya, "Welcome to Elegance, Ma'am..."
"Shane," sagot ni Norman.
Pumasok sila sa loob at si Norman ay naupo lang sa sofa sa may pinto.
"Dito lang ako."
Hinawakan siya ng babae sa siko tapos ay inilakad siya papasok sa elevator.
"Nasa taas si Mamu, kanina pa po kayo hinihintay. Ini-expect niya na maagang ipahahatid ni Sir Chaos ang misis niya."
Pagkasabi nito ng salitang misis at napatingin siya sa salamin ng elevator. Inararo ni Amary ng tingin ang kanyang sarili. Kahit sa babaeng katabi niya ay wala siyang sinabi. Posturado ito, may make-up, unat ang buhok na de kulay at maganda ang kutis. Siya, bagaman at biniyayaan ng makinis at maputing kutis ay iba ang itsura. Ang damit niya ay halatang pang-pulubi. Dapat ay nagsuot pala siya ng pangsimba niya tuwing pasko, iyong bestida niyang pang-model ang dating. Nakaramdam tuloy siya ng hiya.
Hinawakan ng babae ang hibla ng buhok niya tapos ay ngumiti.
"Tiningnan ko po kung anong ipagagawa ko sa buhok niyo sa kabila."
"S-Saan na kabila?" Taka siya.
"Sa salon po. Parang bagay po sa inyo ang medyo kulot ang ibaba tapos may kulay. Kasama po 'yon sa order ni Sir Chaos, Ma'am."
"Uhm, total makeover ang mangyayari sa akin, alam ko."
"Normal naman po 'yon," nangingiti nitong sagot, "Lahat naman po ay nagsisimula sa simple lang tapos ay pinagmumukhang elegante na. Ganoon din naman po ang mga dati ng nasa alta. Halos lahat pa nga po sa kanila ay retokada. Kayo po ba?"
"Ay wala akong pera pamparetoke," sagot niya kaya natawa ito dahil akala siguro ay nagbibiro siya. Malamang ang pakilala rito ni Chaos ay siya iyong nasa peke na biography.
Nag-aral sa Canada tapos naka Jersey na panlalaki at naka t-shirt.