Kabanata 2

2055 Words
Kabanata 2 "BUNSO, asawa mo tumatawag!" Malakas na sigaw ni Watusi nang hindi magising-gising si Amary sa ikatalong pagyugyog sa kanya ng mga kaibigan. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon dahil sa lakas ng bunganga ni Watusi, na parang may built-in speaker sa lalamunan. Baka abot na sa kabilang iskwater ang boses nito "Diyos ko naman! Hindi ba makapaghintay? Natutulog 'yong tao!" Marahas niyang kinamot ang ulo, "Akin na ang telepono!" Pikit pa siya habang nakalahad ang palad para abutin ang aparato pero walang cellphone na lumapat sa kamay niya. Puyat pa siya dahil anong oras na sila umuwi galing sa peryahan. May tumikhim na ibang boses sa may pintuan kaya agad siyang napamulat at tumingin doon. Isang lalaking mukhang ibuburol ang nakatayo kaya nanlaki ang mga mata niya. "Mayor?" Bulalas ni Amary pagkakita sa lalaking naka-barong. Hindi naman si Mayor ang asawa niya sa huling pagkakatanda niya. At hindi iyon si Mayor. "Anong Mayor? Si attorney iyan," bulong ni Picolo sa kanya. Kinusot niya ang mga mata. "Good morning, Miss Palad, or shall I say, Mrs. Castelloverde?" Hindi niya iyon pinansin. Pambihira kasi na pumirma na siya sa kung anu-anong papel pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang pera. Ni pisong duling ay wala pa silang nahahawakan mula sa sinasabing mister niya. At dalawang buwan na ang nakakaraan mula nang Castillong buhangin siya... Two months ago... Amary didn't know where to run anymore. May tatlong lalaking naka-leather jacket ang humahabol sa kanya. Akala niya ay nalusutan na niya ang mga ito dahil kabisado niya ang pasikot-sikot sa malaki at lumang perya, pero heto at na-corner siya. Sherlock Holmes ang datingan ng tatlong lalaki. "Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa akin?!" Galit na tanong niya sa mga lalaki. Halos hindi siya kumurap dahil sa takot niya. Hindi naman niya kilala ang mga ito. Hindi ito mga pulis. Diyos ko po. Gusto ni Amary na pumikit. Baka nagsama-sama na ang kampon ng kanyang mga nadenggoy. "Pwede ka ba namin makausap, Miss Talampakan, este—Palad pala?" ani ng isa kaya napakunot noo siya. At kilala pa siya ng mga ito. Hindi kaya hina-hunting talaga siya ng mga ito dahil sa nasaksihan niyang krimen noon? Hindi. Matagal na iyong panahon. Isa pa, wala naman nakakaalam na nakita niya ang krimen na iyon. "At ginawa niyo pa akong paa! Kayo ang mga mukhang paa. Bakit? Anong pag-uusapan natin? Hindi ko kayo kilala!" Singhal ng dalaga sa mga lalaki. "Magpapakilala kami," sabi ng lalaki sa gawing kanan, "Ako si Diet." "Ako maman si Echo." "Ako naman si Piolo," anaman ng ikatlo kaya lalo siyang nabwisit. "Ano kayo, mga tumandang the Hunks? Wala sa itsura niyo ang pagiging hunk!" Mapang-uyam na pagsuri ang ginawa niya sa mga ito saka tumikwas ang labi niyang hugis puso. Alam niyang uso noong kapanahunan ang the Hunks. Nakikita miya ang mga lumang diyaryo sa basurahan, at sa pagbabasa niya ay nalalaman niya ang mga trending sa nakaraan. "Mga alyas lang namin iyon, Miss Palad pero hindi kami masamang tao," ang sabi ni Diet. "Hoy! Lubayan niyo ang kapatid namin, kung ayaw niyong magkamatayan tayo rito! Armado kami!" Sigaw ni Picolo nang lumabas sa gilid ng isang tent. "Easy lang kayo, mga bata. Wala kaming balak na masama. Gusto lang namin makausap si Miss Palad dahil iyon ang kagustuhan ng boss namin," sabi ni Piolo sa kanila. "Bakit, sino ba ang boss niyo?" Sagot naman ni Watusi. Nagkatinginan ang tatlo tapos ay sumagot si Piolo, "Si Attorney Mijares." Sila na naman ang nagkatinginan. Wala naman din silang kilalang Attorney Mijares kaya bakit naman sila sasama sa mga ito? Maya-maya ay kinuha ni Piolo ang smartphone at may tinatawagan. "Opo, Attorney, kaharap na namin, kasama iyong dalawa niyang sidekicks. Paano po? Ayaw sumama at hindi naman mapilit." Naghintay lang sila. Bantay salakay ang dalawa pang lalaki, na parang may kutob na tatakas sila anumang oras. "Sige po, Attorney," sagot ni Piolo sabay tingin sa kanya, tapos ay iniaabot ang cellphone. Tumingin si Amary sa dalawang kaibigan. "Ako ang kukuha," sabi ni Picolo tapos ay lumapit kay Piolo pero papaiwas pa rin. Nang maabot nito ang smartphone ay lumapit sa kanya, "Ang ganda ng telepono, pwedeng ibenta." "Sira ka talaga, baka katapusan na natin kapag ginawa mo 'yan," sagot naman niya rito. Amary doubted if she was going to take this call, but in the end, she just did. Wala naman siyang choice. Ano ba ang kanyang pagpipilian? Kahit paano, parang nasisindak din siya sa mga lalaking ito. Parang may mga dating ang mga ito kahit na mga hindi gwapo. "H-hello—sino ka?" Amary instantly asked the man on the phone. "Anong kailangan mo sa akin?" "Hello, Miss Palad! Ikaw ay isang mapalad na nilalang dahil sa araw na ito ay magkakaroon ka na ng trabaho," sagot ng lalaking nasa linya na parang nakakaloko sa pandinig niya. "You were the chosen one. You have to sign an agreement, at kapag tumanggi ka, makakarating sa awtoridad ang ginawa mong pandurukot sa isang mayamang lalaki, na ang original na pitaka na Gucci na nagkakahalaga ng halos kwarenta mil ay ibinenta mo lang ng 1,500 sa isang intsik." Diyos ko! Napalunok siya ng laway. Ang walang hiyang ito. Inipon niya ang tapang at itinaas ang mukha. "Wala akong kinalaman sa sinasabi mo. Kung ikaw ang ireklamo ko dahil sa pananakot mo sa akin? Nag-iimbento ka pa!" Aniya sa galit na tono. "We can go to the authorities for further clarification, Miss Palad. Halika, sasamahan kita. Isasama natin si Mister Choy." Ang bwisit na ito! Lalong nagpuyos ang kalooban niya sa galit sa lalaki. Alam nitong lahat, at malinaw na bina-bribe siya nito para pumayag siya sa sinasabi nitong trabaho. "Makipagkita ka sa akin sa isang restaurant para makapag-usap tayo. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako masamang tao. I am a lawyer. Ako si Attorney Mijares. I can't tell you anything about my client. Malalaman mo rin ang trabaho mamaya, Miss Palad. Isama mo na lang ang dalawa mong kaibigan para makasiguro kang ligtas ka." Ipapaiwan ko ang isa sa mga lalaking kaharap mo para masamahan kayo sa restaurant. I can give you thirty minutes to change. Since malapit lang naman ang bahay niyo sa peryahan, ayos na siguro ang tatlumpong minuto." Hindi siya nakaimik. Tinanggal niya ang aparato sa tainga at ipinabalik iyon sa kaibigan. "A-Ano raw?" Usisa ni Watusi. "Magbihis daw tayo at may kikitain tayo sa restaurant," seryosong sagot ng dalaga. "Bilisan na natin kung ganoon para makalibre ng gabihan," agad na sagot ni Watusi. "Sira ulo ka talaga. Nakarinig ka lang ng restaurant ay ura-urada ka naman na pupunta," anaman ni Picolo. Baka mamaya ay i-salvage tayo do'n." "Walang magsa-salvage sa inyo doon. Sa isang high class na restaurant tayo pupunta," sagot ni Piolo, "Sasamahan ko kayo." "Magco-commute kami," sagot niya. "Kayo ang bahala. Bubuntot na lang ako sa taxi. Ako rin ang magbabayad sa sasakyan niyo." Nagkatinginan silang magkakaibigan. Hindi kaya last supper na nila itong tatlo? Libre ang lahat ngayon, parang iyon sa mga bibitayin na may pa-last wish pa, kung anong mga gustong kainin. Ninenerbyos siya. Baka talagang parte ito ng krimen na kanyang nasaksihan noon. Baka akala niya ay walang nakakaalam na alam niya ang tungkol doon, pero mali pala siya. Kinilatis niya na husto ang mga lalaki. Nag-uusap ang mga iyon at umalis na ang dalawa kapagkuwan, naiwan si Piolo mukhang talampakan. Kahit naman mukhang talampakan ang lalaki ay hindi naman mukhang mamamatay tao. Mukhang pamuksa lang iyon ng athelete's foot. At kahit na anong isip ni Amary na masama, talagang napadpad sila sa restaurant na sinasabi kinagabihan. Sila ang naghintay sa kausap niyang abogado, na hindi niya matiyak kung abogado talaga o feeling lang. Puro naman pagkain ang nasa harap nilang tatlo. Ang dalawa niyang kasama ay kain nang kain habang siya ay hindi gumagalaw ng kahit na ano. Kapag may lason ang mga iyon, malamang na mauunang iburol ang dalawa ni Watusi at Picolo dahil sa katakawan. Okupado nila ang isang VIP table. Still, she doesn't want to trust any of these. Sabi nga, takot ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Kung siya ay manloloko, mahirap na maloko rin siya. Maniniwala lang siya kapag ayan na ang sinasabi ng abogado na trabaho. Maya-maya ay may lalaking pumasok, naka-longsleeves. May dala iyong attaché case. Sa unang sulyap, maikukumpara ni Amary ang lalaki sa isang medical representative dahil sa postura at itsura. The man was tall, well-built, and handsome. A crew assisted the man, and she was right. Papunta na iyon sa mesa nila. Mukhang ito na nga ang lalaking hinihintay nila. Parehas na tumigil sa pagkain sina Picolo at Watusi nang maramdaman ang presensya ng lalaki. "Good evening, Miss Palad and the gang!" Bati ng lalaki matapos magpasalamat sa crew. "I am Attorney Randall Mijares," inilahad no'n ang palad sa kanya, na tinanggap naman niya matapos na magdalawang-isip. Siya pa ang choosy. Naupo ang abogado, "Anong katibayan ba ang gusto mo para maniwala ka na ako ay isang abogado? Lisensya ba?" "Marami niyang peke," sagot niya na nagpatawa sa kaharap nila. "Quite clever. You're a lady. Anyway, nandito ako para ialok sa iyo ang trabaho, personally." "Ahm, attorney," sabi ni Picolo, "Habang nagli-leksyon kayo ni bunso ay pwede ba namin ituloy ang pagkain?" "Syempre. Kumain lang kayo. Para sa inyo talaga 'yan. Nandito lang ako bilang utusan." May binubulatlat iyon sa attaché case. Utusan? Abogado ay utusan? Ibig sabihin, mas pa sa isang abogado ang kanyang dinukutan na lalaking nasa mumurahing peryahan, na wala naman silbi ang pitaka liban sa original daw. Habang kain nang kain ang dalawa ay inilahad ni Randall ang mga papel sa kanya. "Narito ang mga kasulatan, Miss Palad. Isa itong marriage contract." "Marriage contract?" Gimbal na tanong niya. Biglang naubo si Watusi tapos ay pinahid ang bibig. "Si Attorney naman. Hindi pa nga kayo nanliligaw sa bunso namin, marriage contract na kaagad? Huwag naman pong gano'n, Attorney." "Nagmamadali ang kliyente ko. Kumain lang kayo riyan. At malaki ang offer niya. Tatlong daang libong piso ang bayad. May two hundred thousand pa sa annulment. Legal itong lahat kahit mabilisan. Heto ang mga I.D mo. Ito ang gagamitin mong mga pirma. May original I.D ka ba?" Umiling siya. Wala. Isa siyang dakilang alien sa Pilipinas. Baka siya lang ang bukod tangi na walang pagkakakilanlan. May birth certificate siya na nakuha niya sa PSA pero ni isang I.D ay wala. Rehistrado naman kasi sa PSA ang kanyang birth certificate dahil may isang matanda sa iskwater noon na kinunan silang tatlo nina Picolo. Pero wala na ang matanda na iyon dahil namatay na. Ang kanyang pangalan ay talagang pangalan niya dahil alam niya iyon mula limang taon siya. Nagmustula man siyang bagong tao dahil sa panibagong rehistro, hindi bale na basta may pagkakilalanlan siya kahit paano. "Mas mabuti ng wala kang mga I.D. Ang mga ito ay original na I.D na magagamit mo kahit saan. Ang ilan dito ay apelyido mo na palad, at ang iba ay apelyido mo na..." hindi nito itinuloy. Inabot niya ang mga iyon at tiningnan. Nagtataka siya na sobra sa mga iyon. Paano nagawa ng lalaking ito na kumuha ng mga I.D at may pirma pa? Isa lang ang ibig nitong sabihin. May pera ito at may mga kakilala sa mga ahensya. CASTELLOVERDE Wow! Ang ganda naman ng kanyang apelyido. Lakas makapagpayaman. "Here, isang prenup, isang kasunduan at isang marriage contract. Basahin mo para makasiguro ka sa nilalaman," ani Randall kaya napalunok siya. Three hundred thousand at two hundred thousand. Limandaang libong piso ang lahat ng kanyang makukuhang bayad, sapat na para sila ay makapagsimula ng bagong buhay nina Picolo. Tiningnan niya ang dalawang kaibigan na mula noon hanggang ngayon ay mga patay-gutom. Walang humpay ang pagkain ng mga ito na parang huling hapunan na talaga. Tumingin siya sa abogado at nag-isip ma mabuti kung siya ay pipirma o hindi. "Anong dahilan at bakit naghahanap ng asawa ang kliyente niyo, attorney?" Nagkaroon siya ng kaisipan na hindi ang lalaking nasa perya ang magiging asawa niya dahil imposible na wala roon gumustong babae at siya pa na pobre ang napili. Perhaps, that man was looking a spouse for his father. "Personal, Miss Palad pero walang problema basta pumirma ka. Sa tingin ko naman madali lang ang kontrata at mate-terminate kaagad. You are free to read everything, but you have to sign tonight." And she signed...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD