Kabanata 1

2062 Words
Kabanata 1 TINUNGGA ni Chaos ang lahat ng laman ng boteng hawak niya. Nag-aalburuto ang kanyang buong sistema dahil sa pagkakaisa ng mga magulang niya. Matagal ng hiwalay ang ina niya at ama, at sa kanilang magkakapatid ay siya na lang ang may nanay. His mother is half American, partly British and partly Filipino. Ang namana niya roon ay ang kulay ng buhok na natural na may pagka-blonde at ang kulay ng mga mata. Bakas na bakas sa anyo niya ang pagiging banyaga. He's tall, fair and so handsome. Hindi niya gusto ang bakasyon niyang ito matapos na may daluhan siyang espesyal na event sa larangan ng negosyo. His supposed to be vacation turned into a disaster. Why? Ngayon ay nasa bahay sila ng mga Bentley. Yes, matapos siyang ialok ng ama niya sa kung kani-kaninong babae sa Pilipinas para magpakasal, ngayon ay sa mga Bentley na. Ang mga Bentley ay naka-base sa United States pero noon ay sa Pilipinas. Napakalalaki ng mga lupain nito sa mga probinsya, at naalala niyang naging Mayora si Marciela Aurellio Bentley sa Tugerao noon. Negosyo, iyon ang dahilan ng kasalan. Naiinis lang siya sa Papa niya na hindi man lang tumutol sa gusto ng Mommy niya. His mother has the strong bond with these people. Ang ama niya ay wala naman pero gusto na rin nitong mag-asawa siya dahil mas makakadagdag daw iyon sa magandang imahe ng kumpanya, na ang CEO ay isang responsableng lalaki, in all aspects, both business and family. Noon daw kasi, mas lumakas ang kumpanya nang humanga ang mga tao sa Papa niya. Bumubuhay daw iyon ng apat na anak na lalaki, walang mga ina pero naging matatag at responsable. Kung kadalasan daw ay single mother ang uso, sa kaso naman ni Leonardo ay iba. Iyon daw ay isang single father. And that was a stupid thought for Chaos. Magkaiba naman sila ng Papa niya, bakit naman papares siya? And he doesn't like this idea. Walang sandali na nagustuhan niya ang kaisipan ng isang arranged marriage. Kahit pa ang babae na pakakasalan niya halimbawa ay babaeng minahal niya. Ibinaba niya ang bote ng alak sa counter. "Chaos," his mother Claudia called him. Hindi siya lumingon bagaman at tumigil sa paglunok ng alak na nasa loob ng bibig niya. He stared at the bottle. "Why are you here? We're finalizing the details about the marriage, yet you're here with your...what's that? A booze or just a wine?" Usisa ni Claudia sa kanya. "Why are you even ginalizing something that I haven't yet agreed with?" Masungit na tanong niya sa ina. He doesn't want to sound disrespectful but what's his choice? Hindi siya papayag sa kasal na ito kahit na anong mangyari. Damn. Hindi siya nagpapakahirap na mag-asikaso ng isang napakalaking kumpanya tapos sa huli ay may magdedesisyon lang sa magiging bukas niya. If he's going to marry, it's not with a Bentley. "You mean you don't agree with it? Anak, ano ba ang ayaw mo kay Adelaide?" Naramdaman ni Chaos ang kamay nito sa balikat niya. "As if you knew nothing, Mommy. You're funny. Alam mo kung anong istorya namin ni Adelaide. And it wasn't that beneficial to me. It was traumatic anyway." "Hanggang ngayon ba ay iyon pa rin. Her family saved my family and I think you were aware of that. Malaki ang utang na loob ng buong pamilya ko sa kanila." "f**k that utang na loob," galit na sagot niya, "at ako ba ang pang-bayad? Pamilya mo ang may utang na loob sa kanila, hindi ako. I was never even part of that. At dahil may utang na loob lang pwede na akong saktan tapos ay babalik na parang wala lang? Oh, come on, Mom. I am no longer your seven little Chaos. Matanda na ako at wala kayong mapapala sa akin," sabi pa niya kaya bumitaw si Claudia sa kanya. "At hindi talaga ang sagot mo? Makakatanggi ka sa Papa mo? You know what he can do." "Ano, magtanggal ng mana? Magpa-freeze ng accounts? That's so unfair. If he'll do that just because I don't want to settle down with Adelaide, then he's the worst father ever." "Chaos!" Galit na saway sa kanya ni Claudia pero hindi naman siya natinag. Tulad ng kanyang sinabi, matanda na siya at kaya niya ang sarili niya. "Claudia," a soft voice called his mother. Isang boses iyon na napakalambing at napakapino, parang hindi makagawa ni katiting na kasalanan sa mundo. Deceiver. "I'll talk to him," Adelaide added. "Oh, you better, Adelaide. This one is so hard-headed." "I'll handle him," she said, "Just the way I used to before," it was followed by a giggle but he just kept quiet. She was so confident that she could still manipulate him. Akala siguro ni Adelaide ay siya pa rin ang Chaos na mahal na mahal ito at isang sabi lang nito ay susunod siya. "You must behave, Chaos!" Sabi ng Mommy niya sa kanya pero tumulis lang ang labi niya. Umaandar kahit ang kaliit-liitang himaymay ng brain cells niya, sa kung anong sasabihin niya sa mga ito para hindi na nito ituloy ang pesteng kasal na ito na matagal na pala na plano. Tama siya sa kanyang narinig. At kapag umandar ang pagiging tsismoso niya, totoo ang kanyang nasasagap. Akala niya ay tapos na siya sa pangungulit ng kanyang ama. He already stopped selling him to some of his friends with single daughters, iyon pala ay may mas malala pa na ginagawa. Tumayo sa may tabi niya si Adelaide. Ipinatong ng babae ang braso sa counter at sinupat siya ng tingin. She was smiling, scanning his face. "You're scarlet," she said and wiped his cheeks but he brushed off her hand. Bigla itong natawa sa ginawi niya, "You act so childish, Chaos. It's funny that you say no to a marriage with me this time." Pumangalumbaba ito sa maarteng paraan. "Saying no to a marriage with an ex isn't childish, Adelaide. It was the best decision to make," he smirked and looked at her face as well. Nawala ang ngiti nito at halatang napikon sa isinagot niya pero maya-maya ay ngumisi ulit. "I love how you say my name again, Chaos. I remember how you say it long ago when we're in bed." "Alam natin parehas ang nangyari sa atin, Adelaide. Don't pretend in front of them that we're okay. Baka ikaw okay, ako hindi. And I couldn't marry you because I am already married," sabi niya kaya napalunok ito tapos ay tumawa bigla. "Now that's childish," naiiling nitong sabi, "You and your excuses," naiiling nitong sabi. "Ayaw mong maniwala?" "Wedding ring then?" inilahad nito ang palad. "Wedding ring lang ba ang patunay na kasal na ang isang tao?" He smirked, "Napakababaw." "Marriage certificate then," mataray pa na sagot nito, na animo ay wala siyang maibibigay na katibayan. Lalo siyang ngumisi. "This is a big slap to my face, Chaos. This is so embarrassing. You are turning down our parents offer, our parents dream." "Their dream but not mine. You better start tell them now that no marriage will ever happen between us. Adios!" He said and turned his back. Bitter na kung bitter pero hindi pa rin siya maka-move on sa ginawa ng babae sa kanya noon. Dahil dito, nasira ang kanyang paniniwala sa salitang pagmamahal at tiwala. Usually, women are being cheated but what happened to him was the opposite. Ang masaklap pa ay napagtaksilan siya ng sarili niya mismong kaibigan. That was so long ago but when he remembers it, it feels like it only happened yesterday. Lumayas siya sa bahay ng mga Bentley na walang paalam. Naiwan ang mga magulang niya at wala siyang pakialam kung sabihin ng mga iyon na bastos siya o ano. Hindi siya Santo at mas lalong hindi siya magpapaka-Santo sa harap ng ibang tao. Uuwi na siya muli sa Pilipinas. Bahala na ang mga magulang nilang magpakasal kay Adelaide, total, ang mga iyon naman ang may gusto ng lahat at hindi naman siya. Sa pagsakay niya sa kotse ay agad niyang kinuha ang smartphone at nag-scroll sa kanyang contacts. Hinanap niya ang pangalan ng kanyang abogado, baguhan na abogado na kamakailan lang niya nakilala, dahil sa paghahanap niya ng solusyon na matakasan ang lahat ng masasamang plano ng mga magulang niya sa kanya. Luckily, he believes in his instinct. Hindi niya binabalewala ang kanyang pakiramdam. He always listens to what he feels and what his mind dictates him. And he doesn't fail when he does that. Pagkatapos niyang makausap ang kanyang abogado ay nakita niyang may mga missed calls ang Papa niya. Babalewalain na lang sana niya iyon pero tumatawag iyong muli. And Chaos was forced to answer the call. "Chaos," Leonardo said, "Where are you? Umalis ka raw sabi ni Adelaide." Hindi niya malaman ang tono ng Papa niya kung galit ba o hindi. At wala siyang balak na alamin. He doesn't care if he's mad. For heaven's sake, he did everything just to be a good son. At kasalanan ba niyang wala siyang interes na mag-asawa? Ang kumpanya ang kanyang asawa, doon pa lang ay tama ng mamuti ang mga buhok niya. Wala na siyang balak na magdagdag pa ng kunsumisyon. "Yes." "Bumalik ka rito, anak. Ipinapahiya mo kami ng Mommy mo. She's looking for you." "Why can't she just pay the Bentleys using her money? Kung utang na loob lang naman, iyon na lang ang ibayad niya at hindi ako. How sure she is that I am going to be a good husband to Adelaide? Ako pa talaga," inis na sagot niya. "Alangan naman na ako," anito kaya napalabi siya. "Why not try it, Papa? Total, kayo naman ang nakaisip ng lahat ng ito. I don't want to sound so sarcartic here but you're taking away my freedom. Matapos mo akong ibenta sa kung kani-kanino mong kaibigan na naghahanap ng mapapangasawa ang mga anak na pangit, now you've reached this far. Sa Bentleys ka na napunta, kayo ni Mommy. I wasn't here to fix any marriage or what. I was here to take a short vacation but you were giving me a toxic enviroment." "Chaos!" Saway nito sa kanya, "Ano ba ang ayaw mo kay Adelaide? She was your ex." "That's exactly the reason. She was my ex. Ang ex ay hindi binabalikan. I'm going, Papa. Bye." "Chao—" Pinatay niya ang tawag at umiling. Nagising na lang siya bigla ay ipinagkakasundo na siya kay Adelaide. It came out of nowhere. Hindi niya talaga rin maunawaan ang ganitong arrangement sa mga tulad nilang nasa alta. Dahil lang naman ito sa yaman. Ayaw ng mga pami-pamilya nila na lumabas ang yaman kaya ipinagkakasundo sa mga tulad nilang mayayaman. Ang nakakainis ay wala naman sa plano niya ang maghanap ng permanenteng girlfriend o asawa pero isinabak siya sa ganitong kalarakan ng mga magulang niya. Hindi naman siya nakialam noon nang magdesisyon ang mga magulang niya na maghiwalay nang tuluyan, tapos ngayoy dinidiktahan ng dalawa ang buhay niya. Sumasama ang loob niya sa Mommy niya. Bihira na nga lang sila na magkita, sa pagkikita pa nila ay ganito lang ang mangyayari sa kanila. He thought they would have a nice bonding after so many years. Wala iyon nang una niyang dating sa U.S., nasa England daw ang Mommy niya. Narinig lang niya ang plano no'n mula sa tiyuhin niyang bed ridden, kung saan naubos ang halos lahat ng naipundar ng pamilya ng ina niya dahil sa pagpapagamot sa lalaki. And he also heard his father mentioning Adelaide. Nagulat pa siya sa una nang lumabas sa bibig ng Papa niya ang pangalan ng ex niya, iyon pala ay mya senyales na talaga iyon ng hindi magandang pangitain sa hinaharap. Napapaisip si Chaos ng mas malalim na dahilan sa lahat ng ito. Ang buong akala niya ay may boyfriend si Adelaide. Nasaan na iyon? Pero alam din niya na mula pa man noon ay talagang siya na ang gusto ng mga magulang ng babae. At walang nakakaalam ng dahilan ng kanilang paghihiwalay. Kahit na niloko siya no'n ay nanatiling buo ang respeto niya sa p********e ng ex niya. Hindi siya nagsalita ng kahit na anong ikasisira ni Adelaide. Pinanatili niyang lihim ang lahat. Kahit na anong sama ng ginawa no'n sa kanya, dinala na lang niya sa sarili ang katotohanan, ang lahat ng pagtataksil na nasaksihan niya dahil sa isang naka-save na video ng dalawa ni Luke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD