Ikaapat na Tagpo

3125 Words
Ikaapat na Tagpo  SELENA ZARAGOZA "HINDI PA rin ba nakikita ang aking anak na si Selena?" tanong ng Gobernador sa kaniyang mga kawal na pinamumunuan ng makisig na Heneral na si Juanito Delgado. "Di ko pa rin siya matagpuan, pero malaki ang tyansa na buhay pa siya, susugod kami sa gubat mamaya para mahanap siya Gobernador," saad ni Juanito. "Wag mo ng hanapin ang Bastarda mo, Luis!" saad ng asawa nito na si Victoria. Maganda ito ngunit may katabaan at katandaan na rin. "Anak ko siya at hahanapin ko siya Victoria," sabi naman ng Gobernador sa kaniyang asawa. "Aba eh malay mo ba kung naubos na ng aswang ang kaniyang katawan! Kung ako sayo ay wag ka ng mag-alala sa kalahating Indi—" "Wag ka na lang magsalita Victoria kung di ka rin naman makakatulong." suway ng gerbadorcillo sa kaniya "Nabigyan mo na ba ng salapi ang pamilya ng mga namatay?" tanong ng Gobernador kay Juanito "Tulad ho ng nais nyo, nalulungkot ako dahil apat sa mga kasamahan natin ang nalagas sa pangyayari, ginagawa ko ang makakaya ko para mahuli ang mamatay tao na gumagawa nito sa mga mamayan natin at ng mga karatig probinsiya." Saad ni Juanito sa Gobernador. "Bumuo ka ng grupo ng mga Heneral at mga tao na magaling sa ibang paniniwala," utos ng Gobernador. "Ano po? Wag ninyong sabihin na naniniwala kayo na kagagawan ito ng aswang, Gobernador?" tanong nito sa matandang Mestizo. "Oo, naniniwala ako. Ako, mismo Juanito ay nakakita na ng aswang noon kaya naniniwala ako, ang kinakatakot ko lang ay baka nabiktima na nito ang anak ko," sabi niya sa Heneral. Bakas sa mukha ng Gobernadorcillo ang pagaalala sa kaniyang anak. "Masusunod po, hahanap ako ng mga tao—"natigil si Juanito sa pagsasalita ng madinig nila ang tinig ng isang indio na sinisigaw ang pangalan ng Gobernadorcillo. "GOBERNADOR! GOBERNADOR! MAGANDANG BALITA!" nagtatakbo ang isang alipin papunta sa Gobernadorcillo.  "Ano yun, Isme?" tanong nito, nabuhayan ng loob ang Gobernador sa kaniyang nadinig. Humihingal ng malakas ang alipin pero bakas dito ang pagkasabik sa kaniyang ibabalita "Nahanap na po ang Señorita! Niligtas siya ng isang Indio at nasa tanggapan na po siya ngayon!" saad ng Alipin "Talaga? Nahanap na ang anak ko?" tanong ulit nito. Hindi siya makapaniwala, nagagalak ang kaniyang puso dahil nakita na ang kaniyang mabait na anak. "Opo!" Napangiti maging si Juanito sa nadinig niya nabunutan siya ng tinik dahil ligtas ang kaniyang mapapangasawa. "Ipahanda ang karwahe pupunta ako sa tanggapan!" saad ng Gobernador at kasama si Juanito pumunta sila sa tanggapan. Nang makarating sila doon at nagmamadali silang pumasok sa loob. "Buenos Dias Gobernador!" pagbati ng isang teñente sa kaniya. "Nasaan ang aking anak?" tanong niya sa teñente. Hindi na niya ito nagawang batiin pabalik dahil sa pananabik para sa kaniyang anak. "Pinapakain po ni Padre Solomon sa loob, gutom na gutom po ang Senorita at mukhang di naman siya nasaktan," saad ng Teñente. "Aking anak!" salubong ng Gobernador iyan sa kaniyang anak. Agad na tumakbo si Selena sa kaniyang ama at yinakap ito. "Papa!" Bulalas naman nito pabalik at nayakap ng mahigpit ang kaniyang ama, nawala ang takot na nadadama ni Selena, masaya siya at nayakap niya muli ang mabait niyang Papa. "May nangyari ba sayo ha? Sinaktan ka ba ng mga walang puso na iyon?" tanong nito sa kaniya. Umiling naman si Selena at nagwikang, "Hindi ako nasaktan Papa, wala akong natamong sugat. Maayos lang po at medyo gutom," sabi niya muli. "Sigurado ka ba Señorita?" sabat ni Juanito. "Oo naman Juanito, Mabaho lang ako dahil sa di pagligo pero maayos naman ako" saad nito at saka tumawa. Mahinang tawa na din ang nasagot ni Juanito tinuon ng Gobernadorcillo ang tingin niya sa prayle na nakikinig lamang sa kanila. "Maraming Salamat Padre Solomon sa panandaliang pangangalaga sa aking anak," sabi ng Gobernadorcillo sa prayle tumayo ang prayle at tumango. "Walang anuman, handa akong tulungan ang mga tao na malapit sa ating Gobernadorcillo," sabi ng mataba at matandang prayle sa kaniya. "Teka lang Papa, may kasama po pala ako." sabi ni Selena at dinako niya ang tingin niya kay Simon. Ang gwapong aswang este ang Aswang na nagligtas sa kaniya. "Sino siya, Selena?" tanong ng ama niya sa kaniya, walang gatog gatog ay sumagot si Selena sabik na ipakilala ang kaniyang tagapagligtas. "Siya po ang nagligtas sa akin, Siya si Simon," sabi ni Selena, bumitaw siya sa Papa niya at hinila si Simon palapit dito. Kung hawakan niya ako ay parang malapit na kaming dalawa, 'di ganito kumilos ang mga babae sa bayan, para naman siyang galawgaw, ngunit masaya ako dahil masaya siya na kasama ko siya ngayon. "Niligtas niya ako Papa, napunit pa nga ang damit niya dahil doon." Sabi ni Selena. Gulat na napatingin si Juanito at ang Gobernadorcillo sa kasama nitong binata dahil mukha itong taong gubat at masangsang pa ang amoy. "Niligtas?" tanong ni Juanito rito at hinila si Selena palayo kay Simon. "Oo Simon! Napakabuti niya diba?" "Huwag ka ngang lumapit sa kaniya. Isa siyang estrangherong mabaho!" saad ni Juanito. "Ito naman si Juanito, niligtas niya ako. Di na siya estranghero dahil niligtas niya ako. Kaya nga siya bumaho kasi kumapit sa kaniya yung amoy ng mga aswang." sabi ni Selena sa kaniya at saka mahinang tumawa at muling nagwika. "Dapat ay kakainin ako nung mga aswang na umatake kela Mario pero niligtas niya ako, inalagaan at saka... sinoogurado n'ya akong ligtas." Napatingin naman si Simon sa kaniya. Ano bang sinasabi ng binibini na ito? Tinangka ko siyang kainin at isa ako sa pumatay sa mga kasama niya. "Maraming Salamat hijo, magkano ba ang salapi na kailangan m—" natigil ang Gobernadorcillo sa kaniyang tanong ng sumabat si Selena. "Hindi, Papa! Hindi salapi ang kailangan niya, Kundi ang matutuluyan," sabi ni Selena napatingin ang Gobernador sa kaniya maging si Juanito. "Anong ibig sabihin mo?" tanong muli ng Gobernador. "Papa, ang nais ko sana ay patirahin mo siya sa aking tahanan bilang kapalit ni Mario. Gusto ko siyang maging tagapagligtas," saad ni Selena tumingin sa kaniya si Simon na nagtataka. Bakit tagapagligtas ang tingin niya sa akin? Aswang ako! Di ba niya naalalang aswang ako at pwede ko siyang kainin anong oras man ako na magutom. Bakit ba kasi lumambot sa kaniyang iyak? Di ko din mawari ang sarili ko. "Pero di mo siya kilala, Selena. Maraming mga mapagpanggap na tao na maaring magsamantala sa isang katulad mo," sabat muli ni Juanito. "Pero niligtas niya ako, buhay niya ang sinugal niya para sa akin. Ito na lang ang maari kong gawin para sa kaniya. Di ka ba naawa sa kaniya, Juanito? Para siyang kawawang tuta na nais na magkaroon ng tahanang kukupkop sa kaniya," sabi muli ni Selena at tumingin ito sa kaniyang ama, tiningnan ng matanda si Simon na para bang nag-isip ito. Hindi lang siya mukhang tuta, amoy tuta din siya.' Saad ng ama ni Selena sa isip nito. Nag-aalangan siya dahil kakaiba ang binata, di pa din ito nagsasalita mula ng magkita sila at matalim din ito tumitig, pero para din naman itong kastila dahil sa makisig siya at mukha ding mestizo. Batid niya na isa din itong bastardo na di lang pinalad, bumuntong hininga ang Gobernador. "Sige na, maari mo siyang kupkupin Selena, ipapadala ko ang mga lumang damit ko para magamit niya," saad naman Gobernador. Wala kasing pangitaas si Simon, sa totoo nga niyan maging si Juanito na ay naasiwa sa lalaki sa harap niya. Mas maganda kasi ang katawan nito kesa sa kaniya. "Salamat Papa! Salamat!" sabi ni Selena at yumakap muli sa ama niya. Napatingin si Selena kay Simon at yinakap rin niya ito na kinagulat ng lahat maging ni Simon. "Sa wakas Simon! Sa wakas!" masayang sigaw ni Selena. *** "AKALAIN mo yun pumayag si Papa na kupkupin ka! Alam ko na ang una mong gagawin pagdating sa bahay, maliligo ka kasi ang baho mo na rin katulad ko! Tapos gugupitan kita para maging guapo ka at magmukhang makisig. Tapos ano pa ba? Kakain tayo ng masarap, magpapaluto ako ng caldereta kay Rita tapos ipapakilala kita sa mga anak niya,. Sigurado akong matutuwa sila na magkaroon ng nakakatandang kuya sa aming tahanan," sunod sunod kong sabi kay Simon habang naglalakbay kami pauwi. Tahimik lang siya at nakatingin ng matalim sa akin parang kakainin niya ako ngayon dito sa loob ng karwahe. "Iwasan mo nga ang pagtingin ng matalim at pailalim dahil para kang sinasapian. Lahat matatakot sayo kung ganiyan ka," sabi ko sa kaniya. Inangat ko ang baba niya at pinatingin siya sa akin. "Tingnan mo ako sa mga mata ko" sabi ko sa kaniya, iniwas niya ang tingin niya sa akin at namula ang magkabilaan niyang pisngi. "Diretso dapat ang tingin mo at di ganiyan" dagdag ko pa muli sa kaniya. Mas lalong namula ang kaniyang pisngi. "Hala, namumula ka. Ikaw ba ay nilalagnat?" tanong ko muli sa kaniya pero sa halip na sumagot ay iniwas niya ang tingin niya sa akin. Iniwas naman niya ang tingin niya sa akin.Tahimik na naman siya buong biyahe. Hapon na ng makarating kami sa bahay, sinalubong kaming dalawa ni Rita at ng mga anak niya. Nasabik ang mga bata at agad na yumakap sa akin kahit na amoy araw na ako. Nasabik din naman kasi ako sa kanila kaya ang saya ko rin ng makita sila. Ngayon nasa harap nila si Simon at nakatingin ng matalim sa kanilang magpapamilya. "Señorita, sino po siya?" tanong ni Nena sa akin. "Ay, Oo nga pala. MGa bata, at Rita, pinapakilala ko sa inyo ang bago nating kasama na si Simon!" pagpapakilala ko rito. Mas lalong lumalim ang tingin nito sa kanila. "Simon, ito si Rita at ang mga bata naman ang mga anak niya, Si Nena at Nene," sabi ko naman kay Simon. "Sila ang mga makakasama mo sa bahay, wag kang mag-alala mababait naman sila tulad ko kaya huwag mo na silang tingnan ng ganyan," sabi ko sa kaniya pero masama pa rin talaga ang tingin nito sa kanila. "Señorita, parang nakakatakot siya pero makisig naman siya ng kaunti," sabi ni Rita sa akin. "Simula ngayon si Simon na ang gagawa sa gawain ni Mario. Alam nyo naman na pumanaw na siya. Isa si Mario sa nasawi noong tinambangan ang byahe naming," saad ko at saka ako napabuntong hininga sayang kasi si Mario, mabait pa naman siya at maasahan. Nakita ko kung paano siya tapusin ng isa sa mga aswang na sumalakay sa amin parang sumakit ang ulo ko ng naalala ko iyon. "Señorita, may masakit po ba sa inyo?" tanong ni Rita sa akin. "Wala naman, pakihanda na lang ang paliguan ko dahil gusto ko ng magpahinga. Pakituro din ang tutulugan ni Simon. Maghanda din kayo ng pagkain para sa kaniya," utos ko sa kaniya at saka ako tumingin kay Simon. Si Simon ay nakatingin sa akin, ngayon imbes na matalim ang titig nito ay tila ba nababagabag na siya. "May nais ka bang sabihin?" tanong ko sa kaniya. "Nagsisisi ka na ba dahil sa napagdesisyunan mo na kupkupin ako?" tanong niya sa akin, napatingin ako sa kaniya at saka ngumiti. "Bakit naman?" tanong ko pabalik sa kaniya. "Sumakit lang ang ulo ko dahil sa naalala ko ang mga nangyari, normal lang ata to kasi biglaan ang mga pangyayarina napagdaaanan ko at kung tutuusin di madaling malimutan ang mga 'yon." Natihimik kaming dalawa matapos ng sinabi ko, binasag ko ang katahimikan naming sa pamamagitan ng buntong hininga. "Magpapahinga na ako, Simon," saad ko sa kaniya at naglakad ako paakyat. Naging mahaba ang mga araw nung nawala ako, gusto ko na lang magpahinga at ibaon sa limot ang mga nangyari at gawin na tao si Simon, gusto ko na maging tagapagtanggol ko na lang siya. Matapos akong makaligo at makapagayos bumaba ako saglit nakita ko si Rita na nag-aayos ng salas sa ibaba. "Nasaan na si Simon?" tanong ko sa kaniya. "Dumiretso na siya sa tulog, Señorita at mukhang pagod ang binata. Sayang nga lang at Indio siya dahil kung hindi isa n asana siya sa pinakamagandang lalaki ng heneresyon ninyo. Pero imumungkahi ko po na mukhang kailangan niyang maligo, dahil Señorita kung siya ay malilinisan at magmumukhang tao ay napakakisig niya kung tutuusin at parang bagay kayong dalawa," saad niya sa akin at saka siya humagikgik. "Rita naman! Di kami bagay ni Simon at saka ikakasal na ako kay Juanito. Inaayos na nila Papa ang preparasyon sa aming kasal," sabi ko sa kaniya, sa tingin ko naman ay mas bagay kami ni Juanito Mucho Guapo! "Sige na magpahinga ka na rin, magiging mahaba ang araw bukas" pagpapaalam ko sa kaniya at saka na ako umakyat. *** KINABUKASAN nang ako ay magising, dumiretso ako sa kwarto ni Simon para gisingin siya. Gusto kong simulan na ang pagturo sa kaniya kung paano maging sibilisado. Nang dumating ako sa kaniyang kwarto ay nahihimbing pa siya. "Gumising ka na Simon, kailangan mo ng maligo." sabi ko sa kaniya at binuksan ko ang bintana. Unti unti niyang minulat ang kaniyang mga mata at tumingin sa akin, ngumiti ako sa kaniya. "Buenos Dias Simon, naging maganda ba ang panaginip mo?' tanong ko sa kaniya. Di siya sumagot sa akin at saka siya bumangon, tahimik siyang bumangon at nag-iwas ng tingin sa akin. "Dumating na pala ang mga masusuot mo, kaya maligo ka na. Nakahanda na ang Poso at ang tubig kung saan ka maliligo," sabi ko sa kaniya. Kumuha ako ng tuwalya at iniabot sa kaniya "Bakit mo ginagawa to? Bakas ko na may takot ka pa rin sa akin. Alam kong nakakatakot akong nilalang," sabi niya sa akin. Hinarap ko siya, "Hmmm... bakit nga ba? Ah! Kasi gusto ko na maging tao ka kapalit ng pagligtas mo sa akin. Gusto ko na habang buhay mo na lang ako na iligtas," sabi ko sa kaniya at bahagyang nakagat ko ang labi ko nag-isip muna siya ng isasagot niya sa akin. "Ang aswang mawawala lang sa kanila ang pagiging aswang pag namatay sila, at impossible na maging tao ako, habang buhay ay halimaw ako," sabi niya sa akin. "Maari kong kainin ang mga kasama mo, maari kitang kainin kung gugustuhin ko" dagdag pa niya sa akin. "Bakit di mo ginawa? Lahat ng pagkakataon nung nasa gubat tayo nasa iyo na, para akong ulam na nakalatag na sa harap mo pero hindi, pinagtanggol mo pa ako sa mga kasama mo at niligtas, pinagaling mo ang paa ko at higit sa lahat nag-alala ka sa akin."Bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. "Kaya alam ko na pwede kang maging tao, ikaw ang anghel ko kahit gawa ka sa kadiliman ikaw ang magliligtas sa akin."sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti, hinawakan ko ang braso niya at umaktong hinila siya "tara na!sabayan mo na lang na maligo ang mga bata" sabi ko sa kaniya at hinila ko siya palabas. "Rita! Nandito na si Simon, maliligo na siya!" sabi ko kay Rita tumingin ako kay Simon at tinuro ko sa kaniya ang poso agad niyang hinubad ang pangitaas niya dahilan para mapatalikod ako. Wala akong balak makita ng maliwanag ang pandesal niya baka dumugo ang aking ilong. Ano bang pinagsasabi ko? Di na talaga pang babae ang mga kinikilos ko ngayon. "Pag tapos ka na suotin mo na lang ang mga damit tapos pumunta ka agad kay Rita," sabi ko sa kaniya at naglakad ako pabalik sa loob, hinanda ko na lang mga gunting para magupitan siya ng buhok. "Senorita! Tapos na pong maligo si Simon!" sigaw ni Rita. Bumaba ako at nakita ko siya na maayos na ang itsura niya, lumabas nga ang tunay niyang kagwaphuhan, matangos ang ilong niya at medyo singkit ang kaniyang mga mata, parang kulay rosas din ang kaniyang labi para siyang meztiso pero halata mo sa balat niya na Pilipino siya at ang mahalaga ay mabango na siya ngayon. "Ngayon, ang buhok mo naman gugupitan natin para mas maayos kang tingnan," sabi ko sa kaniya. Kinuha ni Rita ang upuan at pinaupo ko siya doon. 'Wag kang malikot kasi baka matusok ka," pagpapaalala ko sa kaniya. Ginupitan ko si Simon, wala naman siyang naging reklamo o ano pero madalas niya akong tinitingnan habang nagugupit para na nga ako nalulusaw. "May dumi ba ang aking mukha?" tanong ko sa kaniya pero umiwas lang siya ng tingin sa akin, natawa na lang ako sa kaniyang kinikilos. Nang matapos ko siyang gupitan, mas lumabas ang kakisigan niya. "Mas maganda ka ng tingnan ngayon," sabi ko sa kaniya at saka ko inalis ang mga buhok na naiwan sa kaniya kinuha ko ang salamin at binigay sa kaniya. 'Mukha ka ng tao," saad ko sa kaniya. Nakita ko siya na tiningnan ang kaniyang mukha sa salamin at mahinang napangiti. Nang mag-almusal naman ay tinuruan ko siya kung paano kumain ng maayos. "Ganito kutsara para sa kanin at sopas, ang tinidor naman pangtusok mo, ang tubig panulak sa kinain mo," sabi ko sa kaniya tapos biglaan niyang sinunggaban ang pagkain at sarap na sarap na siya nagpakawala ako ng mahinang tawa dahilan para titigan niya ako ng masama para siyang bata na inaasar kung umakto ngayon. "Wag mong kakainin na parang sumusunggab ka," sabi ko sa kaniya. "Tingnan mo kung paano kumain si nena" sabi ko sa kaniya at tinuro ko ang bata hinawakan niya ang tinidor at kutsara kagaya ni Nena at ginaya ito ng kumain. "Ito manok to, prito sinabi ko na medyo hilawin para sa'yo," saad ko sa kaniya at nilagyan ko ng manok ang pinggan niya. Nang makita n'ya ang manok ay sinunggaban niya 'yon kaya inilag ko, "Hindi ganyan, kanina ay natutunan mo na," gumawa si Simon ng tunog na tila ba isa siyang umiiyak na tuta. "Ganito ah, susubuan kita tapos kainin mo ng maayos," giit. Tinusok ko ang karne at saka ko siya sinubuan. "Inay, asawa po ba ni Señorita si Simon?" Tanong ni Nena kay Rita napatingin sa akin si Simon at agad na namula ang mukha nito. "Talaga ang mga bata, nakakatuwa silang magtanong minsan. Nakakagigil," wika ko kay Rita, nanatili pa rin si Simon na nakatingin sa akin. "Tumahimik ka ngang bata ka, ikakasal na ang Señorita kay Juanito, ay Señorita. "Bakit hindi na lang kay Simon?" muling tanong ng mga bata. Naibaba ko ang tinidor dahil agad nagulat ako sa sinabi nito. "Ay, señorita! pinapasabi po pala ng ama niyo na pupunta dito ang mga Delgago sa susunod na linggo para dalawin ka at masigurado ang lagay mo," sabi sa akin ni Rita, pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng manok para kay Simon. 'Sige, pakisabi pumapayag ako," sagot ko sa kaniya. "Makikipagisang dibdib ka na?" tanong sa akin ni Simon ngayon lang siya nagsalita mula kanina. "Oo, at si Juanito ang mapalad na binata na iyon, siya ang mapapangasawa ko. Pag-uusapan pa lang ang detalye sa kasal namin," sabi ko sa kaniya. "Kasi kung tutuusin medyo tumanda na ako. Ang normal kasi na edad ay  dieciseis kinakasal na dapat ang isang babae," sagot ko sa kaniya. Kinatanghali naman ay tumulong si Simon kay Rita sa pagiigib ng tubig dahil sa malakas siya ay kaya niyang buhatin ang apat na timba na walang kahirap hirap. Naging malaking tulong si Simon sa aking tahanan, sa limang araw na lumipas ay madaling nasanay si Simon sa mga gawain dito sa amin. Di naman siya nagrereklamo na naghahanap siya ng laman ng tao o kung ano pa man pero minsan may mga patay na kalapati akong nakikita sa bakuran namin. Mukhang kumakain siya no'n pag hindi na niya kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD