Ikatlong pagtatagpo
SELENA ZARAGOZA
PAUNTI UNTI akong nagising nang makaamoy ako ng masangsang na amoy, minulat ko ang aking mga mata nakita ko ang ilaw ng gasera. Mas lalo ko pang nilibot ang aking paningin at mga kahindik hindik na bagay ang nakita ko. may mga laman loob na nakasabit sa mga dingding at nilalangaw pa ang mga ito. Napangiwi ako sa nakita kong kababalaghan.
May mga tokador rin ng mga kakaibang bote na may mga parang gamot, at meron mga pugot na ulo ng tao at mga parte ng katawan, halos magbaliktad ang sikmura ko sa mga nakita ko sa lugar na iyon. Nakakatakot para akong nasa katayan ng baboy pero ang siste katayan ata ng tao ang lugar na ito, Ginalaw ko ang kamay ko para umalis na pero doon ko lang napansin na nakahiga pala ako at nakatali.
"Tulong! Tulong" sigaw ko para may makarinig sa akin.
Tama, sinugod kami ng mga aswang namatay lahat ng mga kasama ko. Nakita kong kinain ang iba, namuo ang luha ko at nagsimula na akong umiyak.
"Tulong!! May mga tao ba dyan! Tulungan nyo ako pakiusap!" muli kong sigaw. Natatakot ako, tanging yun lang nararamdaman ko. Balewala ang tapang na nararamdaman ko basta ang alam ko lang para akong batang iniwan at takot na takot ako.
"Tulong!" sigaw ko muli. Bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang lalaki, wala siyang pangitaas at nakapantalon siya nasa likod niya ay ang isa pang lalaki "isang mestiza ang kinuha mo" saad ng lalaki sa likod niya.
Nung mga oras na iyon, lubos ang takot na nadadama ko. Aking napagtanto na di ko pa kayang mamatay. Naisip ko na wala pa talaga akong nagagawa sa buhay ko. Wala pa akong nagagawang kabutihan sa kapwa ko kung tutuusin. Nangininig ng sobra ang mga laman ko lalo na ng makita ko ang dalawang lalaki na parang dalawang taon na hindi naligo ang nakatayo sa aking harap lahat na halos ng santo natawag ko nung mga sandali na iyon kasabay din nun ay ang paghina ng pananampalataya ko sa diyos. Pero kailangan kong paulit ulit na magdasal dahil may pag-asa pa na makaligtas ako. Di ko mapigilan ang matawa pag naalala ko kung paano ako umiyak at magmakaawa sa mga nakakatakot na nilalang na kumuha sa akin. Nakakatawang isipin na inisip ko na isa silang halimaw na walang puso.
Tumingin sa akin ang nangungunang lalaki at kinagat ang labi niya kita ko pa ang matatalas niyang ngipin at ang pagpangit ng itsura niya. "Mahalaga pa ba iyon? Ang mahalaga ay may makain tayo mamaya," saad ulit niya.
Kakainin? Panginoong mahabagin at ang Inang birhen ano po bang nangyayari? Nagkulang po ba ako sa pagrorosaryo?
"Wag! Wag! Pakawalan nyo ako! Marami kaming mga perro, gata, Carabao, Vacas, mga Cabras, marami ako nun pakawalan nyo lang ako!" sigaw ko sa kanila habang nagmamakaawa
"Gising na pala ang binibini, tatlong araw ka ding tulog nakakatakam kainin." saad nung nagsabi na makakain daw ako
Tatlong araw na mula ng mangyari iyon? Impossible! Panginoon baka akalain ng aking Papa na patay na ako. Hindi pwede dahil nais ko pang ikasal.
Lumapit siya sa akin at umungol siya ng nakakatakot,naging dahilan iyon para mas magpumiglas ako sa tali binuka niya ang labi niya at nakita ko muli ang matatalas niyang ngipin,.
"Mas gusto ko ng tao," sabi niya at dinilaan niya ang leeg ko.
"Ang sarap ng dugo mo parang 'di na ako makakapagpigil kung tutuusin ikaw na ang pinakamagandang makakain," sabi niya muli sa akin marahil ay may sugat ako sa aking leeg kaya natitikman niya ang dugo.
"Wag," mahina kong bulong sa kaniya tumingin siya sa akin at nakita ko pa ang pagtulo ng laway niya. Kung ganito talaga ang mga aswang, sila na ang pinakanakakatakot na bagay na nakita ko 'Kung sa ganitong itsura ko pa lang takot ka na paano pa kayo sa tunay?" tanong niya sa akin at sumubsob ulit siya sa leeg ko. Napaiyak na lang ako ng nagsimula siyang sipsip ang dugo mula doon.
"Batid kong masarap din ang puso mo, nakatakam ang natatago sa malulusog mong dibdib," bulong niya sa akin.
Aba! Bastos din pala tong aswang na to, kakainin na lang ako pagnanasaan pa ako.
"Pakawalan nyo ako, takot na takot na ako. Pakiusap mga ginoo!" bulong ko sa kaniya pero sa totoo nun ay gusto ko na siyang ingudngud dahil sa mga sinabi niya tungkol sa aking dibdib wala akong balak magahasa kung kakainin na niya ako eh kainin na lang niya wag na siyang gumawa pa ng ibang bagay, ano siya sinuswerte? Pinagpapala ng diyos?
"Mas gusto namin ang natatakot, ang hinagpis, ang takot at galit sa puso mas masarap kainin" sabi niya sa akin.
"Wag," bulong ko sa kaniya
"Mamaya na iyan! Mahigpit na bilin na ingatan ang babaeng 'yan para sa ating pinuno," sabi ng isang lalaki na sumilip mula sa pintuan.
"Simon, mamaya mo na takutin ang taong yan baka mamaya mamatay yan agad bago matikman ng ating pinuno," sabi nung Etong, Simon ang tinawag niya sa lalaking kakain sa akin umalis siya kasama yung Etong na iyon. Panandaliang nawala ang takot ko at nakahinga ako ng maluwag.
***
PINIPILIT kong makawala sa pagkakatali nila sa akin habang humihingi ng tulong gamit ang malalakas na sigaw.
"TULONG! TULONG PAPA! PAPA!" sigaw ko paulit ulit. Maging ang diyos ay pinagdadasalan ko rin nakapagrosaryo na rin ako pero wala pa ding tulong na dumadating para sa akin. Mamaya maya ay may pumasok ulit. Yung Simon na iyon, yung gustong kumain sa akin na mukhang m******s pero medyo guapo. Ay panginoon, ano ba itong sinasabi ko? Pero seryoso, di naman nakakatakot ang itsura niya ngayon para siyang normal na tao na tao na hindi nakaligo ng dalawang taon at maganda ang kaniyang kataw—teka ano bang pinagsasabi ko? Makakain na nga lang ako eh ganito pa ang kinikilos ko?
"Wag mo na akong kainin," bulong ko sa kaniya, akala ko di niya maririnig kasi nasa malayo siya pero nadinig niya pala humarap siya sa akin at ngumiti lang siya ng nakakatakot sa akin.
"Alam mo bang napakasarap ng amoy mo," yun ang sinagot niya sa akin tumalon siya saktong napadpad siya sa harap ko. Ngayon, nakapatong na siya sa akin muli niyang inamoy ang leeg ko "ang sarap mong kainin" sabi niya muli sa akin. Nanginginig ako at nagsisimula na naman akong umiyak.
"Pakawalan mo na ako nakikiusap ako," bulong ko sa kaniya.
"Paano kung ayaw ko?" tanong niya sa akin at inangat niya ang tingin niya sa akin nagkatagpo ang mga mata naming dalawa.
"Pakiusap, h'wag ako. Huwag na lang ako, marami pa akong pangarap sa buhay at isa na doon ang pagkakaroon ng asawa. Diecinueve na ako at matanda na kaya dapat may asa—Ahh! Panginoon ko!" bulong ko muli sa kaniya gumalaw siya at natamaan niya ang paa ko.
"AAAH!" sigaw ko dahil sa sakit na naramdaman ng aking paa, napapitlag pa ako dahil doon mukhang nabalian pa ata ako sa pagkakalaglag ko sa kabayo nung magkaroon ng Encuentro."Bakit?" tanong niya sa akin, nakakita ako ng ibang emosyon sa kaniyang mga mata.
Para siyang nag-a-alala sa akin.
"Masakit ang paa ko, napakasakit," panginig nginig ang boses ko nung sinabi ko iyon sa kaniya, umalis siya sa pagkakapatong niya sa akin at pumunta sa bandang paanan ko. Hinawakan niya ang paa ko dahilan para mapangiwi muli ako.
"Napilayan ata ako noong engcuentro. Sa tingin ko nabalian ako ng buto," bulong ko tumalikod siya sa akin at may kinuha na maliit na bote at saka muling lumapit sa akin "anong gagawin mo?' tanong ko sa kaniya.
Inangat niya ang damit ko dahilan para makita niya ang sakong ko, namula ako dahil doon .
'Selena, kakainin ka na lang nga eh nagagawa mo pang mamula,'bulong ko sa sarili ko.
Tinanggal niya ang tali sa paa ko at binuksan ang maliit na bote, para niyang dinasalan iyon at pinahid sa paa ko. Mainit, yun ang naramdaman ko parang kinakain ng aking balat ang init.
"Anong gagawin mo?" tanong ko ulit sa kaniya pero di siya sumagot sa akin. Sa halip tumingin lang siya sa akin. Di nagtagal natapos na siya na pahiran no'n ang aking paa at nakaramdam ako ng ginhawa.
"May nararamdaman ka pa ba?' tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kaniya, wala na ang sakit na nararamdaman ko kanina.
"Bakit mo ako ginamot? Kakainin mo rin ako diba?" tanong ko sa kaniya ngumiti siya sa akin "mas masarap kainin kung buo" sabi niya sa akin nakita kong tumingin siya sa buwan "malapit ka ng ihanda" sabi niya muli sa akin at saka siya muling lumapit at hinawakan niya ang laso ng damit ko.
"Teka? Anong gagawin mo?' tanong ko sa kaniya.
"Tatanggalin ang damit mo para sa paghahanda kailangan malinis ka na ihahanda para sa salo salo, ang puso mo ay mapupunta sa pinuno at pagsasaluhan namin ang matitira sa'yo," prente n'yang sagot niya sa akin.
"Grabe ka naman, paano mo nasabi ang mga bagay na 'yon sa kalmadong paraan ha? Normal ba 'yon sa inyo?" tanong ko sa kaniya.
"Aswang ako kaya siguro normal lang sa amin ang kumain ng mga tao na masasarap," nakangisi n'yang tugon sa akin. Pumalag ako sa kaniya, pero di naman ako makawala.
Iniisip ko pa lang kung paano nila ako kakainin ay parang nasasaktan na ako. Para akong pritong Manok na hahatiin nila kung sakali.
"Ano ba?! Wag mo akong hubaran! Isa kang bastos! Masama ka!" Sigaw ko sa kaniya.
"Wag ka ngang maingay! Ang sakit mo sa tainga" suway niya sa akin at saka niya nilagay ang daliri niya sa tainga ko.
"Eh kasi kakainin mo na ako! Di ba pwedeng magingay ako bilang paghahanda sa pagkawala ko sa mundong to ha? Kakainin mo na nga lang ako di ka pa nagbibigay ng pagkakataon!" sigaw ko sa kaniya at saka ako umiyak ulit. Kakainin na ako yun ang totoo, 'di niya ako pinansin at pinagpatuloy ang pagtanggal sa damit ko, matagal kaming tahimik doon minsan humihinto siya para umiling tapos titingin sa akin. Minsan nagdududa nga ako kung aswang talaga siya eh? Pero nung naalala ko ang ginawa niya at ng mga kauri niya sa kawal na kasama ko, bumabalik yung takot ko. Kung tutuusin nga ngayon na normal ang itsura niya ay di siya nakakatakot tingnan
"Hoy!" tawag ko sa kaniya.
"Anong kailangan mo?' tanong niya muli sa akin.
"Di mo ba ako gagahasain?" tanong ko sa kaniya tumingin siya sa akin ng masama. Di naman ako assumera kaso lang sa ganda ko namang to kung ako ang aswang tapos lalaki pa ako eh kukunin ko na ang pagkakataon diba? Di ko naman gusto na maganon pero nagtataka lang ako
"Pagkain ang tingin ko sa tao at hindi ko pa naisip na gumawa ng ganyang bagay sa isang tao," yun ang sinagot niya sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon, "Mabuti naman, akala ko kasi mamatay akong naluto na at 'di pa birhen mahir--" natigil ako sa naisip ko at saka ako napabuntong hininga, maamatay na nga lang ako ay puro walang kwentang bagay pa ang mga naiisip ko.
"Di ka ba natatakot sa akin? Napakakumportable mong nakikipag-usap sa akin e," tanong niya muli sa akin.
"Natatakot? Oo naman! pero kahit anong makaawa ko naman kakainin mo pa rin ako diba?' tanong ko muli sa kaniya.
"Gusto mo ba umiyak ulit ako tapos magmakaawa na wag mo akong kainin?" tanong ko sa kaniya kumuha pa siya ng parang mantika at pinahid sa katawan ko.
"Ayoko nga para ka kasing baboy kung umiyak e," tugon n'ya sa akin. Nang matapos na siya ay tinanggal niya ang tali ko sa kamay.
"Aalis na tayo, kailangan na kita dalhin sa lugar ng pagriritwalan," sabi niya sa akin. Bumaba ako ng higaan nakita ko ang isang bote at tinago ko sa likod ko, kailangan kong makatakas dahil sa kailangan kong mabuhay. Napabuntong hininga na lang ako at saka naman niya ako hinila paalis.
***
NAGLAKAD kaming dalawang sa gubat mabilis ngunit maingat. Puno ng kaba ang puso ko, pakiramdam ko ay nalalapit na ang oras ko.
"Bilisan mo, nagugutom na ako" saad niya sa akin sumunod lang ako sa kaniya. Di nagtagal nakakita kami ng liwanag at mga ingay ng parang nagriritwal tumigil ako sa paglalakad pero siyang diretso diretso pa rin kami hanggang sa humihina na ang tugtog ng mga nagriritwal. Nang mapagtanto kong hindi siya nakatingin sa akin kukunin ko na ang pagkakataon na ito para tumakas mula sa kaniya.
"AAAHH!!" sigaw ko at saka ko siya hinampas ng bote na dala ko.
"Aray!" sigaw niya nadinig ko na tumigil ang mga nagriritwal kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo at makatakas.
Ayokong makain ng aswang, sigurado ako.
"Tulong! Tulong!!" Sigaw ko tumatakbo sa masukal na gubat kahit na sobrang lamig dahil sa aking mga panloob na lang ang suot ko.
"Tulong!! Tulungan n'yo ako!" Sigaw ko muli. Di ko alam kung malayo na ako, pero wala akong makitang ilaw para makahingi ako ng tulong.
"TULO—AAAHH!!" may nagtakip ng aking labi nagpupumiglas ako para makasigaw muli, nagpupumiglas ako para di makain ng aswang. Pero masiyadong malakas ang nagtakip sa aking labi na para bang wala siyang balak na pagsalitain ako.
"Huwag kang maingay, mahahabol ka nila," bulong sa akin ng isang pamilyar na boses. Yung aswang na kakain sa akin, Panginoong mahabagin, diba pinalo ko na siya sa ulo? Diba siya nahimatay kahit isang segundo lang? Paano nangyari ito?
"Bitawan mo ako!" bulong ko sa kaniya.
"Wag ka ngang maingay, kung gusto mong makatakas wag kang maingay," bulong niya muli sa akin.
"Bakit ako maniniwala sayo? Diba kakainin mo ako?" tanong ko sa kaniya. "Nanaisin mong makatakas o mag-iingay ka? Nilihis ka na nga kanina nagingay ka pa," pabulong niyang singhal sa akin. Teka? Papatakasin ba niya ako? Nanatali siyang nakadikit sa akin.
"Di ka nila maamoy kasi natatakpan ko ang amoy mo," bulong niya sa akin. Nakarinig kami ng mga tumatakbo na sobrang bilis maging mga umaalulong.
"Nakatakas ang alay!" sigaw ng parang boses ng babae napatingin ako sa kaniya na nagbabago na ang mukha niya parang nagiging aswang na ito. "Kumapit ka sa akin," saad niya at saka siya biglaang tumalon napasigaw ako dahil doon.
"Nandoon sila! Tinatakas ni Simon ang tao!" sigaw ng isang aswang na tinuturo pa ang direksyon ng pagtakbo ni Simon.
"AAAHH! TULONG! PAPA! PAPA!!" sigaw ko, halos mawalan na ako ng boses dahil sa lakas ng sigaw.
"Tumahimik ka! Mahahabol tayo kung magiingay ka!" sigaw sa akin ni Simon at nagpatuloy siya sa pagtalon ng matataas at mahahabang talon.
"AAHH! TULONG!" sigaw ko ulit sa kaniya.
'Isang sigaw pa o kakainin ko yang dila mo!" singhal niya sa akin natahimik naman ako doon at mas kumapit sa kaniya kahit amoy digmaan siya.
"Simon! Traydor ka!" sigaw muli ng humahabol sa aming dalawa. Binaba ako ni Simon, nasa likod niya ako ngayon nakaakap ako sa kaniya.
"Rarrr!!" tunog halimaw na ungol ni Simon.
"Traydor ka!" sigaw ng isang aswang sa kaniya.
"Di ako traydor! Ang pagkain na to ay para sa akin lang!" sigaw niya sa aswang nakita ko na naging aswang na siya ng tuluyan.
"Wag kang aalis sa likod ko, kumapit ka lang mas ligtas ka kung malapit ka sa akin," bulong niya sa akin kahit na umaalingasaw na siya ay kumapit pa rin ako sa kaniya.
"Pumunta ka sa punong iyan, magtago ka dyan! Kakalabanin ko lang to!" sabi niya sa akin agad akong tumakbo sa punong iyon at pumasok sa loob no'n, Sobrang laking puno kasi nito. Sumilip ako at nakita ko na may kalaban siyang mahigit sampung aswang.
Malakas siya pero yung mga aswang ay sabay sabay siyang inaatake, tahimik lang ako na pinapanood siya. Isang tanong ang umiikot sa aking diwa, Nililigtas ba ako ng isang aswang? Pero baka gusto lang niya na siya lang ang makakain sa akin? Oo, baka ganon? Pero nililigtas niya ako, Hindi Hindi!! Pero kanina handa na siyang dalhin ako doon sa ibang aswang, pero diba? Dumiretso kami hanggang sa halos mawala ang tunog? Muling bumalik ang diwa ko ng makarinig ako ng parang iyak ng aso, nakita ko si Simon na bagsak na at nilapitan ng isang aswang.
"Ang tagal nating hinintay ang pagkakataon na ito, nang ating pinuno at gaganitohin mo lang! Mamatay din ang babaeng ito kahit na anong gawin mo!"
"HINDI!" sigaw ni Simon at inatake niya ang aswang at sinuntok ito sa tyan. Sa sobrang lakas ay nabutas ang tiyan nito at lumabas ang mga lamang loob nito.
"Kadiri naman," giit ko.
"Umalis na tayo, ibabalita namin sa pinuno ito Simon!" sigaw ng isang aswang at umalis na sila. Nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko na maayos na ang lahat na tila ba wala ng panganib.
"Lumabas ka na diyan," sabi niya sa akin ginawa ko naman iyon at lumabas na ako lumapit kay Simon na nakatayo lang sa harap ko, kitang kita ko ang anyo niyang Aswang para bang halimaw na uhaw
"Nasaktan ka ba?" tanong ko sa kaniya unti- unti na siyang nagmukhang tao at maayos na ulit ang itsura niya, nakita ko ang mga pasa niya na mabilis din na naghilom. "Di naman masyado," sagot niya sa akin.
'Halika na, tatakas ka na. Itatakas na kita," sagot niya sa akin at nanguna siya sa paglalakad tumingin ako sa kaniya.
"Bakit mo ako pinatakas?" tanong ko sa kaniya.
"Diba dapat kakainin mo ako?" dagdag kong tanong sa kaniya. Nahinto siya sa paglalakad niya at saka ako tiningnan.
'Gusto mo bang kainin kita?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kaniya, "Hindi naman pala, edi tumakas ka na lang, Binibini. At huwag ka ng magagawi rito dahil kapag naamoy ka nila, kukunin ka nila muli," sagot niya sa akin sumunod ako sa kaniya habang naglalakad.
"Ako nga pala si Selena Zaragosa, isang bastarda. Simon ang pangalan mo diba? Yun ang tinawag sayo ng mga kasama mo kanina,' tanong ko sa kaniya.
Di siya sumagot sa akin, nanatili siyang tahimik na tila ba may iniisip siya. "Paano yan pagbalik mo? Di ka ba papatayin ng mga kasama mo?" tanong ko ulit sa kaniya pero nanatili lang siya ng naglalakad para naman akong aso na nakasunod sa kaniya, medyo mabilis siyang maglakad kaya naman ako ay takbo ng takbo para naman masundan siya.
"Bakit pailalim ka tumingin? Bakit iba yung direksyon ng anino mo? Hoy! Sagutin mo naman ako! Kanina ka pa 'di sumasagot ha?" sunod sunod kong tanong sa kaniya pero di talaga siya sumasagot.
"Salamat pala sa paglitas mo sa akin, Gracias!" sabi ko na naman sa kaniya pero di siya sumagot muli.
"Ito naman di ka ba talaga magsasalita ha?" naiinis ko muli na tanong sa kaniya.
"Gusto mo tumira sa akin?" muli kong tanong sa kaniya. Nahinto siya dahil doon at saka tumingin sa akin, ano ba ang sinasabi ko? Bakit ko inaya na tumira kasama ko ang isang aswang?
"Sa iyo?" tanong niya sa kin.
Di ko din maintindihan ang mga sarili ko kung bakit niyaya ko ang isang aswang na tumira kasama ko. Kasama sa tahanan ko. Di ko alam kung sinabi ko ba iyon dahil sa gusto ko na kausapin niya ako habang naglalakad o dahil sa naramdaman ko na kaya niya akong ipagtanggol. Basta ang alam ko nung mga oras na iyon para akong bata na natatakot sa inalok ko sa kaniya. Sige, kung ikaw na isang normal diba 'di mo yayayain ang isang aswang na tumira sa pamamahay mo? Pero iyon ang aking ginawa, isang desisyon na magdadala sa aking ng isang magandang simula.
"Oo, kasi diba niligtas mo ako, pwede kong sabihin sa ama ko na niligtas mo ako laban sa mga masasama at gawin kang tagapagligtas ko." Pagdadahilan ko sa kaniya, pero di lang to dahilan ito ang sinasabi ng loob ko na sabihin ko sa kaniya. "Kalokohan, aswang ako, Binibini baka nakakalimutan mo," sabi niya sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Pero saan ka uuwi? Ayoko naman na mamatay ka dahil sa akin. Niligtas mo na nga ako imbes na kainin tapos mamatay ka pa," pagdadahilan ko muli sa kaniya. Tumingin naman na siya sa akin.
"Di ka na natatakot sa akin? Paano kung kainin kita ngayon?" tanong niya sa akin.
"Takot? Niligtas mo nga ako kaya sigurado akong 'di mo ako kakainin," Kasi diba di mo naman kakainin ang pinaghirapan mong protektahan?
"Yun ang dahilan kung bakit di na ako takot sayo" sabi ko sa kaniya nagkatagpo muli ang mata naming dalawa umubo siya ng mahina at umiwas sa tingin ko.
"Magpapahinga muna tayo, bukas ng umaga makikita mo na ang bayan humingi ka ng tulong doon." sabi niya sa akin.
Sumunod ako sa kaniya at pumasok kami sa puno ng balete, "Magpahinga ka ditto," sabi niya sa akin at nagayos ng ilang mahahabang dahon upang mahigaan ko. Umupo naman ako doon at napagisip saglit.
Hinahanap kaya ako nila Papa?
Napatingin ako kay Simon at nakita ko na tulog na siya. Wala man lang siyang suot na pangitaas binaba ko ang tingin ko at nakita ko ang magandang hubog ng katawan niya.
Selena, napakapilya mo talaga.
Napalunok ako dahil doon. "Di ako nagmumukhang babae sa kinikilos ko ngayon. Para akong pervertida dito," mahina kong bulong at tumingin ulit sa katawan niya, sa tingin di naman masama ang ginawa ko, siya nga kanina ay hinubaran ako at nakita na niya ang sakong ko, hinawakan pa niya ito! Di karespe – respeto kung tutuusin. Gantihan lang! Di mali ang kinilos ko pagkat nakahubad siya at talagang makikita ko iyon. Mahirap iwasan na 'di makita.
Diyos kong mahabagin matutulog na nga lang ako at magrorosaryo pagbalik ko para mabawasan ang aking kasalanan matapos mo akong iligtas sa kapahamakan.
Pinikit ko na lang ang aking mata at saka natulog, nang magising ako ay umaga na. Sa tingin ko alas sais na ng umaga tumingin ako sa paligid at wala na si Simon. Nasaan siya? Di ko kabisado ang gubat baka makuha muli ako ng mga aswang tapos makain na talaga.
"Simon! Simon!" tawag ko sa kaniya tumayo ako at saka lumabas, huni ng mga ibon ang nadidinig ko "Simon!" tawag ko ulit sa kaniya. "Nandito ako binibini" saad niya lumingon ako at nakita ko siyang hawak na ilang piraso ng mangga at sa isang kamay niya ay ang mga damit ko
"Kumuha ako ng makakaain mo at saka kinuha ko rin ang damit mo kahapon," dagdag niya sa akin at nilapag iyon sa may puno.
"Bumalik ka sa kuta ng mga aswang?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya sa akin, "Wala namang mga aswang doon kaya nakabalik ako ng madalian," giit niya.
"Paano kung napahamak ka sa ginawa mo ha?" tanong ko, inosente siyang tumingin sa akin. "Pero salamat pa rin sa ginawa mo, ngunit sa susunod h'wag mo ng gagawin iyon. Baka mapahamak ka,"sabi ko sa kaniya.
Kinuha ko ang damit ko at pumasok ako sa puno para masuot iyon. Nang matapos na ako magdamit kumain naman ako ng mangga nakatingin lang siya sa akin habang kinakain iyon "Di ka ba kumakain nito?" tanong ko sa kaniya.
"Tao lang ang kumakain n'yan," sagot niya sa akin, napalunok ako dahil doon hinati ko ang mangga at saka ako lumapit sa kaniya 'Tikman mo, mas masarap to sa tao tapos masustansiya pa. Mas gugustuhin mo ito kesa sa dugo," sabi ko sa kaniya at binigay ko ang mangga sa kaniya inabot naman niya ang mangga at inamoy ito.
'Masarap to" sabi ko ulit sa kaniya.
"Ganito mo kainin oh" sabi ko sa kaniya tapos pinakita ko kung paano ko siya kainin. Ginawa naman niya iyon at saka siya napangiti. "Masarap nga, Binibini" saad niya sa akin napangiti ako sa kaniya.
"Mas marami ka pang matitikman na masarap pag tumira ka kasama ko" sabi ko sa kaniya at saka siya napatingin sa akin.
"Talaga bang gusto mo akong kupkupin? Isa akong aswang at hindi ako makakapagkatiwalaan. Maari kong kainin ang mga tao na nasa paligid mo? Maging ikaw pwede kong saktan 'di porket niligtas kita ay pagkakatiwalaan mo na ako." sabi niya sa akin.
"Para sa akin, sapat ng dahilan ang iligtas mo ako para 'di mo ako saktan o kung ano man na malapit sa akin," sabi ko sa kaniya.