Dalawang magkaibang uri ng nilalang...
Isang babae na ehemplo ng kagandahan, nang katalinuhan, nang pagiging desente ngunit sa kabila ng kaniyang tinatamasang magandang buhay ay ang katotohanan na isa siyang bastarda, anak ng isang espanol na mataas ang opisiyal sa isang indio/Alipin, Isang babae na pinalad dahil tinanggap ng mga matataas na uri, ngunit 'di naman ramdam na kasama siya sa pangkat na kabilang siya.
Isang lalaki, isang halimaw, isang aswang. Kinakatakutan ng lahat ang uri niya, isang likha ng demonyo na kumakain ng lamang loob at dugo. Isang halimaw na magbabago dahil sa pagibig, Isang aswang na nanaisin maging tao.
Paano kung magtagpo ang landas nila?
Paano kung ang takot na dapat manaig at ang kasamaan na dapat gagawin ay pangibabawan ng isang pagibig, paano kung sobrang bawal na pag-ibig ay maging malakas at di mag-iba? Paano ba ito matatanggap ng mga taong sarado sa katotohanan ng isang kababalaghan? Nang mga taong naniniwala na ang masama ay mananatiling masama?
Kilalanin si Selena Zaragoza at ang binatang aswang na si Simon, tunghayan natin kung paano nila mamahalin ang isa't isa. Kung paano nila malalagpasan ang mapanghusga na pagmamahal na meron sila.
Kung paano magbabago ang isang likha ng demonyo, kung paano niya makikita na ang pagibig ay kaya siyang dalhin sa bagong buhay. Kung paano na ang isang babae na tulad ni Selena ay tatanggapin ng buong puso ang tunay na katauhan ni Simon.