Ikalimang Tagpo
SELENA ZARAGOZA
"SEÑORITA, nagpadala po ang ina ni Heneral Juanito ng mga pampabango sa pagligo galing sa China at Korea," sabi naman ni Rita at nilapag niya ang maliit na baul pagbukas nito ay puno siya ng mga pagbango pati mga pangipit ng buhok. Napakaganda ng mga ito at halatang ginastusan n'ya.
"Ang gaganda naman ng mga ito, Rita. Pinadala ba niya talaga ito? Sobrang dami naman! Bakit di na lang niya sinabay para sa magaganap na salo salo bukas?" tanong ko kay Rita.
"Marahil po ay nagpapalakas siya sa inyo. Sa tingin ko ay gusto rin kayo ni Señorito Juanito, Señorita," sabi niya sa akin at saka siyang mahinang humagikgik kumuha naman ako ng isa sa mga bote at inamoy iyon, amoy Sampaguita at napakabango nito. Kaso lang baka magmukha akong santo kung gagamitin ko ito ngunit siguro ay pwede na itong pangligo.
"Gagamitin ko ito mamaya sa aking pagligo," saad ko kay Rita. Tumingin ako kay Simon na nakatingin sa baul ng mga pabango na tila ba namimili siya.
"Simon may problema ba?" tanong ko sa kaniya.
"Rosas, Sampaguita, Santan, at iba't ibang klaseng mga bulaklak ang daming amoy at nakakalito na. Masakit na sa ilong!" sabi niya sa akin, natawa ako sa kaniya. Nabigla na lang ako ng kumuha siya ng isang bote at saka inabot sa akin ito. "Mas bagay sa'yo ang amoy na iyan pero mas maganda ang sarili mong amoy," saad niya sa akin di ko maiwasan ang mamula sa mga sinabi niya sa akin.
"Mas masarap ang amoy ng dugo mo, at ng pawis mo tila ba isa itong pabango na nagpapahulog sa akin sa magagandang bagay," giit n'ya muli sa akin. Sobrang hina ng boses ngunit dinig na dinig ko ang mga sinabi n'ya.
"Ikaw talaga, Simon. Kaunti na lang ay maniniwala na sa mga sinasabi mo."
"Ngunit, totoo naman 'yon," giit niya sa akin, 'di ko mapigilan ang mamula. Umubo ako dahil sa nararamdaman kong pagkahiya sa kaniyang sinabi.
"Gusto mo akong samahan mamasiyal sa jardines?" tanong ko sa kaniya.
"Kung mamarapatin mo, Señorita," sagot niya sa akin tumayo ako at saka nanguna sa paglabas, sumunod naman siya sa akin. Tahimik kaming lumabas ng balkonahe at bumungad sa amin ang malaki kong hardin. Napagdesisyonan kong bumaba at ng pababa na ako ng hagdan binuhat niya ako,
Napatili ako, at napatingin sa kaniya. Ngunit pagtingin ko sa kaniya ay may iba akong naramdaman. Diyos ko, ano ba 'tong puso ko?
"Bakit? Bakit mo ako binuhat?" tanong ko sa kaniya na may halong pagtataka. Nauutal pa ako habang sinasabi iyon, bigla akong kinabahan na parang isang bata. Nadinig ko ang malakas na t***k ng kaniyang puso.
"Kinupkop mo ako at ginagawang tao kaya napagisip ko na dapat pagsilbihan din kita," sabi niya sa akin kumapit ako sa kaniya pababa sa hagdan.
"Tagapagtanggol lang ang kailangan ko at di tagapagsilbi," sabi ko sa kaniya.
"Pinoprotektahan kita laban sa mapalinlang na hagdanan. Yan na lamang ang isipin mo," sagot niya at saka niya inayos ang pagbuhat niya sa akin, hindi ko mapigilan ang mapahagikgik dahil sa mga kinikilos niya. 'Kung gayon habang buhay mo ba akong ipagtatanggol sa mapanlinlang na hagdanan?" tanong ko sa kaniya.
Tumango s'ya bilang sagot sa akin.
"Alam mo napaka kumportable pala ng bisig mo, Simon," giit ko sa kaniya. Mas lumakas ang t***k ng puso niya dahilan para mapalunok ako.
"Talagang bagay sila no, Nene?" tanong ni Nena sa kapatid niya. Dinig na dinig ko iyon dahil sigawan ang kanilang tanungan na tila pinaparinig talaga nila sa akin.
"Oo ate, bagay sila!" sagot naman ng batang si Nene. Di ko mapigilan ang mamula ng sobrang- sobra, nagtago ako sa bisig ni Simon dala ng aking hiya.
Bakit parang may paro paro sa aking tyan sa tuwing madidinig ko na bagay kami ni Simon. Nagpatuloy sa paglalakad si Simon hanggang sa marating namin ang jardin, agad akong nagpababa sa kaniya.
"Kamusta naman ang limang araw mo?" tanong ko sa kaniya habang naglilibot kami sa jardin.
"Maayos naman, pero--"
"Pero ano?" tanong ko sa kaniya pabalik.
"Pero nagugutom na ako," sabi niya sa akin napatingin ako sa kaniya at nakita kong namula ang kaniyang mga mata.
"Gusto ko na ng dugo, Señorita," sabi niya sa akin. "Pero hindi naman pwede kasi kailangan ko ng magpakatao dahil nandito na ako sa iyong puder," giit n'ya sa akin.
"Simon," tawag ko sa kaniya agad akong tumalikod at tinuon ang attensyon ko sa rosas.
"Tingnan mo tong rosas, kay laki na niya. Napaganda na rin nito," sabi ko sa kaniya at tinangkang bunutin ito. Kinakabahan ako, paano kung bigla akong kainin ni Simon dahil sa itsura niya ngayon.
"Aray!" sigaw ko ng masugatan ako ng tinik ng rosas.
"Señorita, ano pong nangyari?" tanong niya sa akin ng may pag-aalala humarap ako sa kaniya at nakita ko na nawala na ang pagpula ng kaniyang mga mata.
"Natinik ako," sabi ko sa kaniya kinuha niya ang daliri ko at bumalik ulit ang pagkapula ng kaniyang mga mata. Nagulat ako ng dilaan niya ang dugo mula sa aking daliri na tila ba sinisipsip niya ang dugo na dulot ng tinik ng rosas. Napapikit ako habang ginagawa n'ya 'yon, mahapdi ngunit may natatagong sarap ang ginagawa niya.
Ano ba itong nararamdaman ko?
"Aalis na po muna ako saglit, Señorita." Sabi n'ya sa akin at bigla siyang tumigil sa ginagawa niya. Hindi na dumudugo ang daliri ko ngunit pakiramdam ko ay nanghina ako. Na tila inubos niya ang lakas ko.
"Teka saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Kailangan kong pigilan ang aking sarili,Señorita." sagot niya sa akin at nagmamadali siyang tumakbo paalis sa Jardin napatingin na lang ako sa aking daliri na nagsimula na namang magdugo.
***
"SEÑORITA, patay po ang limang manok natin maging tatlong baka na nasa hacienda," sumbong sa akin ni Rita ng makabangon ako kinabukasan. Ito ang balitang bumungad sa akin, si Simon marahil ay nagutom na naman siya ngunit pati ba ang mga baka ay pinatos na rin niya?
"Paano nangyari iyon? Wala namang mga sakit ang mga manok natin diba? " nagpanggap akong walang alam. "Sa totoo po n'yan 'di sila nagkasakit. Mukhang kinain po sila ng mga asong gala," Sigurado ako na si Simon ang gumawa nito. Malamang ay nagutom siya at 'di na talaga n'ya kinaya ang gutom niya.
"Bumili ka na lang ng sariwang karne sa palengke, palitan mo ang dalawang putahe ng gulay gumawa ng salad yung katulad ng ginagawa sa Greece, yung ginawa ko dati." Utos ko sa kaniya at saka ako muling umakyat sa bahay.
"Masusunod po Señorita!" sabi n'ya sa akin. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ni Simon pagpasok ko doon nakita ko ang kumot na may bahid ng dugo at si Simon na tila ba isang bata kung matulog.
"Simon," tawag ko sa kaniya umupo ako sa gilid ng higaan niya at mahina siyang tinapik para gumising.
"Simon, gumising ka na," saad ko sa kaniya. Hinawi ko ang buhok niya at bumungad sa akin ang maganda n'yang mukha. Ang matangos niyang ilong at ang mala-rosas n'yang labi, hinawakan ko ang labi niya. Tila ba nahuhulog ako doon. Hindi ko na namalayan ang sunod kong ginawa, para s'yang imán (magnet) tinutulak niya ako palapit sa kaniya.
"Señorita, ano pong ginagawa n'yo?" inosente niyang tanong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil halos isang pulgada na lang ang layo ng aking labi mula sa kaniyang labi.
"Wala naman! Dumito lang ako para gising ka," bigla akong tumayo at inayos ko ang aking damit.
Panginoong, mahabagin, ¿Qué estoy haciendo? (What am I doing?) "At saka gusto ko lang malaman kung ikaw ba ang pumatay ng mga manok at baka natin?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin, "Tanging mga manok lang po ang pinatay ko, Señorita," giit n'ya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya, "Sigurado ka ba? Dahil maging ang mga vacas natin ay patay na rin. Gagamitin sana ito sa salo- salo mamaya," giit ko sa kaniya. Tumango siya sa akin bilang sagot. Sino naman kaya ang gagawa no'n? Masyadong inosente si Simon para magsinungaling sa akin, alam niyang alam kong aswang siya kaya wala na siyang magiging dahilan para gawin 'yon.
"Gusto niyo po bang alamin ko kung sino ang may gawa no'n?" tanong n'ya sa akin. Umiling ako sa kaniya, ayokong mag-isip masyado dahil sa magkikita kami ni Juanito ngayon. Ayokong tubuan ng kulubot sa aking mukha o ng puting buhok.
"Ang gawin mo na lang ay mag-ayos at samahan si Rita sa palengke. Kailangan nating mamili ng mga karne na lulutuin mamaya," utos ko sa kaniya.
"Señorita, patawad. Di ko na kinaya ang gutom ko! Di ko sinasadyang makain ang mga manok. Kung galit po kayo ay matatanggap ko kung papalayasin n'yo ako. Alam ko naman na maling desisyon ang pagkupkop niyo sa akin," sabi niya sa akin.
"Di naman ako galit o kung ano pa man, mas magandang makita na ang manok ang kinain mo kesa tao. Simon, tanggap kong aswang ka at alam kong 'di mo kami ipapahamak," sabi ko sa kaniya, hinawakan ko ang kaniyang pisngi bigyan siya ng lakas ng loob.
"Ayokong saktan ang mga malalapit sa'yo, Señorita. Mukhang di talaga magandang ideya na kinupkop mo ako baka magising ka na lang na patay na ang mga kasama mo at kagagawan ko iyon," sabi niya sa akin.
"Wag mong isipin ang ganoong bagay Simon, magiging tao ka sa kilos mo at sa pag-uugali mo. Gagawin kitang isang buong tao! Kaya wag kang mag-aalala magbabasa ako ng mga detalye ukol sa mga uri mo at ng malaman ko ang gagawin ko. Gagawa ako ng paraan para maging tao ka," sabi ko sa kaniya at ginulo ko ang kaniyang buhok.
"Maglinis ka na ng katawan mo, pagsapit ng alas onse dadating na ang pamilya ng mapapangasawa ko," Muli kong banggit sa kaniya at ang mukha niya na dating may ngiti ay biglang lumungkot.
Noong mga panahon na iyon, buo ang pag asa sa puso ko na magiging tao si Simon. Naniniwala ako na may paraan para manatili siya sa tabi ko, siguro nga bata pa ako ng mga oras na iyon at ang akala ko lahat ay possible. Akala ko madali lang ang nais kong mangyari dahil sa gusto ko talaga pero hindi pala.
Mali pala ang aking akala, dahil ang totoo niyan di ko alam ang gusto kong mangyari kay Simon. Natatakot ako na baka pag ginawa ko siyang tao mawala siya sa akin at kung hinayaan ko naman siya na maging halimaw ay mawala din siya sa akin.
Oo, Natatakot ako sa tunay na katauhan ni Simon, pero ang katauhan niyang iyon ang naglitas sa akin. Ang katauhan niyang iyon ang pinagkatiwalaan ko, yun ang nakilala ko at 'yon din ang katauhan niyang... minahal ko.
Litong litong ako sa dapat kong gawin, katulad ng puso ko na nagsisimula na ring malito sa tunay na intensyon nito. Nagsimula na rin itong maguluhan sa dapat na maramdaman nito sa mga tao sa paligid ko. Sa nararamdaman nito kay Juanito na mapapangasawa ko at kay Simon na isang aswang.