Ikalawang Tagpo

2890 Words
Ikalawang Tagpo MATAPOS ang pangyayari sa pagtitipon ay naging kakaiba ang mga sumunod na araw para sa akin. Paano? Hindi ko rin alam, sa 'di ko maipaliwanag na dahilan ay lagi kong napapaganipan ang lalaking iyon. Napapaginipan ko ang matatalim niyang mata na nakatitig sa akin kaso nga lang hindi nakakatakot ang kaniyang mga titig. May kung ano sa kaniyang mga mata at di ko maintindihan o mawari kung ano iyon. "Señorita, turuan mo ako na isulat ang aking pangalan!" sabi ng anak ni Rita sa akin. Siya ay si Nena, isang siyang pitong taong gulang na bata. Morena, medyo payat, bilugan ang kaniyang mga mata at may maikling buhok na hanggang leeg niya. Mapaglaro din siya at matalino. Tinuon ko ang attensyon ko sa kaniya at kinuha ang isang lapis at papel at saka ako ngumiti sa kaniya. "Ganito, sundan mo lang 'tong sinulat ko tapos gayahin mo," nagsulat naman ako sa papel para sundan niya ang mga sinusulat ko. "Nena, wag mo ngang pagurin ang Señorita. Hayaan mo muna siyang magpahinga," sabi ni Rita sa anak niya at naglapag ito ng mga makakain sa harap naming. "Rita, 'di naman ako ginugulo ng bata. Maganda nga na nagagamit ko ang napag-aralan ko sa mga bata." Sabi ko sa kaniya napabuntong hininga naman sa akin si Rita. "Sa totoo nga niyan, gusto na ng mga bata na mag-aral Señorita, ngunit wala naman akong kakayahan para mapadala sila sa magandang eskwelahan. Lalo na si Manuel, magkokolehiyo na siya pero di ko man lang mapadala sa Unibersidad ng Ateneo De Manila para naman mabigyan ng magandang edukasyon, nasasayangan ako sa talino ng mga anak ko. Baka mamaya e mawalan na siya ng pag-asa at mag-asawa na lamang." saad niya sa akin. "Si Manuel na nga ang nag-iisa kong lalaking anak tapos hindi ko pa siya mapag-aral. Mananatili na lamang kami na indio dahil doon." Muli niyang buntong hininga sa akin. "Wag kang mag-alala Rita, tutulungan kita." sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti. "Ano pong ibig sabihin ninyo Señorita?" tanong niya sa akin. "Pag-aaralin ko ang anak mo sa susunod na taon," sabi ko sa kaniya. "Pero Señorita, seryoso po ba kayo sa mga sinasabi niyo?" Tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Saan ko naman dadalhin ang mga perang binibigay ng ama ko sa akin. Mas maganda ng gamitin ko ito sa magandang paraan," giit ko sa kaniya. "Sobra na po ito," nagagalak niyang sagot sa akin. "Maraming taon ka na nagsisilbi sa akin, para na kitang ina, Rita. Wala lang itong tulong ko sayo." Wika ko kay Rita at saka ako tumingin kay Nena na nakangiti na ngayon sa akin. Maraming taon na nagsilbi na si Rita sa akin, di na iba ang turing ko sa kaniya para na siyang pamilya para sa akin at ang mga anak niya ay parang mga kapatid ko na ikinatutuwa kong alagaan. "Talaga po Senorita, pag-aaralin nyo po kami?" tanong niya sa akin dahan dahan akong tumango sa kaniya. "Kaya galingan mo ang pagsusulat," saad ko sa kaniya. "Maraming salamat talaga, Señorita, Maraming Salamat po talaga!" saad sa akin ni Rita. "Walang anuman Rita." sabi ko sa kaniya. *** "NANDITO ang ama mo Senorita" saad ni Rita sa akin ng pumasok siya sa kwarto ko "Bakit daw nandito ang aking Pappa?" tanong ko sa kaniya. "May sasabihin daw po siyang importante para sa inyo" saad niya sa akin, inayos ko ang damit ko at saka ako tumingin sa salamin. "Sige, pakisabi sa kaniya na pababa na ako." sabi ko sa kaniya tumango siya sa akin at ako naman ay naghanda na pababa. "Buenos Dias, Pappa!" sabi ko kay Pappa, nakita ko siya na nakatalikod at agad na humarap sa akin. "Buenos Dias, Prinsesa! Mi Hermosa Hija!" saad niya sa akin ngumiti ako kay Papa at saka ako yumakap sa kaniya. "Ano po ba ang dahilan at andito kayo?" tanong ko sa kaniya. "Anak, may pag-u-usapan tayo tungkol sa kinabukasan mo pero bago 'yon. Kumusta ka rito habang wala ako?" tanong n'ya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, mabait naman si Pappa kahit mestizo siya ay maganda siya makitungo sa mga indio 'yon siguro ang dahilan kung bakit nahulog ang aking ina sa kaniya. Isa siyang Gobernador kaya bihira lang niya ako kung mabisita. Mas madalas kasi siya sa España dahil kailangan niyang kausapin ang hari doon pero ako na anak niya sa labas ay nandito sa Pilipinas. Dati naman ay nasa España rin ako kaya rin ako nakapag-aral tapos nang magtagal ay dinala nila ako sa Estados Unidos para matuto ng ingles pero alam kong tinago lang nila ako saglit dahil iba ang tingin sa akin ng mga amigos at amigas ni Mamma. Alam kong iniwasan lang nila na mahugsgahan ako. Matapos ng dalawang taon ay saka naman ako dinala sa Pilipinas upang tuluyang itago ngunit maging sa lugar na 'to ay 'di pa rin ako tanggap. "Papa, mabuti naman po ako dito, lagi akong inaalagaan ni Rita at masaya ako kasama ang mga anak niya dito ah! Saka salamat po pala sa mga libro na pinapadala ninyo Papa! Kay gaganda basahin!" sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti. "Alam ko kasi na hilig mo ang mga ganoong kwento anak, sa susunod na pamamasiyal ng Tito mo ay ipapabili kita ng aklat ng mga tula tungkol sa mga interes mo at ng di ka mabagot dito sa tahanan mo" sabi naman ni Papa sa akin. "Gracias Pappa! Muy Estoy Guapo de Papa! (Thank you Pappa, My handsome father!)" sabi ko sa kaniya at saka mahinang tumawa. "Binobola mo na akong bata ka." Sabi niya sa akin, pumunta kami sa hapag kainan at saka kami kumain doon. Madaming hinanda si Rita na pagkain, alam ko na ang sadya ng aking ama kaya siya dumalaw, ito ay tungkol sa akin pagpapakasal di naman ako umaayaw sa ideya na ito total, para sa akin tama lang na magpakasal ako kaso nga lang wala pa akong lalaking iniibig at iyon ang aking problema ganon din ang pinoproblema ng ama ko dahil sa medyo tumatanda na raw ako. "Ano po ba ang paguusapan natin?" tanong ko kay Pappa habang naglalagay ako ng kanin sa aking plato "Anak, 19 anyos ka na atkailangan mo ng mag-asawa." Sabi niya sa akin. Napatingin na lang ako kay Pappa na may gulat sa aking mukha. "Ang kapatid mong si Matilda at Dulce ay kinasal noong quince anyos na sila, Samantalang ikaw ay dieci-nueve na, kailangan mo ng mag-asawa," giit n'ya sa akin. "Alam ko po Pappa, pero wala pa akong nagusustuhan na binata para mapakasalan. At ayoko rin naman ang ilang nanliligaw sa akin." saad ko sa kaniya. "Alam ko Selena, kaya pumili na ang Mamma mo ng mapapakasalan mo" sabi niya sa akin. "Ang Mamma? Pumili? Pappa alam mo naman na 'di ako gusto ni Mamma? Paano kung 'di guapo at kapuri puri yung binatang mapili niya?" tanong ko sa kaniya tumawa ng mahina ang aking Papa medyo nahiya din ako sa tanong ko, pero kung ako man ay ikakasal sa lalaking di ko kilala ay sana naman ay guapo siya o di kaya matipuno at desente diba? "Dios Mio Selena! Iba ang inakala kong reaksyon mo!" natatawang sambit ni Pappa, napaubo pa siya dahil doon at napahawak sa tiyan niya sa kakatawa. Napakabait at masayahin ng aking ama sa harap ko. "Papa, alam ko naman po at nababahala na din ako dahil sa di pa ako nagpapakasal." Sabi ko sa kaniya. "Gusto ko nn pong maranasan ang ikasal," giit ko pa muli sa kaniya. Syempre, nais kong ikasal sa taong gusto. "Quiero casarme con el hombre que amo. (I want to marry the man that I love,) dagdag ko pa. Mahinang tumawa muli ang Papa sa akin. "Tungkol sa mapapangasawa mo, sigurado akong magugustuhan mo siya, aking anak. No será difícil para ti amarlo. (It won't be difficult for you to love him.)" Nagtataka akong tumingin kay Papa dahil tila ba sigurado na ito na gusto ko ang ulam na ihahain n'ya. "Siya ang anak ng Encomendiero na kaibigan ko, Isa na siyang Heneral ngayon," sabi niya sa akin. Isang heneral? Ngunit ang mga heneral ay kadalasang matatanda na. "Heneral?" tanong ko sa ama ko. Baka naman matanda na ito dahil isa siyang Heneral? "Oo anak, Si Juanito Delgado ang tinutukoy ko. Ang pinakabatang heneral sa ating bayan," saad niya sa akin. "Si Juanito, yung nakilala ko sa kasal ni Leonora? Yung batang Heneral?" tanong ko muli sa kaniya. Hindi ako makapaniwala dahil kung sakaling ikakasal talaga ako ay gusto ko ring ikasal kay Juanito. "Oo Selena, siya nga ang magiting na ginoo na iyon, kamusta naman siya sa paningin mo?' tanong niya sa akin. Hindi ako mapakapaniwala sa sinabi ni Papa sa akin, kasi kung tutuusin magandang lalaki si Juanito, may klase siya at matalino din, magalang at matapang at may respeto sa mga babae. "Maayos naman siya ama, kung siya ang nais n'yong mapakasalan ko ay ayos din naman, magaling pala pumili ang mamma kahit papaano." Sabi ko sa ama ko at saka ako ngumiti. "Mabuti naman at di ka umayaw, hija. Iniimbitahan ka pala ng kaniyang pamilya sa isang hapunan sa dadating na biyernes, kasama naman ako doon kaya wala ka dapat ipag-alala." sabi sa akin ng ama ko. "Sige po Pappa, pupunta po ako," saad ko sa kaniya. Naging masaya ang araw ko kasama si Pappa, nakahinga ng maluwag dahil di niya nalaman ang pag-atake sa akin ng nasabing aswang. Dumating ang araw ng Viernes, naging abala si Rita sa pagaayos ng masusuot ko, at ako naman sa pagpili nito. Nagpadala ang Mama ng madaming damit galing sa España na may tela pa na nagmula sa China, puro silka ang mga ito. Pinili kong isuot ang kulay luntian na damit at nagsuot ng mga alahas para magmukha akong maganda. Akala ko ng mga oras na iyon, Ang Viernes na ito ay magiging simpleng araw lang. Isang araw para makilala ko ang magiging biyenan ko at ang mapapangasawa ko ng mas maigi pero wala akong ideya na dito na talaga magsisimula ang aking buhay, dito na ako mamumulat sa realidad na inakala kong kathang isip lamang. "Handa ka na ba Señorita ha?" tanong sa akin ni Rita. "Oo, handing- handa na ako. Magdidilim na rin pala?" sabi ko sa kaniya ng mapatingin ako sa bintana. "Mas maigi na po na bumiyahe na kayo para may mga ilaw pa pagdating niyo sa bayan," saad niya sa akin. "Marahil ay tama ka baka mamaya ay sa alanganing oras kami dumating.Mauuna na ako Rita, mag-u-uwi na lang ako ng mga makakakain para sa mga bata sigurado akong marami silang ihahanda na matamis doon." Sabi ko sa kaniya at sinuot ko na ang kapa ko para sa lamig. "Wag n'yo na 'ho kaming isipin, Señorita nawa'y maging masaya ang pupuntahan niyong hapunan kasama ang iyon mapapangasawa," sabi ni Rita sa akin. Sana nga maging masaya, pero sigurado naman ako na magiging maayos iyon dahil sa maraming bagay kaming pinagkakasunduan ni Juanito. Nagbyahe na kami papunta sa bahay ng mga Delgado. Nauna na ang Papa doon dahil sa mayron siyang pulong na pinuntahan. Mahabaang byahe at habang nagtatagal ay nararamdaman ko na ang malamig na simoy ng gabi. Mabilis na pinatakbo ni Mario ang kalesa upang makarating agad kami. Nagtaka na lang ako ng gumawa ng kakaibang ingay ang mga kabayo niya. "Ho!" sabi ni Mario at tumigil ang kabayo sa paglalakbay. "Bakit Mario?" tanong ko sa kaniya. Nasa gitna kami ng daanan at walang kahit na anong ilaw.Ang mga nakikita ko lamang ay mga hayop na nagtatagbuhan palayo. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa aming paghinto. "Señorita, sira po ata ang gulong natin kaya nahihirapan ang mga kabayo sa paghila ng kalesa," sabi sa akin ni Mario. "Maaayos pa ba iyan Mario?" sabi ko sa kaniya. "Opo,Señorita maayos pa po ito, magpapatulong na lang po sa mga kawal na nasa likod natin." saad niya sa akin. "Sige pakibilisan kung maari, Mario. Mag-aalala si Papa kung mahuhuli tayo sa ating pupuntahan. At saka medyo nakakatakot ang aura ng lugar na ito." Sabi ko sa kaniya binuksan ko ang pintuan ng karwahe at bumaba ako para makita din ang sira sa karwahe pero mga tumatakbong itim na Perro at Gata ang mga nakita doon. "Ang dami palang mga Perro(Dog) dito at Gata (Cat)," sabi ko kay Mario "Naku! Hindi maganda ito, bilisan natin ang pag-aayos ng karwahe. Kailangan na nating makaalis agad." Nagmamadaling saad ni Mario, "Sige, bibilisan na namin ang pagkilos kung ganyan nga kadelikado ang sinasabi mong mangyayari." Sagot ng mga kawal sa kaniya at tinuruan siya na ayusin ang karwahe. "Bakit di maganda ang nangyayari, ano bang mayro'n? Eh mukhang nag-a-away lang naman ang mga Perro at Gata," sabi ko kay Mario. "Ang mga aso at pusa ay tumitingin sa atin Señorita. Hindi sila normal na Aso at pusa. Kailangan na nating umalis agad!" sagot naman niya sa akin. "Tigilan mo nga ang paniniwala sa mga ganiyan Indio!" sita naman sa kaniya ng isa pang kawal na tila ba iritado sa mga pinagsasabi ni Mario. "Wag mong tatawaging Indio ang si Mario. Hindi ko lang siya basta utusan, pamilya ko na siya." Suway ko sa kawal na 'yon. Napayuko naman siya at agad na humingi ng tawad sa akin.Hindi ko na lang siya pinansin at tinuo ang attensyon ko sa paligid. Mas lalong lumala ang kaba na aking nararamadaman. Minadali ni Mario ang gingawa niya, kitang- kita ko ang kaba sa kaniyang mga kilos. Tumitingin-tingin pa ako sa mga patag na nasa tabi lang ng kalye nang biglang nagsigawan ang mga kabayo, napalingon ako at nakita kong nagwawala ang mga kabayo na kasama namin. "Anong nangyayari?!" tanong ko at lalapitan sana ang mga kabayo pero sumigaw ang isang sa mga kawal. Sigaw na nagsisimbolo ng kaniyang takot. "Halimaw!" malakas niyang sigaw at nakita ko ang isang galit galit na aso ang nakatingin sa amin. "Puntahan ang senorita at ipasok sa loob ng karwahe para di siya masaktan!" sabi ng isa sa mga kawal "Teka anong nangya—Aaaah!" napasigaw ako ng may mga makita akong tao na may nakakatakot na anyo at agad na kinagat ang mga kawal na kasama naming. "Humayo na tayo, Señorita!" sabi ng isang kawal sa akin at agad niya akong pinasakay sa isang kabayo. Sa bilang ko ay nasa sampu sila at kami ay nasa lima lang kasama pa ang tatlong kawal. "Huwag! H-huwag!" sigaw ni Mario pero kinagat lang siya ng isa sa mga ito. Kitang- kita ko ang pagbulwak ng dugo sa leeg ni Mario. Napasigaw ako na nakakuha ng attensyon ng aswang na 'yon. Sa akin n'ya tinuon ang attensyon ay akmang susugod ng may aswang na lumapit sa kaniya at inangasan siya. "Akin!" sigaw ng aswang na 'yon at saka siya tumingin sa akin. Ang titig na 'yon, napakapamilyar ng kaniyang titig. "Señorita! Umalis na tayo! Kailangan mong maging ligtas!" Giit ng isa sa mga kawal na kasama namin. Hinila niya ako palayo sa dalawang aswang na nasa harap ko. "Si Mario! Tulungan mo muna si Mario! Hindii natin pwedeng iwan si Mario!" sigaw ko. "Papatayin tayo ng aswang na iyan, Señorita!" sigaw niya sa akin at pinaandar niya ang kabayo agad itong tumakbo maging ang kabayo takot ang nadadama. Nadidinig ko pa ang mga sigawan ng mga kawal na humihingi ng tulong. "Wag natin silang iwan! Mario! Mario!" sigaw ko nakita ko pa na tumingin sa akin ang kawawang kutsero ko. "Señorita, tumakas ka na!" malakas niyang sigaw kahit hinang hina siya, napaiyak na lang ako ng matanaw ko ang pagbalik ng isang aswang sa kaniya para kainin ang kaniyang lamang loob. "Yah!" sigaw ng kawal na kasama at mas binilisan ang patakbo, halos wala na akong maisip kundi ang nakakatakot na pagkamatay ng mga kasama ko. Ano bang nangyayari? Bakit may mga halimaw? Yun ba ang tinatawag nilang aswang? Nabigla kami sa paghinto ng kabayo. Tila ba nanginig ang kabayo sa takot at nagsimula itong umatras."Ano ba? tumakbo ka na! " sigaw ng kawal na kasama ko sa akin.Siningkitan ko ang aking mata upang luminaw ito at nakita ko ang isa sa mga lalaki na may nakakatakot na anyo. Para siyang lobo na galit, isang lobong handing pumatay para sa kaniyang sarili. Mas lalong lumaki ang takot na nararamdaman ko ng umalulong siya. "Aswang... mga aswang..." natatakot na sambit ng kawal na kasama ko. Biglang tumalon ang kabayo dahilan para malaglag kaming dalawa sa kabayo. "Aah!" sigaw ko muli at nakadama ako ng sakit sa aking paa. Diyos ko! Paano ako tatakas nito? Ito na ba ang aking katapusan? Panginoon, iligtas moa ko, pakiusap... Nais ko pang mabuhay. "Aaahhh! Wag mo akong patayin!" pero bigla lang n'yang na inatake ang kawal imbes na kainin ako.Nanginginig na ako sa sobrang takot na nararamdaman ko. Panginoon, iligtas mo ako. Yun ang paulit ulit kong bulong. Hindi ko pa nalulubos ang aking buhay at kung sakali ay ayaw kong mamatay. Nakita kong lumapit siya sa akin. Halo halo ang amoy ng dugo at putik na naamoy ko sa kaniya, nilagay niya ang mukha niya sa leeg ko at inamoy ako. "Wag mo akong patayin." Pakiusap ko sa kaniya ngunit imbes na angasan niya ako ay tumitig pa siya sa aking mga mata. Nakaramdam na lang ako ng kirot sa aking likod at unti-unti na akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD