Unang Tagpo
Selena Zaragosa
"SEÑORITA, nandito na po si Mario para sunduin kayo." Pagpapaalala ni Rita sa akin. Si Rita ay ang aking tagapagsilbi, nasa mahigit trenta singko anyos na s'ya, 'di ito gano'n katanda ngunit halata na sa itsura n'ya ang edad. Sumulyap ako sa kaniya sa salamin at saka sinuot ko ang kwintas na binigay sa akin ng aking ina para kahit papaano naman ay di ko ramdam na mag-isa ako. Matagal ng pumanaw ang aking ina, namatay siya ng pinanganak niya ako. Tulad din ni Rita ay isa siyang tagapagsilbi ng Gobernadorcillo noon.
"Señorita, napakaganda n'yo na po sa inyong damit at itsura. Huwag na po kayong mag-alala pa sa itsura ninyo," sambit niya niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at saka hinawakan ang aking pisngi. Bahagya kasi 'tong namula dahil sa papuri niya sa akin. "Hindi na ba akong mukhang bastarda?" Tanong ko sa kaniya.
"Wag n'yo na 'hong isipin na isa kayong bastarda. Seorita, isa 'ho kayong kagalang galang na dilag, ang mga bagay na katulad ng pagiging bastarda ay isang bagay na 'di dapat pinagtutuunan ng pansin." sabi niya sa akin.
"Maraming salamat Rita, pakisabi sa mga anak mo na 'di ako makikipaglaro sa kanila ngayon dahil may lakad ako, ngunit ako naman ay maglalaan ng maraming oras sa mga susunod na araw upang makasama sila." Sabi ko sa kaniya ngumiti naman ito sa akin.
"Maraming salamat po Señorita, kay buti nyo po talaga!" buong galak niyang saad sa akin. Tumayo na ako ng tuluyan at kinuha ang abanico ko, sumulyap ako sa malaking salamin at saka ako bumuntong hininga.
Sana kayanin ko ang mga bisita doon.
"Aalis na ako, Rita." Paalam ko sa kaniya. Dali dali naman niya akong inalalayan pababa hanggang sa makasakay ako sa akin karwahe.
"Ikaw na ang bahala sa aking tahanan habang wala ako," habilin ko sa kaniya. Yumuko naman siya sa akin bilang tanda ng paggalang, habang naglalakbay kami ay nagbabasa ako ng libro na tungkol sa mga imbestigador at detectives. Galing pa ito sa America at pinadala sa akin ni Papa upang may mapapaglibangan ako habang nagbabasa ako ay napatingin ako sa bintana at nakita ko ang mga bunton ng tao sa kanang parte ng kalsada ganon din ang mga pulang patak na parang dugo.
"Mario, anong nangyari doon?" tanong ko sa kaniya
"Ah, Señorita, may namatay po diyan kagabi."
"Patay? Patay na tao ba ang tinutukoy mo?"
"Opo, Señorita! Kalunos- lunos ang nangyari sa kaniya, kaawa- awa. Nawa'y sumalangit na ang kaluluwa n'ya," anito at saka ito umiling- iling.
"Paano siya pinatay?" tanong ko sa kaniya.
"Nung mga nakaraang araw po kasi sunod sunod po na may mga patay na nakikita, bukas po ang kanilang tiyan at labas ang mga laman loob" pagkwento niya sa akin.
Sunod sunod na p*****n, para ba ito sa mga libro na nababasa ko, tapos yung pumapatay ay magiiwan ng tanda kung sino siya at ang mga imbestigador naman ay iisiping maigi kung paano nila makukuha ang paraan ng pagpatay!
Parang ibang klase pagpatay ang naganap dito sobrang dumal at m****o.
"Diyos ko, ano na bang nangyayari? May balita ba kung sino ang gumagawa ng mga karumal-dumal na aktibidades na ito?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya sa tono na para akong nagulihimanan. Baka naman kasi pwede akong maging imbestigador at kung mahuli ko ang pumatay paparangalan ako ng hari ng España, naamoy ko na ata ang tagumpay ko.
"Aswang daw 'ho ang may gawa n'yan. May aswang daw na pakalat kalat sa San Ruiz sabi nga po ng mga matatanda ay bumaba na ang mga aswang dahil wala ng mga estranghero ang naliligaw sa gubat at dito na sila sa bayan umaatake. Ayaw naman itong paniwalaan ng mga kawal at mga prayle dahil kasabihan lang daw ito ng mga Indio." Sanaysay sa akin ni Mario.
"Sabagay 'di ko rin naman masisisi ang mga prayle, wala naman kasing patunay kung meron ba talagang aswang," sabi ko sa kaniya.
"Ikaw Mario, naniniwala ka ba sa aswang?" tanong ko sa kaniya lumingon sa akin si Mario.
"Ako po? Medyo naniniwala po ako, Señorita," sagot niya sa akin. 'Medyo? Ano yun parte ay naniniwala ka at parte ay hindi? Ako kasi parang gusto kong imbestigahan kung may aswang ba talaga." Sabi ko sa kaniya at mahina akong humagikgik.
"Napakapilya niyo po talaga, Señorita, di bagay sa isang dilag na kagaya ninyo ang ganiyang mga gawain," suway niya sa akin.
"Mario naman! Nakainip kapag masyado kang perpekto. Kailangan may kunting saya at ibang putahe sa buhay mo para masabing buhay talaga ang mayro'n ka!"
Natawa s'ya sa akin at saka umiling- iling. "Pero ano nga? Bakit medyo naniniwala ka lang sa aswang?" tanong ko sa kaniya napakamot siya ng buhok niya sa mga tanong ko.
"Ang Señorita naman, ganito kasi iyon, makinig kayong maigi sa akin. Ang aswang pwede siyang manahan sa loob ng tao. Minsan kung sino pa ang tao siya pa ang aswang, ang aswang kasi gahaman sa lakas sa kapangyarihan parang tao na nalunod at gutom sa kapangyarihan kaya naniniwala ako na ang aswang ay pwedeng maging totoo sa loob ng tao. At ang tao, pwede siyang maging totoo sa loob ng aswang," paliwanag niya sa akin pumalakpak ako ng madinig ko ang sabi ni Mario.
"Napakagaling mo Mario, dapat ay isa kang iskolar!" sambit ko sa kaniya.
"Hay naku! Señorita, nagawa mo pa akong bolahin pero sana ay mahuli na ang pumapatay dahil 'di magandang biro ang kumuha ng buhay." Sabi niya at saka siya napatingin sa bangkay ng tao na kinukuha na ng mga gwardya Sibil at kawal.
"Sana nga ay mahuli na kaagad ang pumapatay." Pag sang-ayon ko sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako at muling tumingin kay Mario.
"Sige na, ituloy mo na ang pagmamaneho maganda kung di tayo mahuhuli sa pagtitipon." Saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti. Mga alas - syete ng gabi na ng makarating kami sa pagtitipon, mahigit tatlong oras din ang byahe papunta dito, mukhang matanda na ang kabayo ko at bumabagal na rin ito tumakbo.
Bumaba ako ng karwahe at pumasok sa loob ng bulwagan, nakita ko agad ang mga meztizo na andoon na nagkakaroon ng magagandang konbersasyon at talakayan.
"Buenos Noches, Señorita Selena, Como estas? (Good evening, my lady Selena! How are you?" tanong sa akin ng isang meztiso, tumingin ako sa kaniya at nakita ko isa siyang batang heneral. Kaedad ko din siya kung tutuusin, maganda siyang lalaki at para siyang meztiso.
Ngumiti ako sa kaniya bago sumagot. "Estoy bien, Gracias, Como se llama? (I'm fine thank you! What's your name?) Ngayon lang ata kita nakita?" tanong ko sa kaniya ngumiti siya ng mahina sa akin.
"Ako nga pala si Juanito Delgado, isang heneral, nabanggit kasi sa akin ni Gobernador Zaragosa na pupunta ka sa pagtitipon at nais sana kitang samahan para di ka mainip," sabi niya sa akin.
"Gracias, Heneral Delgado ngunit paano mo ako nakilala kung nabanggit ka lang ng aking ama?" sabi ko sa kaniya kasabay nito ay ang pagkunot ng noo ko natawa naman siya sa tanong ko sa kaniya.
"Sinabi sa akin ng iyong ama na may pambihira kang ganda, kaya nalaman ko agad na ikaw ang hinahanap ko," sagot niya sa akin.
Mas lalo ko tuloy nataas ang abanico ko sa aking mukha at tinago ito, di ko maiwasan ang mamula. "Dito ang daan papunta sa pinaka kasiyahan." Sabi niya sa akin at sinamahan niya ako sa loob at nakita ko ang ilang pang mga tao doon. Hawak hawak ang maliit na kahon ng regalo hinanap ng paningin ko si Leonora at nakita ko siya na kausap ang ilan sa mga kababata namin.
"Sandali lang Juanito, pupuntahan ko lang si Leonora." Pasubali ko sa kaniya ngumiti siya sa akin.
"Sige hihintayin na lang kita dito, kukuha na rin ako ng magiging inumin mo at magpapahanda ng pagkain," sabi niya sa akin.
Lumapit ako kay Leonora at hinanda ang isang ngiti para sa kaniya. "Leonora!" tawag ko sa kaniya napatingin siya sa akin.
"Narito na pala ang bastarda ni Gobernador Zaragosa. Saan ka kaya nakakuha ng kapal upang dumalo rito?" Tila.ba wala siyang ibang tono ng sabihin n'ya ang mga katagang 'yon sa aking harap. Napapikit na lamang ako at saka pinilit na ngiti. Kinumbinsi ko ang sarili ko na sanay na 'ko sa mga ganoong uri ng kumento.
"Masaya ako at kinasal ka na Leonora,' iyon ang naging sagot ko sa kaniya at saka ako ngumiti iniwasan ko na lang na pansinin ang kaniyang mga sinabi.
"Maraming salamat dito, maari ka ng umalis 'di ko inimbita ang mga bastarda dito," sabi niya sa akin.
"Ano ba ang pinagsasabi sa anak ni Gobernador Zaragosa, Leonora?" Napalingon ako at nakita ko si Felipe, ang kaniyang asawa na isa ring meztiso
"Magandang Gabi Señor Felipe, maligayang pagbati sa iyong kasal!" bati ko sa kaniya.
"Buenos Noches Selena, at salamat sa 'yong pagbati." Giit n'ya at saglit na tumingin kay Leonora. Bahagya pa siyang napailing sa harap ng kaniyang bagong asawa bago muli nagsalita. "Ipagpatawad mo ang kagaspangan ng ugali ni Leonora. Marahil ay pagod na rin siya dahil din sa kanina pa ang pagdidiwang na ito," paghingi niya ng despensya sa akin. Tumingin ako kay Leonora na nakataas na ang kilay.
"Anong hinihingi mo ng patawad sa bastarda na iyan?" tanong ni Leonora sa kaniya sabay ng pagtaas ng kilay nito.
"Leonora, ayusin mo ang pag-uugali mo. Anak siya ng Gobernador at kailangan siyang irespeto, "saad niya sa kaniyang asawa, ganito naman lagi nakukuha kong respeto ng iba dahil sa aking estado bilang bastarda ng Gobernadorcillo. "Walang anuman, naiintindihan ko naman ang lagay ko dito. Di ko mababago agad ang tingin ng mga mestiso sa akin," saad ko sa kaniya
"Sige na, pupuntahan ko na si Heneral Delgado doon. Maligayang pagbati muli Felipe at Leonora," sabi ko sa kanila at saka ako naglakad pabalik kay Juanito. Nakita ko na may mga kausap na siyang mga Heneral din.
"Carramba! (Damn it!) Grabe ang mga nangyayari na p*****n sa may bayan ng Tarlac, Pangasinan at San Rafael, at kanina naman ay umabot na sa ating maliit na bayan ang mga p*****n!" sabi ng isang Heneral kay Juanito. Agad naman ito nakakuha ng attensyon ko, p*****n ang pinag-uusapan nila aba, eh interesante ito
"Ginagawan namin ng paraan para malaman kung sino ang mamatay tao na gumagawa nito sa mga mestizo at mga Indio." Sagot naman ni Juanito tuluyan na akong nakalapit sa kanila.
"Pero maraming mga sabi sabi na aswang daw ang gumagawa ng mga ito," sabat ko sa kanila di ko na rin kasi mapigilan ang sumabat. Ang sarap makinig sa kanila pero mas masarap ang sumali sa usapan nila.
"Oh, Señorita Selena andito ka pala sa pagtitipon, kinagagalak kitang makita" sabi ni Heneral Diaz at hinalikan niya ang aking kamay.
'Kinagagalak din kitang makita," sagot ko sa kaniya. Bumati din ang ilang mga Heneral at Tenente sa akin, at saka ilang mga opisiyal ng gobyerno.
"Pero teka mabalik tayo sa pinag-u-usapan natin kanina, nabanggit ni Senorita Selena na aswang daw ang gumagawa nito, pinapaniwalaan nyo ba?" tanong ito ng isang teñente sa kanila.
"Hindi, mahigpit na bilin ng mga Prayle sa atin na isa lamang panakot sa mga indio ang aswang. Sa madaling salita ay hindi sila totoo," sagot naman ni Juanito.
"Pero sa pagkakapatay nito sa mga biktima parang di gawa ng tao, nung papunta kasi dito nadaanan namin ni Mario ang isa sa mga namatay. Parang di tao ang gumawa nito," sabi ko sa kaniya.
"Walang aswang, isa lamang itong kathang isip ng mga matatandang Espanyol para matakot ang mga mangmang na indio noon. Señorita Selena, wala kang dapat ikatakot dahil wala namang ganoon sa mundong ito," saad niya sa akin. Napakunot ang noo ko, hindi naman mangmang ang mga indio. Nagiging mangmang lamang sila dahil pinagmumukha silang mangmang ng mga meztiso. Nang mga kagaya nila Pappa at Mamma, ng mga... kauri ko.
"Pero paano ninyo maipapaliwanag ang mga lamang loob na nawawala? Saka anong gagawin n'yo sa pueblo para maiwasan ang mga ganitong kadumal-dumal na pangyayari?" tanong ko sa kanila.
"Talagang interesado ka sa ganitong mga bagay, Señorita." Saad sa akin ni Juanito.
"Lumaki ako na panay mga ganitong bagay ang mga pinag-uusapan ng mga tao sa paligid ko at madalas rin akong makabasa ng mga bagay ukol rito. Maganda ang magbasa ng mga Nobela sa ingles 'yung galing sa Estados Unidos. Mga tungkol ito sa mga p*****n at kung paano malulutas ito. Subukan niyo din magbasa ng mga ganoon minsan at matutuwa kayo, pang-alis inip din ang mga ganoong uri ng babasahin. Nakakamangha ang mga ganitong bagay at pinapagana talaga nila ang isip ko. Kung pwede nga lang ay gusto kong maging myembro ng komite na nangangalaga sa mga kaso ng mga p*****n pero di pwede." sabi ko sa kaniya.
"Nagmana siya sa gobernador na mahilig sa mga ganitong misteryo." Saad naman ni Heneral Diaz sa akin. Tumawa ako sa kanila nagpatuloy ang aming pag-u-usap tungkol sa mga naganap sa bayan.
Sa totoo niyan nalibang ako, di ako katulad ng ibang mga Binibini na nagsasayaw at naguusap usap tungkol sa mga damit at kung ano ano pa, dahil ako andito kasama ang mga barako at naguusap tungkol sa mga bagay na di naman dapat pinapakinggan ng mga babaeng katulad ko.
"Heneral! Heneral!"
Napalingon kami at nakita namin ang isang Indio na papalapit sa amin "May nakita pong bangkay tatlong kilometro mula dito! Warak po ang tiyan nito at labas ang kaniyang bituka, wala na po ang puso niya." Kitang- kita ko ang tensyon sa pagkwento ng Indio sa amin. Na tila ba tunay na karumal- dumal ang kaniyang nakita.
"Ganon ba? Sige pupunta na ako doon para masuri ang mga pangyayari," sabi niya sa amin.
"Ako'y inyong hintayin sapagkat nais kong sumama!" sabi ko kay Juanito.
"Dito ka lang Señorita," saad naman ni Heneral Diaz sa akin.
"Pero gusto ko ring makita ang mga nakita ninyo!" sabi ko muli sa kanila "mas maigi kung didito ka dahil di maganda para sa isang tulad mo na makita ito," sabi naman niya sa akin.
"Pero gusto ko makita, gusto kong makita kung may ebisensiya ba yung pumapatay! Sige Juanito, Heneral Diaz isama nyo na po ako," pakiusap ko sa kanila.
"Hindi talaga maari ang nais ninyo, Señorita. Ipagpatawad po ninyo," sabi na lang ni Juanito sa akin at umalis na sila ng nagmamadali para puntahan ang pinangyarihan ng krimen. Naiwan akong mag-isa sa pagtitipon na ito, ang mga bisita ay pinag-usapan na ang nangyari pero panay sigawan naman sila na natatakot sila at masiyado daw iyong kadumal-dumal. Maraming natakot lumabas at umuwi, ang ilan naman ay nagpadala ng mga sundo na kawal upang masigurado na ligtas ang kanilang biyahe pauwi.
Habang nag-uusap sila ay lumabas ako saglit para magpahangin, habang nasa labas ako napansin ko na merong amoy masangsang ako na naamoy, tinakpan ko ang aking ilong at sumilip sa paligid tapos may nadinig ako ingay sa mga halaman.
"Sino yan?" tanong ko ngunit walang sumagot mas lumakas ang kaluskos na nadinig ko tumakbo ako para malapitan ang halaman.
"Ah!" sigaw ko ng may tumalon na tao mula sa halaman. Ang baho niya, ang sangsang ng amoy niya tapos may amoy sa dugo din siya, kung tutuusin kahit na madilim kitang kita ko ang talim ng tingin niya habang nakatuon sa akin. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa, parang nakatingin lang kasi siya sa akin at ito, nakapatong sa akin.
"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko sa kaniya nakita ko na napasulyap siya at mas nilapit ang mukha niya sa akin. "May nanakit ba sa'yong mga sundalo? Halika, tutulungan kita at dadalhin sa gamutan." Nanatili s'yang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa kaniyang mga titig sa akin, hindi ako nakapagsalita dahil natagpuan ko ang sarili kong nalulunod sa kaniyang mga titig.
"Señorita!" biglang nagtatakbo ang lalaki ng sobrang bilis at nawala ito.
"Anong nangyari dito Señorita?" tanong sa akin ng isang kawal.
"May lalaki na nagtatago sa halaman at s'ya ay amoy dugo." Sumbong sa kaniya at saka ako tumayo para maayos ang sarili ko.
'May nakapasok bang pulubi dito?" tanong ko sa kawal.
"Lahat po ng mga pulubi ay panandaliang dinala sa opsina ng Gwardya Sibil papakawalan na lang sila ulit bukas para di makaabala sa kasiyahan," sabi niya sa akin.
'Gano'n ba ngunit sino ang lalaking narito kanina? Kaawa- awa siya at tila ba sugatan." Tanong ko sa kaniya, dinala ako ng kawal pabalik sa loob at nakita ko ang ilang bakas ng dugo sa aking damit. Dugo at putik ito, pumapasok pa ang sangsang sa aking ilong.
"Marahil 'yon ang lalaking pumapatay sa ating bayan. Ipapaalam ko ito kay Heneral Delgado. Saka mas maigi din kung uuwi ka na Señorita Zaragosa para sa iyong sariling kapakanan," saad niya sa akin.
Di naman ako natakot sa lalaking 'yon, kasi wala naman siyang ginawa sa akin na masama. Pero yung mga titig niya sa akin. Hindi ko malimutan iyon dahil pakiramdam ko ay tumusok 'yon sa aking pagkatao.
Minaigi ko ng umuwi para makapagpahinga na rin ako. Alalang alala pa sa akin si Rita at lininis niya ng maigi ang aking katawan nung naligo na ako. Akala niya nasaktan ako o kaya may ginawang masama sa akin pero sinigurado ko naman sa kaniya na ligtas ako. Dito sa tahanan ko, tanging siya at ilang mga alipin lang din ang mga kasama ko.
Minsan binibisita ako ni Pappa at ni Mamma pero mas gusto ko na ganito yung hindi na lang nila ako pinapansin dahil mas payapa ang buhay ko. Hindi naman ako tinuturing ni Pappa na iba sa mundo ngunit ang aking estado bilang anak ng isang indio ay pinapakita ang pagiging kakaiba ko.