Aking minamahal na talaarawan,
Ito ang aking unang entrada, dito nagsimula ang lahat, ang aking kwento, ang aming istorya, ang katotohanan. Ako si Selena Zaragosa, isang simpleng dilag, diece- nueve años at anak sa labas ng Gobernadorcillo ng San Ruiz.
Normal lang aking pamumuhay dito sa aming bayan at kahit na isa akong isang bastarda ay 'di naman iyon naging hadlang para maging masaya ako sa aking tahanan kasama ang mga tagapagsilbi ko. Pero inaamin ko na napapagod din ako sa buhay na meron ako, kumpleto nga ito ngunit parang kulang. Naghahanap ako isang bagay na magdudulot ng pagbabago sa akin buhay, at sa 'di inaasahang pagkakataon nakamit ko ang pagbabagong iyon sa isang hindi natural na paraan.
Ako ay dadalo noon sa isang pagtitipon. Kasal ito ng aking kababata na si Leonora De Graciaz ngunit kahit kababata ko ang binibini na iyon ay 'di kami malapit. Madalas kasi niya akong inaaway dahil bastarda ako ng isang Gobernadorcillo pero kahit na wala sa puso ko ang dumalo sa kaniyang kasiyahan ay pinapunta naman ako ng aking ama kaya naman hindi din ako makatanggi.
Naalala ko pa kung paano ako tumingin sa salamin ng mga oras na iyon, kung paano ko iniisip ang makatakas sa pagtitipon na iyon dahil sa alam kong 'di naman matutuwa sa mga makikita at maririnig ko. At naalala ko rin ang mga panahon na unang beses kaming magkita, kung paano n'ya ako ginamot at pinalaya sa mundong puno ng pasakit at pagpapanggap.
At ngayon iki-kwento ko ang aming kakaibang istorya. Ito ang aking una't huling pag-ibig, ang bumuo sa aking pagkatao, at nagbigay ng kahulugan sa aking buhay. Ito ang kwento na nagpabago sa aking buong mundo. Marahil marami ang 'di maniniwala, marahil ay sasabihin n'yong nahihibang na ako sapagkat nagmahal ako ng isang nilalang na hindi mawari ng iba kung totoo ba o kathang isip lamang.
Ngunit lahat ay nahihibang pagdating sa pag-ibig hindi ba? Lalo na kung ang pag-iibigan na ito ay laban sa mundong ginagalawang ginagalawan mo. Ang mga nilalaman ng talaarawan na ito ay tungkol sa akin, at sa isang aswang nagngangalang si Simon. Aswang na minahal ko ng lubos at kahit na kailan ay 'di ko malilimutan.
Aswang, ang salitang yan ay tumutugon sa isang uri ng nilalang na halos demonyo. Buong buhay ko akala ko isa lang silang kwentong bayan, isang alamat na kinukwento ng mga ina sa kanilang anak upang 'di na ito lumabas ng gabi. Hindi ako naniniwala sa mga aswang, pero naniniwala ako na ang isang tao ay pwedeng maging halimaw na gaya ng aswang. Pwede silang maging matakaw sa kapangyarihan at maging aswang pero magbabago ang paniniwala kong ito.
Magbabago ito ng umibig ako sa isang aswang, sa isang halimaw na naging anghel at tagapagligtas ko.
Ang mga aswang, halimaw ba silang tunay?
O' sila'y tao rin ba na napagkaitan ng pagintindi sa ating mundo na sarado sa mga supernatural na bagay, o sa mga pamahiin at paniniwala?
Dito magsisimula ang aking istorya, Ang isang uri ng pag-ibig na magbibigay sa akin ng linaw kung ano nga ba ang isang aswang.
Dito magsisimula ang aking kwento, at sana handa ka ng tanggapin ang mga isusulat ko.
Sapagkat ikaw ang magdadala muli sa aming mga landas. Ang maglalapit sa aming mga tadhana, ikaw ang tutupad sa pangakong aking mga binitawan. Ikaw ang magpapaalala sa aming pag-iibigan, ikaw ang magiging tanda ng pagmamahalan na walang hanggan. Ang magiging dahilan upang muli kaming magkita sa mundo kung saan kami ay magiging malaya at tuluyan ng magiging masaya.Sa mundong tanggap ang aming pagmamahalan.
Nagmamahal, Selena.