Ika-siyam na Tagpo
SELENA ZARAGOZA
"AKING minamahal ng lubos, aking señorita na mahal na mahal ko. Gumising ka na," nakadinig ako ng bulong sa aking mga tainga, halos buong araw akong tulog dahil sa pagod ko sa kasiyahan na pinuntahan ko. Kahapon nga ay buhat buhat na ako Simon paakyat sa hagdan ng aking Casa.
"Selena, aking mahal," bulong muli niya.
"Hmmm. Saglit na lamang inaantok pa ako," bulong ko sa kaniya.
"Kung di ka babangon ay hahalikan kita, isa, dalawa.... mukhang nais mo talaga ang aking halik," napamulat ako ng madinig ko iyon pero huli na ako. Hindi na niya pinatapos pa sa tatlo ang bilang niya at agad na niya akong hinalikan.
Naipatong na niya ang labi niya sa akin at ako naman tinutugon ang halik na binibigay niya sa akin. Natigil lang kami sa aming halikan ng parehas na kaming 'di makahinga. Napakasarap talaga ng isang halik kapag galing ito sa lalaking mahal mo.
"Bumangon ka na Mahal ko, aking señorita na mahal na mahal ko," sabi niya sa akin natawa na lang ako sa kaniya.
"Mahal ko? Anong klaseng tawag iyon?" tanong ko sa kaniya "dahil sa mahal mo rin ako at sinabi mo sa akin, yan na ang tawag ko sayo. Ikaw ang mahal ko, Selena. Di mo alam kung gaano ako kasaya dahil mahal mo ako" sabi niya sa akin napangiti ako sa kaniya.
"Kung gayon, Ikaw rin ang Mahal ko... 'yan din ang itatawag ko sa'yo," sagot ko sa kaniya at hinalikan ko ang kaniyang pisngi bahagya siyang namula dahil doon at kinuha ang aking kamay para halikan ito.
TOK TOK
Nakarinig kami ng tatlong katok ni Simon kaya naman sineniyasan ko siya na tumahimik saglit. "Señorita, dumating na po si Juanito Delgado, ang Gobernadorcillo at ang mabuting maybahay niya, hinihintay na po kayo nito sa ibaba," sabi sa akin ni Rita mula sa pintuan, Oo nga pala. May kasal na magaganap 'di malayo mula ngayon. Ito ang aking kasal ay ang isa ko pang inaalala.
"Ako ay mag-aayos lang Rita at bababa na rin," sagot ko sa kaniya at tumingin ako kay Simon.
"Magbibihis na ako Simon, magkita na lang tayo sa may salas." sabi ko sa kaniya at kinuha ko ang aking tuwalya.
"Selena, nais mo bang makasama ako habang buhay?" tanong niya sa akin. Si Simon? Habang buhay? Ngunit aswang siya kahit mahal ko siya di ko magawa na tuluyang sumama sa kaniya pero gusto ko. Gusto kong gumawa ng isang masayang buhay kasama siya. Yung tipong magigising ako sa bawat umaga kasama siya.
"Tumakas tayong dalawa at maging masaya,sumama ka sa akin at bibigyan kita ng magandang buhay." sabi niya sa akin.
"Di maari ang gusto mo, si Juanito siya ang mapapangasawa ko. Di na ako maaring umatras dahil sa ito ang dapat kong gawin," sabi ko sa kaniya.
"Pero di mo siya mahal! Ako ang mahal moat mas kaya kong mabigyan ka ng masayang pamumuhay," pagdadahilan sa akin ni Simon pero natatakot ako sa buhay na maari mong ibigay sa akin, sa magiging anak natin kung sakali.
"Simon, mas nais ko na ganitong pag-iibigan na lang ang meron tayo. Ayoko ng mag-isip ng mas kumplikado pa," sabi ko sa kaniya.
"Paano ang pagmamahalan natin? Di mo na ba ilalaban ang pag-ibig natin dahil sa aswang ako? Dahil sa di kita kayang mapakasalan sa simbahan?" tanong niya sa akin.
"Hindi... Hindi ganon ang problema Simon" sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Di ko kasi kayang suwayin ang aking ama. Di ko kakayanin kung mas lalo akong huhusgahan ng mga tao dahil sa minahal kita, gusto ko lang ng buhay na maglalagay sa akin sa sitwasyon na tanggap ako ng mga tao," sabi ko sa kaniya.
"Di pa ba sapat na mahal kita, bakit kailangan mo pa ang ibang tao kaysa sa pagmamahalan natin?" tanong n'ya sa akin.
Bakit ko nga ba kailangan ng iba pang tao?
***
SIMON
BUHAY na puno ng takot, nanggaling na mismo kay Selena ang buhay na maari kong maibigay sa kaniya. Tama siya, hindi naman kasi ako tao kaya kahit na anong pilit ko na mabuhay para isang tao, naakit pa rin ako sa dugo, kumakain ng laman ng manok at baboy ng palihim. Naiisip ko pa rin si Selena bilang isang na pagkain na bubusog sa akin, ngunit mahal ko siya, lahat ng mga gano'ng kaisipan ay nilalabanan ko. Iniiwasan ko ng kumain ng dugo at laman dahil gusto ko ng maging tao.
Si Selena,ang nagiisang tao na tumanggap sa akin, ang tao na kahit natatakot sa akin ay mas pinili pa rin na kausapin ako.
Pinagkatiwalaan niya ako kahit malaki ang pagkakataon na mapatay ko siya, pinapanood ko sila ni Señorito Delgado na naguusap ngayon, nakatakip ang abanico sa kaniyang mukha pero kitang kita ko ang mga mata ni Selena, malungkot na ito ngayon di gaya kanina.
Kumplikado ang nararamdaman ko para sa kaniya, kumplikado ang aming pag-ibig.
"Simon, pumunta ka dito sa kusina at tulungan mo ako magbate ng chocolate," utos sa akin ni Rita agad akong sumunod sa kaniya at ginawa ang utos niya sa akin.
"Nakikita ko ang kakaibang pagtitinginan niyo ni Señorita mula ng makabalik ka. May ibang ibig sabihin ba 'yon Simon?"
"Wala namang iba sa titigan namin, Rita."Sagot ko sa kaniya.
"H'wag mo akong niloloko dahil halatang- halata kayo, may nararamdaman ka ba sa kaniya?" tanong muli ni Rita sa akin. Tumingin ako sa kaniya ng nakakunot ang noo ko.
"Ngayon ko lang kasi nakitang kumintab ng parang diyamante ang mga mata ni Señorita," dagdag pa niya sa akin. Sa isip ko ako ay napangiti ako, bakit? Dahil ako lang pala ang nakakapagpasaya kay Selena ng ganon ngunit nalungkot din ako, dahil siguro sa katotohanan na ngayon lang siya nakakaramdam ng kasiyahan. Kahit naman kasi aswang ako inaamin ko na naging masaya ang aking pagkabata, para lang naman kasi kaming normal na pamilya sa aming tribo, may pinuno ngunit walang diskriminasyon. Hindi katulad dito sa sibilisasyon ng mga tao, "Ano na? Ano ng namamagitan sa inyo ng Señorita?" muling pangungulit ni Rita sa akin.
"Mahal ko siya at mahal niya ako. Mahal ko ang aking señorita," sagot ko sa kaniya natigil siya sa pagbabate ng isa pang banga ng chocolate.
"Nahihibang ka na ba? Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa kaniya kung gusto mo pang mabuhay" singhal niya sa akin. Napatingin ako kay Rita, "Malaking tao ang Gobernadorcillo gano'n din ang pamilya Delgado, sa oras na malaman nila na may ganiyan kang nararamdaman kay Señorita ay baka ipapatay ka nila. Mahigpit na batas ng mga meztiso na 'di maaring mag-ibigan ang isang indio at ang uri nila," wika niya sa akin sa pabulong na paraan napatingin ako sa salas at napakinggan ko ang tawanan mula sa loob. Nakahawak si Juanito sa kamay ng aking señorita.
Kahit pala maging tao ako ay kumplikado pa rin ang lahat.
"Simon, gawin mo na lang sinabi ko para di ka matuluyan ha? Tigilan mo na ang pagibig sa Señorita, kung gusto mo na sumaya siya hayaan mo na lang siya na pakasalan si Heneral Juanito Delgado" muli niyang sabi sa akin, Di ko kayang pigilan ang nararamdaman ko sa Señorita.
***
SELENA ZARAGOZA
NANG matapos namin mag-almusal ay namasiyal muna kami sa malaking Jardin kasama ko si Juanito at tahimik lang ako na naglalakad sa tabi niya. Bumabagabag sa akin ang mga sinabi ni Simon. "Tahimik ka ata," wika niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"May iniisip lang ako, Juanito," sagot ko sa kaniya.
"Tungkol saan naman, Señorita?" tanong niya sa akin
"Juanito, May nais sana akong hilingin sa',yo" sambit ko sa kaniya. Buong oras ko itong pinag-isipan, ito ang talaga ang gusto ko. Mahal ko si Simon at ganon di siya sa akin, Alam ko na di ako mabubuhay sa takot kasama siya. Alam ko na magiging masaya ako kasama siya 'ano iyon, Senorita?" tanong niya sa akin.
"Gusto kong umurong sa ating pag-iisang dibdib" saad ko sa kaniya. Nanlaki ang mata ni Juanito dahil sa hiling ko sa kaniya, di siya makapaniwala na nasabi ko iyon sa kaniya. Buong panahon kasi na magkasama kami ay 'di ako nagpakita ng pagdadalwang isip.
"Ulitin mo ang sinabi mo, Señorita?"
"Juanito, ayokong magpakasal sayo" dagdag ko pa sa kaniya.
"Bakit biglaang nagbago ang isip mo? Maayos na ang kasal natin at mahigit dalawang linggo mula ngayon ay makakasal na tayo. Marami ng nagastos ang mga magulang natin at sigurado akong di sila papayag," pagdadahilan niya sa akin.
"Juanito, gusto kong maging masaya at 'di ko iyon makukuha sa pagpapakasal sa'yo. Alam kong puro ang intention mo at wala kang ibang gusto kundi ang makakabuti pero ito ang makakabuti para sa akin. Sasabihin ko kay Papa na hindi ko na nais ang magpakasa,l" dahilan ko sa kaniya.
"Sa tingin mo papayag ba ang Gobernadorcillo? Kung sakali man di ka rin niya papayagan. Ipipilit pa nila lalo ang kasal na ito," sabi niya sa akin.
"Buo na ang isip ko, may iba akong nais, may ibang nais ang puso ko. Ipagpatawad mo Juanito, pero kahit na anong mangyayari ay uurong ako sa kasal na ito," sabi ko sa kaniya.
a "Dahil ba sa Indio na si Simon?" tanong niya sa akin natigilan ng mga oras iyon. "Inuulit ko, Selena. Dahil ba 'yan sa Indio na ''yon?" tanong n'ya sa akin.
"Dahil nga sa kaniya, dahil sa puso naming dalawa" sabi ko sa kaniya. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Juanito.
"Nahihibang ka na ba Selena? Di mo kilala ang lalaking iyan at mahigit dalawang buwan mo pa lamang siya kilala. Selena, 'di maganda ang kutob ko sa lalaking iniibig mo!" sabi niya sa akin.
"Higit ko siyang kilala sa kung sino man, Oo saglit pa lang ang lahat pero napakita na niya ang loob niya sa akin. Kilalang kilala ko na si Simon," sabi ko sa kaniya.
"Selena, malaki ang tyansa na hindi tao si Simon! Isa siyang aswang!" bulong niya sa akin nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Juanito. Paano niya nalaman na aswang si Simon ?
"Wala kang karapatan na paratangan ng mali si Simon!" bulong ko sa kaniya.
"Alam kong wala pa akong ebidensiya pero hahanap ako, nararamdaman ko na kakaiba siya Selena. Kaya nakikiusap ako wag kang lalapit sa kaniya hanggang sa wala pa ang katotohanan dahil baka mamaya ay patayin ka n'ya," bulong niya sa akin, umiling iling ako sa kaniya.
Natigil kami sa pag-uusap ng nakita naming si Nena na lumapit sa aming dalawa, tinuon ko ang attensyon ko sa bata. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng kabang tinatago ko.
"Señorita, pinapabalik na po kayo ng Gobernadorcillo sa loob ng tahanan para sa meryenda," sabi ng batang si Nena sa akin.
"Sige susunod na kami Nena" sabi ko sa bata at naglakad na kami pabalik,Habang abala ang lahat sa pag-inom ng mainit na Chocolate ay umakyat ako sa kwarto ko, habang naglalakad di ko matanto kung paano nalaman ni Juanito na aswang si Simon kilos tao naman na ito kung tutuusin at di na siya pumapatay ng tao ng makarating ako sa kwarto ko ay nadatnan ko si Simon na nakadungaw sa may Azotea.
"Mukhang malalim ang iniisip mo," napalingon siya sa akin ng madinig niya ang boses ko.
"Kinausap ako ni Rita kanina, sinabi niya kalimutan ko na ang nararamdaman ako sayo, pero di ko kayang gawin iyon" sabi niya sa akin.
"Iniisip ko kung paano ka matatakas mula dito, kung paano tayo mabubuhay na di iniitindi ang mga tao sa paligid natin. Yung tanging tayong dalawa lang at walang panganib na iniintindi. Iniisip ko kung paano tayo magiging masaya kung sa gubat tayo titira o kaya sa sakahan? Kung paano ako magiging ama o paano ka magiging ina? Iniisip ko kung paano ka mas mapapasaya at wala ng iisipin kundi ang paano ngumiti sa kinabukasan, yung hindi mo iniisip kung aswang ba ako o masasaktan kita. Tanging tayong dalawa lang," sabi niya sa akin lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang kamay.
Nakakatuwang isipin na naiisip na ni Simon ang mga ganitong bagay tungkol sa amin. Ang simpleng buhay na nilalarawan niya sa akin parang napakainit nun sa pakiramdam, gusto ko ang mga iniisip niya para sa aming dalawa.
"Nais kong mamasiyal Simon, pwede mo ba akong ipasiyal gamit ang lakas mo, yung tipong tumatalon tayo tapos nasa likod mo lang ako. Pwede ba?" tanong ko sa kaniya.
"Nais mong mamasiyal ngayon? Paano ang mga bisita sa ibaba?" tanong niya sa akin at dumapa pa siya para pakinggan ang mga boses sa ibaba mahina akong tumawa sa ginawa niya
"Hayaan mo na sila, Di naman mapapansin kung nawala ako dahil masiyado silang lunod sa kanilang pag-uusap. Nais ko lang na malibang at Gusto ko lang na makasama ka bilang si Simon, Gusto ko lang na maging masaya kasama ka, bilang ikaw bilang isang aswang na minahal ko." sabi ko sa kaniya.
Lumuhod siya ng nakatalikod sa akin, "Kumapit ka sa likod ko, mamasiyal na tayo," sabi niya sa akin ginawa ko ang sabi niya sa akin. At sa isang iglap tumatalon na kami sa mga puno at ulap, kay gandang mga tanawin ang nakikita namin. Kitang kita ko ang mga pailaw ng mga tahanan mula sa aming kinalalagyan.
"Ang ganda naman dito..." saad ko sa kaniya. "Naalala mo ba nung unang beses na ginawa natin to natatakot ako na baka mailaglag mo ako." sabi ko sa kaniya.
"Ako rin naman noon ay kinakabahan at natatakot. Unang beses kasi na may babaeng sumampa sa aking likod." Natatawang sambit n'ya sa akin pero bigla s'yang lumungkot.
"Patawad, nang dahil sa akin ay itinuturing ka na traydor ng pangkat mo, nang mga kauri mo." sabi ko sa kaniya ngumiti siya.
"Di ko naman pinagsisihan ang pagligtas sayo, nung mga oras na iyon ang gusto ko lang tumigil ka sa pag-iyak kaya pinatakas na kita. Di ko din alam kung bakit ko ginawa 'yon sa'yo. Marami naman na kasi akong mga meztisa na naging bihag at kinain pero ikaw ang kakaiba, nagawa pa kitang kaawaan dahil sa pilay mo. Alam mo bang nasampal ko ang sarili ko dahil sa ginawa ko noon?" sabi niya mahina akong tumawa dahil doon.
'Nung mga oras na iyon mas iniisip kong isa kang maniyakis na sasamantalahin ang p********e ko kaysa isang aswang." Sambit ko sa kaniya, di ko na mapigilan ang mapahagikgik dahil doon
"Ganon ba ako nakakatakot nun?" tanong niya sa akin lumapag kami sa isang sobrang laking puno at naupo sa may braso ng puno. Sumandal ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya ."Oo, sobrang nakakatakot ka no'n. Yung mga mata mo, yung boses mo yun na ata ang pinakanakakatakot na bagay na nakita ko at narinig ko," sabi ko sa kaniya
"Dahil isa akong halimaw, kahit na nagmahal ako ng isang tulad mo na tinuring akong anghel at pinagkilos bilang isang tao. Isa pa rin akong halimaw na kumakain ng dugo at laman ng tao, pero para sayo na minamahal ko magpapakatao ako." Sabi niya sa akin at binigyan ang kamay ko ng mahigpit na hawak.
"Napakaganda ng buwan Simon, sobrang ganda..." sabi ko sa kaniya.
"Sana laging ganito, lagi kitang kasama sa ilalim ng buwan, nangangako na gagawa ako ng paraan makasama ka lang" sabi ko sa kaniya pero di siya umimik mas hinayaan niya na humigpit ang sandal ko sa kaniya. Bawat segundo ay sobrang masaya, bawat minuto na lumilipas ay para bang alaala na ayaw kong malimutan.
Sa unang beses, sa tala ng aking buhay ay nagmahal ako, nagmahal ako ng hindi basta tao kundi isang aswang. Isang aswang na mas tao pa kung mag-isip kaysa sa akin. Isang aswang na pinagkatiwalaan ako at binigay ang puso sa akin. Isang halimaw na ginagawa ang lahat para maging karapat dapat sa aking pag-ibig.
"Mahal kita Simon, mahal na mahal,"bulong ko sa kaniya.
"Mahal din kita... at paulit ulit kong ipaparamdam at sasabihin ang mga salitang iyon para sa'yo," bulong niya sa akin.
Habang magkasandal kaming dalawa biglang nanigas sa pwesto si Simon, "Bakit Simon? Anong nangyayari?" tanong ko sa kaniya.
"Mga aswang, naamoy nila tayo. Umalis na tayo Señorita," sabi niya sa akin at binuhat na niya ako "Teka, Nasaan sila?" tanong ko sa kaniya.
"Malapit sa atin, hindi nandito mismo sila sa tabi natin," sagot niya at binuhat niya muli ako. 'Iuuwi na kita bago pa tayo mapahamak," sabi niya sa akin nagsimula naman siyang tumalon talon sa mga puno.
"SIMON! BUMALIK KA DITO!" sigaw ng isang aswang sa kaniya. Nakakatakot ang boses nito at tila ba handa itong pumatay.
"BUMALIK KA DITO!!" muli niyang sigaw tumingin ako sa likod at mahigit labing limang aswang ang humahabol sa amin "Simon kaya mo pa ba? Di ka pa gaanong malakas?" tanong ko sa kaniya "kaya ko kung di ako lalaban, ililigaw muna natin sila para di nila matunton ang tahanan mo" sabi niya sa akin at nagpatuloy siya sa pagtalon nakarating kami sa kalye at mabilis na siyang nagtatakbo doon.
'Simon! Bumalik ka na dahil bibigyan ka ng pagkakataon muli ni ama!" nahinto si Simon dahil doon napalingon siya sa aswang na 'yon.
"Nais ka lang namin na makausap," sabi muli nila at nag-anyong tao na sila. May babae at ilang mga lalaki.
"Simon," tawag ko sa kaniya. Pinagtago niya ako sa kaniya likod.
"Hindi na ako babalik sa ating lugar, mas nais ko na manatili dito," sabi ni Simon sa kaniy.
"Dito? Kasama ang taong iyan? Di tayo tanggap ng mga mestizo at mga Indio, mga halimaw tayo! Aswang! At tatraydorin ka lang ng taong iyan!" sabi ng isang babaeng aswang sa kaniya.
"Ipagpatawad niyo ang aking naging desisyon pero ito na ang nais ko. Sabihin mo ito kay ama, hindi na ako babalik sa bundok," sabi niya muli sa mga aswang na kasama niya.
"Ikaw ang magiging pinuno Simon alam mo iyan!" sigaw ng isang lalaking aswang mas natigil si Simon dahil doon. Nakahawak ako sa kaniyang kamay, "At manggaling sa babaeng iyan ang panibagong lakas ng ating pangkat," muli nilang sambit kay Simon.
"Ang babaeng ito ay ang pinakamamahal ko at di ko hahayaan na gawin ng aking ama ang balak niya. Alam ko na malaki ang tiwala sa akin ni ama pero—pero mas gusto kong mabuhay bilang isang tao" dagdag pa niya napangiti ako dahil sa mga sinasabi niya.
"Iiwan mo kami para sa tao na iyan?" tanong nung babaeng aswang.
"Iiwan ko kayo para sa aking bagong buhay," sagot ni Simon.
"TRAYDOR KA!" sigaw ng isang aswang at tumakbo para tirahin si Simon gamit ang matatalim niyang kuko na bigla na lang humaba tumingin ako kay Simon. Si Simon naman ay nakatingin lang sa kaniya at hinihintay ito na umatake, kitang- kita ko ang namumuong tension sa pagitan nila.
"Manatili ka sa likod ko Selena!" sigaw sa akin ni Simon at sinuntok niya ang aswang na tumira sa kaniya nagaaway na sila ngayon.
"TIGILAN NYO NA IYAN!" sigaw ng babaeng aswang sa kanila. Nagsitigilan silang lahat na tila ba ito ang namumuno sa pangkat nila.
"DAPAT AY DI NA BUHAYIN ANG TRAYDOR NA ITO!" sigaw ng isang aswang.
"Ano ba Kosme?! Di tayo sumunod kay Simon para gumawa ng g**o!" sabi ulit ng babaeng aswang at saka ito tumingin kay Simon.
"Nakikiusap ako sa iyo, Simon, maari kang patayin ng iyong Ama. Alam mo ang tunay na plano niya para sa taong iyan" sabi ng babaeng aswang kay Simon.
"At di ako papayag na magawa iyon ng aking ama, kahit para sa akin pa!" sagot ni Simon sa kaniya.
"Hayaan na natin sila at umalis na tayo! Simon mag-usap muli tayo at pag-isipan mo to," sabi ng babaeng aswang at bigla na lang silang naglaho tanging narinig ko na lang ay ang malalakas ni hingal ni Simon sa harap ko at kasunod no'n ay ang yakap niya sa akin.
"Natakot ka ba?" tanong niya sa akin, Umiling ako bilang sagot sa kaniya, " Alam kong ililigtas mo ako aking mahal. Ngunit sa iyo ako nag-aalala dahil ang akala ko masasaktan ka ng lubos." Bulong ko sa kaniya ngumiti lang siya sa akin.
"Di ako masasaktan ng lubos, mas masasaktan ako kung sayo may mangyayaring masama aking Señorita," sagot niya sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
"Umuwi na tayo Señorita, diyes oras na ng gabi baka nagaalala na ang Gobernadorcillo sa iyo" sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Magkahawak ang kamay namin habang naglalakad sa dilim pagdating namin sa tahanan ay may mga kawal na andoon at naghihintay sa amin. Mukhang akala ni Papa ay nawala na ako.
"Nandito na po ang Señorita, mahal na Gobernadorcillo!" sigaw ng isang kawal.
Nakita ko na nagmamadal na bumaba ang Papa at si Juanito para sunduin ako "Saan ka nanggaling Selena at ang tagal mong nawala? Umalis ka pa ng walang paalam" singhal sa akin ng aking Papa 'Ipagpatawad po ninyo, gusto ko lang sanang mag-isip saglit kaya umalis ako kasama si Simon," wika ko sa kaniya.
"Dapat man lang ay nagpaalam ka, nung huling beses na nawala ka ay naatake ka ng mga aswang paano kung mangyari iyon sayo ulit?" sabi ulit ni Papa tinutok ni Juanito ang ilaw sa akin at saka nagsalita.
"Pumasok ka na sa loob, hinahanap ka ng Mamma. Puno siya ng pag-aalala sa magiging bagong anak niya," sabi sa akin ni Juanito. "At ikaw, alamin mo ang posisyon mo sa pamamahay na ito wag kang dikit dikit sa magiging asawa ko," sabi niya kay Simon.
"Juanito!" sita ko sa kaniya.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, aking Señorita," giit n'ya sa akin.
Gumagawa na ng paraan si Juanito para malayo si Simon sa akin at mukhang kumbinsido siya na aswang si Simon. Napagtanto ko na iba ang dahilan niya kung bakit siya nagdala ng lampara. gusto niyang makita ang direksyon ng anino ni Simon.
"Juanito, gusto ko na malapit sa akin si Simon dahil tagapagtanggol ko siya," suway ko sa kaniya at saka ako nanguna pagpasok sa loob ng bahay. "Simon, pumasok na tayo." Giit ko sa kaniya, bahagyang yumuko si Simon at saka nagmadaling sumunod sa akin.
"Simon, mag-ingat ka mula ngayon."Bulong ko sa kaniya habang naglalakad ako nasa likod ko si Simon pero alam kong nadidinig niya ako dahil sa mga abilidad niya.
'Bakit naman?" tanong niya pabalik sa akin.
"Nakalimutan kong sabihin na may kutob si Juanito na isa kang aswang, iwasan mo muna ang paggamit ng kakaibang lakas mo at ipakita ang mga bagay na kakaiba sayo, maging sa mga bata. Sa tingin ko, nagsisimula na si Juanito na imbestigahan ka. Wala siyang tiwala sa'yo," sabi ko sa kaniya.
"Naiintindihan ko Mahal ko, mag-iingat ako para sayo.. Mag-iingat ako hanggang sa di pa ako nakakaisip ng paraan kung paano makakapasok sa simbahan para mapakasalan ka," sabi niya sa akin. Humarap ako sa kaniya ng marinig ko ang mga salitang iyon at nakita ko na nakaguhit ang inosente niyang ngiti.
Di ka aswang Simon, alam kong di ka aswang. Isa kang tao dahil sa marunong kang magmahal. Isa kang binatang gagawin ang lahat para sa babaeng mahal mo. Sana ako rin, sana magawa ko rin ang lahat para sa iyo.
***
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"AYAW sumama sa amin ng inyong anak na si Simon, pinuno." sabi ng babae aswang na nagngangalang Lira sa pinuno ng mga aswang na si Atec.
Dahan dahang minulat ni Atec ang kaniyang mga mata at tumingin kay Lira. Bumuntong hininga sa preskong paraan, "Tama ba ang hinala ko na nagmamahal na siya ng isang tao?" tanong nito sa aswang.
"Kinalulungkot ko po ngunit totoo ang iyong hinala, iniibig niya ang babae na sana ay magdadala ng sunod na tagapagmana," sagot ni Lira sa kaniya. Tama, 'di lang basta pagkain ng mga aswang ang balak sana kay Selena, siya ang nakatakda na magdala ng tagapagmana at tagapagligtas ng mga aswang. Si Selena ay ang dapat na magdadala ng anak ni Atec.
"Hmmmm... Di ko lubos akalain na magagawa ito ng aking anak. Malinaw sa kaniya ang propesiya ngunit nagawa pa n'yang ibigin at protektahan ang babaeng hindi naman magiging kanya kahit na kailan." Tumayo si Atec mula sa kaniyang upuan at tumingin sa grupo ng mga aswang na nakayuko sa harap niya.
"Pumunta kayo sa bayan at hanapin ang babaeng 'yon. Saktan at patayin nyo ang mga mahal nito sa buhay. Ibunton n'yo kay Simon ang sisi. Siguraduhin n'yo na walang magiging ibang pagpipilian si Simon kundi ang bumalik sa ating tribo," utos nito sa mga aswang na doon.
Sunod sunod na malalakas na ungol ang ginawa ng mga aswang na nakikinig sa kaniya "Paano kung magmatigas lalo si Simon?" tanong ni Lira kay Atec. "Pinuno, 'di ko pa nakitang naging ganoon ka-determinado si Simon. Handa n'yang gawin ang lahat para sa Binibining 'yon. Handa s'yang iwanan ang pagka-aswang niya," ngumisi lang ang pinunong si Atec.
"Alam kong magmamatigas si Simon pero nasisigurado ko na aayon sa atin ang mga plano. Unang beses pa lang n'yang magmahal, madali lang siyang saktan lalo na't wala siyang ideya kung ano ba talaga ang pag-ibig," sabi nito kay Lira.
"Eh, ano na po ang balak niyo sa babae?" tanong ni Kosme, ang kaibigan ni Simon na aswang din.
"Hayaan na ang binibini, kung nais man siya na isama ni Simon ditto ay mas maigi iyon para mas mapalapit siya sa atin. Ang mahalaga makauwi dito ang aking anak para magawa natin ang nasa propesiya. Sa oras na magalit siya sa babaeng 'yon ay siya mismo ang magdadala nito sa atin," sagot ni Atec kay Kosme, muling umupo si Atec sa kaniyang upuan at saka tumawa ng malakas.
Isang tawa na sinisigurado ang kaniyang tagumpay.
***
SA TAHANAN naman ni Selena ay abala sila na nililinis ang casa dahil sa mga naiwan na dumi sa naganap na kasiyahan kasama ang pamilya ni Juanito. Naglilinis ng bubong si Simon at si Selena naman ay pinapanood siya mula sa ibaba "Simon, di ka ba naiinitan diyan? Mag-ingat ka ha? Baka malaglag ka masiyadong madulas at matalas ang mg materyales ng bubong," tanong ni Selena sa kaniya sumilip paibaba si Simon.
"Hindi naman ako nahihirapan dito mahal kong Señorita!" sigaw ni Simon sa kaniya. Halos mabitawan ni Selena ang hawak n'yang pigurin sa gulat, luminga- linga siya sa paligid bago dinungaw sa itaas si Simon.
"Tumahimik ka nga! Baka may ibang makarinig sa'yo, Simon! Patay tayo!" suway ni Selena pero namumula na siya ng tuluyan, parang sasabog ang dibdib niya sa ginagawang pagpapakilig ni Simon sa kaniya. Tumalon pababa si Simon na kinagulat ng dalaga. Tumalon ito na tila ba isa siyang pusang nasasabik bumaba sa amo nito.
'Ano bang sinabi ko sa mga abilidad mo? Gusto mo ba na may makaalam na aswang ka?" bulong ni Selena kay Simon at saka hinawakan ang kamay nito.
"H'wag kang mag-alala, sa harap mo lang naman ko ginagawa ang mga bagay na ito, mahal ko" sabi ni Simon sa kaniya at saka ito lumapit para halikan ang noo ng dalaga, wala na siyang nagawa kundi ang mapapikit ng dumampi ang mga labi ni Simon sa kaniyang noo.
"Uyyy!!Ang mag sing irog ay naglalambingan para silang mga pulot!" napalingon si Selena at Simon ng makita nila si Nene at Nena na nasa likod nila at tinutukso sila. Parehas silang nagulat dahl may nakakita sa kanila.
"Sabi ko na ba eh! Mas bagay si Señorita at si Simon!" sabi ni Nena sa harap nila.
"Opo nga ate! Mas maganda silang tingnan! At saka bagay ang kamay nila sa isa't isa. Tila ba ginawa ang mga kamay nila upang punuin ang isa't isa. Napaka perkpekto!" sabi naman ni Nene at tinuro ang kamay ni Simon at Selena na magkahawak, mas namula si Selena dahil sa mga sinabi ng mga bata.
"Kayong mga bata kayo! Pinapula nyo naman ako sa harap ni Simon" sabi ni Selena sa kanila. "Wag kang mag-alala Senorita, namumula din naman si Kuya Simon!" Pilyang tugon ni Nene at nagtawanan silang dalawa ni Nene sumilip si Selena kay Simon at halos sumabog na sa pamumula ang binata.
"Kayong mga bata kayo! Tara na nga lang at maglaro na tayo!" ani ni Simon at lumapit sa mga bata. "Mas maigi na nga lang na maglaro kayong tatlo!" giit naman ni Selena sa mga ito.
"Kuya Simon! Buhatin mo ako sa likod mo!" sabi ni Nene sa kaniya 'Ako rin! Ako rin! Gusto kong buhatin mo ako kuya Simon!" sabi naman ni Nena sa kaniya.
"Wag kayong mag-alala, parehas ko kayong bubuhating dalawa!" sabi ni Simon napangiti na lang si Selena habang pinapanood si Simon na makipaglaro muna sa mga bata.
Lumapit si Selena sa mga ito at saka mahinang bumuntong hininga. "Mga bata, kung maari sana ay walang makaalam ng mga nakita n'yo ngayon." Pakiusap niya sa mga ito.
"Opo, Señorita. Ang aming mga labi ay mananatiling tahimik dahil mas gusto namin si Simon para sa iyo!" giit naman ni Nene. Ginulo ni Selena ang buhok nito, "Sige na maglaro na lang kayo kasama ang kuya Simon ninyo!" aya n'ya sa mga iyon. Agad silang sumampasa likod ni Simon, dahil sa angking lakas ng binate ay nabuhat niya ang dalawa. Nagtatalon- talon sila mula sa Azotea mula sa baba. Pabalik – balik at imbes na matakot ang mga bata ay tuwang- tuwa pa ang mga ito.
"Dahan dahan mga bata!" sigaw ni Selena habang naglalaro sila. "Iingatan ko sila, Mahal kong Señorita!" sigaw naman ni nakatuon ang attensyon niya kay Simon.
"Tao ka na, mahal ko,.. Isa ka ng taom" bulong ni Selena at saka siya ngumiti habang naglalaro naman ang mga bata at si Simon ay may nakamasid sa kanila mula sa malayo, pinapanood ang bawat galaw ni Simon at Selena,
"Magsisimula na ang kasiyahan, Simon." bulong ni Lira naging dahilan naman ito para matigil saglit si Simon, naramdaman niya ang presensiya ng ibang aswang malapit sa kaniya.