Ika – sampung Tagpo

1523 Words
Ika – sampung Tagpo SELENA ZARAGOZA "SEÑORITA, nakita mo ba ang aking anak na si Nena?" tanong ni Rita sa akin ng makarating siya sa salas agad naman akong bumangon sa aking pagkakahiga at inayos ang buhok ko. Nagpapahinga kasi ako at napagpasiyahan ko na magbasa na muna saglit. "Si Nena? Diba ay magkalaro silang tatlo nila Simon kanina," sabi ko sa kaniya. Pinanood ko pa kasi silang maglaro kanina nila Simon. "Opo pero nakabalik na si Nene dahil sa napagod na ito pero si Nena ay wala pa rin, Señorita," parang di mapakali na sabi sa akin ni Rita. "Gabing gabi na at dapat ay nahihimbing na sila ni Nene ngayon," sabi naman sa akin ni Rita "Pupuntahan ko si Simon, marahil ay alam niya kung saan naglusot ang bata maghintay ka lamang" sabi ko kay Rita, nababakas na kasi ang labis na pagaalala sa mukha nito, sabagay alas – sais na ng gabi ngunit wala pa si Nena. Mabilisan akong naglakad papunta sa kwarto ni Simon at kumatok dito ngunit walang sumasagot mula rito. "Mukhang wala din si Simon, Rita! Ang mabuti pa siguro ay lumabas muna tayo para hanapin ang bata" hayag ko sa kaniya at kinuha ko ang kappa ko.  "Mabuti pa nga Señorita" sagot niya sa akin. Iniwanan namin panandalian ang bahay para hanapin si Nena. Sana ay magkasama lang silang dalawa ni Simon. Sana ay ligtas silang dalawa. "Nena! Nena!" sunod sunod kong tawag sa pangalan niya pero walang Nena na nagpapakita. "Mas ilawan mo ang lampara para madaling makita ni Nena ang ilaw at makalapit siya agad sa atin" sabi ko sa kaniya, ginawa naman niya ang utos ko at saka kami bumalik sa paghahanap sa bata. "Nena anak ko! Anak! Gabi na! Umuwi ka na! Nadidinig mo ba kami ng Señorita!" malakas na sigaw ni Rita, gumagaralgal na ang boses niya dala ng kaba ay naluluha na rin siya. "Señorita," tawag niya sa akin at nakita kong umiiyak na siya. "Wag kang mag-alala, tatawag ako ng mga Gwardya Sibil at kawal upang tulungan tayo, wag kang umiyak Rita marahil ay napasarap lang sa paglalaro si Nena," pagpapatahan ko sa kaniya. "Sana nga po, Senorita ang anak ko na lang ang naiwan sa akin ng aking asawa. Silang dalawa na lang ni Nene ang aking kayamaman. Ayoko na may mangyaring masama sa sino man sa kanila ngayon pa na malayo si Manuel ay kailangan kong matiyak na ligtas ang dalawa pa," sabi niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Rita, "Naiintindihan kita, Rita," sagot ko sa kaniya nagpatuloy kami sa paghahanap at humingi na rin kami ng tulong sa gwardya sibil. Mabuti ay napagbigyan nila kami. Limang gwardya ang nagtulong tulong sa paghahanap kay Nena, habang lumalalim ang gabi ay mas lalo kaming nag-aalala ni Rita. "Señorita Zaragozza!" napalingon ako sa tumawag sa akin na gwardya "May maliit daw po na bata ang nakita ang sa may simbahan na katulad sa deskripsyon nyo sa Una Niña na si Nena" sabi humihingal nitong saad sa akin. "Talaga ba? Totoo ba ang sinabi mo ginoo?" tanong ni Rita sa kaniya. "Oo, sumunod kayo sa akin at dadalhin ko sayo sa simbahan nasa pangangalaga ni Padre Solomon ang bata," sabi naman nito sa amin nagmamadaling kaming sumakay ng karwahe papunta sa simbahan. "Diba sabi ko ay makikita din natin si Nena?" sabi ko kay Rita, "ang batang iyon ay makukurot ko sa kaniyang singit! Pinag-alala niya ako ng labis!" singhal ni Rita. "Ang mahalaga ay nakita na natin siya," giit ko. Nang marating namin ang simbahan, nakita namin ang bata na nakikipaglaro pa kay Padre Solomon 'Padre Solomon!" masaya kong tawad sa padre, agad itong tumingin sa akin. "Mabuti at dumating ka na, Señorita" sabi naman nito sa akin. Nagmamadaling niyakap ni Rita ang kaniyang anak sa sobrang pag-alala. "Saan ka ba galing, Nena ha?" tanong ni Rita sa kaniya. "Sinundan ko lang po si Kuya Simon dahil nakita ko siyang may hinahanap kanina pero biglaan siyang tumalon sa may puno kaya 'di ko na siya nasundan. Patawad po, inay! Nakalimutan ko kasi ang daan pauwi," giit n'ya rito. "Ay Diyos ko! Mabuti na lang at nakita ka ng mga prayle!" "Maraming salamat po sa pagbabantay kay Nena," sabi ko sa kaniya. "Walang anuman, maliit na bagay lang ito," giit n'ya sa akin. ay maari ka bang makausap saglit?" tanong niya sa akin. "Sige, Padre Solomon," giit ko sa kaniya. Pumunta kami sa loob ng kaniyang silid – aklatan. Sinarado niya ang pintuan at saka tumingin sa akin. "Mahalaga sana ang nais kong ipahatid sa'yo, Señorita," giit n'ya sa akin. "Tungkol saan po ba ang nais n'yong pag-usapan, Padre?" tanong ko pabalik sa kaniya. "Tungkol sana ito sa binata na kasama mo nung isang araw? Yung di pumapasok sa loob ng simbahan?" tanong niya sa akin. Si Simon, ano namang ang tungkol kay Simon na sasabihin niya? Kumuha siya ng isang libro mula sa kaniya aklatan at nilapag ito sa lamesa sa aking harap. Binuksan niya ito sa pahina na may nakaguhit na nakakatakot na imahe. Isang litrato ng isang aswang, hindi... isang halimaw na kumakain ng laman ng tao. "Alam mo naman kung ano ang tawag sa halimaw na iyan diba?" tanong niya sa akin tango ang sinagot ko sa prayle na nakatalikod mula sa akin. "Alam mo naman siguro na ang aswang ay isang nakakatakot na nilalang, na walang ibang alam gawin kundi ang pumatay at kumain ng tao," tanong niya muli sa akin. "Bakit niyo po ba ako tinatanong ng mga ganitong bagay padre?" tanong ko pabalik sa kaniya tumaas ang isang parte ng ngiti niya na para bang nagsasabi na huwag akong magmaangmaangan. "Dahil sa nagkupkop ka ng isang halimaw sa iyong tahanan," yun ang sinagot niya sa akin. "Paano? Paano niyo nalaman na—" "Na ano? Na aswang ang binatang iyon?' tanong niya sa akin. Muli akong tumango sa kaniya "Ilang araw na niyang sinubukan na pumasok sa simbahan sa di ko malamang dahilan kaya naglagay ako ng mga pangtaboy sa halimaw na kagaya niya. May mga sumusunod din sa kaniyang mga aswang," sagot niya sa akin. Nagsusubok s'yang pumasok ng simbahan? Ibig sabihin ay seryoso talaga siya sa akin. Napangiti ako sa nadinig ko," Talaga po ba, padre?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya sa akin, "Si Simon, hindi siya halimaw, padre!"sagot ko sa kaniya. "Hindi halimaw? Aswang ang binatang iyon Selena! Isa siyang halimaw na pag kapag nagutom ay pwedeng manakit, pumatay ng kahit na sino at kahit pa ikaw." "Padre, 'di mo naiintindihan ang lahat," giit ko sa kaniya. Mas lalong nagkunot ang noo ni Padre Solomon na tila ba nagkaroon siya ng biglaang sakit ng ulo. "Likha siya ng demonyo at wala s'yang kapasidad na maawa at magmahal!" singhal niya sa akin. "Padre, iba po si Simon napakabait niya at may mabuting puso siya. Nung niligtas niya ako ang dami na niyang pagkakataon upang ako ay kainin ngunit di niya iyon ginawa padre," pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Mapagpanggap ang mga aswang Selena! Hindi sila dapat pagkatiwalaan! Sinasabi ko sayo ito dahil ito ang dapat mong gawin" pagpaalala niya sa akin. "Padre, tao rin si Simon. Oo, halimaw siya dahil lumaki siyang aswang ngunit ginusto niyang magbago, nagbago na siya! Nakakaya niyang di kumain ng laman at nakikipaghalubilo at saka nagmamahal siya. Padre, halimaw pa rin ba na maituturing iyon?" tanong ko sa kaniya nanlaki ang mga mata niya sa mga nadinig niya sa akin. "Que Horror! Diyos na mahabagin! Wag mong sabihin na umiibig ka sa isang aswang?!" singhal niya sa akin napayuko ako saglit at saka tumingin direkta sa kaniyang mga mata. "Ang sinasabi mong aswang ay mahal ako ng lubos, Padre. Ang aswang na 'yon ay sinubukang pumasok sa simbahan dahil gusto niyang tuparin ang pangarap kong makasal sa simbahan. Gusto n'yang makasama habang buhay at gano'n din ako sa kaniya," sagot ko sa kaniya. "At di ko siya lalayuan dahil sa isa siyang halimaw at maari niya akong saktan, dahil ako na lang ang nagiisang naniniwala na kaya niyang maging tao ng tuluyan," sabi ko kay Padre. Masiyado bang malaki ang tiwala ko? Oo, tama! Naniniwala ako sa mga kayang gawin ni Simon at alam kong di niya magagawa ang mga bagay na sinasabi ni Padre na maari niyang gawin sa akin. "Señorita, di na ako nagkulang ng pagpapaalala sa'yo." sabi niya sa akin at saka siya naglakad papunta sa isang parte ng kaniyang tokador, may kinuha siyang gamit doon at nakita ko na isang rosaryo iyon. Lumapit siya at ibinigay sa akin ang rosaryo. "Itago mo ang rosary na ito para sa iyong kaligtasan, kung hindi mo malayuan ang binatang iyon ay iligtas mo na lang ang sarili mo," sabi niya sa akin mahina akong ngumiti kay Padre Solomon. "Maraming salamat , pero sana walang makaalam ng sikreto ni Simon." pakiusap ko sa kaniya. "Di ko maipapangako iyan Senorita, dahil pag may nasaktan na sa mga minamahal mo ay di ako magdadalawang isip na isumbong siya sa Heneral na namumuno ng ating bayan," sabi niya sa akin. "At isa pang babala, kahit na kailan 'di maaring magmahalan ang isang tao at isang likha ng demonyo. Hindi ko sinisira ang pananalig mo sa kaniyang pagmamahal ngunit, 'di magiging madali sa inyo ang lahat dahil galing kayo sa magkaibang mundo," giit n'ya sa akin. "Isasapuso ko ang sinabi mo, Padre Solomon. At makakaasa rin kayo na walang gagawin na masama si Simon sa bayang ito. Nangangako ako," sabi ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD