Ika-walong tagpo
SELENA ZARAGOZA
"MAGAGANDA ang mga damit na ipinadala ko mula sa Madrid, Selena yun lamang ang gamitin mo sa tuwing magkikita kayo o mamasiyal ni Juanito" sabi ni Mamma sa akin, ang asawa ni Papa. Si Señora Victoria De Ocampo Y Zaragoza, ang butihing asawa ni Papa na mataray pagdating sa akin.
"Nakita ko nga po ang mga damit, Gracias, Señora," saad ko sa kaniya.
'Kailangan kasing matakpan ng mga magagandang damit ang pagiging bastarda mo." Mataray niyang giit sa akin habang salubong ang kaniyang kilay, sanay naman na ako sa ganitong tabil ng dila ni Mama ngunit di ko pa rin ang maiwasan ang masaktan sa mga winiwika niya pero iniintindi ko na lang siya pagkat di naman niya ako anak, at masuwerte ako na tinuring niya ako bilang isang anak.
"Di mo naman siguro iniisip na umurong sa nalalapit niyong kasal ni Juanito diba?' muli niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kaniya at dahan- dahan na umiling.
"Di ko po naiisip ang ganong kalapastangan, Mama," sagot ko sa kaniya.
"Mabuti naman! Wag kang maging kahihiyan sa pamilya natin, isa ka na ngang kahihiyan at gagawa ka pa ng kahihiyan. Dios Mio! Matuto kang mahiya!" muli niyang sabi sa akin.
"Maganda ang tela na ito para sa iyong damit pangkasal, gamitin mo ito. Papalagyan ko ng diamante ang damit pangkasal mo," sabi ni Mama at inabot niya ang isang magandang tela na gawa sa abaca, sobrang ganda nito kung tutuusin.
"Alipin!" tawag niya kay Simon, agad na lumapit ito sa kaniya at saka yumuko.
"Buhatin mo ang mga pinamili namin.Ingatan mo ang mga iyan dahil mga gamit yan ni Selena para sa kaniyang kasal," utos niya kay Simon, kanina pa niya pinagbubuhat ito ng kung ano ano mabuti 'di nagrereklamo si Simon, napangiti ako dahil doon.
"Ihahatid kita sa tahanan ng mga Mercado para sa isang pagtitipon, makipag-usap ka sa mga nandoon at ipagmalaki mong ikakasal ka na sa isang Delgado," sabi niya sa akin.
'Masusunod po Mamma." sagot ko sa kaniya.
"Isama mo yang alipin mo para magkaroon ng tagapagtanggol, intendies? Baka mamaya ay madukot ka na naman," tanong niya sa akin. Kahit papaano pala ay nag-aalala din ang Mamma sa akin. Muli akong ngumiti sa kaniya.
"Si, mama" sagot ko sa kaniya.
"Mama, maari po bang humingi ng pavor?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami.
"Ano iyon, Selena?" tanong niya pabalik sa akin.
"Gusto kong dumaan sa simbahan para makausap si Padre Solomon at magdasal, maari ba tayo gumawi doon kahit mga isang oras lamang?" tanong ko sa kaniya, humarap siya sa akin.
"Maari naman ang nais mo, nais ko din na magdasal saglit. Tayo'y tumungo na sa simbahan," sabi niya sa akin at pinitik niya ang kaniyang mga daliri. Naglakad papunta sa karwahe bumiyahe kami papunta sa simbahan at binaba kami sa tapat nito.
"Señorita, mukhang' di ako pwede ditto," sabi ni Simon sa akin at umatras siya. Oo nga pala, isa siyang aswang takot sila sa krus ng diyos maging sa presensiya nito, nabasa ko ito sa libro na pinadala ni Juanito sa aking tahanan.
"Ano bang mangyayari sa'yo kung papasok ka sa loob?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam dahil wala pang nakakapasok na kauri ko sa loob, pero sabi ng aking Ina nalulusaw daw ang isang aswang pag pumasok sila sa loob ng simbahan. Nasusunog o di kaya ay namamatay," sagot niya sa akin at napatingin siya sa krus at saka napalunod.
"Sayang gusto ko pa naman ipakita sayo ang lugar kung saan ako ikakasal," sagot ko sa kaniya.
'Gusto ko sana na madinig mo na nagpapasalamat ako sa Diyos dahil dumating ka sa akin," sunod kong sambit sa kaniya at saka ako namula.
"Ako rin naman nagpapasalamat sa kaniya, gusto ko rin naman na personal magpasalamat sa Diyos mo dahil binigay ka niya sa akin para baguhin ako nguni—" natigil si Simon sa pagsasalita.
"Ano bang ginagawa mo diyan, Selena? Pumasok ka na sa loob! Mauuna na ako pagkat magnonovena ako." sabi ni Mamma sa akin at tinaas niya ang abanico niya bilang tanda na naiinip na siya.
"Sige po Mamma, susunod na ako" sagot ko sa kaniya at binalik ko ang attensyon ko kay Simon
"Pangarap ng lahat ng babae na ikasal sa simbahan at magsuot ng magarang damit pangkasal" sabi ko sa kaniya, bumakas ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"At kayang tuparin ni Juanito ang pangarap mo dahil tao siya, dahil sa kaya ka niyang pakasalan sa loob ng simbahan. Di katulad ko na malulusaw sa harap mo pag pumasok ako sa loob," sabi niya sa akin.
"Bakit di mo subukan? Nagiging tao ka naman na Simon, madami ka ng nagawang mabuti, nakapagligtas ka na ng buhay. Bakit di mo subukan na pumasok sa loob para samahan ako," sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti ng mahina sa kaniya.
"Nagkakaugaling tao lang ako, pero aswang pa din ako at di iyon magbabago." sabi niya sa akin at saka siya tumingin sa aking mata nakita ko na namula ang kaniyang mga mata.
"Pero para sa akin isa ka ng tao na naawa at nagliligtas, isa kang tao na nagmamahal sa isang babae na takot sa kaya mong ibigay." sabi ko sa kaniya panandalian na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Maghihintay na lang ako ditto habang nag-iisip ng paraan kung paano ako magiging tao, aking Señorita!" sabi niya sa akin at muli siyang umatras. Ginulo ko ang kaniyang buhok, "Seryoso ka talaga sa kagustuhan mong maging tao?" tumango siya sa akin bilang sagot.
"Oo! Gusto kong maging karapat- dapat para sa iyong pagmamahal!" Simon, kahit 'di ka na maging tao ay karapat- dapat ka pa rin. Kung maari lang at kung pwede lang, sana tayo na lang.
"Sige, mauuna na ako sa loob," pumasok na ako sa simbahan upang magdasal habang nandoon ako. Blangko ang aking isip dahil sa 'di ko alam kung ano ang una kong ipagdadasal.
Ang una kong naisip na ipagdasal ay ang pagiging tao ni Simon. Gusto ko siyang makagawa ng mga bagay na ginagawa ng mga normal na tao, gusto ko siyang makasama sa loob ng simbahan sa di ko mawari na dahilan, dahil ba sa iniibig ko na rin siya? Lumuhod ako at saka ako huminga ng malalim.
"Panginoon, di ko alam kung tama ang aking nararamdaman. Kung tama ang umibig sa isang halimaw na katulad niya pero di ko kayang kalimutan ang nararamdaman ko. Gusto kong mawala ang takot na nararamdaman ko at maging matapang katulad ni Simon. Gusto ko maging kasing inosente niya at di isipin ang mga bagay bagay. Gusto kong mahalin siya at maramdaman ang pagmamahal niya, pero panginoon natatakot ako," dasal ko sa kaniya.
"Natatakot ako na di ko matanggap ang katotohanan tungkol sa kaniya, ano po bang gagawin ko? Gusto ko ng sundin ang t***k ng puso ko. Ang lalaking nasa labas ng simbahan ay mahal ko," dagdag ko pa, di mapigilan ng luha ko ang tumulo pakiramdam ko sobrang mali ang nararamdaman ko pero may kung ano sa aking utak ang nagsasabi na tama ito. Na tama ito dahil alam naman ng Diyos kung anong klase si Simon bilang isang tao. Alam naman niya na nagbago ito, na hindi isang halimaw si Simon kundi isang tao na nagmamahal din.
"AAHH!! AAHH! Mahirap naman ito!" nakarinig ako ng boses na parang nasasaktan tumingin ako sa likod at nakita ko si Simon na sinusubukang makapasok sa loob ng simbahan, pinapasok niya ang kaniyang kamay ngunit para itong napapaso, doon ko napagtanto na seryosong tunay si Simon sa nararamdaman niya sa akin at doon ko naramdaman sa unang beses, sa tala ng aking buhay na may isang tao na kayang magsakripisyo ng ganito para sa akin.
"Simon," tawag ko sa kaniya tumayo ako at naglakad muli palabas ng simbahan hanggang sa marating ko ang pwesto ni Simon hinawakan ko ang kamay niya na puno na ng paso. Tila ba nasunog ang kaniyang balat. Hindi ko alam na gano'n pala kagrabe ang mangyayari kapag ipipilit niyang pumasok sa simbahan.
"Sinusubukan ko na makapasok para mapagdasal na matanggap mo na ang pag-ibig ko sayo, para matupad ko ang pangarap mo na makasal sa loob ng simbahan." Sabi niya sa akin, napangiti ako ng marinig ko ito tumingin ako sa loob at nakita ko si Mamma na nagdadasal pa rin at abala sa kaniyang Novena at sunod kong tiningnan ang rebulto ni Hesus.
"Siguro dapat ko ng sundin ang tama tulad mo, Simon," sabi ko sa kaniya at saka ko tinuon ang tingin sa mga mata ni Simon.
"Ha?" yun ang nasagot niya sa akin mahina akong ngumiti dahil doon.
"Di mo naman kailangan gawin na pahirapan ang sarili mo kung di mo kaya," bulong ko sa kaniya at lumabas ako ng simbahan.
'Kung di mo kayang pumasok pwede mo naman akong pakasalan sa labas ng simbahan," sabi ko sa kaniya at saka ako tumawa ng mahina.
"Pwede ba kitang pakasalan sa labas ng simbahan?" tanong niya sa akin, tumango ako sa kaniya. Ngumiti siya ng malaki, hinawakan ko ang kaniyang pisngi. "May nais pa pala akong sabihin sa'yo habang 'di nakatingin si Mamma," giit ko sa kaniya.
"Ano 'yon aking, Señorita?" tanong n'ya sa akin.
Inilapit ang labi ko sa tainga niya. "Mahal din kita, Simon." mahina kong bulong sa kaniya nanlaki ang kaniyang mga mata ng madinig iyon, bahagya ding namula ang kaniyang mga pisngi at saka siya tumawa na puno ng saya.
'Mahal ako ni Selena, sa wakas ay inamin mo na rin" sabi niya sa akin at madalian akong yinakap ng mahigpit.
"Wag dito, baka may makakita na Prayle at baka makita tayo ni Mamma!" pagsuway ko sa kaniya.
"Teka lang, pasensiya sobrang saya ko. Mas masaya pa to sa pagkain ng puso ng tao para akong binigyan ng walang katapusang puso! Maari akong buhayin ng mga salitang 'yon, Selena!" masaya n'yang banggit sa akin na tila ba walang katapusan ang bunganga niya sa pagsasalita.
"Sobrang saya ko dahil Mahal mo din ako! dahil nadinig ko na ito galing sayo!" sabi niya sa akin at saka tumalon talon tumawa na lang ako sa mga ginagawa niya sa harap.
"Para kang bata kung kumilos ayusin mo nga ang sarili mo," sita ko sa kaniya pero isang sobrang kintab na ngiti lang ang sinukli niya sa akin.
"Mahal na mahal kita, aking señorita."
'Mahal din kita, aking Simon.'
Sinamahan ako ni Simon sa pagtitipon tulad ng utos ni Mamma at iyon ang naging dahilan upang makapagusap pa kaming dalawa at makapaghawakan ng kamay.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa aking damdamin na sa wakas ay naamin ko na, sobra akong natutuwa at nakita ko ang isang sobrang sayang ngiti na galing kay Simon na para bang wala siyang iniisip na kahit ano. Parang walang ibang bagay na importante kundi ang aking ginawang pagamin sa kaniya. Para sa kaniya iyon lang ang mahalaga, gusto kong maging katulad niya. Dahil sa isang tulad ko, iniisip ko na agad ang mga maaring mangyari. Ang pagkagaan ng damdamin ko ay sobrang panandalian lang pala, dahil ito na naman ako takot sa maaring maging hinaharap ng aming pagiibigan.