Ikapitong Tago

3207 Words
Ikapitong Tago SELENA ZARAGOZA "WAG KANG magpapakasal Selena, nakikiusap ako sa'yo. Dito ka na lang sa amin, malapit sa akin," para akong naestatwa ng madinig ko ang mga sinabi niya sa akin hinarap ko siya at nakita ko ang kaniyang mukha, ito ay nakikiusap sa akin na parang bata, parang nais niyang magmakaawa. "Simon," bulong ko sa kaniya. "Selena, nakikiusap ako wag mo na siyang pakasalan. Gagawin ko lahat nakikiusap lang ako, kung gusto mong wag na akong tumikim ng dugo o kaya kumain na lang ng gulay habang buhay. Kahit ano ay kakayanin ko. Pakiusap wag mo akong iwan," sabi niya sa akin tumingin ako sa kaniya at bumitaw sa yakap niya. "Simon, di ako pwede na bumitaw sa kasal dahil sa perpekto si Juanito. Siya ang lalaking karapat- rapat kong pakasalan. At ayokong masaktan si Papa kung aatras ako sa kasal na ito," sabi ko sa kaniya. "Di ko naman iiwan kayo basta basta, pwede pa rin naman tayong magkita, ikaw pa rin naman ang tagapagtanggol ko. Mahalaga ka pa rin sa akin kahit asawa ko na siya," sabi ko sa kaniya. "Pero ayoko na magpakasal ka as kaniya. Selena wag ka ng magpakasal" muli niyang inulit ang pakiusap na iyon sa akin "Hindi maari" sabi ko sa kaniya. "Diba tinatanong mo sa akin kung bakit di kita kinain dati? Kahit na sobrang dami na ng opportunidad ko upang gawin iyon?" tanong niya sa akin di ako nakapagsalita "Simon—" "Iniisip ko ang sagot doon, mula ng sumama ako sayo dito. Maging ang tanong ko sa sarili ko na kung bakit ako sumama sayo ay nasagot ko na rin, Selena. Alam kong mali, at alam kong ayaw mo naman din sa akin kasi alam kong takot ka sa akin at wala ka pa ring talagang tiwala sa akin. Ngunit kasi kahit na anong ulit ko sa pag-iisip ay ito ang dinidigta ng puso ko, Di lang to basta pagkauhaw sa dugo mo o pagkahumaling sa amoy mo..." "Simon, ano bang ibig sabihin mo?" tanong ko sa kaniya. Ang puso ko ay kumakabog ng sobrang lakas. Na tila ba may inaasahan itong marinig mula sa kaniya. Selena.. mahal kita" sabi niya sa akin para akong natulala sa mga sinabi niya sa akin. "Ako? Seryoso ka ba Simon?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ko hinihiling na mahalin mo ako dahil aswang ako at tao ka, ang hinihiling ko lang ay wag mo akong iwan. Gusto ko may naghihimay pa rin ng manok ko o kaya may malambing na gigising sa akin kada umaga. Gusto ko na andito ka lang sa tabi ko dahil ikaw ang nag-iisang tao na naniniwala sa akin kahit nakita mo na kung paano ako pumatay at manakit. Gusto ko nandito ka para maniwala na kaya kitang ipagtanggol. Selena, nakikiusap ako wag ka ng umalis," sabi niya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko.  'Nakikiusap ako, wag ka ng umalis," bulong niya sa akin at tumulo ang kaniyang luha. "Simon, di maari ang gusto mo. Hindi mo akong pwedeng mahalin," sabi ko sa kaniya. Natutuwa ako sa narinig ko sa kaniya. Gusto kong sumagot ng Oo, 'di na kita iiwan dahil gano'n din ako. Dahil... Pero bawal ang nais niya hindi maari dahil 'di siya tao at maari niya akong saktan. Oo masaya ako sa mga nadinig ko, na mahal niya ako pero ikakasal na ako at 'di ako pwedeng umurong sa isang bagay na magpapasaya sa aking ama. "Alam ko ng 'di mo ako magagawang mahalin pabalik ngunit... nakikiusap ako, wag mo lang akong iwan, nagmamakaawa ako sa'yo," sabi niya sa akin tumingin ako sa ulap at nakita kong makulimlim na. "Mas maiging pumasok na tayo sa loob ng bahay, Simon dahil mukhang uulan na," saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti paalis na sana ako ng humarang siya sa dadaanan ko ginamit niya ang bilis niya, muli niya akong kinulong sa kaniyang yakap. 'Di mo pa ako sinasagot, di ka na ba aalis?" tanong niya sa akin. Di ako nakasagot sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang ulo niya sa leeg ko at ang paghigpit ng kamay niya sa aking beywang. "Simon," tawag ko sa kaniya pinaharap niya ako sa kaniya at nakatingin siya diretcho sa aking mga mata at walang ano pang salita ay dinampi niya ang labi niya sa akin. Napakalambot ng labi niya para sa isang aswang kung tutuusin. Imbes na pumalag agad ay sinagot ko ang halik niya. Ayokong magising sa pagkakataong ito pero kailangan kong pigilan ito. Agad ko siyang tinulak at nasampal ko siya ng malakas. 'Lapastangan!" sigaw ko sa kaniya, napahawak siya sa kaniyang pisngi na namumula na ngayon.  "Patawad po Señorita" sabi niya sa akin at agad siyang yumuko. Dali dali naman akong tumakbo pabalik sa aking kwarto at nahiga sa kama, 'di ko mapigilan ang pag-init ng aking pisngi. Para akong nagsisisi sa ginawa ko, gusto ko siyang halikan pa, gusto ko siyang makasama ngunit... Ang kasal, 'di ako maaring umatras doon at alam kong 'di magugustuhan ni Papa kung si Simon ang makakatuluyan ko. Nahawakan ko na lang ang labi ko, "Hinalikan niya ako," yun na lang ang nabulong ko sa sarili ko. Nung nagtapat siya ng pag-ibig sa akin ay tumalon ang aking puso. Pakiramdam ko lalabas ang puso mula sa aking balat, ngunit ang galak ay napalitan ng takot di ko din alam kung bakit ganon ang naramdaman ko. Tulad ng hiling niya sa akin, ayoko na rin na umalis pero alam ko sa sarili ko na ang kasal na iyon ay impossible ng mapigilan ganon din ang pag-alis ko sa tahanan na ito. Nakiusap siya sa akin na huwag akong lumisan, sinabi niya na iniibig niya ako, sinabi niya ang dahilan kung bakit di niya ako masaktan. Sinabi niya sa akin na gusto niyang maging tagapagtanggol ko habang buhay. Bawat salita na lumalabas galing sa kaniyang labi ay nagbigay sa akin ng galak pero tinanggihan ko ito maging ang pagmamahal niya ay 'di ko tinanggap kahit gustong- gusto ko na maranasan ito. Ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi. Isang bagay na di ko makakalimutan kailanman sa aking alaala, pinaramdam niya na mahal niya ako pero tinanggihan ko ito dala ng aking takot. Ginusto ko na kalimutan ang espesiyal na regalo gawa ng kaniyang pagmamahal. Takot sa lahat ng mga naisip kong pwedeng mangyari pag tinanggap ko ang kaniyang pag-ibig. Di ko nasuklian nung mga oras na iyon ang pag-ibig niya. Sinaktan ko siya, at alam ko na higit pa ang sakit ng sampal ko ang naramdaman na kirot ng puso niya ng tanggihan ko ang nagiisang bagay na kaya niyang ibigay sa akin. Ang pag-ibig ni Simon ay puro at inosente, ang pag-ibig niya at para lang sa akin. Ngunit tinanggihan koi to, at alam kong nasaktan siya. Alam kong sinaktan ko siya kahit handa siyang manatili na lang sa tabi ko. Natakot ako, hindi sa pagiging aswang niya kung 'di sa maaring lumaban sa pagmamahalan na maaring mabuo. Nakakatakot ang buong mundo, mas nakakatakot pa ito kesa sa mga aswang. Lumipas pa ang ilan mga araw, iniwasan ko si Simon dahil sa nangyaring halik sa pagitan naming. Pakiramdam ko ay di na ako kagalang galang na babae dahil doon, nahalikan ako ng isang aswang, ng isang taong di ko mapapangasawa at hindi ko din makakapagkatiwalaan. "Señorita, maari ka bang makausap tungkol sa nangyari ng isang araw?" tanong sa akin ni Simon. Napalingon ako sa kaniya. "Kakalimutan ko ang nangyari Simon, at nais kong ipaalam sayo na di ako natuwa sa ginawa mo" sabi ko sa kaniya. "Naiintindihan kop o, Señorita" sabi niya sa akin at tinangka na naman niya akong buhatin "wag mo akong hahawakan" saad ko sa kaniya at bahagya akong lumayo sa kaniya. "Simon, alamin mo ang lagay mo sa pamamahay na ito, isa akong desente at kagalang galang na babae. Kinupkop kita dahil sa niligtas mo ako at hanggang doon na lang iyon. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin dahil kung makaabala ka sa pagmamahalan namin ni Juanito. Hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka sa tahanan ko," sabi ko sa kaniya "Kalimutan? Paano kung di ko magawa ang inuutos niyo? Yung halik na binigay ko, yun na lang ang naiisip kong paraan para maniwala ka sa pagmamahal ko at wala na akong ibang alam para mapatunayan iyon señorita, Patawad kung 'di mo nagustuhan ang aking ginawa ngunit di ko ito pinagsisisihan," giit n'ya sa akin. Pero para akong bingi na di pinansin ang dahilan niya, para sa akin ang halik ay sobrang sagradong bagay. Para sa akin, ito ay dapat binibigay lang sa taong mahal mo at mahal ka rin. Hindi ko magagawang suklian ang pagmamahal niya ng buong puso. "Kung di mo magawa ang inuutos ko, mas mabuti na lisanin mo na lang ang tahanan ko," sabi ko sa kaniya at saka ako bumuntong hininga. "Masusunod po, Señorita Selen,a" saad niya sa akin, napaikit ako lilinungin ko pa sana siya pero nawala na si Simon. *** MAS LALO kaming dalawa na hindi nagpansinan ni Simon, tinuon ko ang attensyon ko kay Juanito na madalas dumadalaw para dalhan ako ng mga libro at mga babasahin, nagpakuha kasi ako sa kaniya ng mga alamat ng mga kakaibang nilalang na nakikita dito sa Pilipinas. Si Simon naman ay madalas sa may kulungan ng kabayo para linisin ito o kaya paamuhin ang mga kabayo. Minsan kapag wala akong ginagawa ay naiisip ko, nasaktan ko ba si Simon ng labis? Nasobrahan ba ako sa pagsabi ng kalimutan na lang niya ang nararamdaman niya sa akin? Masiyado bang matabil ang dila ko? Nung hinalikan niya ako ay di naman ako nagalit, nakita ko lang kasi na mali iyon at di pwede pero wala naman akong naramdaman na masama tungkol doon. Hindi ko din alam sa sarili ko ang dapat kong maramadaman. Mas nanaig ang takot kesa sa pag-ibig. "Señorita" tinigil ko ang pagdungaw sa Azotea at nilingon ang nagsalita, sigurado ako na si Simon iyon. "Ano iyon, Simon?" tanong ko sa kaniya mahina siyang ngumiti sa akin. 'Nais ko sana na magpasalamat sa pagtanggap mo sa akin, Señorita," saad niya. "Di mo kailangan na magpasalamat, niligtas mo ako at ito lang ang maari kong gawin para sa'yo," sabi ko sa kaniya at mahina akong ngumiti sa kaniya. "Maraming salamat pa din, Selena," sabi niya sa akin ngumiti ako sa kaniya at saka tumingin sa loob ng kwarto ko. "Maliligo na ako, bumaba ka na at tulungan si Rita na maghanda ng pagkain. Nais ko ng magtanghalian," utos ko sa kaniya at saka ako muling pumasok sa kwarto. Naiwan naman si Simon sa Azotea at tumalon mula doon para makababa. Hindi pa rin niya maiwasan na gamitin ang kaniyang lakas bilang isang aswang. Aswang siya, yun ang pagkatao niya siguro isang bagay na iyon na hindi ko mababago para sa kaniya. *** PAGSAPIT ng umaga ay nagising ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Nena ng panglalan ko. Sumisigaw ito na tila ba gulat na gulat siya. "Señorita! Señorita!!" sigaw niya at palapit ng palapit ang kaniyang boses sa akin. "Ano'ng nangyayari, Nena?" tanong ko sa kaniya at saka ako bumangon, malamig ngayon. Buong gabi ay umulan marahil siguro ay may bagyo kaya ganon pa din kasi ang lakas ng ulan. Humihingal si Nena na umakyat sa aking kama. "Senorita, umalis na po Simon!" nagmamadaling sumbong sa akin ni Nena. "Ano? Umalis si Simom?!" malakas kong tanong sa kaniya. 'Opo, pumunta po ang inay sa kaniyang kwarto upang gisingin siya ngunit wala na siya doon. Iniwan niya ang damit niya at ang ilan pa niyang gamit, Señorita. Hindi po namin alam kung nasaan siya," sabi niya sa akin. "Nakasisigurado ba kayo? Dios Mio! Hinanap n'yo na ba siya sa buong bahay at sa mga karatig pang bahay?" tanong ko sa kanila at na ako ng kama. Hinanap ko ang aking bakya at sinuot 'yon. 'Opo, Señorita, wala po talaga si Simon doon!" sabi niya sa akin. Saan ka naman nagpunta? Alam mo naman na mapanganib ang lumabas para sayo dahil baka balikan ka ng mga kasamahan mong aswang. "Magpatawag kayo ng mga kawal, ipahanap nyo si Simon. Sabihin mo din sa Nanay mo iahnda ang kabayo ko," utos ko sa bata. "Opo, Señorita!" tumakbo palabas si Nena kaya naman agad akong nagbihis ng kumportableng damit, kailangan kong mahanap si Simon. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang malakas na hangin. Mas lalo akong kinabahan para sa kaniya. Diyos ko! Ito ba ang dahilan kung bakit siya nagpapasalamat sa akin kagabi? "Rita! Ang kabayo ko!" sigaw ko habang nagtatakbo ako papunta sa salas naming. 'Señorita, umuulan po at di maganda na lumabas kayo dahil baka magkasakit po kayo!" sabat ni Rita sa akin. "Kung umalis na si Simon ay hayaan na lang natin siya," dagdag pa niya. "Buhay ni Simon ang sinugal niya para sa akin at hindi pwede na basta basta kong hayaan na lumabas siya lalo na nasa panganib din ang buhay niya dahil sa pagligtas niya sa akin." sabi ko sa kaniya. Grabe ang kaba na nararamdaman ko ngayon. "Ihanda mo na ang kabayo ko, ngayon din!" saad ko sa kanya. Nung malaman kong nawawala si Simon ng mga oras na iyon, natakot ako ng sobra, nagaalala naisip ko kung ano ang mga maaring mangyari sa kaniya. Alam ko na malakas naman si Simon at kaya niya ang sarili niya pero tulad nga ng sabi ko ayoko na mawala si Simon sa tabi ko. Paano kung sa pagalis niyang ito ay makita siya ng mga aswang na katribo niya? Nang mga kauri niya? Paano kung patayin siya ng mga ito? Iyon ang mga bagay na kinakatakot ko nung mga oras na iyon. Pinagpasiyahan ko na lusungin ang malakas na bagyo kasama ang aking kabayo para mahanap siya. Gusto kong humingi ng patawad sa kaniya kung nasaktan ko man siya at sa unang beses para akong sinampal ng katotohanan. Ang katotohanan na paulit ulit na sinasabi sa akin ngunit di ko pinapakinggan. Mali, natatakot akong pakinggan, na di lang basta tagapagtanggol ang tingin ko kay Simon. Ang tunay na dahilan kung bakit di ko malimutan ang halik niya at dahil iyon sa katotohanan na, Mahal ko rin pala si Simon. Mahal ko na siya gaya ng pagmamahal niya sa akin hindi, mahal ko siya higit pa sa kahit na anong bagay. Wala na akong pakialam kung maulanan man ako o kung magkasakit man ako, ang kailangan kong gawin ay mahanap ang tagapagtanggol ko. "Hiyaah!" sigaw ko sa kabayo para tumakbo ito. Sobrang maulan at iilan lang ang tao sa labas. "Manong, nakita n'yo ho ba si Simon?" tanong ko sa isang Chino na naglalakad sa daan "Simon? Senorita, Hindi po. Wala ako nakita gwapo singkit," sagot niya sa akin. "Sige salamat!" at tinuloy ko na ang paglalakbay halos malibot ko na ang buong bayan namin pero di ko siya makita. Di kaya bumalik na siya sa gubat? Ngunit mamatay siya kung gagawin niya iyon. Di siyang maaring mamatay, mahalaga sa akin si Simon. Oo napagsalitaan ko siya at nasaktan dahil sa kapangahasan niya pero--- Hindi pwede na mawala siya sa tabi ko, Siya lang ang may kayang magprotekta sa akin at mapasaya ako ng lubos. Inaamin ko nagkaroon ng kahulugan ang mga araw ko ng dumating si Simon sa akin. Nagkaroon ako ng dahilan para bigyan ng kahulugan ang buhay ko. Si Simon na naging anghel ko, "Simon! Magpakita ka na!! Umuulan baka magkasakit ka Simon!" sigaw ko sa gitna ng daan, wala ng tao at sunod sunod na ang kidlat na naririnig ko. "SIMON!" sigaw ko ulit, halos maiyak na ako sa paghahanap sa kaniya. BOOGSH!! Isang malakas na kidlat tumama sa harap ko dahilan para magulat ang kabayo ko. "HO!! HO!!! Wag kang magugulat kailangan nating mahanap si Simon!" sabi ko sa kabayo pinatakbo ko pa ulit ito at naghanap pa, hanggang sa marating ko ang kalye na puro talahib ang nasa paligid. Kung saan nangyari ang lahat, ang pagkamatay ng mga kawal at ni Mario. "Simon!" sigaw ko sa paligid. "Wala akong pakialam kung may aswang na makarinig sa akin! Pero di ako titigil kakasigaw hanggang sa di pa kita nakikita!" sigaw ko muli. Pinalakad ko ang kabayo 'Doon! May lalaki doon" bulong ko sa kabayo dahil may nakita akong lalaki na nakaupo sa gilid ng daan para namang nakita din ng kabayo ang nakita ko at agad nitong nilapitan ang lalaki. "Simon? Ikaw ba iyan Simon?" tanong ko sa lalaking iyon huminto ang kabayo ko sa harap nung lalaki at bumaba ako. Nasasabik ako, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang yapusin... "Simon!" tawag ko sa kaniya inangat niya ang mukha niya at nakita ko na si Simon nga iyon. "Ano bang naisip mo at lumayas ka ha? Pinag-alala mo ako Simon!" sigaw ko sa kaniya. Sininghalan ko na siya kahit nasa gitna kami ng ulan sa gitna ng maputik na daan. "Kasi di ko kaya na kalimutan ang nararamdaman ko sa'yo, sinusubukan ko sa bawat araw pero nahihirapan ako. Natatakot ako na sa araw araw na nakikita kita ay mas lalo akong nahuhulog sayo." Sabi niya sa akin. Agad ko s'yang yinakap ng mahigpit ng dahil doon, hindi ko napigilan ang sarili ko at naiyak na ako habang yakap- yakap siya. "Simon, di pa rin maganda ang naisip mo paano kung mapahamak ka?" tanong ko sa kaniya. "Ikaw dapat ang di lumabas, Señorita. Umuulan at wala kang lakas, Maari kang atakehin ng mga kauri ko. Di ka na dapat mag-alala sa akin at sana hinayaan mo na lang akong umalis. Mas nanaisin ko na umalis na lang kesa ang masaktan sa katotohanan na 'di kita kayang limutin," sabi niya sa akin hinawakan ko ang kamay niya. "Ano bang naiisip mo?" tanong ko sa kaniya. "Nadala lang ako ng emosyon ko kaya ko nasabi ang mga iyon. Simon, ayoko na umalis ka sa tabi ko dahil ikaw ang anghel ko," sabi ko sa kaniya. "Ayoko na mawala ka kasi sayo lang ako nagiging masaya," dagdag ko muli sa kaniya. "Halika na, umuwi na tayo Simon.. Lumalakas na ang bagyo at may mga puno na nagtutumbahan baka mapahamak ka" sabi ko sa kaniya at hinila siya. Kailangan na naming umalis rito dahil baka malaman ng mga aswang na nandito siya. Ayokong mapahamak si Simon, ayokong masaktan siya. "Sandali lang, masaya? Nagiging masaya ka dahil sa akin?" tanong niya sa akin muli ko siyang hinarap. "Simon, nung sinabi mong mahal mo ako natuwa ako, pakiramdam ko isa akong batang nabigyan ng polvoron ng aking Ama pero natakot ako kasi di tayo magkaparehas at di ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi mo sa akin tapos nasaktan kita ng dahil sa takot kong iyon" saad ko sa kaniya. "Nung dinampi mo ang labi mo sa akin, para akong lumipad sa ulap pero mali iyon, mali ang mahalin mo ako at mahalin din kita. Patawad Simon, pero kahit na ayokong mawala ka sa akin ay di ko kaya na tanggapin ang pagibig na kaya mong ibigay," sabi ko sa kaniya. "Ayoko lang na maging kumplikado ang lahat para sa ating dalawa, ang gusto ko ganito lang tayo naiintindihan mo naman diba?" tanong ko sa kaniya "Di ko alam kung ano ang pagmamahal, Señorita. Ngunit ang alam ko lang mahal na kita at alam ko na pag mahal mo ang isang tao kahit na gaano pa ito kamali o magkaibang-kaiba ay makakagawa ka ng paraan para maging tama ito." Giit n'ya sa akin. "Simon..." "Señorita, Paano kung maging tao ako? Hahayaan mo na ba ang nararamdaman mo sa akin?" tanong sa akin ni Simon. Nahinto ako at napaisip sa mga sinabi niya sa akin. Possible ba sa isang aswang na maging tao sila? "Hahayaan mo na ba maging pagmamahal iyang kasiyahan mo?" tanong niya muli sa akin. "Simon, tara na hinahanap na tayo sa aking tahanan" yun na lamang ang nasabi ko sa kaniya at sumakay na ako sa kabayo ko. sƌ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD