Ika-anim na Tagpo

2080 Words
Ika-anim na Tagpo "SEÑORITA, magbihis na po kayo," sabi sa akin ni Rita dala ang aking damit. Isa iyong magandang bestida na uso sa España ngayon. Dala din n'ya ang mga alahas na gagamitin ko. "Sige, magbibihis na ako Rita. Ilapag mo na lang ang mga 'yan diyan," sabi ko sa kaniya at pumasok ako muli ng kwarto upang magbihis. Habang nagbibihis ako ay 'di ko maalis sa akin ang imahe ni Simon. "Ano ba, Selena. Ano ba ang mga pinag-iisip mo ngayon! Mag hulus dili ka! Dadating na ang mapapangasawa mo. Gwapo, mayaman, mabait at respetado siya. Siya ang dapat na iniisip mo!" suway ko sa sarili ko, pero wala pang ilang Segundo ay bumalik sa ala-ala ko ang mga tapgo na buhat niya ako. Maging ang tagpo noong una ko siyang nakilala. Hindi naglaon dumating na ang mga magulang ni Juanito at siya din, si Ginoong Rafael Delgado at Ginang Gabriela Delgado, napangiti ako nang makita ko sila Unang beses ko pa lang sila na makikita kaya sinigurado kong maganda ako at matutuwa sila sa akin. Naroon din si Juanito na nakapako ang mga mata sa akin. Ngumiti din ako sa kaniya na siya namang kinapula ng mga pisngi niya. Napaswerte ko na kasi dahil kahit bastarda ako ay naguistuhan nilang ipakasal ako sa kanilang anak. "Magandang araw po, mabuti at nakarating kayo ng ligtas ditto sa aking tahanan," sabi ko sa kaniya. "Magandang araw din Selena, Kay ganda mo pala talagang bata. Tama si Juanito sa kaniyang mga deskripsyon ukol sa'yo," sabi sa akin ni Ginang Gabriela Ngumiti ako, 'di ko mapigilan ang mapangiti dahil sa mga papuri niya sa akin. "Maraming salamat po, nakahanda na po ang tanghalian natin kaya maari na tayong kumain. Mamayang ala una pa po ang dating ng aking Papa at humihingi siya ng paunmanhin dahil doon," sabi ko sa kanila. "Kay ganda mo ngayon Selena, nasasabi ko na sobrang swerte ko at ikaw ang makakadaupang palad ko," sabi sa akin ni Juanito namula ako dahil doon at natakpan ng abanico ang aking mukha. "Maraming salamat sa iyong papuri, pero 'di ko kailangan ng iyong mga bola Juanito. Ang gusto ko ay ang patunay na mamahalin mo nga ako," sagot ko sa kaniya. "Handa akong sungkitin ang bituin para sa'yo," sagot niya sa akin at kinuha niya ang aking kamay para halikan namula muli ako dahil doon. "Puro ka biro, Juanito. Pero kung sakaling gagawin mo nga 'yon, ang nais ko ay ang pinakamakinang na bitwin," sabi ko sa kaniya. "Masusunod aking sinisinta," giit niya sa akin. "Binobola ka lang tapos tuwang- tuwa ka na," nakadinig ako ng bulong sa gilid kaya naman tumingin ako. Nakita ko si Simon na bulong ng bulong kay Nena doon na tila ba nagsusumbong ito. Masama ko siyang tiningnan kaya naman binuhat niya si Nena at mas nagtago sila sa gilid. "Ang mga batang ito! Aba! Kumain muna tayo at ng makapagkwentuhan na tayo. Saka na kayo maglambingan dahil baka makalimutan n'yo kami rito," natatawang sambit ni Ginoong Rafael sa akin. Habang kumakain kami masaya kaming nagkekwentuhang apat. Mula sa mga hilig, mga karanasan at mga pinagkakaabalahan ko ay inalam nila. Kinuwento din nila sa akin ang mga Logros (achievement) ni Juanito. Isang dakilang heneral at isang mapagmahal na anak. Alam nga ni Papa ang lalaking nararapat para as akin. "Balita ko ay may kinupkop kang Indio na naligtas sa'yo." tanong sa akin ni Ginang Gabriela. "Di po siya basta basta Indio, siya po ang nagligtas sa akin kaya di ko naman po siyang tinuturing na alipin o ano pa man. Para sa akin isa siyang pamilya sa aking tahanan," giit niya sa akin. "Mabait kang bata Selena, kung sana may ganiyang kabaitan si Victoria. Dahil mukhang 'di mo sa kaniya nakuha ang kabutihan ng iyong puso," sabi niya muli sa akin. "Baka marinig ka ni Victoria!" suway naman ni Ginoong Rafael sa asawa niya at nagtawanan kami saka ko nakita si Simon na nanonood sa amin mula sa isang gilid. Ang talim ng titig niya sa amin ni Juanito. "Ah. Simon! Simon! Halika rito, ipapakilala kita sa magiging suegra (Mother – in- Law) ko." sabi ko kay Simon, lumapit siya sa akin ng dahan dahan na parang isa s'yang bata na kailangan ko pang hilain para mapabilis ko ang pagpunta niya sa akin. Kung kumilos siya minsan para hindi siya aswang. Tumayo ako at hinila ang kaniyang kamay, "Ang bagal mo ring kumilos minsan, Simon." Giit ko sa kaniya at saka ako mahinang tumawa. "Ito po ang nagligtas sa akin. Siya po si Simon," pagpapakilala ko sa kaniya. "Siya po ang anghel ko," sabi ko muli sa kanila at saka ako tumingin kay Simon. "Mukha siyang hindi isang indio, Selena. Wala ka bang lahing meztiso?" tanong sa kaniya ni Ginoong Rafael. "Isa po akong... indio... lumaki ako sa bundok," sagot n'ya habang nauutal pa. Ngumiti sa kaniya ang magiging byenan ko. "Maraming Salamat sa pagliligtas mo sa aming magiging anak na si Selena. Nang dahil sa'yo ay nandito pa rin ang napakagandang mapapangasawa ng anak ko, "giit sa kaniya ni Ginang Gabriela. "Wa- walang anu.. anu-man!" sagot n'ya rito at saka siya tumingin sa akin at sa kamay naming na magkahawak pa rin hanggang ngayon. "Se – senorita, ang kamay mo... pinapabilis ang t***k ng... puso ko," mahina niyang bulong sa akin. "Ano bang masama sa paghawak ko sayo?" tanong ko pabalik sa kaniya pero nagtatakbo lang siya paalis sa aking tabi at papasok sa kusina. Matapos ang tanghalian ay dumating nasi Papa at ang asawa niya na si Señora Victoria. Hindi pa nga ako pinansin ni Mamma at inirapan, sa halip ay dumiretsa siya sa Nanay ni Juanito at nagkwentuhan agad sila. Ang Papa naman ay sinabihan si Juanito na magsarili muna kami upang magkakilala pa kaya naiwan kami ni Juanito sa may Azotea para magpahangin at mag-usap. "Akala ko ay di mo magugustuhan na magpakasal sa akin Selena" sabi niya sa akin 'bakit naman hindi? Mabait ka, desente, may respeto, matalino at matapang. Kaibig ibig ang mga katangian mo at di mahirap matutunan na mahalin," sabi ko sa kaniya. "Hindi na ako makapaghintay na maging isa na tayo sa harap ng diyos. Hindi mo alam kung paano mo ako napaibig sa mga ganyang salita mo," dagdag pa niya sa akin. Kinuha n'ya ang kamay ko at muling hinalikan ito. Agad kong inalis ang aking kamay at saka mahinang tumawa. "Nais mong mamasiyal sa Jardin?" tanong ko sa kaniya. "Kung ano ang nais ng aking magandang Señorita ay gagawin ko," sabi niya sa akin bumaba kami mula sa Azotea para makapunta sa jardin nakita ko si Simon na naghihintay sa may hagdanan. Prente itong nakatayo na tila ba may hinihintay siya. "Oh Simon, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, mahina siyang ngumiti sa akin. 'Nadinig ko na bababa ka, gusto kong buhatin ka para di ka na maglakad pa." saad niya sa akin, namula ang pisngi ko sa kaniyang sinabi. Sa totoo nga n'yan kada bababa ako ng jardin ay binubuhat niya ako ngunit ngayon tila ba may ibang epekto ang sinabi niya sa akin. Bago pa man ako makasagot ay binuhat na niya ako, napatili ako sa gulat pero agad akong natahimik ng tinitigan ko siya. 'Bitawan mo ang Señorita!" suway ni Juanito sa kaniya nagkatinginan silang dalawa ni Simon. Lumabas ang matatalim na tingin ni Simon kay Juanito. "Pagsisilbihan ko lang ang Señorita" yun ang sinagot ni Simon sa kaniya. "Ang asawa ko ang binabastos mo!" sigaw nito kay Simon. "Hindi mo pa siya asawa at 'di ko din siya binabastos," sagot n'ya rito. "Hayaan mo lang siya Juanito, lagi niyang ginagawa ito sa akin," saad ko sa kaniya. "Ang ibig sabihin ay lagi kang nagpapabuhat sa isang alipin?!" tanong sa akin ni Juanito. "Di ko nakikita na masama ang ginagawa ni Simon, sa halip nagiging mas ligtas ako sa mapanlinlang na hagdanan," wala sa wisyo kong sagot sa kaniya, nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha. Maging ako ay nagulat sa aking sinagot. Binuhat ako ni Simon hanggang sa makababa ng hagdanan at muli siyang umakyat sa itaas matapos nun. Di ako makapag-isip ng maayos habang kasama ko na naglalakad si Juanito. Hindi ko alam pero mas nagiging kakaiba ang nararamdaman ko kay Simon parang 'di na ito normal kung tutuusin. At hindi na rin normal ang pataliman ng titig ni Juanito at Simon. *** LUMIPAS ang dalawang buwan nang hindi ko namamalayan. Naging abala ang lahat sa pagaayos ng kasal namin ni Juanito na tinakda na maganap sa pagpasok ng Mayo. Naging mas malapit kami ni Juanito pero di ko matatanggi na mas nagiging malapit ako kay Simon. Marami na siyang natutunan tungkol sa buhay ng tao at nagiging masaya na rin siya sa pamilya na meron kami dito sa aking tahanan, madalas siyang nakikipaglaro kay Nene at Nena. Pag nakikita ko iyon, nawawala sa isip ko na isa siyang halimaw, nakikita ko na unti unti nagiging tao na siya. Di man sa kaniyang katawan kundi sa kaniya bagong paguugali, nakikita ko din na malaki ang pagkakataon na maging mabuting asawa siya at ama sa kaniyang mga anak. Paano kaya kung siya ang maging ama ng mga magiging anak ko? Agad kong nasampal ang sarili ko sa aking iniisip. "Simon dapat matutunan mo ng maghimay ng manok dahil 'di yan habang buhay gagawin ni Señorita para sa'yo. Pag nagpakasal na siya doon na siya titira kay Señorito Juanito, pag kinasal na siya wala ng magbabalat ng Manok mo tapos wala ng magtuturo sa aking magsulat," nadinig kong saad ni Nena kay Simon. Sumilip ako at nakita ko si Simon na tinititigan lang ang pinggan niya. Si Nena naman ay halos paiyak na, hindi tumutulo na ang luha ng bata pero nagluluha na ang mga ito. Di ko rin maiwasan ang malungkot pag naiisip ko na matapos ang kasal ay lilipat na ako sa Hacienda nila Juanito para gumawa ng pamilya kasama siya at ang mga kasama ko dito sa aking tahanan ay magiging tagabantay na lamang ng bahay na ito. "Ayokong umalis si Señorita kaya 'di ako mag-aaral maghimay ng manok para 'di siya umalis," bulong ni Simon. Mahina iyon pero dinig na dinig ko na parang binulong lang niya sa aking tainga. Namula ako dahil sa mga narinig kom "Ano bang nangyayari sa'yo Selena? Bakit parang kakaiba ang nararamdaman mo sa mga salitang iyon?" bulong ko sa sarili ko bumuntong hininga ako at saka naglakad palapit kay Nena. "Hindi naman ibig sabihin na ikakasal ako ay di na kita matuturuan na magsulat. Maari kang dumalaw sa bahay naming ni Juanito at tuturuan kita!" sabi ko sa bata ng makarating ako sa hapag kainan. Nagsimula na siyang umiyak ng malakas, "Señorita, wag ka ng magpakasal!" sabi niya sa akin "Dios Mio! Nena pigilan mo nga ang bunganga mo, wag kang magsabi ng ganiyan kay Señorita! Nakakahiya kang bata ka," sita naman ni Rita sa kaniya. 'Hayaan mo lang siya, Rita. Normal lang sa bata ang malungkot dahil sa balitang ikakasal na ako," sabi ko sa kaniya. "Halika ka dito, kumandong ka sa akin, Nena." saad ko kay Nena tumingin siya sa akin at agad siyang tumayo at umupo sa akin kumuha ako ng pamunas at pinunasan ang sipon niya. "Magpapakasal lang ako, pero di ibig sabihin no'n ay magkakalayo na tayo," sabi ko sa kaniya. "Pero magkakaanak ka na matapos, at malayo ang bahay ni Heneral Juanito!" sabi niya sa akin. "Di ko din naman gusto ang umalis, Nena. Ayokong iwanan kayo dito ngunit kailangan kong magpakasal para sa aking ama. Para hindi na siya patuloy na mag alala sa akin dahil sa nagkakaroon na ako ng edad. H'wag kang magaalala dadalaw ako sayo, sa inyo nila Simon para makipaglaro muli" sabi ko sa bata at hinalikan siya sa pisngi niya. "Kumain ka na," sabi ko sa kaniya tumayo naman ako para bigyan si Simon ng manok at ipaghimay siya.  Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon, "Bakit? May problema ka bang kinikimkim ha? Bakit parang malungkot ka?" tanong ko sa kaniya pero di siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. Nang sumapit ang hapon napagpasiyahan kong mamasiyal sa jardin para libang ang aking sarili. Kakatapos ko ring kasi na magdasal kaya dumito muna ako upang itayo ang tuhod kong nangawit kakaluhod. "Selena," nadinig ko ang isang pamilyar na boses naging dahilan iyon para lumingon ako. Nakita ko si Simon na nakatingin sa akin. Nakatayo siya sa harap ko. "Anong ginagawa mo dito Simon?" tanong ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin dahan dahan at saka niya ako yinakap ng mahigpit "Selena" muli niyang saad sa akin sa seryosong boses.  "Anong balak mong gawin sa akin?" tanong ko kay Simon. Kinakabahan ako sa higpit ng yakap niya sa akin. "Simon, ang higpit ng yakap mo..." giit ko sa kaniya pero mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Ngunit kahit mahigpit ito ay nadadama ko ang sarap ng yakap n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD