Ika labing apat na Tagpo

1839 Words
Ika labing apat na Tagpo SIMON "AH! AH!" sunod sunod na sigaw ang aking nagawa dahil sa mahapdi na pagpalo sa aking likod. Ang mga sugat ko ay nagkapatong patong na, anim na araw na rin ako andito sa loob ng kulungan at wala akong magawa kundi ang tingnan ang rosaryo na natanggal mula sa aking leeg. Kinalumutan mo na ba talaga ang pagmamahal ko Selena? Ikaw ang dahilan kung bakit pinipilit kong hindi bumigay sa mga palo at suntok sa akin ngunit, tama pa ba ang aking paglaban? Tama pa bang ipaglaban ko ang nararamdaman ko sa'yo? "Aamin ka ba?!" tanong ng gwardya sibil sa akin. "Si Selena, gusto ko siyang makita." bulong ko ngunit narinig ko ang pagtawa nila sa aking sinabi. Na tila ba isang biro ang kagustuhan kong makita ang babaeng minamahal ko ng lubos. "Ngayon na ang kasal niya kay Heneral Juanito kaya huwag ka ng umasa aswang!" sigaw niya sa akin kasunod nun ay ang muli niyang hampas sa kin. Kasal, naniniwala ako na dadating ka dito upang sunduin ako. Mahal ko, naniniwala ako na ang pagmamahal mo naman ngayon ang magliligtas sa akin. Pakiusap, dumating ka na sa aking piling. Hindi ako maniniwala sa kanilang mga kasinungalingan. Pipiliin kong maniwala sa'yo. Ilang hampas pa ang ginawa niya sa akin, sa tingin ko ay lumagpas na ito sa isang daan. Sobrang sakit at manhid na ang aking katawan. Sa tingin ko din ay mamatay na ako dahil sa epekto ng buntot ng paging sa akin. Maging ang aking mga balat ay sunog na dahil sa Agua Bendita na binubuhos sa akin upang pahirapan ako. "Halimaw! Halimaw! Ang dami mo nang pinatay!" sigaw- sigaw niya habang pinapahirapan niya ako. "Oo may mga pinatay ako, pero matagal na akong huminto sa pagkain ng tao. Hindi ako ang pumapatay sa mga taga- San Ruiz. Nakikiusap ako pakawalan mo na ako at nang makita ko na si Selena," nanghihina kong bulong sa kaniya. "Hindi! Pinatay ng mga kauri mo ang pumatay aking kapatid kaya ito din ang gagawin ko sayo!" sigaw niya at pinalo na naman niya ako. Sobra na ang aking panghihina na narararamdaman. Tanging ang imahe lang ni Selena ang nagbabalik ng aking lakas. Ang mga ngiti niya, ang mga mata niya, ang boses niya. Sa t'wing naalala ko ang mga 'yon ay nagkakaroon ako ng kakaibang lakas. "Teñente! Teñente!" may isang gwardya sibil na pumasok sa kwarto kung saan ang aking pinaglalagyan. "Anong problema at napatakbo ka rito?" tanong ng nagpapahirap sa akin at pangsamantalang binaba ang buntot ng paging, "May mga grupo ng aswang na nasa loob ng ating tanggapan at pinapatay ang iba pang mga kawal!" sigaw ng gwardya sibil. Mga aswang? Andito sila Lira at ang iba pang mga aswang, anong ginagawa nila dito? Kukunin ba nila ako? Baka maari kong mahingi ang tulong nila upang matigil ang kasal ni Selena. Baka maari kong mahingi ang tulong nila upang makuha ang aking mahal. "Aba ang putang aswang na ito ay nagtawag pa ng kakampi!" sigaw ng Gwardya Sibil at saka niya inilabas ang kaniyang rebolber. BANG! Pinaputukan niya ako ng isang beses at tumama ang bala nito sa aking tiyan. "AAAH!!" daing ko sa kanila. "Akala mo ha?! Putang-ina mong aswang ka! Sisiguradhin kong patay ka nab ago ka pa nila makuha!" singhal n'ya at saka niya ako sinipa sa parte kung saan niya binaril. Napaiyak na lang ako sa nararamdaman kong sakit. "Ilabas niyo si Simon!" nadinig ko ang boses ni Benjamin, isa sa mga aswang na kasama ko, Kaibigan ko siya at isa sa mga malalakas na aswang. Napapikit na lang ako nadinig ko ang pagbukas ng pintuan maging ang mga sigaw ng mga tao na sumugod sa kanila. Nadinig ko ang iyak ng mga tao at ang pagkain ng mga aswang sa kanila. Masiyado na akong mahina upang makatulong pa sa kanila. "Mamaya na ang pagkain, alisin niyo muna si Simon sa kaniyang pagkakatali!" dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Benjamin na lumapit upang tanggalin ang pagkakatali ko. "Si Selena, tulungan ninyo akong mabawi ang aking mahal," pakiusap ko kay Benjami. "Mamatay ka na sa mga sugat mo Simon at iyong tao pa rin na iyon ang iniisip mo. Gumisng ka nga sa iyong kahibangan!" sagot niya sa akin at inalalayan niya ako, lumapit na rin si Lira sa akin upang maalalayan ako. 'Ngunit di niya mahal si Juanito, ako ang mahal niya. Nagmamahalan kaming dalawa pakiusap nais kong makita ang babaeng pinakamamahal ko. Gusto n'yang magtanan kami kaya kukunin ko siya. Ilalayo ko siya sa mga taong nanakit sa kaniya, sa amin..." dagdag ko sa kanila. "Ikakasal na ang taong iyon, Simon! Hayaan mo na lang siya dahil sa bawat pag-iisip mo sa kaniya, buhay mo ang nalalagay sa alanganin! Puno ka na ng sugat at may tama ka pa ng b***l! Maari kang mamatay!" sita sa akin ni Lira. "Si Selena,di ako naniniwala na di na niya ako iniibig" iyon ang sinagot ko sa kaniya "AAAAHHH!" malakas na sigaw ni Lira sa akin na para bang galit na galit siya at saka niya ako hinagis sa pader. "May sugat si Simon, Lira! Wag ka ng dumagdag pa kailangan natin siyang madalang buhay kay Atec," suway ni Ramon. isa din siyang aswang at nakita ko kung paano niyang pigilan ang mga kamay ni Lira. "Kasi nakakainis na itong si Simon! Selena! Selena! Walang ibang binabanggit kundi ang Selena na iyon! Mamatay na nga siya at Selena pa rin!" sigaw ni Lira sa kaniya. "Dahil iniibig niya ang taong iyon, pagbigyan na lang natin si Simon. Si Selena ang dahilan kung bakit natin 'syang naabutang buhay. Sa lala ng naranasan n'yang p**********p kahit na sinong aswang ay dapat patay na." sagot ni Ramon at nag anyong tao na ito. Ganon din si Benjamin at sila Kosme, kitang- kita ko ang awa sa kanilang mukha. Awa at inis siguro sa kanilang paningin ay isa akong estsupidong aswang. Pero para sa akin, nagmahal lang ako. At ang pagmamahal na ito ang bumubuhay sa akin. "Sige, pagbibigyan kita pero alam ko na masasaktan ka rin Simon. Kalat sa bayan ang kasal nila ni Juanito, nagaganap na ito ngayon at huli ka na rin. Wala ka ng maabutan," sabi sa akin ni Lira. "Hindi! Kahit mahuli ako isasama ko si Selena. Kukunin ko siya..." bulong ko sa kaniya. "HANGAL KA SIMON!" sigaw niya sa akin. Tumakas kami sa loob ng tanggapan, kitang kita ko ang mga bangkay ng mga tao na nakakalat sa gilid. Kahit hinang – hina ako ay pinilit kong manatiling gising. Kailangan kong makapunta sa simbahan. "Sa simbahan, doon tayo sa simbahan," bulong ko sa kanila. "Oo, doon tayo pupunta pero 'di tayo pwedeng lumapit doon, Simon." sabi naman ni Benjamin sa akin. "Kaya kong lumapit, kakaynain kong lumapit para kay Selena," giit ko sa kaniya. "Ang tanga mo talaga," nadinig kong reklamo ni Lira.Nagmadali silang maglakad papunta sa simbahan at pagdating namin doon. Napakalakas na huni mula sa kampana ng simbahan ang nadinig ko, iyon ang bumungad sa amin. Kasunod no'n ay ang masayang hiyawan ng mga tao. "Bigyan ng masayang bati ang bagong kasal! Si heneral Juanito Delgado at si Selena Zaragoza!" malakas na sigaw ng isang lalaki, tumingin ako sa kanila at nakita kong lumabas si Selena at Juanito. Nakasuot s'ya ng kulay puting Filipiniana at may hawak na bulaklak. Ngunit ang galak ko na makita siya ay nawala ng makita ko kung gaano siya kasaya habang magkahawak ang mga kamay nila ni Juanito. Nakangiti siya na para bang di niya ako naalala. Tama ba ang sinasabi ng Señora sa akin? Na talagang nais na n'ya akong kalimutan? "Ano? Naniniwala ka na? Kinakasal siya at mukhang masaya pa siya. Simon, umalis na lang tayo rito. Bumalik na tayo sa bundok," sabi ni Lira sa akin. "Isang halik! Maghalikan kayo bilang patunay ng pagmamahalan!" sigaw ng isang bisita na andoon. Humarap si Juanito kay Selena at hinalikan ito sa labi niya. Kasabay ng halik nila ay ang paghiwa sa aking puso at ang pagtulo ng luha ko. Kinalimutan na ako ni Selena, halata naman na mas masaya siya kay Juanito. Marahil ay totoo ang pinahatid ni Señora Victoria sa akin. Hindi na niya ako mahal, walang magmamahal sa akin na tao dahil sa isa akong halimaw, isang aswang. Isang masakit na katotohanan, ang katotohanan na kahit na anong gawin ko para sa aking minamahal ay mas pipiliin pa rin niya ang magandang buhay kasama ang iba. Si Selena, kinaya niya akong kalimutan sa loob lamang ng tatlong araw ng aking pagkakabihag. Di niya ako minahal ng tunay na tulad ng pagmamahal ko sa kaniya. "Diba sinabi ko sayo, Di makakapagkatiwalaan ang tao na iyan. Nagsakripisyo ka lang para sa wala, Simon," saad ni Lira sa kaniya. "Sinaktan ka niya Simon, di ka niya minahal. Hindi ka niya mahal," dagdag pa niya sa akin. "Selena, paano?" yun na lang ang natanong ko sa aking sarili. "Benjamin, aalis na tayo. Kailangan ng magamot ni Simon kung 'di ay mamatay s'ya," sabi ni Lira at naramdaman ko na lang na pinasan muli ako ni Benjamin nanatili akong nakatingin sa nakangiting si Selena. Paano mo ito nagawa sa akin mahal ko? Yun ang tanong ng aking puso, paano niya nagawa pang pakasalan si Juanito kahit na alam niyang naghihirap na ako? Di mo na ba talaga ako mahal Selena? *** SELENA ZARAGOZA "SEÑORITA, gusto niyo na po bang magpalit ng damit niyo?" tanong sa akin ni Rita habang nasa karwahe kami papunta sa pagdadaluhan ng celebrasyon ng aking kasal. Nanatili lang ako na nakatulala sa hangin. Simon, wala na akong ibang mapagpipilian pa? Maiintindihan mo naman ako diba? "Maari po kayong umiyak kung nais ninyo, wag po ninyong pigilan ang pagtangis ng iyong puso. Sa ganoong magiging magaan ang pakiramdam ninyo." sabi niya sa akin "Gustohin ko man ngunit wala akong karapatan. Gustohin ko man na tapusin ang aking buhay para makasama si Simon ay hindi naman maari. Ang dapat ko lang gawin ngayon ay magpeke ng ngiti upang masabi sa lahat na masaya ako kahit na totoo ay nagdadalamhati ang aking puso sa pagkamatay ng aking minamahal. Sa ganoong paraan mapagdudusahan ko ang aking kasalanan, dahil... dahil ako ang pumatay kay Simon," yun ang sinagot ko sa kaniya. Di ko alam kung ilang balde na ba ang aking nailuha pero pakiramdam ko kulang pa iyon. Di ko alam kung paano nagawa ng aking Papa na patayin ang taong pinakamamahal ko. "Señorita, alam ko pong nahihirapan kayo pero ito siguro ang iyong tadhana. Ang ginusto ng Diyos. Siguro, marahil di talaga kayo ni Simon para sa isa't isa. Isa kang Meztisa at siya naman ay isang aswang," sabi niya sa akin. "Rita, hindi si Simon ang pumatay kay Nene. Wala siyang ginagawa, mahal na mahal niya ang dalawang bata. Sana paniwalaan mo 'yon," giit ko sa kaniya. "Tao siya, Rita. Isa s'yang tao na nagmahal lang..." Aswang si Simon, pero madali siyang napatay ng aking ama. Bakit ganoon tila ba walang nagawa ang kaniyang lakas sa lakas ng aking Ama? Minsan ako ay napapaisip, Sino nga ba ang tunay na aswang? Pinunasan ko ang luha ko at saka tumingin sa maliit na salamin. "Ayoko ng dumalo sa kasiyahan, napagod na ako pakisabi na lamang kay Juanito na sumakit ang aking ulo," sabi ko kay Rita. Pumayag naman si Juanito sa aking dahilan at pinagpahinga na lang ako sa aking tahanan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD