Ikalabing –tatlong tagpo

1180 Words
Ikalabing –tatlong tagpo JUANITO DELGADO "ANONG BALITA sa ating bihag?" tanong ng Gobernadorcillo sa akin, huminga ako ng malalim bago tuluyang sumagot. Ang halimaw na 'yon, 'di siya maaring maging malapit kay Selena. Kung maari lang, kung pwede lang ay burahin ko siya sa isip ng aking Señorita. "Naligpit na po ang mga kalat tulad ng inyong sabi, napadala na rin sa tahanan ni Selena ang kaniyang mga duguan na damit upang patunay." sagot ko sa kaniya. "Magaling, nais ko na makita ang Indio na iyon. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili kung isa nga ba siyang aswang," sabi niya sa akin. "Masusunod po mahal na Gobernadorcillo" sagot ko sa kaniya. Bumaba kami sa pinakabodega ng mga kulungan, sumalubong sa amin ang matapang na amoy ng mga gamot at insenso na laban sa aswang. "AH! AH!" bumungad sa amin ang mga sigaw na tila ba may isang taong pinapahirapan. "Umamin ka na! Ikaw ba ang pumapatay sa mga taga bayan ng San Ruiz?!" sigaw ng isang gwardya sibil pinanood namin ng Gobernadorcillo ang eksena, pinapalo niya ang Indio na si Simon ng buntot ng Paging. Isa ito sa mga kahinaan ng mga aswang, maari silang lubos nitong masaktan at mapatay at ang mga sugat na dulot ng buntot ng paging ay di agad na gumagaling. Sa halip ay mas pinapahirapan nito ang aswang na malatayan nito. "Hindi ako! Sumama lang ako sa Señorita, tulad ng kaniyang nais!" sagot nito sa gwardya sibil. Sunod naming nadinig ang kaniyang mga hingal kasunod ang pagtulo ng dugo sa mula sa kaniyang bunganga. Matagumpay na naming napinsala ang katawan niya, kung sakaling makawala man siya ay 'di siya makakatakas dahil sa panghihina niya. Ang amoy ng bawang sa paligid ay nagpapadagdag pa lalo ng kaniyang paghihirap. "Isa nga siyang aswang." nadinig ko na saad ng Gobernadorcillo sa akin. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Selena at nagawa n'yang mahalin ang halimaw na ito!" nanggigil na tanong ng Gobernadorcillo sa akin. "Maari ko na po siyang tapusin, napabasbasan ko na sa simbahan ang mga bala at makakapatay na ito ng isang aswang," sagot ko sa kaniya. "Hindi, gusto kong gamitin siya upang makita ang kaniyang mga kasamahan." pagtanggi sa akin ng gobernadorcillo, nakita ko sa kaniyang mga mata ang pagnanais. May iba s'yang balak sa indio na ito. "Ngunit para saan pa?" tanong ko sa kaniya. "Ang mga p*****n ay gawa nang grupo ng mga aswang, at kung mapapatay natin silang lahat matatapos na ang ating problema" dagdag pa nito sa akin. "Aking mahal!" napalingon kami ng Gobernadorcillo at nakita namin ang Senora Victoria na papalapit sa amin. "Anong ginagawa mo dito Victoria?" tanong ng Gobernadorcillo sa kaniya mahinang tumawa ang maybahay niya sa amin. "May nais kasing ipasabi ang ating Selena sa halimaw na nakatali sa ating harap," sagot niya sa akin napatingin si Simon sa amin. Nakita namin ang panlilisik ng kaniyang mga mata na tila ba galit na galit ito. Biglaan siyang naging malakas ng madinig niya ang pangalan ni Selena. "Selena! Selena!" malakas niyang sigaw. "H'wag niyong sasaktan ang mahal kong si Selena!" pakiusap sa amin ng halimaw na iyon. "Wag na ho kayong lumapit, ako na lang ang magsasabi ng pinagbilin ni Selena" suway ko sa kaniya. "Hindi, ang gusto ko ay ako ang magsabi nito. Nais kong iparamdam sa kaniya ang nais ni Selena na maramdaman nya," sagot niya at lumapit na siya kay Simon. Tumingin ako sa Gobernadorcillo pero sineniyasan lang niya ako na hayaan lang ang Senora sa kaniyang nais gawin. "May gustong iparating ang aking anak sa'yo," sabi nito kay Simon. "Selena... Gusto kong makita si Selena. Nakikiusap palayain n'yo na ako, nais ko na siyang makasama. Gusto ko siyang mayakap ulit," bulong ni Simon kasabay ang kaniyang pag-iyak. "Ipagtawad mo ngunit, gusto ka ng kalimutan ng aking anak," sabi ni Senora Victoria sa kaniya. "Hindi, hindi totoo iyan!" bulong ni Simon sa kaniya. "Kinausap niya ako kagabi at pinasabi niya sa akin ito. Natutuwa nga ako at nagbago ang isip ng aking anak kung 'di mababaliw siya ng dahil sa isang demonyo na kagaya mo," ngumisi si Señora Victoria sa indio. "Si Selena, mahal namin ang isa't- isa. Alam n'ya kung ano ako at tanggap niya 'yon. Hindi niya gagawin 'yan sa akin. Hindi niya ako agad na kakalimutan," matapang na saad ni Simon. Halimaw nga siya ngunit malakas ang bilib n'ya sa pagmamahal sa kaniya ng aking mapapangasawa. "Di niya nais na magmahal ng isang halimaw at demonyo. Ayaw niya na magmahal ng isang mamatay tao na katulad mo," saad ng Senora sa kaniya "Hindi! naniniwala sa akin si Selena. Di totoo ang mga sinasabi mo," bulong ulit ni Simon sa kaniya. Pagmamahal, nang dahil sa pagmamahal niya ay sobrang buo ang tiwala niya kay Selena / 'Tao ang aking anak at isa kang halimaw. Di mo siya mabibigyan ng magandang buhay at bibigyan mo pa ng sumpa ang kaniyang buhay!" sigaw ng Senora sa kaniya napatingin ang Senora sa isang rosaryo na nakasabit sa leeg ni Simon. Isang rosaryo? Oo nga, may rosaryo na nakasabit sa kaniyang leeg at parang wala lang itong epekto sa kaniya. Ayon sa mga nakausap ko, ang mga aswang ay takot sa mga banal na reliko, maari nila itong ikamatay. "Galing ito sa aking anak diba?' tanong ng Senora sa kaniya. "Ang pagmamahal sa akin ni Selena, ang paniniwala niya sa akin. Kailangan ko siyang balikan. Hindi ako maniniwala sa'yo," bulong ni Simon. Nabigla ako ng hugutin ni Señora Victoria ang rosaryo sa kaniyang leeg. "Ibalik mo sa akin 'yan! Tanda 'yan ng pagmamahal sa akin ni Selena!" singhal ng halimaw sa kaniya. Tinawanan lang siya ni Señora Victoria, kita kong tinapon nito sa pader ang rosary. Nag-angas ang halimaw na tila inagawan siya ng pinakamahalagang parte ng kaniyang buhay. "Ang sabi ng aking anak ay alisin ang rosaryong ito sa iyong pangangalaga mo upang maniwala ka na hindi ka niya iniibig pa," sabi ng Senora sa kaniya. "Hindi! Hindi ako naniniwala sayo! Hindi ako naniniwala sa'yo!" sigaw ng halimaw sa kaniya at nagsimula na siyang pumalag sa kaniyang mga tali. Agad ko na hinatak ang Señora palayo sa kaniya at nakita namin na naging aswang siya. Naging pula ang kaniyang mga mata at lumabas kaniyang matatalas na kuko, na tila bang nadinig ay ang naging dahilan upang lumabas ang natatago n'yang anyo. Ngunit sa kabila ng matapang n'yang anyo ay di matatapang na ungol ang nadidinig namin mula sa kaniya kundi iyak ng paghihinagpis. Ang iyak na nagpatunay lamang na tunay na pagmamahal ang nararamdaman niya kay Selena. Napaisip ako, naghihinagpis din kaya si Selena ngayon dahil sa aming kasinungalingan na ginawa? "Gobernadorcillo, tama ba ang ginawa natin?" tanong ko sa kaniya. "Ito ang tama nating gawin, ayokong pahirapan ang anak ko sa kaniyang sariling pagkakamali. Ayokong mahirapan siya dahil sa katotohanan na kahit pumayag ako sa kanilang pag-iibigan ay hindi pa rin pwede. Tao ang anak ko at isa s'yang halimaw," paliwanag ng Gobernadorcillo sa akin. "Ngunit nasasaktan si Selena, Oo at iniibig ko ang iyong anak ngunit di ko kaya na magsinungaling sa kaniya. Pakiramdam ko wala ng mas sasama sa ginawa natin. Pinaglayo natin sila..." bulong ko sa kaniya. "Para rin ito sa kaniyang ikabubuti," iyon ang sagot niya sa akin at iyon din ang aking pilit na pinaniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD