Ika-labing limang Tagpo

2417 Words
Ika-labing limang Tagpo SELENA ZARAGOZA NAGING mabagal ang takbo ng panahon. Ang oras at panahon na lumipas ay tila ba habang buhay na patuloy akong pinaparusahan. Limang taon kung tutuusin. Naging maintindihin si Juanito sa aking nararamdaman. Limang taon na kaming ma-gasawa ngunit parang di nababawasan ang sakit na nararamdaman ng aking puso. Walang palya si Juanito sa pagpaparamdam sa aking ng pagmamahal n'ya ngunit... hindi ko kaya. Hindi ko talaga kayang buksan ang puso ko sa iba maliban kay Simon. Para sa kaniya lang ang puso ko at ang buong pagkatao ko. Sa limang taon na lumipas, para mas lumala ang aking pagdudusa. Lumipat kami sa bayan nila Juanito sa may Tarlac. Medyo malayo ang lugar na ito, ayaw ko man na lumipat pero naisip ko na mas makakatulong ito sa paglimot ko kay Simon. Ngunit mali, hindi naman pala ito nakatulong sa akin. Palagi ko pa rin siya naalala at nasasaktan ang aking puso sa katotohanan na wala akong nagawa kung 'di ang umiyak lamang. "Aking asawa, may dala akong gatas para sa iyo," napalingon ako ng madinig ko ang boses ni Juanito, lumingon ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin at saka ito ngumiti. "Kailangan mo ang gatas nito upang gumaling ka aking minamahal," sabi niya sa akin. Sa limang taon na lumipas, kasabay ng paglala ng aking nadadamang sakit sa pagkawala ni Simon ay ang pagbagsak ng aking katawan. Nang dahil doon, imbes na ako ang mag alaga kay Juanito ay siya ang gumagawa no'n para sa akin. "Hayaan mo na lang ako na lamunin ng aking sakit, Juanito" sabi ko sa kaniya lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Nais kong gumaling ka upang makabuo tayo ng pamilya, Selena." sagot niya sa akin. "Si Simon lang ang makakapagpagaling sa akin, Juanito. Ngunit pinatay n'yo siya," bulong ko sa kaniya at muli akong tumangis, ang pagtangis ko ay kasing lakas pa rin tulad nung huling limang taon. Ganon pa rin ang sakit at kahit na kailan 'di nawala iyon kahit na mahigit limang taon na ang lumipas. "Nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko ang kaniyang pangalan. Ako ang iyong asawa, ang dapat mong mahalin ngunit di ako ang nasa puso mo," sabi niya sa akin at bumahid ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Ipagpatawad mo Juanito, ngunit mahal ko siya at kahit na anong pilit ko na maging asawa sa'yo at mahalin ka ay di ko kaya." Bulong ko sa kaniya at mahina akong tumayo para mahiga sana sa aking kama. "Naiintindihan ko," sagot niya sa akin at inalalayan niya ako na makahiga sa kama. "Hindi ka nabigyan ng pagkakataon upang makita ang katawan niya o ang mapagluksa siya. Selena, bakit mo ba nagawang mahalin ang halimaw na iyon?" tanong sa akin ni Juanito. Alam nilang alam ko na aswang si Simon at tinapos nila ito dahil ang akala nila ay demonyo ito. Pero hindi, para sa akin ay isang tao si Simon. Siya ang lalaking mahal na mahal ko. "Dahil kumpara sa inyo, mas tao at puro pa ang kaniyang puso. Ikaw, Juanito, may tanong ako sa'yo." "Ano 'yon?" "Sino bang mas halimaw, kayo ni Papa na pinagbintangan siya sa kasalanang 'di niya ginawa o s'ya na walang ginawa kung 'di ang mahalin ako?" tanong ko sa kaniya, hindi siya nakasagot sa akin agad. "Damit n'ya ang nakuhang damit sa pinagyarihan ng krimen ng namatay si Nene. Di pa ba sapat 'yon para maniwala kang halimaw s'ya?" "Hindi nagsisinungaling at nagkakamali ang puso ko. Walang kasalanan si Simon," pagmamatigas ko as kaniya. Bumitaw ako sa kaniyang pag-alalay at pinilit na marating ang aking kama mag-isa ngunit matigas siya pilit pa rin niya akong inalalayan. "Nakausap ko ang iyong ama sa liham, nais nilang dalawin ka upang tingnan ang lagay mo," sabi sa akin ni Juanito mahiga. "Nangungulit na rin ang aking ama at gusto niya na magkaanak na tayo. Alam kong tatanggi ka dahil din sa karamdaman mo ngunit sabi naman ng doctor ay maari pa rin tayong magkaanak," sabi niya sa akin. "Alam ko naiintindihan ko, kung nais mo na maging isa tayo sige, Malaya kang gawin iyon dahil sa ito na lang maari kong maialay sayo." Sagot ko sa kaniya at mahina akong ngumiti sa kaniya "Ngunit, di ako ang laman ng puso mo at nirerespeto ko ang karapatan mo na tanggihan ako," sabi niya sa akin. "Asawa mo ako Juanito, kahit na 'di sayo ang aking puso. Asawa mo pa rin ako," yun ang sinagot ko sa kaniya at pinikit ko ang aking mga mata, naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa aking mga kamay. **** Nang sumunod na araw, dumalaw nga ang aking Mama at Papa. May mga dala silang pampalakas para sa akin. Ang Papa ko ay naging mabait sa akin at kinamusta ako at ang Mama naman tulad pa rin ng dati, ginamit niya ang pagkamatabil ng kaniyang dila. Mahihinang ubo ang nagawa ko habang kumakain kasabay sila Papa at Mamma. "Mukhang kailangan na nating dalhin sa Manila si Selena upang mapatingnan ang kaniyang karamdaman. Sobrang mahina na ang katawan niya," sabi ng aking Biyenan kay Papa. "Napag-isip na rin namin iyan," sabi ng aking Papa sa kaniya. "Nagiinarte lang naman iyang si Selena. Gagaling siya kung iinom siya ng mga pinapadala natin!" bwelta naman ni mamma. "Ngunit sobrang hina na ng katawan niya. Hindi siya ganito bago ang kasal nila ni Juanito," giit naman ng aking byenan na si Mamma Gabriela. "Hindi! Hindi natin dadalhin sa Manila si Selena! Ang kailangan munang mangyari ay mabuntis si Selena upang mabigyan na tayo ng Apo!" sigaw ng aking Mama sa akin biyenan na babae. "Naiintindihan namin ang nais mo Victoria, ngunit mahina ang katawan ng anak mo di niya kakayanin na magdala ng bata sa kaniyang sinapupunan. Alam iyan ni Juanito at handa kaming maghintay hanggang sa maging maayos ang pakiramdam ng aming bagong anak," sagot ng aking biyenan na babae. "Aanhin namin ang apo kung lalaki itong wala ang kaniyang ina," dagdag pa nito. Napataas ng kilay si Mamma at saka ako inirapan. Kahit limang taon na ang lumipas ay 'di pa rin siya nagbabago. "Mama, Inang... wag na kayong mag away. Naiintindihan ko po ang nais niyo. Maging ikaw Inang ay naiinip na rin at nais mo ng magkaapo kayo ni Papang. Huwag niyo na po akong isipin. Ibibigay namin ni Juanito ang apo na nais niyo." Sagot ko sa kanila at saka ko hinawakan ang kamay ni Juanito at ngumiti ng mahina sa kaniya. "Ngunit mahina ang katawan mo," sagot ni Inang sa akin. "Naniniwala ako na dala lamang ito ng kalungkutan sa aking mga dinanas. Di ninyo kailangan na mag alalala sa akin at kung sakaling mamatay man ako ng dahil dito. Malugod kong tatanggapin 'yon," sagot ko sa kaniya. Gustong – gusto ko ng makasama si Simon ng mga oras na 'yon. Nais kong kumatok na ang kamatayan sa aking pinto at isama ako sa paraiso kung nasaan siya. Gusto ko na muli s'yang mayakap, ang makita siya at mahagkan siya. Nais kong maramdaman ulit ang init ng kaniyang pagmamahal. "Mukhang tama si Gabriela, anak. Hindi ako papayag na magbuntis ka hanggang sa di pa ako sigurado sa iyong kalusugan," sagot ng aking Papa, tumingin ako sa kaniya. "Bakit Papa? Inaalala nyo ba ang nararamdaman ko limang taon na ang lumipas?" yun ang naging tanong ko sa kanila, "Kung ano man ako ngayon,bunga ito ng aking pinagdaanan. Kaya wag na kayong magaalala sa mga bagay na kayo rin naman ang may kasalanan" yun ang aking naging sagot sa kanila. Tumayo ako at agad naman akong inalalayan ni Juanito. "Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin. "Nais ko na lang na magpahinga, Juanito. Mas gusto kong manatili sa kwarto at iburo na lang ang katawan ko doon," iyon ang aking sinagot at iniwanan ko sila habang kumakain ng tanghalian. *** NANG SUMAPIT ang dilim, nanatili akong nakatingin sa buwan habang nakaupo sa may bintana, naalala ko pa noon kung paano ako sumandal sa matikas niyang dibdib habang nakatingin ako sa liwanag ng buwan. Yun ang isa sa di ko malilimutan na alaala kasama siya, isa sa mga ala-ala na nagiging dahilan kung bakit patuloy pa rin akong gumigising sa umaga. "Mahal pa rin kita, nararamdaman mo naman siguro diba?" tanong ko sa buwan iniisip ko na si Simon iyon. Iniisip ko na siya ang aking tinitingnan, iniisip ko na nasa buwan siya at binabantayan ko. "Alam ng Diyos na kahit kailan ay 'di kita malilimutan," muli kong bulong. Habang tumutulo ang aking luha at nagdadalamhati ako ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa mga halamanan sa ibaba. Napatingin ako dito ngunit wala akong nakita. "Selena, matulog ka na" doon ko lang napagtanto na kanina pa pala nasa kwarto namin si Juanito. Nakahiga siya sa maliit na higaan sa tabi ng aming kama. "Ilang beses ko ba sasabihin sayo na h'wag ka diyan matutulog, asawa kita at dapat katabi kita sa kama. Nagmumukha akong walang kwenta sa ginagawa mo," sabi ko sa kaniya at saka ako bumaba mula sa kinauupuan ko. "Gusto kong maging kumportable ka" ang sagot niya sa akin "Alam kong nahihirapan ka sa mga kinikilos ko, ipagpatawad mo sana" sabi ko sa kaniya at saka ako nagkumot. Hinawakan niya ang aking kamay at saka siya pumunta sa aking tabi. "Iintindihin kita hanggang sa aking makakaya," sabi niya sa akin at pinisil niya ang aking kamay. "Maari bang dumito ka muna sa aking tabi hanggang sa makatulog ako?" tanong ko sa kaniya. "Oo naman, wag kang mag-alala di ako aalis. Dito lang ako," sagot niya sa akin at saka ko ipinikit ang aking mga mata. Sa kasagsagan ng pagtulog ko ay nagising ako ng makarinig ako ng kaluskos. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Juanito na nahihimbing na at bahagya pang humihilik. Mas lumakas ang kaluskos na naririnig ko. "Sinong andiyan?" tanong ko sa kung sino man ang kumakaluskos. Tumayo ako at dahan dahan na naglakad na papunta sa bintana. Pagbukas ko ng bintana ay amoy dugo na pinaghalong putik ang naamoy ko. Aswang... May aswang ba sa paligid? "Sinong nandyan? Alam kong aswang ka?" mahina kong bulong at sumilip sa ibaba para makita ang mga nasa paligid. Lumakas ang t***k ng aking dibdib, biglaan akong kinabahan pero may parte sa puso ko na nais makita kung aswang ba talaga ang naamoy ko. Magkakasunod na ubo ang nagawa ko dahil na rin siguro sa lamig ng simoy ng hangin "Aking mahal, bakit ka andyan?" napalingon ako at nakita ko si Juanito na papalapit sa akin Mukhang nagising siya dahil sa aking ingay. "May nadinig akong kaluskos, Juanito. Tila ba may... may ibang tao," sagot ko sa kaniya "Sana ay ginising mo na lang ako para tingnan ang ingay na naririnig mo, aking mahal. Alam mong di maganda sa katawan mo ang hamog at malamig pa," sagot niya sa akin at muli niya akong dinala sa aming higaan. "Magpahinga ka na,dahil bukas ng umaga tayo ay maglalakad lakad sa ilalim ng magandang sinag ng araw," sabi niya sa akin at saka niya ako kinumutan para muling makatulog. *** LUMIPAS pa ang ilang linggo, medyo lumakas ang aking pangangatawan dahil na din sa araw araw na paglalakad ko sa tuwing sasapit ang umaga at sa pagaalaga sa akin ni Juanito nguniti tuloy tuloy pa din ang mga nadidinig kong kaluskos sa aking kwarto tuwing sasapit ang gabi. Kaluskos na parang gustong lumapit sa akin, na tila binabantayan ako. Sa t'wing natutulog ako ay pakiramdam ko ay may isang pamilyar na presensya sa tabi ko. Isang presensya na nais kong maramdaman ulit. "Handa ka na ba para sa unang gabi ninyo ni Juanito?" tanong sa akin ni Inang at saka siya naglapag ng inumin sa aking harap. "Handa na po ako, Inang," sagot ko sa kaniya. "Alam kong hinahantay ninyo na mangyari ito. Masiyadong matagal ang limang taon na pagtitiis ninyo sa akinm" sabi ko sa kaniya hinawakan niya ang aking mga kamay. "Wala akong ideya sa mga nangyari sa'yo ngunit alam kong nasaktan ka ng lubos nung bago kayo ikasal ng aking anak. Ayokong pilitin ka sa mga bagay na hindi mo naman gusto Selena, ngunit ngayon na desidido ka na ipinagpapasalamat ko na sa mahabang panahon ay pumayag ka na magkaroon kayo ng anak," sabi niya sa akin. "Huwag po kayong mag-alala, Magiging mabuting Ina ako sa magiging anak namin ni Juanito at mas sisikapin na maalagaan si Juanito bilang aking asawa. Hanggang ditto na lang ang kaya kong gawin para sa kaniya," pangako ko sa kaniya. tinulungan ako ni Inang sa aking mga paghahanda para sa aming unang gabi ni Juanito, kinakabahan ako at sa isang banda nalulungkot, naalala ko kasi ang mga plano na nahanda ni Simon para sa aming dalawa dati. Ngunit di ko na ito magagawa kasama si Simon. Sumapit ang gabi at nagsimula na ang unang gabi namin ni Juanito. Habang hinahalikan niya ako, habang binubulong niya sa aking mga tainga ang mga magagandang bagay. Hindi ko mapigilan ang maluha, ang maluha sa kalungkutan na sa aking puso pa rin hanggang ngayon. Alam ko na ginagawa ito ni Juanito ng may pagmamahal sa akin, alam kong mahal na mahal ako ni Juanito ngunit hindi ko man lang masuklian ito ng dapat na ibinibigay ko sa kaniya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hindi makatulog matapos nun, nakatingin ako sa kisame habang nakayakap ng mahigpit ang aking asawa sa akin. "Simon," mahina kong bulong sa pangalan niya. "Sana ikaw ang aking kayakap ngayon" mahina ko muling bulong. Naging mas maayos ang pagsasama namin ni Juanito matapos ng mga nangyari sa amin. Pinilit ko na maging asawa sa kaniya, inaalagaan ko siya ng maigi kahit na mas madalas siyang nag-alala sa akin. Mahina akong umubo habang naghahanda ng plato para sa aming almusal. "Pupunta tayo sa Maynila sa martes, aking mahal." Sabi sa akin ni Juanito natigil ako sa paghahanda ng mga plato sa hapag at napatingin sa kaniya. "Bakit nating kailangang pumunta sa Maynila, Juanito? Naging mas maayos naman ang kalusugan ko. Sa tingin ko 'di na kailangang gawin 'yon," tanong ko sa kaniya. "ngunit 'di pa rin nawawala ang pag-ubo mo at madalas ka pa ring nilalagnat t'wing sasapit ang gabi. Pabalik- balik ang sakit mo at nag-aalala na ako sa'yo," sagot niya sa akin. "Bakit kailangan pa na sa Maynila tayo tumira, kung meron namang klinika sa may bayan," sagot ko sa kaniya. "Dahil sa mas maganda kung sa Maynila ka magpapatingin," sagot niya sa akin at hinawakan niya ang isa sa mga plato na hinahanda ko at nilapag ito para sa akin. "At saka, nais ko sanang lumipat na tayo sa Estados Unidos, Selena. Gusto ko na doon tayo magsimula ng bagong buhay," giit n'ya sa akin. "Estados Unidos? Hindi ba masyadong malayo iyon?" "Alam ko pero gusto kong makalimutan mo ang mapait na nangyari sa ating nakaraan. Gusto kong maging masaya ka rin, Selena." Giit n'ya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD