Ikalabing - dalawang Tagpo

2396 Words
Ikalabing - dalawang Tagpo SELENA ZARAGOZA "LUMAYO ka sa aking anak Indio!" malakas na sigaw ng aking ama kay Simon, tinangka niyang itulak ito palayo sa akin ngunit mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Simon. "Papa!" sigaw ko sa kaniya para pigilan siya "Lumayo ka sa Indio na iyan!" sigaw muli ng Papa sa akin at hinila niya ako papalayo kay Simon. "Ikaw Indio! Ang lakas ng loob mong lumapit at gawin ito sa anak ko!" sigaw niya kasunod no'n ay ang pagsampal niya ng malakas kay Simon. "Papa! Walang ginagawang masama si Simon!" sabi ko sa kaniya at tinakpan ko si Simon upang di niya ito masaktan pa. "Walang ginagawa? Selena, kinukuha ng lalaking 'yan ang dangal at p********e mo. Hindi ko akalain na magiging ganito ka kadali at iaalay mo ang sarili mo sa isang indio na kagaya n'yan. Isang kalaspastangan ang ginawa sa iyo ng Indio na iyan at kalapastangan din ang ginagawa mo!" sigaw niya muli sa akin. "Wala po kaming ginagawang masama ni Selena. Señor Gobernadorcillo, nagmamahalan mo kami ni Selena. Mahal na mahal namin ang isa't – isa," sagot ni Simon sa kaniya at humawak ito sa aking kamay. "Masama ang nakita kong ginagawa ninyo at masamang mahalin ng isang tulad mo ang anak ko! Ang anak ko ay ikakasal na kay Juanito!" sigaw ng aking Papa sa kaniya. "Mahal ko po si Selena," sagot ni Simon sa kaniya. "Aba! Isa kang Walang Hiya! Matapos akong pumayag na kupkupin ka ng anak ko!" sigaw muli ni Papa sa kaniya at tinangkang sampalin muli si Simon. "Huwag mo siyang sasaktan, Papa!" sigaw ko Papa. "Lumayo ka sa Indio na iyan!" sigaw ni Papa sa akin at pilit niya ako pinapalayo kay Simon. Sobrang higpit ng hawak niya sa aking kamay at namumula na ito. "Papa, bitawan mo ako!" daing ko sa kaniya at nagpupumilit akong pumalag. 'Nasasaktan na ako, Papa." bulong ko at pilit na kumakawala. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. No esperaba que se convirtiera en una desgracia en nuestra familia, Selena. ¡Esperaba tanto de ti! (I didn't expect you to become such a disgrace in our family, Selena. I expected so much from you!)" Nanggagalaiting sigaw ni Papa sa kaniya. "Wag mong sasaktan si Selena!" sigaw ni Simon dahilan para matigilan ang aking Papa. Lumabas ang kulay pulang mata ni Simon, galit na galit siya habang nakatitig kay Papa. Napatingin ang papa sa kaniya at labis na kinagulat ang nakita n'yang itsura ni Simon. Naging dahilan ito upang ilabas niya ang kaniyang rebolber at itutok kay Simon. Agad na nawala ang pulang mata ni Simon, tanging ang galit n'yang ekspresyon ang natira sa kaniyang mukha. "Wag mong sasaktan si Selena!" muling sigaw ni Simon na mas lalong kina-init ng ulo ni Papa. Kinalabit ni Papa ang kaniyang gatilyo. "Huwag Papa! Por favor, te lo ruego. (Please, I beg you.)" pagmamakaawa ko kay Papa. Umiiyak na ako at nalilito na sa susunod kong gagawin. Mas lumapit pa si Papa kay Simon na tila ba determindao na itong tapusin ang lalaking mahal ko. "PAPA!" malakas kong sigaw at lumapit ako kay Simon. Pumunta ako sa harap ni Simon, ako ang nakaharap sa nag-iinit na rebolber ni Papa. Handa akong tanggapin ang bala h'wag lang n'yang saktan ang lalaking mahal ko. 'Lumayo ka, Selena kung 'di ikaw ang masasaktan!" sigaw ni Papa sa akin. "Selena, lumayo ka na. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa'yo aking mahal!" sambit ni Simon sa akin. 'Sige! Saktan mo si Simon at parang sinaktan mo na rin ako!" sigaw ko pabalik kay Papa, ang matigas at galit na mukha ni Papa ay lumambot ng makita niya ang determinasyon ko. "Mahal ko si Simon, Papa di mo ba iyon nakikita?!" sigaw ko sa kaniya. "Ano bang nangyayari sa iyo, Selena?!" sabi niya sa akin hinawakan ko ang kamay ni Simon. "Patawarin mo ako Papa, pero hindi ko kaya na pigilan ang aking puso. Mahal ko si Simon at mahal niya rin ako at handa akong ipaglaban ang pag-iibigan naming. Handa akong gawin ang lahat makasama ko lang siya, kaya kung papatayin mo siya ganon na rin ang gagawin mo sa akin. Sapagkat ang pagkuha sa buhay ni Simon ay siya 'ring pagkitil sa aking buhay," sabi ko sa aking ama humigpit ang hawak ni Simon sa aking kamay. ""Selena, mapapahamak ka sa ginagawa mo. Bakit mo itong kailangang gawin para sa akin?" tanong niya sa akin. "Dahil katulad mo Simon ay handa rin akong gawin ang lahat para sa'yo, dahil mahal na mahal kita." "MGA GWARDYA SIBIL!" sigaw ni Papa nagkatinginan kami ni Simon at mas dumikit ako sa kaniya. "Bakit niyo po kami pinatawag mahal na Gobernadorcillo?" tanong ng mga ito sa kaniya tumingin siya kay Simon at saka sa akin. "Hindi, Papa! Di ako papayag sa nais mo! Hindi! Hindi mo maaring kunin si Simon!" nanginginig kong pagmamakaawa sa kaniya ngunit matigas na si Papa. "Kunin ang Indio na iyan at ipadala sa kulungan, pahirapan hanggang sa mamatay!" sigaw ng aking ama tumingin ako kay Simon at nakita ko na namumula na ang kaniyang mga mata. 'Tumakas ka na! bilisan mo!" sabi ko sa kaniya. Kilala ko ang Papa, kahit na kailan ay di siya bumabawi ng kaniyang utos. Maari niyang ipapatay si Simon... at .... Diyos ko! Hindi pwede ang kaniyang nais kung 'di ay... hindi ko kakayanin ang mawala si Simon. "Rita! Rita! Pumunta ka agad dito!" nakatiim bagang na sigaw ng aking Papa "Rita! Kunin mo ang Señorita at ikulong siya sa kaniyang kwarto hanggang sa kasal nila ni Juanito!" sigaw muli ng aking Papa kay Rita. "Pero mahal na Goberna—" "Simon, tumakas ka na bilisan mo!" sabi ko sa kaniya, ang kaligtasan niya ang mahalaga pag nalaman nila na aswang siya baka mawala na siya ng tuluyan sa akin "Hindi! Aalis ako kasama ka Selena! Di ako papayag na magpakasal ka kay Juanito!" saad n'ya sa akin. "Ano pang hinihintay niyo! Kunin ang indio palayo sa aking anak!" sigaw ng aking Papa. Nagtatakbo ang apat na kawal at pinaglayo kaming dalawa ni Simon. Halos kaladkarin nila si Simon palayo sa akin, halos saktan nila ito. "Bitawan nyo ako! Selena! Bitawan nyo ang mahal ko! Wag nyo siyang saktan!" sigaw ni Simon. "Simon! Simon! Tumakas ka na! Bilisan mo!" sigaw ko sa kaniya at saka ako pumalag sa mga kawal. "Bitawan n'yo ako... Papa! H'wag mong ipapatay si Simon, nagmamakaawa ako!" sigaw ko at binaling ang tingin kay Simon. Siya ay palag ng palag pa rin sa mga kawal hanggang sa pinalo siya ng mga ito ng b***l sa ulo "Huwag!" sigaw ko nakita kong nawalan ng malay si Simon matapos ang dalawang palo sa kaniya sa kaniyang ulo at saka siya binuhat na palayo sa akin. "Simon!" sigaw ko nakita kong ginalaw niya ang ulo niya at saka nanghihinang tumingin sa akin. "At ngayon, ikaw naman, Selena. Hindi ka lalabas ng kwarto mo hanggang sa' di pa nangyayari ang kasal ninyo ni Juanito. At ang lalaking iyon, aisiguraduhin kong di niya siya humihinga sa oras na makalabas ka ng iyong kwarto," banta sa akin ng aking ama. "Papa, hindi! Hindi pwede ang gagawin ninyo. Papa mamatay ako kapag wala si Simon sa aking buhay! Papa! "Pumasok ka na Señorita!" sabi niya sa akin di ko na ang mapigilan ang humagulgol sa mga nangyayari ngayon. Ganon ba ako naging di maingat at nangyayari ito ha? "Papa! Nakikiusap ako! Wag mong saktan si Simon!" muli kong pakiusap sa kaniya pero wala, nakita ko na lang ang sarili ko na dinala sa aking kwarto. Para akong tuluyang nawalan na ng lakas, tanging pag-iyak na lamang ang kaya kong gawin. "Pasensiya na Señorita, utos na po ito ng iyong ama. At sa tingin ko ay tama rin siya, para lang poi to sa iyong kaligtasan," sabi sa akin ni Rita. Nanatili akong umiiyak at tila ba wala ng balak pang tumigil ang luha ko sa pagdaloy. Si Simon wala akong maisip na ibang tao kundi si Simon."Si Simon, kailangan kong maalis si Simon sa kulungan na 'yon kung 'di ay papatayin siya ni Papa!" sagot ko kay Rita. "Señorita! Maghulos dili ho kayo! Di n'yo ba naisip na tama lang ang ginawa ng inyong ama. Mapanganib si Simon at maari n'ya tayong sak—" "Anong ibig sabihin mo, Rita?!" pagalit kong tanong sa kaniya. "Señorita, malaki ang duda ko na si Simon ang aswang na pumatay sa aking anak na si Nene. Siya 'yon! Kaya nakikiusap ako kung gusto n'yong maging ligtas ay sumunod na lang kayo sa inyong ama. Sa ganitong paraan ay 'di kayo mapapahamak at—" "Hindi totoo ang sinasabi mo, Rita!" sigaw ko sa kanyia at saka ako muling nag-iiyak. **** DI KO mabilang kung ilang araw at gabi na akong nandito sa aking kwarto. Wala akong ideya kung ano na bang nangyayari sa labas. Ang tanging bumabalot sa akin ay ang kalungkutan at pag-aalala. Maging ang takot na maaring tuluyan ng mawala sa akin si Simon. Hindi din ako makakain ng maayos, ang mga masasarap na pagkain na hinahanda ni Rita upang makuha ang aking loob ay 'di ko rin nagagalaw. Tila ba nawalan ako ng ganang mabuhay. Ang mga araw na wala si Simon sa aking tabi ay tila ba isang bangungot. Gusto ko ng gumising, kung ang pag-alis sa realidad na ito ay ang tanging paraan para lang makasama si Simon ay gagawin ko. Sa loob ng apat na araw ay puro pagtangis ang nagagawa ko, nagdarahop ang aking puso. Wala akong ibang gustong makita kung 'di siya lamang. TOK TOK .... Hindi pinansin ang mga katok ni Rita sa aking pintuan. "Señnorita, naririto po ang Mamma ninyo. Nais nya ho kayong makausap," nadinig kong sigaw ni Rita mula sa pintuan. Nanatili akong nakatulala sa bintana, nag-iisip kung paano makakatakas at mapupuntahan si Simon. Panginoon, sana makagawa ng paraan si Simon upang makatas. Kung hindi man ako makakatakas, ang iniisip ko ay kung paano siya maliligtas. Kung paano 'di siya mamatay sa kamay ng aking Papa, dahil sigurado ako na malalaman nila ang sikreto ni Simon kung magpapatuloy pa ang pagkulong nila dito. Binuksan ni Rita ang pintuan, naramdaman ko ang pagpasok nila ni Mamma sa aking kwarto. "Mahigit apat na araw na pong di kumakain ang Señorita. Señora nag-alala na po ako sa kaniya," saad ni Rita sa kaniya. 'Sige, ako na ang kakausap sa kaniya. Kailangan lang ng batang 'yan ng kaunting panggising sa katotohanan," sagot ng Mama napatingin tuloy ako sa kaniya, tinaas niya ako ng kilay at saka naglakad papunta sa aking harap. Kinuha nila ang attensyon ko para sa kanila ko naman ibaling ang aking paningin. "Kahit na anong gawin mo ay kailangan mong pakasalan si Juanito" sabi niya sa akin kinuha niya ang pinggan ng sopas at padabog na pinatong iyon sa aking lamesa . "Kumain ka upang magmukha ka namang may lusog, tandaan mo sa huwebes na ang iyong kasal. Magiging usap- usapan ng mga tao ang pagbagsak ng katawan mo," dagdag pa muli niya sa akin. "Mamma," tawag ko sa kaniya nakita ko ang pagtingin niya sa akin/ "Mama, nakikiusap ako kausapin mo ang Papa na palayain na si Simon. Pakiusap, h'wag naman n'yang patayin ang lalaking mahal ko." Pagmamakaawa ko sa kaniya nakita ko ang pagsungit ng kaniyang mukha sa kaniyang mga nadinig mula sa akin. "Palayain? Ang Indio? Bakit ko papalayain ang taong ikaw naman mismo ang nagpakulong?" tanong niya sa akin napatingin ako sa kaniya. "Hindi ko gustong mangyari 'yon, Mamma. Mama nagmamahalan kami," pakiusap ko muli sa kaniya. "Dahil kung di mo tinanggap ang kaniyang pag-ibig, ang Indio na sana iyon ay buhay pa rin ngayon," parang nadurog ang puso ko sa aking mga nadinig "Anong ibig sabihin mo Mama?!" singhal ko sa kaniya. "Hindi pa ba halata ang ibig sabihin ko, Selena?" pilosopo n'yang tugon sa akin. " Anong ginawa ninyo kay Simon?!" halos sigaw ko sa kaniya. "Patay na ang indio na 'yon. Naglaho na ang kaniyang buhay ng dahil sa walang kwenta ninyong pag-iibigan!" sabi niya sa akin. Para akong nakaramdam ng kirot sa aking puso, hindi nadurog ang buong pagkatao ko. Ang mga salitang iyon ay ang pumatay sa aking puso. Ang mga salitang iyon, ang katagang patay na ang indio na 'yon. Iyon ang pumatay din sa akin ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay dinurog ako mula sa aking puso. Ang lalaking mahal ko ay tinapos nila ng ganon- ganon na lang. Ang lalaking bumuo sa aking buhay ay pinatay nila upang warakin rin ako. "Hindi! Nagsisinungaling ka Mamma! Hindi pa patay si Simon diba?" tanong ko muli sa kaniya. Tinaas n'ya ang kaniyang kilay, "Ano naman ang mapapala ko kung magsisinungaling ako sa isang bastarda na katulad mo!" sagot n'ya sa akin. Pinilit kong tumawa, "Nagbibiro lang kayo diba? Kasi kahit na anong sabihin n'yo 'di ko papakasalan si Juanito. Pakiusap sabihin n'yong biro lang 'to!" pagpupumilit ko, tumingin ako kay Rita, naluluha ang kaniyang mga mata. Umiiling-iling siya sa akin na tila ba kinaawaan niya ako. "Rita! Ikaw ang nasa labas! Di totoo ang sinasabi ng Mama diba? Hindi pa namatay si Simon diba?" sunod sunod kong tanong sa kaniya. "Ipagpatawad ninyo Señorita, ngunit pinatay na po talaga siya noong isang araw pa," sagot ni Rita sa akin Hindi maari ito, di maaring patay si Simon. Malalakas na iyak ang ginawa ko, pakiramdam ko dinudurog ang aking puso. Ang puso ko na unang beses na umibig ay agad na sinira ng mga taong malalapit sa akin. Wala na si Simon, ang mga salitang iyan ay kay hirap paniwalaan. Isang bangungot at wala akong ibang nais kung 'di ang gumising na lang mula sa masamang panaginip na ito. Ayokong paniwalaan ito "Rita, kunin dito ang damit ng Indio para mapaniwala ang babaeng ito na tapos na ang kahibangan n'ya," utos ng aking Mama. Nagpatuloy ako sa pag-iyak, nabigla na lang ako ng may duguan na damit ang hinagis sa aking harap. Ang damit ni Simon. "Patay na siya, siguro ay sapat na ang kaniyang damit upang paniwalaan mo," sabi ng aking mama. Nagpatuloy ako sa aking pag-iyak, sobrang lakas na iyak na para bang walang makakatumbas ng sakit na aking nadadama. "Hindi," mahina kong bulong. "Bukas ay dadalaw ang Señora Gabriela dito, gusto ko maayos na ang itsura mo bukas. Ihahanda na ni Rita ang iyong mga susuotin, ihahatid na din ang iyong damit pangkasal bukas," sabi niya sa akin. "Señora, baka maari pa po nating bigyan ng oras upang umiyak ang Senorita. Kailangan po n'yang magdalamhati sa pagkawala ng kaniyang minamahal." Pakiusap ni Rita kay Mamma. "Bakit mabubuhay ba ang Indio na iyon kung iiyak siya? Hindi ba ay hindi na?! Carramba! Inutil!" sigaw niya kay Rita ngunit nanatili na lang ako sa aking pag-iyak. Ang pagtangis ng aking puso na di ko alam kung paano wawakasan. Dahil sa pagkawala ng aking minamahal ay katumbas ng pagturok ng isang napakasakit na patalim sa aking puso. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD