Ikalabing- isang Tagpo

2520 Words
Ikalabing- isang Tagpo SELENA ZARAGOZA MATAPOS ng paguusap namin ni Padre Solomon ay umuwi na kaming tatlo. Habang naglalakbay kami pauwi ay 'di mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Padre Solomon sa akin. Hindi magiging possible ang pagmamahalan namin ni Simon? Ngunit bakit naman ganoon? Hindi naman siguro magiging mahirap na lagpasan ang problema ukol sa estado namin sa buhay. Isa akong bastarda at siya naman ay isang aswang na pinagbalat kayo ko bilang isang indio. Kapag lalayo kami sa bayang ito at pupunta sa lugar na walang nakakakilala sa amin ay magiging possible din ang lahat. Akala ko ay ganoon, akala ko noon ay possibleng malabanan na lang namin ang mundong umaayaw sa amin. Na baka kapag pinaglaban ko ay pwede na. Buo na ang loob ko ng mga oras na 'yon. Nais kong tumakas na lang kami ni Simon, kung maari magtanan na lang kami at saka magsama habang buhay. Nang mga panahong iyon, nakikita ko na ang magandang bukas kasama si Simon. Pero makulit ang tadhana, tila ba hindi talaga ito papayag na magsama ang dalawang mundo. Na maging isa kami at magmahalan habang buhay. Naalala ko ang mga tili ni Nena noon, ang mga tili n'yang nagsabi sa akin na impossible ang mga nais mo Selena. Na 'di mo makakamit lahat ng gustuhin mo sa mundong it, Pagdating namin sa bahay ay agad na hinananap ng aking mga mata si Simon, ngunit wala siya. Katahimikan ang nakabalot sa paligid, nakakanbingi ito. Sobrang lakas din ng t***k ng aking puso pakiramdam ko ay sasabog ito dala ng sobrang kaba. "Inay, inaantok n po ako," daing ni Nena kay Rita. "Sige, mauna ka na sa kwarto anak. H'wag kalimutang mag-bihis ng damit bago matulog ha?" Tumango ang bata at saka ito dumiretso sa kwarto nilang magkapatid. "Maraming salamat po Señorit—" natigil si Rita sa pagsasalita ng madinig namin ang malakas na sigaw ni Nena. "Ah! Inaaaayyyy!!" sobrang lakas na sigaw ni Nena mula sa kwarto. "Ay! Ano bang nangyari sa'yo Nena at sumisigaw ka?!" bulyaw ni Rita sa bata mula sa labas. "Naaaayyy! Si Nene! Nay!" umiiyak na ang boses ni Nena, sumisigaw ito, umiiyak na tila ba nakakita siya ng nakakatakot na bagay. Nagmadali kaming tumakbo papunta sa kwarto nila pero isang karumal dumal na eksena ang nakita namin. "Diyos ko ang aking anak!" iyak ni Rita. Si Nene, nakita naming duguan at walang buhay si Nene, warak ang tiyan ng bata at labas ang lamang loob niya, wala na ang puso nito at ang atay niya. Si Nene na isang limang taong gulang pa lamang. "Panginoon ko, anong nangyayari?" bulong ko sa sarili ko nakita ko na lang si Rita na yakap yakap ang duguan na katawan ng kaniyang anak. Humagulgol silang mag-ina, bakit nangyari ito? Sino ang gumawa nito? Si Simon... Hindi... hindi ito magagawa ni Simon. Malakas ang pananalig ko na hindi ito magagawa ng lalaking mahal ko. Kalaro niya ang bata at malapit siya dito, Di niya magagawa na saktan ito dahil sa kaniyang gutom. Kilala ko si Simon, pero isang aswang si Simon hindi din ito impossible kung tutuusin. Hindi! Ano bang mga naiisip ko?! Gulong – g**o na ako sa dapat kong isipin ng mga oras na iyon. "NAY! NAY!" malakas na iyak ni Nena, natakpan ko na lang ang aking mga mata, kasunod no'n ay ang pagtulo ng luha ko. Sa dinami dami ng tao, bakit si Nene pa ang kailangang makaranas ng ganito? Ang batang ito na walang ginawa kundi ang magdala ng ngiti sa mga tao sa kaniyang paligid. Nawalan ako ng lakas at napaupo na lang sa sahig, ang iyak ko ay naging hagulgol. Wala akong ibang gustong mangyari kung 'di ang bumalik sa oras. Hinihiling ko na sana 'di na lang ako umalis ng bahay, na sana 'di namin iniwang mag-isa si Nene doon. Hindi ko na alam ang uunahin ko, hahanapin ko ba muna si Simon upang masigurado na wala s'yang kasalanan o si Nene? Hindi nagtagal ay dumating ang mga gwardya sibil upang maimbestigahan ang mga pangyayari, agad nilang kinuha ang katawan ni Nene at sinuri ito. Napahawak na lang ako sa rosaryo sa aking kamay at nagdasal. Simon, nasaan ka na ba? Bakit ba biglang nawawala ngayon? Kailangan kong mapatunayan na wala kang ginawa, Simon. Kailangan kong gawin 'yon, upang makasama ako sa'yo. Dahil kung ikaw nga ang may gawa nito, 'di ko na alam ang mangyayari sa akin. "Parang aswang ulit ang may gawa nito," sabi ng isang kawal napahigpit ang hawak ko sa rosary ng mapagtanto ko ang isang bagay sa isip ko. Umiiyak pa rin si Rita habang yakap yakap si Nena, puro ang balahaw ni Rita, nagdadasal siya sa panginoon at kinukwestiyon kung bakit kailangan no'n mangyari sa kaniya. "Nagpadala na ako ng mensahero sa tahanan ni Heneral Delgado, Señorita. Ang kasong ito ay agad naming iimbestigahan at sisiguraduhin naming wala ng maari pang makapanakit sa inyo. Mag-iiwan din kami ng mga kawal upang bantayan kayo," giit sa aking ng gwardya sibil. "Maraming Salamat," saad ko sa kaniya. "At saka pala, nakita namin ang damit na ito sa tabi ng bangkay," saad n'ya sa akin. Inabot n'ya ang duguan na puting chileko sa akin. Kay Simon ang chilekong ito. Isa ito sa mga damit na binili ko sa kaniya ng namamasyal kami noon kasama si Mamma. Panginoon, hindi kaya.... Agad kong tinago ang damit ni Simon sa aking likod bago pa siya mapansin ni Rita. "Hahanapin ko ang may-ari nito," giit ko sa kaniya. *** HABANG naglilinis ang mga Gwardya Sibil, ay lumabas naman ako para hanapin si Simon tahimik ko siyang sinilip sa buong jardin pero 'di ko siya nakita. Kailangan kitang makita ngayon, aking mahal. Kailangan kong mapatunayan sa sarili ko na hindi ikaw ang may gawa nito. "Simon," bulong ko upang marinig niya ako pero wala siya. Di nagtagal nakaamoy ako ng dugong nakahalo sa putik. Matapang ang amoy, sobrang baho nito na tila ba kasamaan ang buong pagkatao ng aswang na naamoy ko. Aswang, may aswang na nandito. Si Simon maaring si Simon ito! Pero hindi ganito ang amoy ni Simon pag nagiging aswang siya. Hindi gnaito katapang! "Simon, ikaw ba iyan?" tanong ko muli. Isang pigura ng lalaki ang sumulpot sa aking harap "Simon, ako ito si Selena! Maari ka ng lumabas ngayon. Simon kailangan nating mag-usap," bulong ko sa lalaking iyon pero nanatili lang siya na nakatayo sa harap ko lumapit pa ako sa kaniya at mas tumatapang ang kaniyang amoy. Nadidinig ko ang mahinang tunog ng pagiging halimaw niya, ang nakakatakot nitong hingal na tila ba isa s'yang mabangis na oso. "Selena..." bulong n'ya sa aking pangalan. Nakalapit na ako ng tuluyan ng makita ko kung sino ang aswang sa harap ko. Si Simon, unti unti kong napagtanto ang lahat, sa kaniyang itsura at kilos ngayon maging sa amoy niya. Dugo ang nasa mukha niya at mga kamay niya. Panginoon, Si Simon ba ang gumawa nito kay Nene? "Diyos ko, ikaw ba ang kumain kay Nene?" tanong ko sa kaniya pero nanatili lang na nakatingin ang matapang niyang mata sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya kahit puno iyon ng dugo. "Sagutin mo ako Simon, ikaw ba ang pumatay kay Nene?!" tanong ko sa kaniya biglang nanlambot ang tingin niya sa akin at unti unti siyang nagbalik sa anyong tao niya. "Patay na si Nene?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kaniya, tila ba wala siyang ideya na namatay si Nene. Marahil ay... marahil ay wala siyang kasalanan. "Hindi, wala akong ginagawa. Wala akong naalala na kinain ko. Wala akong maalala sa mga ginawa ko," sagot niya sa akin, pinunasan niya ang labi niya at tiningnan niya ang kamay niya. Halos puno ng dugo ang kaniyang mukha at katawan niya at tila ba wala siyang ideya kung ano ang nagawa niya. "Ang naalala ko lang ay nakita ko ang iba kong kasamang aswang. Naglabanan kami sa 'di kalayuan dito at natalo ako. Nang magising ako ay duguan na ako, Selena. Duguan ako at nasa ibang lugar na.Wala akong maalala, wala talaga!" paliwanag n'ya sa akin. Maging siya mismo ay di makapaniwala sa dugo sa kaniya katawan. Siya ay nalilito na "Selena, wala akong pinatay," sabi niya muli sa akin at nagsimula na siyang umiyak sa harap ko. "Hindi na ako pumapatay ng kahit na ano, Selena. Sinubukan ko ng maging tao! Hindi ako ang gumawa no'n kay Nene! Malapit sa akin ang batang iyon!" sabi niya sa akin habang umiiyak siya. "Ssshh... Alam ko, wag kang kabahan. Naniniwala akong di ikaw ang gumawa nun" sambit ko sa kaniya para matigil siya pero hindi pa rin siya natatahimik. Maging ako, nakita ang chileko ni Simon sa pinangyarihan ng krimen. Siya ang itinuturo ng ebidensya ngunit... walang dahilan upang magsinungaling sa akin si Simon. Hindi ako makapaniwala, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. "Hindi! Nakikita kong natatakot ka sa akin. Selena, di ko magagawa iyon kay Nena. Sigurado ako na hindi ako ang gumawa no'n," muli niyang sabi sa akin na para ba siyang nagmamakaawa. Gusto kong maniwala kay Simon, pero ang itsura niya ay para siyang kumain ng tao. Mas lalo siyang paghihinalaan kung ganito ang itsura niya. "Señorita!" nadinig ko ang tawag ng isang kawal sa akin. "Sandali lang! Hintayin n'yo ako sa loob ng aking tahanan!" giit ko. "Humayo ka at maglinis muna ng katawan mo at kung maari humanap ka ng damit na kaparehas ng chilekong binigay ko sa'yo dati. Alam kong may gano'n si Papa sa mga lumang damit na binigay niya sa iyo. Matapos no'n ay bumalik ka dito na may dalang mga piraso ng malalaking kahoy at iyan ang magiging alibi mo." sabi ko sa kaniya nanatili siyang umiiyak sa harap ko. "Di ko magagawa iyon kay Nene," muli niyang bulong sa akin. "Oo, naniniwala ako pero malaki ang kutob ni Juanito na aswang ka, pag nakita ka ng mga gwardya sibil na ganyan ay baka mas madiin ka. Nakikinig ka ba sa akin ha? Simon! Tumingin ka sa akin," giit ko sa kaniya. Pinunasan ko ang luha sa kaniyang mga mata, "Hindi ka halimaw," giit ko sa kaniya. Kumalma ang kaniyang pakiramdam ng sabihin ko 'yon sa kaniya. "Tao ka Simon, nagiging tao ka na.,. Di ka masama ay tandaan mo iyan. Paniwalaan mo ang alam mo, dahil ililigtas kita sa gulong ito," sabi ko sa kaniya at saka ako ngumiti ng mahina. "Senorita, hanap po kayo ng pinuno ng imbestigasyon para sa ilang katanungan!" sabi ng kawal sa akin at saka ako lumingon sa nagsalitang kawal. Dahil sa malagim na pangyayari ay pinaurong ng aking ama ang aking nalalapit na kasal ng isang linggo, nagpaunlak din kami ng magandang libing para kay Nena. Ito na lang kasi ang pinakamatutulong ko sa kanila. Si Simon, ilang araw na siyang balisa matapos ng pangyayari. Maging ako ay balisa, pero napag-isp ko na dapat gumawa ako ng paraan upang mailayo si Simon sa gulong ito. Di na siya gaanong lumalapit sa akin dahil para siyang natatakot. Umiiwas din siya kay Rita at napapansin ko ang mga mapanghusgang titig sa kaniya ng aking kasambahay. Pinapaiwasan niya si Nena sa paglapit kay Simon kaya mas lalong nalungkot ang bata. Sa tingin ko ay natatakot siya sa maari niyang gawin. "Mahal ko," tawag ko sa kaniya habang nagsisibak siya ng kahoy na panggatong. Tinigil niya ang ginagawa niya at tumingin sa akin "May dinadamdam ka ba?" tanong ko sa kaniya pero pinagpatuloy lang niya ang pagsisibak naglakad ako papunta sa kaniya at nilabas ko ang rosaryo na ibinigay ni Padre Solomon sa akin. 'Ihinto mo muna yan dahil may ibibigay ako sa'yo, Simon." Sabi ko sa kaniya ay tinigil naman niya ang ginagawa niya. "Ilang araw mo na akong di ginigising sa tuwing umaga, nagtatampo na ako sa'yo." Bahagya akong ngumuso ng sabihin koi yon sa kaniya. Nagpeke din ako ng tono na tila ba nagtatampo talaga ako. "Natatakot lang naman ako na masaktan kita, Selena. Umiiwas lang ako dahil pakiramdam ko may nagagawa akong hindi ko alam. Maski sa sarili ko di ko alam kung ako ba ang gumawa no'n kay Nene. Natatakot na ako sa sarili ko," sagot niya sa akin. "Simon sinabi mo sa aking nagkaroon kayo ng engkwentro ng ibang aswang diba? Iyon siguro ang magpapaliwanag ng katotohanan na wala kang kasalanan dahil ang mga dugo sa damit at katawan mo no'n ay dugo din ng ibang aswang," giit ko sa kaniya. "Hindi tayo nakakasigurado, Selena." Sagot n'ya sa akin. Iniwasan niya ang tingin ko sa kaniya at muli s'yang nagsibak ng kahoy, bumuntong hininga ako. Nagdududa na Simon sa akin dahil sa aking pagdududa sa kaniya. "Ipagpatawad mo kung napagbintangan kita," wika ko sa kaniya. "Nabigla ako sa mga nangyari, pero alam ko naman na di mo na kayang pumatay at manakit. Alam kong importante din sa'yo ang mga bata, Simon," dagdag ko pa. Naibaba niya ang palakol na hawak niya at saka siya humarap sa akin. Kinuha ko ang hawak kong panyolito at pinunasan ko ang namumuo n'yang pawis. "Pumikit ka, may ibibigay akong regalo ko sa iyo, aking mahal," sabi ko sa kaniya para naman siyang bata na sumunod sa akin. Pinikit n'ya ang chinito n'yang mata. Kinuha ko ang rosary na nakatago sa aking bulsa at sinuot iyon sa leeg niya. Alam kong maari siyang masaktan pero nais kong ibigay ang rosaryong ito bilang proteksyon niya. Ang akala ko ay masasaktan siya sapagkat banal iyon pero Hindi siya nasaktan. Tama nga ako, tanging sa mga aswang na masasama lang umeepekto ang mga banal na reliko. "Rosaryo? Bakit mo ako binigyan nito?" tanong niya sa akin. Hinawakan niya ang rosaryo na iyon. "Dahil sa hindi ka nakakapasok sa simbahan, naisip ko na kapag suot mo to ay pwede ka ng magdasal kahit wala ka sa loob ng simbahan at saka tanda yan ng pagmamahal ko sa'yo," nahihiya kong sambit sa kaniya. "Di ko akalain na di ako mapapaso nung sinuot mo ito sa akin. Iilan lang sa aming tribo ang di naapektuhan ng mga gamit sa simbahan na nabasbasan," sabi niya sa akin. "At sila pa madalas ang mga di kumakain ng tao," sabi niya sa akin. "Nilagay ko kasi ang pagmamahal ko sa rosaryo na iyan, kaya di ka masasaktan saka naniniwala kasi ako na isa kang mabuting nilalang." Giit ko sa kaniya. "Naniniwala ka sa akin kasi mahal mo ako diba?" tanong niya sa akin, tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Simon, naalala mo ba 'yung alok mo na magsama tayo?" tanong ko sa kaniya. "Oo, aking señorita, bakit mo natanong ang alok kong 'yon?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at saka hinawakan ang pisngi niya. "Aking Simon, magsama na tayo. Ma- magtanan na tayo," aya ko sa kaniya. Bago pa man siya sumagot sa aking tanong ay sinunggaban ko siya ng isang malalim na halik. Para na akong nadala ng emosyon ko at gano'n din siya. Kaming dalawa lang ang nasa mundo, yon lang aking naiisip ng mga sandaling 'yon. Naramdaman ko na lang ang pagsandal sa akin ni Simon sa likod ng puno. Saglit siyang tumigil para halikan ang noo ko, mahal na mahal kita Simon. Muli ko s'yang hinalikan sa kaniyang labi, naglaban ang mga halik namin. Ibinaba niya ang halik n'ya sa leeg ko at tinaas ang dalawang kamay ko sa may puno. Hindi ko mapigilan ang mapapikit sa kakaibang sensasyon na dulot ng kaniyang halik. "Anong ibig sabihin nito Selena?" natigil kami parehas ni Simon sa nangyayari sa pagitan namin. Napalingon kami sa nagsalita at nakita namin ang Papa na gulat na nakatingin sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD