Ikalabing- walong Tagpo
SELENA ZARAGOZA
NAGISING ako ng maramdaman ko na may humahawak sa aking mukha, inangat ko ang kamay ko at hinawakan din ang kaniyang kamay na dumadampi sa aking pisngi. Ang mainit n'yang haplos na kay tagal ko ng hinintay na maramdaman.
"Ang tagal kong hinintay na muling mahawakan ng mga kamay mo." sabi ko sa kaniya habang dinadama ang init ng kamay niya. Agad n'yang winaglit ang kamay n'ya at tumalikod mula sa akin. Na tila ba pagkakamali ang hawakan ako muli.
"Limang taon, limang taon na kinain ako ng lungkot ng pagkawala mo." saad ko sa kaniya. "Pakiusap, ikaw ang taong pinakagusto kong makasama ngayon. H'wag mo ako iwanan muli, pakiusap," pagmamakaawa ko sa kaniya. Muli n'yang binaling ang tingin n'ya sa akin. Tiningnan niya ako na tila ba masamang biro ang aking sinabi sa kaniya.
"Nung oras na nakakulong ako ay pinakasalan mo si Juanito. Nakita kitang ngumingiti na parang isang babaeng natupad ang matagal niyang napapangarap. Selena, pinilit ko naman diba? Pinilit kong maging tao, minahal kita, ikaw lang ang nag-iisang babae na minahal ko ngunit nagawa mo akong saktan!" sagot niya sa akin, ramdam ko ang pait sa kaniyang boses.
"Ngiti, isang bagay maari mong doktorin at pekein pero 'di ang nararamdaman ng puso ko." Sabi ko sa kaniya at tinapat ko ang kaniyang kamay sa aking puso. "Sa puso ko na tumitibok na lang dahil sa mga alaala ng pagmamahal mo. Ilang taon akong nangangarap na h'wag na lang gumising. Na sana mapunta ako sa paraiso kung nasaan ka. Limang taon kong ninais mamatay noong nawala ka, Simon." Sabi ko sa kaniya at tumingin ako sa kaniya, malabo na ang imahe na pumapasok sa aking mga mata pero natatanaw ko ang pagluha ng kaniyang mga mata.
"Mahal mo pa rin ba ako Selena?" sunod niyang tanong sa akin.
"Oo Simon, labis kitang mahal," sagot ko sa kaniya. Pinilit ko ang maupo kahit hinang= hina ako, agad n'ya akong niyakap ng mahigpit. "Nang sabihin ni Mamma noon na pumanaw ka na. Noong hinagis n'ya sa akin ang duguan mong damit. Nadurog ang puso ko, pakiramdam ko ay kasabay mo akong namatay. Mula noon, mula ng mawala ka ay 'di ko na alam kung paano muli ang mabuhay!" iyak ko sa kaniya. Mas lalong humigpit ang yakap n'ya sa akin.
Masaya akong papanaw dahil nasa tabi ko na si Simon.
Sa higpit ng pagyayakapan namin ang nagbibigay sa akin ng buhay. Ang init nito ay nagsasabing dapat akong maging malakas, Kasabay ng aming mahigpit na yakap ay ang luha niya, iyak na nagsasabing mahal pa rin niya ako. Hindi na n'ya kailangang magsalita dahil nararamdaman koi yon. Alam kong mahal pa rin n'ya ako.
Humiwalay ako para punasan ang kaniyang luha. "Ipagpatawad mo kung nagawa kitang saktan aking mahal," bulong niya sa akin at hinalikan niya ang ulo ko.
"Naiintindihan ko, kaya malugod kong tinanggap ang bawat sugat na dinulot mo." Sagot ko sa kaniya muli niya akong yinakap ng sobrang higpit. "Alam ko na nahirapan ka. Alam ko na inakala mo na iniwan kita."
"Nais mo pa rin ba akong makasama, Selena?" tanong niya sa akin.
Napaisip ako dahil doon, gusto ko... Nais kong makasama si Simon pero natatakot ako na baka maiwanan ko rin siya. Ang sitwasyon ko ngayon, ang kalusugan ko at ang pagdadalang tao ko humawak ako sa munting buhay na na sa aking sinapupunan. Nais kong maging makasarili at sumama na lang kay Simon. Ubusin ang mga natitira kong oras para maging masaya kasama siya. Maipakita sa kaniya ang pagmamahal na inipon ng aking mumunting puso.
"Nais ko sana Simon ng—"natigil ako dahil sa aking pag-ubo.
"Selena, ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?" tanong niya sa akin pero umiling ako sa harap niya at nagpatuloy sa pag-ubo hanggang sa tumigil din ito kusa. Nagmamadaling kumuha ng tubig si Simon, tumingin ako sa aking palad at may nakita akong kagimbal- gimbal.
Dugo, nakita ko ito sa aking palad ng tingnan ko ang kamay ko matapos ang aking pag-ubo.
"Selena," tawag niya muli sa akin agad kong pinunasan ang aking palad at tumingin muli sa kaniya. Kinuha ko ang tubig na inabot niya sa akin, bakas ang pag-a-alala n'ya sa akin. Mahina akong ngumiti sa akin. "Inubo lang ako saglit, marahil ay nakuha ko ang sipon at ubo ko dahil sa malamig na gabi. Wala kang dapat ipag-alala sa akin, Simon," giit ko sa kaniya.
"Nagdadalang tao s'ya, Simon," napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Ilaya na papasok sa bahay ni Simon. Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Simon, galit s'yang tumingin sa akin.
"Bakit 'di mo sinabi sa akin na buntis ka?" tanong n'ya sa akin,
"Dahil alam kong mawawalan ako ng pagkakataon na makasama ka," sagot ko sa kaniya. Napalunok ako, "Wala akong ibang nais kung 'di ang makita ka. Alam kong 'di ko na mapapalaki ang batang ito. Alam ko na baka pumanaw ako bago man lang siya mapanganak kaya kinuha ko na ang pagkakataong ito upang makasama ka," giit ko sa kaniya.
"Selena!" singhal n'ya sa akin. "Alam mo ba ang sinasabi mo ha?" tanong n'ya sa akin. Ang galit sa mukha n'ya ay napuno ng pag-alala. "Sinasabi mo ba sa akin na mamatay ka?" tanong n'ya sa akin.
Tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Mahina na masyado ang katawan niya, Simon. At dahil siguro ito sa lungkot na naranasan niya ng mawala ka. At dahil na rin sa mga sugat na natamo niya ang nagpadagdag ng kaniyang paghihirap." Napasuntok si Simon sa pader, agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko.
"Ipagpatawad mo at nasaktan kita. Aking mahal, 'di ko alam ang mga pinagdadaanan mo. Hindi ko alam, h'wag kang mag-alala ha? Itatakas kita ditto at ibabalik kita kay Juanito. Sigurado ako na kapag nadala ka sa magaling na manggagamot ay mabubuhay ka pa at masisilang mo pa ang batang 'yan. Aking mahal, handa akong magsakripisyo, handa akong ibigay ang lahat upang mabuhay ka pa ng matagal," hinalikan niya ang aking palad. Agad s'yang tumayo at humarap kay Ilaya.
"Ilaya, tatakas kami mamayang gabi. Kailangan kong maalis si Selena rito. Hindi pwedeng mapahamak ang bata sa tiyan niya at siya rin mismo." Bumalik na ang Simon na kilala ko, ang Simon na inibig ko.
"Baka hindi kayanin ng katawan niya ang byahe pababa ng bundok, Simon. Kailangan dahan-dahan mo siyang maibaba ng bundok sa mabilis na paraan para maagapan pa ang kaniyang kalagayan. At saka kung sakaling itatakas mo siya dapat doon kayo sa ruta na walang aswang ang maaring makapunta." Giit naman ni Ilalya sa kaniya.
"Ruta kung saan walang aswang ang maaring makapunta?" tanong ni Simon sa kaniya. Sandaling nag-isip si Simon, "Lumang simbahan..." bulong ni Simon.
"Simbahan?" tanong ni Ilaya sa kaniya. "Dadalhin ko siya doon, may lumang simbahan sa may paanan ng bundok. Maari ko 'syang dalhin doon. Hindi siya malalapitan ng mga aswang na kasamahan natin kapag naroon siya."
"Simbahan? Simon, hindi ka makakapasok sa simbahan na 'yon. Isa kang aswang, baka nga 'di ka malapit kahit sa pintuan lang ng simbahan e," giit ni Ilaya sa kaniya.
"Wala akong pakialam! Ang mahalaga sa akin ay matakas ko si Selena sa lugar na ito. Dahil kung hindi, magagawa ni ama ang balak niya."
"Simon may nais pala akong sabihin sa'yo, kailangan mo na itong malaman dahil nagising ka na sa kahibangan mo," Sabin i Ilaya sa kaniya. Tumingin si Ilaya sa paligid at sinigurado na walang ibang tao.
"Ang ama mo, ang tunay n'yang balak ay kunin ang puso ni Selena. At ikaw ang mag-aalay no'n para sa kaniya. Ayon sa ritwal ng mga demonyo, ang puso ng isang babaeng nagmahal sa isang halimaw sa kabila ng kasamaan nito ay magbibigay ng lakas sa aswang na makakain ng puso nito. At para tuluyan na gumana ang ritwal, ang dapat na pumatay sa babaeng ito ay ang halimaw na minahal n'ya," giit ni Ilaya sa kaniya.
"Lahat ng mga pinagdaanan mo ay sinadya niya. Pinapatay niya ang bata sa puder ni Selena noon upang magsimula ng magduda sa'yo ang mga taong nakapaligid kay Selena. At hindi nga s'ya nagkamali, sinadya din n'yang pasundan ka sa mga aswang upang makita iyon ng prayle sa bayan at isumbong ka sa batang heneral. Ang Umayon sa kaniya ang mga planong ginawa, gusto n'yang magalit ka kay Selena sa puntong nanaisin mo na siyang patayin," Lahat ng ito ay plano at balak ng pinuno ng mga aswang. Muli nasuntok ni Simon ang pader, tuluyan na s'yang umiyak.
"Ang tanga ko!" sigaw n'ya at pinagsisipa n'ya ang mga upuan. Galit na galit siya, marahil iniisip niya na nautakan siya ng mga taong akala n'yang makapagkatiwalaan niya. "Arghhh! Ang tanga- tango ko!" Tumayo ako at yinakap siya patalikod.
Kusang tumigil ang galit niya at puro pag-iyak na lang ang ginawa n'ya. "Sinaktan kita at nagpalinlang ako. Ang tanga – tanga ko!" sigaw ni Simon. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya,
"Dapat naniwala na lang ako sa nararamdaman ko. Dapat ay 'di ako nagpadala sa aking galit. Kung sana ay... kung sana ay naging matalino ako at mas tinatagan ang aking tiwala ay 'di ka dapat... hindi!" sigaw niya.
"Simon, h'wag ka ng magalit. Ang mahalaga ngayon ay magkasama na tayo, aking mahal..." giit ko sa kaniya. Pinaharap ko siya sa akin, "Kung sakaling totoo man ang sinabi ni Ilaya ay nagpapasalamat ako dahil kinuha ka pa rin ng mga kasama mong aswang. Dahil kung nagkataon baka totoong wala ka na sa akin. Baka habang buhay pa rin ako magdusa dahil 'di kita mayayakap ng ganito," giit ko sa kaniya, hinawakan ko ang kaniyang pisngi.
"Ngunit--- Aking Señorita, aking mahal...." Lumuha muli ang mga mata n'ya kaya agad kong pinunasan 'yon. "Nang dahil sa pagkawala ko, nang dahil sa lungkot at pighati na dinulot ko ay nangyari ito sa'yo..."
"Simon, ang mahalaga sa akin ay kung ano ang meron tayo ngayon. At pipilitin kong mabuhay pa para sa'yo. Kaya pakiusap aking mahal, h'wag ka ng umiyak... Meron pa tayong ngayon, at ito ang gamitin natin upang maging masaya muli," sabi ko sa kaniya at saka ko hinalikan ang kaniyang labi. Hinalikan rin niya ako pabalik, halik na kaytagal kong hinintay na matikman muli.
Halik na tila ba bumuhay sa aking puso na inakala kong habang buhay ng mamatay.
***
SIMON
MALALIM akong nag-iisip habang naliligo sa batis. Ngayong magkasama na kami ni Selena at alam ko na ang totoo. Napagtanto ko na ngayon na ang pagkakataon upang magawa ko ang matagal naming pinapangarap. Na maging magkasama kaming dalawa. Hindi ko siya aagawin kay Juanito dahil sa magkakaroon na sila ng anak. Ang tanging gusto ko lang ay makasama siya at makabawi sa mga naging pagkukulang ko.
Lulubusin ko ang pagkakataon habang nagtatago kami. Napapikit na lang ako at hinayaan na tumulo sa aking katawan ang tubig na mula sa talon. Bumalik sa isip ko ang mga nagawa ko sa kaniya. Sa totoo n'yan ay nais kong sapakin ang sarili ko. Napakabobo ko, napaka-inutil ko at 'di ko sinunod ang puso ko noong una ko siyang nakita.
Na sana agad ko na lang siyang yinakap upang mawala ang galit ko pero mas pinili ko ang magalit. Mas pinili ko ang saktan siya kahit na nagdudusa na s'ya dahil sa aking pagkawala. Napamulat ang aking mga mata ng may yumakap sa akin ng mahigpit.
"Aking Simon," Si Lira. Ngumiti siya sa akin at muling yumakap. Hubo't – h***d siya habang nakayakap sa akin. Si Lira, ang isa sa mga kaibigan ko at nalalapit kong pakasalan. Siguro dahil na rin sa aking lungkot ay pumayag ako sa alok ni ama na pakasalan ang isa sa pinakamagaling na aswang ng aming pangkat.
"Lira, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
"Lagi tayong sabay na naliligo diba?" nakangisi n'yang tanong sa akin. Umiwas ako sa kaniya at lumipat ng pwesto pero sinunadan lang n'ya ako. "Hindi ka pa rin nagbabago Simon, katulad ka pa rin ng dati na umiiwas sa aking pang-aakit. Minsan naman ay sakyan mo ako total, magiging mag-asawa naman na tayo," giit n'ya muli sa akin at hinawakan n'ya ang pisngi ko.
"Kumusta ang bihag natin?" tanong ko sa kaniya. Mahina siyang tumawa at saka ginamit ang kamay niya upang kuskusin ang dumi sa aking katawan. Hinaplos n'ya ang dibdib ko pababa sa aking tiyan. "Buhay pa siya pero nanghihina na. Duda ako na aabot pa ang buhay niya sa gabi ng ritwal," sagot n'ya sa akin at saka siya ngumiti.
"Gusto mo bang tuluyan ko na siya, Simon?" tanong n'ya sa akin. "Matagal ko ng gustong patayin ang babaeng 'yan." Giit pa n'ya muli. Sinamaan ko siya ng tingin, "Subukan mo s'yang hawakan kung hindi..."
"Hindi... ano?" tanong n'ya pabalik sa akin.
"Aking Simon, mahal mo pa ba ang babaeng 'yon?" tanong n'ya sa akin, ngumisi ako sa kaniya. "Gusto ko ako ang pumatay sa kaniya. Alam mo naman 'yon diba, aking Lira?" tanong ko sa kaniya at hinawi ko ang buhok n'ya.
"Pinagkakatiwalaan kita, aking Simon. Gusto ko na matikman ang laman n'ya matapos mo siyang patayin. Gusto kong pagsaluhan natin ang laman n'ya," alok n'ya sa akin. "At pagkatapos no'n, ang isa't – isa naman ang pagsaluhan natin." Sambit n'ya sa akin at saka niya ako hinalikan sa aking labi. Agad kong pinigil ang halik na 'yon at saka ngumiti.
"Tapos na akong maligo," giit ko sa kaniya at saka ako tuluyang umahon. Nakita ko pa ang makahulugang titig ni Lira sa akin na tila ba nagdududa siya sa aking mga kinikilos.