Ika- labing pitong Tagpo

3123 Words
Ika- labing pitong Tagpo SELENA ZARAGOZA NAGISING ako ng may nagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Ginising ng tubig ang aking diwa. "Gigising ka din pala," sabi ng isang boses ng lalaki minulat ko ang mata ko at nakita ko ang tatlong aswang na nasa harap ko at isang aswang na nakaupo mula sa di kalayuan. Aswang na nakatingin sa akin, 'di ko makita ang mukha niya ng malinaw pero napaka-pamilyar niya sa akin. "Nasaan ako?" bulong ko sa kanila napatingin ako sa aking kamay at nakita ko ang tali na nakatali sa akin, ginalaw ko ang kamay ko para matanggal ang tali pero di ko magawang malakasan ang paggalaw ko. Nanghihina ako... "Hindi ba ito ang paraiso kung nasaan si Simon?" tanong ko sa kanila ngunit tinawanan lang nila ako. "Ito ang impyernong kakalagyan mo dahil pinatay mo si Simon," sagot sa akin ng isang aswang. Hindi ko mapigilan ang maubo muli, halos 'di na ako makahinga dahil as aking pag-ubo. Pumasok si Lira sa kwarto at tumingin sa akin. Hinawakan n'ya ang pisngi ko at marahas na pinisil iyon. Napangiwi ako sa sakit dahil halos bumaon ang kuko n'ya sa pisngi ko.'Alam mo ba kung ilang beses na nagmakaawa si Simon na palayain niyo siya dati ha?" tanong niya sa akin. Nabigla ako ng sampalin niya ako ng malakas, sampal na naging dahilan upang masugatan ang aking labi. "At alam mo rin ba gusto n'yang makalaya dahil sa'yo?" tanong n'ya muli sa akin. "Hindi mo alam diba? Kasi habang namamatay si Simon sa kulungan na 'yon ay nagpapakasaya sa paghahanda sa kasal n'yo ng Juanito Delgado na iyon!" sigaw n'ya muli sa akin. "Kaya ipapaalam namin sayo ang hirap na pinagdaanan niya. Handa ka na bang magdusa bago ka mamatay?" tanong n'ya sa akin. Hindi ako sumagot sa kaniya, sa halip ay umiyak ako. Nakita kong pumulot siya ng latigo at saka iyon pinahaba sa harap ko. Hindi ako nagmakaawa o ano pa man, tinanggap ko ang unang latay niya. Ang sakit ay dinaan ko sa sigaw. Nilatigo na niya ako ng sunod – sunod, paulit ulit. Wala akong nagawa kundi ang sumigaw ng sumigaw sa sakit na nararamdaman ko. Sumisigaw ako habang iniilag ko ang aking katawan. "Tama na pakiusap! Ang sakit na!" sigaw ko ng maramdaman kong 'di ko na kaya. Habang paulit ulit niya akong nilalatigo ay muling bumalik ang tingin ko sa aswang nakaupo sa di kalayuan. Pamilyar siya, Alam ko kilala ko siya. "Tigilan niyo na iyan! Mapapatay niyo ang bihag" sigaw ng isang babae dahilan para tumigil ang isang aswang tumingin siya sa lalaking tinitingnan ko. Masama ang titig n'ya dito. "Paano mo natitiis na panoorin na lang ito?" tanong niya sa lalaking iyon lumapit sa akin ang babae. "Diyos ko!" sabi niya at saka niya ako hinawakan, sinuri n'ya ang aking mukha. "Kung nais mo siyang pahirapan ipagpabukas mo na lang! Di kakayanin ng katawan niya ang sakit." sabi niya muli sa lalaking iyon. "Pero gusto ko pa rin siyang pahirapan," sagot ng aswang na nakaupo sa 'di kalayuan. Nanlaki ang aking ng madinig ko ang boses niya, siya 'yon... Alam kong siya iyon... "Wala ka na bang puso ha? Mapapatay mo siya kung papahirapan mo siya!" sigaw ng babae. "Pero pinahirapan niya rin ako" muli niyang sagot sa babae at dahan dahan itong lumapit sa akin. Naging dahilan iyon upang tuluyan kong makita ang kaniyang mukha. Si Simon, naharap ko siya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti kahit nahihirapan ako dahil sa mga sugat ko ay nawala iyon. Ang lungkot na bumalot sa aking puso ng mahigit anim na taon ay tila ba naglaho. Buhay s'ya... buhay ang aking mahal. "Simon" di mapigilan ng luha ko ang umagos. "Simon" tawag ko muli sa kaniya at pinilit kong igalaw ang kamay ko. Nais ko siyang yakapin, nais ko siyang halikan at yakapin. Nais ko rin s'yang yapusin at sabihin na mahal na mahal ko siya. "Kumusta, Selena? Masakit ba ang mapahirapan ng ganito?" tanong niya sa akin. Sinubukan ko siyang abutin, ang lapit niya sa akin ngunit 'di tila ba 'di ko na siya maabot. "Wag kang gagalaw, Binibini. Hindi na maganda ang kapit ng dinadala mo," bulong sa akin ng babae. Napatingin ako sa babaeng 'yon. Ang dinadala ko? "Pakiusap Simon, itigil mo muna ito balikan mo na lang siya bukas kung nais mo. Hindi n'ya kakayanin ang mga p**********p n'yo. Ayaw mo naman siyang mamatay agad diba?" tanong ng babaeng 'yon sa kaniya. Ngumisi si Simon sa kaniya, "Tama ka, gusto ko pa siyang pahirapan hanggang sa mamatay siya katulad ko," naging nakakatakot ang ngiti niya, pinakita n'ya ang pulang mata niya sa akin. Lumapit siya sa aking mukha at dinilaan ang dugong umaagos sa aking labi pababa sa aking leeg at saka siya tumigil, mahina siyang tumawa sa aking tainga. Nakita ko pa na dinilaan niya ang labi niya na tila ba nakatikim siya ng masarap na dugo. Nagbago si Simon, ang mga mata niya na dati ay puno ng kinang, ang mga mata n'yang inosente at puro ay puno na ng galit ngayon. "Patawad, Simon..." naging seryoso ang kaniyang mukha ng madinig niya 'yon. Napalitan ng galit ang ekpresyon niya, "Sa tingin mo may magagawa ba ang paghingi mo ng tawad, Selena?" tanong n'ya sa akin. Mas lalo akong naluha, 'di ko na mapigilan ang aking emosyon. "Ipagpatuloy na natin 'to, bukas. Napagod na ako," giit ni Simon at saka s'ya nagmartsa palayo sa akin. Pinilit ko siyang abutin, gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. "Simon bumalik ka dito! Pakiusap, Simon... H'wag mo akong iwan..." habol hininga kong giit sa kaniya. Yinakap ako ng babaeng nasa tabi ko at muli s'yang bumulong. "Kapag pinagpatuloy mo 'yan ay makukunan ka," giit muli n'ya sa akin. "Makukunan? Hindi ako buntis," giit ko sa kaniya. "Marahil ay hindi mo lang naramdaman dahil sa mahina ang katawan mo, Binibini." Sambit n'ya muli sa akin. "Ayon sa aking tantsa ay isang buwan na ang bata sa sinapupunan mo," giit n'ya muli sa akin. "Jacinto, kumuha ka ng gamot sa aking tahanan at maiinom na rin," sabi ng babae sa isang batang aswang at saka siya muling tumingin sa akin. Umalis ang batang aswang upang gawin ang inutos ng babaeng. "Si Simon, Si Simon yun diba? Buhay ang mahal ko?" tanong ko sa kaniya. "Oo Binibini, siya ay buhay. Kung ano man ang nakarating sa'yo ay isa 'yong kasinungalingan," sagot niya sa akin. 'ngunit poot na ang nararamdaman niya para sayo. Pinatay mo ang kaniyang puso, Binibini," dagdag pa niya sa akin. "Alam kong kasalanan ko ito kaya ako kusang sumama sa mga aswang na kumuha sa akin. Gusto ko na s'yang makasama sapagkat naniniwala ako na nasa paraiso na siya. Handa akong mamatay dito, handa akong pagbayaran ang naging kapalit ng pagmamahalan namin ni Simon ngayon. Kung ito lang ang paraan para mapatawad n'ya ako, buong puso kong tatanggapin ang kaniyang paghihiganti." Giit ko sa kaniya, napatingin siya sa akin. "Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang kailangan ni Atec para sa ritwal," sabi n'ya sa akin, muli n'yang binaling ang kaniyang "Papatakasin na lang kita ditto. Hindi ka pwedeng manatili dito dahil sa buntis ka." sabi niya sa akin at akmang tatanggalin na ang tali ko ngunit pinigilan ko s'ya. "Huwag, gusto kong makausap si Simon at di ko iyon magagawa kung papatakasin mo ako." bulong ko sa kaniya. "Si Simon ang makakapatay sayo at sa anak mo kung mananatili ka dito" sabi niya sa akin "Kung si Simon man ang makakapatay sa akin, ay tatanggapin ko. Nang dahil sa akin ay nahirapan ang lalaking pinakamamahal ko," sagot ko sa kaniya. "Alam kong... alam kong 'di na ako magtatagal. Baka 'di ko na rin kayanin ang pagdadala sa bata sa aking sinapupunan." Masaya ako sa aking nalaman, ngunit kailangan ko rin atang humingi ng tawad kay Juanito. Dahil alam ko na matagal na n'yang pangarap ito. "Ngayon, wala akong ibang gusto kung 'di ang makausap ulit si Simon. Ang mayakap siya, makapiling siya, ang masabi sa kaniya na mahal na mahal ko pa rin siya. Pakiusap, tulungan mo akong makausap s'ya bago ako mawala sa mundong ito. Bago ako pumanaw," pakiusap ko sa kaniya. Hindi s'ya agad nakasagot sa akin tila ba nag-aalangan siya na gawin ang aking pakiusap. Bumalik ang alipin niya sa kinalalagyan namin na may dalang mga gamot, kinuha n'ya ang bote at saka ito dinasalan saglit. Isinalin niya ang laman no'n sa isang baso at saka n'ya hinaluan ng tibog. "Inumin mo muna ito makakatulong iyan para di magtuloy ang pagdudugo mo," sabi niya sa akin, nanghihina kong inabot ang baso at saka ininom ang laman no'n. Mapait ang gamot na 'yon kaya napangiwi ako. "Si Simon, siya ang aking anghel, ang aking minamahal, tagapagtanggol. Ngunit sa kabila ng mga ginawa n'ya sa akin ay pinatay ko siya," sagot ko sa babaeng iyon. "Gusto kong makabawi sa kaniya, nais kong... ibalik ang dating siya." Giit ko sa kaniya. "Ako nga pala si Ilaya. Isa akong aswang na babaylan. Ako rin ang manggamot sa aming pangkat," pagpapakilala niya sa akin. Nabuhay ang aking loob, pakiramdam ko agad na bumalik ang aking lakas na matagal ng nawala. Muli akong nagkaroon ng dahilan upang mabuhay, muli akong nasabik sa mga pangarap na ginawa namin dati. Kahit na alam kong poot ang nararamdaman niya sa akin. Nandoon ang aking tiwala na mahal pa rin niya ako. Binalik ni Ilaya ang pagkakatali sa akin"Ginusto mo it ngunit kung magbago ang isip mo ay handa kitang tulungang tumukas. Nandito lang din ako kung may nararamdaman ka. Sisikapin kong panatilihing malakas ang katawan mo hanggang sa 'di mo nakakausap ng maayos si Simon." sabi niya sa akin. "Maraming salamat Ilaya, sa ngayon si Simon lamang ang kailangan ko," bulong ko sa kaniya at saka ko ipinikit ang aking mga mata. Madali akong nakatulog dahil sa pagod na dinanas ko. Kinabukasan nagising ako dahil sa tilaok ng mga manok, tumingin ako sa paligid at nakita ko t ang tatlong aswang na may hawak hawak na latigo. Halatang hinihintay lang nila na magising ako upang pahirapan. Nakaramdam ako ng takot ngunit bago ko pa man masabi ang nararamdaman ko ay hinampas na ako ng malakas ng isa sa mga aswang. "AAHH!" malakas kong sigaw nadinig ko ang isang madilim na halakhak. Isang halakhak na nanggaling sa taong hinihintay ko. "Kumusta Selena?" inangat ko ang aking tingin at nakita ko si Simon na may hawak na isang latigo. "Simon," tawag ko sa kaniyang pangalan "Anong nararamdaman mo ngayon?" muli niyang tanong sa akin. Di ako nakasagot sa kaniya, gusto kong sabihin na masaya ako dahil sa nakita ko siya. Ngunit... 'di ko magawa siguro dahil iyon sa kadahilanan na 'di ako makapaniwala na sinasaktan na niya ako ngayon. Muli niyang nilatay ng latigo ang aking katawan dahilan para mapasigaw ako. "anong nararamdaman mo ngayon na nakita mo na ang lalaking minsan mong minahal?!" pasigaw niyang tanong sa akin. "ANO?!" muli niyang sigaw kasunod ang isa na namang latay sa akin. "Sumagot ka?!" muli niyang utos sa akin. Dahan dahan kong minulat ang aking labi, "Simon, patawarin mo ako," mahina kong bulong sa kaniya. Mas lalong naging galit ang kaniyang mukha. "Ang sabi ko sumagot ka?!" malakas n;'yang bulyaw sa akin. "Patawad kung wala akong nagawa kung 'di ang umiyak. Hindi ko gusto... gusto..." "Umiyak?! Iyak?! Sinong niloloko mo Selena?! Nung mga oras na nasasaktan ako, nung mga oras na wala akong iniisip kung 'di ang balikan ka at masakama ka. Noong mga oras na pinipilit kong mabuhay kahit gustong- gusto ko ng mamatay. Umiiyak ka ba ng mga panahon na 'yon ha?" tanong n'ya sa akin, tapos ay tumawa siya na tila ba isa s'yang demonyo. Na tila ba kasinungalingan ang isasagot ko sa kaniya. "Wala akong nakita kundi ang mga ngiti mo! Ang mga ngiti mo na tuluyang pumatay sa akin!" sigaw niya sa akin. "Hindi mo alam kung gaano ang hirap ko para malabas ang mga ngiti na iyon, na sa bawat pagtalikod ko sa mga taong nakangiti sa akin ay ang pagbuhos ng luha ko dahil sa pighati ko noong namatay ka," sabi ko sa kaniya. Tumawa siya ng malakas, 'Namatay?! Wag kang magsinungaling Selena! Alam nating parehas kung ano ang ginawa mo sa akin?!" sigaw niya muli sa akin. "Iniwan mo ako at sinabi mong kalimutan na lang kita! Sinaktan mo ako!" sigaw n'ya sa akin. "Di ko magagawang magsinungaling sayo, Simon." mahina kong bulong sa kaniya.' "Hindi ako nagsisinungaling, Simon. Di ko magagawa iyon dahil sa mahal kita. At 'di nabawasan ang pagmamahal ko sa'yo kahit limang taon na ang lumipas. Ikaw... ikaw lang," dagdag ko pa muli sa kaniya pero sunod sunod lang niya ako na pinalo ng latigo na hawak niya, bawat hampas niya ay ang iyak ko. Hindi! Hindi ganito si Simon. Di ako magagawang saktan ni Simon. "Matagal mo na akong pinatay Selena!" sigaw niya muli sa akin. "Matagal akong umaasa na sana ay buhay ka pa," sagot ko sa kaniya dahilan para tumigil siya sa paglatay sa akin. "Ngunit tama nga ata ang Mamma. Sa tingin ko ay tama siya ng sabihin n'yang namatay na ang Simon na minahal ko. Dahil ang kilala kong Simon ay hindi ako magagawang saktan," dagdag ko pa sa kaniya. "Ikaw muna ang bahala dito Zacarias! Wag kang tumigil hanggang sa 'di siya nawawalan ng hininga," nadinig ko na sabi ni Simon at saka siya tumalikod mula sa akin. Pitong araw, Pitong araw na wala silang ginawa kundi ang pahirapan ako. Kung 'di lamang sa gamot na binibigay sa akin ni Ilaya ay malamang patay na ako. Nararamdaman ko rin ang pagsakit ng aking tiyan, na tila ba kumakawala ang dinadala kong bata. Nagsisimula na akong mag-alala rito, "Anak...susubukan kong maging malakas hanggang sa lumabas ka kaya kapit ha?" bulong ko rito. Kung magpapatuloy pa ito ay baka mawala ang aking anak, sa kagustuhan ko na makita muli si Simon nung nalaman kong buhay ito ay masasakripisyo ko ang buhay ng aking anak. "Pakawalan na raw siya inutos ni Atec na pakawalan na ang bihag," sabi ng isang aswang na pumasok sa aking kinalalagyan. "Masusunod Benjamin," sabi naman ng ibang mga aswang na dali dali na pinakawalan ako. Lumapit sa akin ang Benjamin upang saluhin ako. Wala ng lakas ang aking tuhod at 'di ko nahalos kayang suportahan ang sarili kong katawan. "Masiyado kang nanghihina Binibini at mukhang may sakit ka pa," sabi niya sa akin. "Tawagin nyo si Ilaya upang mabigyan siya ng unang lunas," utos niya sa iba pang mga aswang na andoon.  "Si Simon, nasaan siya?" tanong ko sa kaniya. "Ilang araw ng di lumalabas si Simon sa kaniyang kubo," sabi niya sa akin at saka niya ako inihiga. "Benjamin, pinatawag mo raw ako," sabi ni Ilaya sa kaniya. "Gamutin mo ang sugat niya kailangan malinis siya pag makikita siya ni Atec," sabi naman nung Benjamin sa akin. "Kailangan nating maghintay ng ilang araw para gumaling ang kaniyang mga sugat, mahina ang katawan niya at 'di no'n kakayanin ang tapang ng gamot" sagot niya kay Benjamin. "Sige sasabihin ko ito kay Atec baka maari niyang ipagpaliban ang pakikipagkita at ritwal," sagot ni Benjamin. "Iiwanan na kita kasama ng bihag, magpapadala ako kay Lira ng damit niya," dagdag pa nito nakita ko ang pagyuko ni Ilaya bilang tugon sa kaniya. "Ano ba ang sinasabi ni Benjamin? Yung tungkol sa tunay na dahilan kung bakit ako kinuha?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ako ang dapat na magsabi sayo nito, Binibini... ikaw ang nakatakdang makaalam nito" sagot niya sa akin at saka niya ako pinaupo. "Lalagyan ko nang gamot ang mga sugat mo, pero magpahinga ka lamang dito. Kung pwede matulog ka lang para makabawi ka ng lakas mo," sabi niya sa akin. "Si Simon, nabanggit nung Benjamin na 'di siya lumalabas ng kubo niya. Anong nangyari kay Simon?" Muli kong tanong sa kaniya. 'Hindi ko alam pero mula ng magkausap kayo ay di na siya lumabas ng kaniyang kubo," sagot niya sa akin at saka siya tumingin sa isang kubo na di kalayuan dito. "Ang kubo na ba iyan ba ang kaniyang tahanan?" tanong ko sa kaniya tumango lang sa akin si Ilaya. "Ngunit kung ako sayo ay huwag ka ng pumunta doon. Masiyadong mapanganib para sa dinadala mo," sagot niya sa akin. "Maglalakad lang naman ako, 'di ko ikamamatay 'yon, Ilaya." "Isang ubo mo lang ay pwedeng lumabas 'yan," pambabara niya sa akin. "Maraming salamat nga pala sa pag-aalaga sa akin, Ilaya." sabi ko sa kaniya. "Gusto kong masilayan ng bata sa sinapupunan mo ang mundo kaya ako nag-aalala sa'yo ng ganito." Giit n'ya sa akin. Nang matapos niya akong gamutin ay umalis na siya at dalawang aswang ang nagbantay sa akin. Buong maghapon tinitingnan ko kung may lalabas mula sa kubo ni Simon. Ang akala niya masaya ako nung mga oras na nawala siya. Hindi niya alam ng sakit na dinanas ng aking puso gusto kong malaman niya na mahal ko siya at di nagbago iyon sa limang taon na lumipas. "Kami ay aalis upang maghanap ng aming makakain, wag kang magtatangkang tumakas bihag!" sabi ng isang aswang na nagbabantay sa akin tumango na lang ako sa kaniya, nakita ko pa ang mataas nilang pagtalon. Dahan dahan akong tumayo at binuksan ang pintuan. Di ako tatakas sa lugar na ito. Kung maari lang na makakatakas ako, gusto mo muli isama si Simon at makasama siya hanggang sa huling araw ng aking buhay. Gusto ko lang naman na makausap si Simon saka ko na iisipin ang aking pagtakas pag nalinaw ko na sa kaniya ang tunay na nangyari. Naglakad ako papunta sa kaniyang tahanan ngunit ng dumating ako doon ay wala namang tao. Maliit lang ang tahanan ni Simon, simple ito at 'di mo aakalain na tahanan ng isang aswang. Walang nakasabit na karne ng mga tao, mga prutas pa nga ang nakikita ko sa kaniyang hapag – kainan. Agad akong naupo sa higaan na nakita ko at saka ako napangiti. Ito kaya ang tahanan na tinutukoy ni Simon na pangarap niya para sa amin? Muli akong tumayo at pumunta sa lamesa nakita ko doon ang sira sirang rosaryo na ibinigay ko sa kaniya. Ang akala talaga niya ay 'di ko siya minahal. Napabuntong hininga na lang ako at saka muling naupo. Kinuha ko ang rosary at sinubukan itong buuin ulit, nabuo koi to na tila ba isa itong buong rosary ulit. "Anong ginagawa mo dito?' nadinig ko ang boses ni Simon mula sa aking likod at agad ako na lumingon sa kaniya. Tumayo ako at napangiti, sa kabila ng mga nangyari ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Dahil ang makita siya ay s'yang kinagagalak ng aking puso. "Nais ko sana na kausapin k—" kaso lang di ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang sumakit ang aking tiyan. "Ah!" napangiwi ako sa sakit na nararamdaman ko. Napapilipit ako at napaupo sa sahig, Ang anak ko... Ang anak ko, hindi... "Selena!" Agad siyang tumakbo palapit sa akin. "Anong nangyayari sa'yo?!" tanong n'ya sa akin, tumingin ako sa kaniya at muling binaling ang tingin sa aking sinapupunan. Mukhang 'di na kaya ng bata sa aking tiyan ang kumapit pa. "Ilaya! Ilaya!" malakas na sigaw ni Simon, tuluyan na akong nanghina at ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagbagsak ko sa kaniyang bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD