Ikalabing – siyam na Tagpo
SELENA ZARAGOZA
BINALIK ako ni Ilaya sa aking kulungan. Napag-usapan namin na magpanggap na kunyari gano'n pa din ang sitwasyon. Na galit pa rin sa akin si Simon, maghihintay daw kami ng dalawang araw bago kami tumakas sa bundok na ito. Kailangan ko raw muna kasing magpalakas, palihim akong papainumin ni Ilaya ng gamot at magpapanggap akong nanghihina na talaga.
Sa ganoong paraan ay mas marami ang maawa sa aking aswang at maaring maluwagan ang bantay ko.Mahigpit ang mga bantay na aswang dahil sa nalalapit na gabi ng ritwal kaya pagsusuotin ako ni Ilaya ng agimat na magtatago sa aking amoy.
Dahil doon ay mabilis kaming makakatakas ni Simon.
"Hoy, Babae!" nagpanggap akong kakagising lang at minulat ang aking mga mata. Nakita ko si Lira na nakatingin sa akin. Hindi n'ya hawak ang kaniyang latigo sa halip, mahigpit n'yang hinawakan ang aking pisngi. Napangiwi ako sa kaniyang ginawa sa akin. "Alam mo bang gigil na gigil na akong patayin ka? Nais kong malasahan ang karne mo," sabi n'ya sa akin at saka n'ya ako binatawan.
"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sa'yo ni Simon. Hindi ko alam kung bakit minahal n'ya ang isang katulad mo," sabi n'ya sa akin. Hinarap n'ya ako at saka pinakita ang matatalas n'yang kuko na tila ba tinatakot niya ako.
"Pero ngayon ay masaya na ako," giit n'ya sa akin. Masama ko s'yang tinitigan, "Dahil si Simon mismo ang papatay sa'yo at pagkamatay mo magpapakasal naman na kami,"
Magpapakasal sila ni Simon? Sigurado ba s'ya?
"Hindi totoo 'yan..." giit ko sa kaniya. Tumawa siya na tila ba isa s'yang demonyita. "Pasensya na, Selena ngunit totoo ito. Madalas ng may nangyayari sa amin ni Simon. Madalas kaming nagsisiping at sabay kaming naliligo. Gusto ko lang iparating sa'yo na hindi ka niya mamahalin kahit na kailan," nakangisi n'yang saad sa akin.
Nanlisik ang mga mata ko dahil sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko mapigilan ang maisip na magkasama sila ni Simon. Na nahahawakan niya ito at nakakasama ng ganoon! Gusto ko siyang sipain at sabunutan pero nanghihina pa ako.
"Paalam na Selena. Pupuntahan ko lang Simon at papaligayahin ko siya," mayabang n'yang saad sa akin. Kung nakakamatay lang ang titig ko ay sigurado akong putol- putol na ang katawan niya.
Hindi nagtagal ay pumasok si Simon sa aking kulungan, maingat n'yang isinara ang pintuan at tinakpan ang mga bintana. "Iwan mo muna kami ng bihag," giit n'ya sa isang aswang na nagbabantay. Kinuha n'ya ang latigo ay saka hinataw 'yon sa sahig.
"Sige, Simon. Ikaw na ang bahala sa bihag," giit ng bantay. Naging uwak ang bantay na iyon at lumabas mula sa isang bintana. Pagkalabas naman nito ay agad n'yang sinara ang bintana at tumingin sa akin. Agad siyang ngumiti, binato n'ya ang latigo at parang batang tumakbo sa aking harap.
"Nasabik ako agad sa'yo, aking Señorita," giit n'ya ngunit inirapan ko siya. Iniwasa n ko ang tangkang paghalik niya sa akin.
"Nasabik? Biruin mo ang Lola mo," pairap kong giit sa kaniya.
"Bakit may problema ba aking mahal?" tanong n'ya sa akin. Masama akong tumingin sa kaniya. "Doon ka sa Lira mo dahil baka hinihintay ka niya dahil maliligo pa kayo at magsisiping sa nakakadiri mong kama," masungit kong giit sa kaniya.
"Saan mo naman narinig 'yan? Saka ano ba ang pinagsasabi mo ha?" tanong n'ya sa akin.
"Huwag mo na akong isipin! Magsiping na lang kayo muli!" giit ko muli sa kaniya.
Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "Si Lira ang nagsabi n'yan sa'yo no?" tanong n'ya sa akin.
"Huwag mo na ring hintayin na mamatay ako. Magpakasal na kayo agad total, gumaganti ka naman as akin diba? Saktan mo lang ako, diba ito ang gusto mo?! Gustong- gusto mo akong masaktan!" singhal ko sa kaniya.
"Selena, makinig ka sa akin... Oo, totoong ikakasal na kami ni Lira ngunit nagawa ko lang naman na pumayag sa kasal dahil sa aking ama. Ang akala ko kasi noon ay habang buhay na akong magagalit sa'yo at si... Si Lira ang tumulong sa akin na makalimot kahit saglit lang," giit n'ya sa akin.
"Limang taon akong nagdarahop noong nawala ka. Ngi 'di ko nagawang ibaling ang puso ko kay Juanito tapos ikaw... nakikipagsiping ka pa sa kaniya?!" sigaw ko sa kaniya at saka ako umiyak.
"Bakit ikaw din naman ha? Nakipagsiping ka rin kay juanito!" pakikipagbangayan niya sa akin.
"Siyempre akala ko patay ka na! At gusto niya anak, gusto ni Papa, gusto ni Mamma, gusto ni Inang at ni Papang! Wala akong ibang pagpipilian pa pero kahit naman na nagsiping kami ay ikaw ang nasa isip ko. Iniisip ko ikaw siya, na sana ikaw na lang... na... na..." mas lalong lumakas ang iyak ko sa puntong para na akong batang nagsasalita habang umiiyak.
"Na sana... sana tayong dalawa ang may anak ngayon..." giit ko sa kaniya. Ang inis sa mukha n'ya ay napalitan ng lambot. Agad niya akong yinakap ng mahigpit, sa sobrang higpit no'n ay kusang nawala ang iyak ko maging ang inis ko sa kaniya.
Kahit na anong galit ko kay Simon, lumalambot ako kapag yinayakap niya ako. "Gusto ko rin naman na sana tayo na lang ang kinasal noon. Inggit na inggit ako kay Juanito dahil nagagawa n'yang pumasok sa simbahan at nagawa ka niyang pakasalan sa harap ng Diyos," sabi niya sa akin.
"Si-simon..."
"Kaya ngayon siya na ang may karapatan sa'yo," giit n'ya sa akin. Humiwalay ako sa kaniyang yakap. "Gusto kitang makasama Simon. Gusto kong ituloy ang pangarap nating lumayo noon. Simon..."
"Gusto ko ring gawin 'yon, Selena ngunit... buntis ka. Anak ni Juanito ang nasa sinapupunan mo at wala akong ibang pwedeng gawin kung 'di ang itakas ka dito at dalhin ka ng ligtas sa bayan." Giit n'ya sa akin.
"Simon, ang puso ko... Walang nag-iibang may-ari kung 'di ikaw. Alam ng Diyos na sa limang taon na lumipas ay ikaw lang ang minahal ko." Hinalikan n'ya ang aking ulo, doon ko napagtanto ang lahat. Na ang meron kami ngayon ay hindi magiging permanente.
Tama nga si Padre Solomon noon, na ang mundo sa pagitan namin ay hadlang. At kahit na anong lakas ng magmamahalan namin ay 'di ito mananaig. Tao ako at aswang siya... Isang masakit na katotohanan.
"Selena, naniniwala ka ba sa pangalawang buhay?" tanong n'ya sa akin.
"Ang sabi ng simbahan ay mga hindu lang daw ang naniniwala doon. Naniniwala sila na kapag namatay ang isang tao dumidiretso ito sa Purgatoryo, langit o kaya impyerno." Giit ko sa kaniya, mahina s'yang ngumiti sa akin.
"Naniniwala ako doon, Mahal ko. Ang nais kung sakaling magkalayo talaga tayo matapos kitang madala sa bayan. Sa oras na pumanaw na tayo ay muli tayong magkita. Sa aking pangalawang buhay, gusto ko ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko. Ipaglalaban kita at sisiguraduhin ko magiging tayo habang buhay matapos no'n," napangiti ako sa sinabi n'ya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay n'ya. "Naiinis ako sa'yo pero ngayon ay hindi na. Totohanin mo 'yan, Simon ah?" tanong ko sa kaniya.
"Oo aking mahal," giit niya sa akin. Inilapit niya ang mukha niya at saka niya ako hinalikan sa aking labi. Sinagot ko ang kaniyang halik at saka siya niyakap ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita, Simon..."
***
JUANITO DELGADO
"ANO pa ba ang hinihintay ninyo ha?! Kailangan ko ng mga tao upang iligtas ang asawa ko?!" sigaw ko sa bagong heneral na humalili sa akin sa aking pwesto na si Heneral Toralba. Mahigit dalawang linggo ng nawawala si Selena at 'di ko na kaya ang maghintay. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa sobrang pag-aalala sa kaniya.
Alam ko ang mga aswang, mapanlinlang sila at maaring may masama na silang ginawa sa aking asawa. "Mahigit dalawang linggo na s'yang nawawala, Heneral Delgado. Hindi mo ba naisip na baka patay na ang iyong asawa?" nasuntok ko ang lamesa sa kaniyang sinabi at saka ko siya kinunwelyuhan,
"Hindi pa patay ang asawa ko! Hawak siya ng Simon na 'yon at kailangan ko siyang makuha sa lalong madaling panahon! Bigyan mo na lang ako ng mga tauhan mo, naiintindihan mo ba? Tanong ko sa kaniya.
"Pero hindi ko kayang magpadala ng aking mga sundalo sa isang misyon na 'di ko sigurado kung may mabubuhay pa!" pakikipagtalo n'ya sa akin.
"Sundin mo ang gusto n'ya kung 'di papatalasikin kita sa pwesto mo," dumating ang Gobernadorcillo dahilan para bitawan ko ang kwelyo ng heneral sa harap ko. "Mahal na Gobernadorcillo," giit n'ya at saka siya nagbigay galang rito.
Napatingin ako sa Gobernadorcillo, " Kailangan namin na makuha ang anak ko laban sa mga aswang na 'yon. Kailangan ko siyang mailayo sa Simon na iyon!" giit ng Gobernador sa hepe.
"Ngunit Gobernador, malaki ang pag—"
"Ang tigas ng ulo mo e! Sabi nang sundin mo ang gusto namin!" sigaw ko sa kaniya. "Maari kong sundin kayo pero paano kung patay na ang ililigtas natin? Heneral, hindi tao ang makakalaban natin. Mga grupo ng halimaw na pagkain ang tingin sa mga tao!" giit ni Heneral Toralba sa amin.
"At asawa ko ang nasa panganib! Ang asawa ko na mas mahalaga pa sa buhay mo?!" sigaw ko sa kaniya.
"Juanito, walang maitutulong ang pagiging agresibo mo ngayon. Mag-isip ka ng maayos para mabawi na natin si Selena at mapatay na natin ang grupo ng mga aswang na 'yon. Lalo na ang Simon na nanlinlang sa kaniya," giit n'ya sa akin.
"Hindi siya sasaktan ng aswang na kumuha sa kaniya, nasisigurado ko 'yon," giit niya sa amin.
"Paano mo nasisigurado, Papa? Aswang ang mga iyon?!" sigaw ko sa kaniya.
"Dahil kahit noong pinapahirapan natin siya ay wala siyang ibang bukang bibig kung 'di si Selena. Mahal na mahal niya ang anak ko at mas higit pa 'yon sa pagmamahal na mayro'n si Selena sa kaniya," giit n'ya sa akin.
"Gobernador!" binigyan niya ako ng isang siguradong ngiti.
Tinapik niya ang aking balikat, "Wala kang dapat ipag-alala kay Selena. Ang isipin natin ay kung mapapasok ang kuta nila at ligtas na maialis ang anak ko, doon..." giit n'ya sa akin.
Kung tutuosin tama nga siya, kung sakaling si Simon man ang may pasimuno ng pagkuha kay Selena ay 'di niya ito sasaktan. Ngunit malaki ang pagkakataon na kunin niya mula sa akin ang asawa ko. Mahal pa siya ni Selena at... hindi.. akin lang si Selena. Akin lang siya, limang taon akong nagtiis na 'di man lang dumapo ang tingin niya sa akin.
Limang taon ko siyang minahal ng walang kapalit kaya hindi ako papayag na kunin niya sa akin si Selena.
"Tanging si Simon lang iibigin ko habang buhay, Juanito..."
"Kung sakaling mamatay man ako dahil sa aking sakit ay tatanggapin ko. Dahil ang kamatayan ay ang tanging tulay upang muli kaming magkasama."
Kahit alam ni Selena na patay na si Simon ay 'di niya makalimutan. Na tila ba hindi na niya kaya pang buksan muli ang puso niya para sa akin na nagmamahal ng lubos sa kaniya. Ako ang naunang nakakita sa kaniya, at sa akin din unang dumapo ang mga mata niya.
Noong unang beses ko siyang makita sa kasal ni Leonora ay alam ko siya na. Siya na ang babaeng makakasama ko sa habang buhay, ang babaeng magbabago ng aking mundo. Ang babaeng iibigin ko, ang babae na aalayan ko ng buhay ko.
Noong mga panahon na 'yon, sinumpa ko sa sarili ko na magiging si Selena pero hindi... naging akin lang ang katawan niya pero kahit na kailan 'di ko makakamit ang kaniyang puso. At kung ang tuluyang pagkamatay ng halimaw na 'yon ay ang tanging paraan para makuha ko ang puso n'ya ay gagawin ko.
Dahil kahit ang demonyo kakalabanin ko para sa'yo, aking Selena.