Ika-labing anim na Tagpo

2053 Words
Ika-labing anim na Tagpo SIMON "SAAN ka ba nanggaling ha?" tanong ni Ilaya sa akin pagkadating ko sa aming kampo. Si Ilaya ay isang aswang na 'di kumakain ng tao. Sa totoo n'yan ay malapit na s'yang maging tao noon. Ang sabi ng mga matatanda kapag nagawa mong 'di kumain ng dugo at laman sa loob ng 6 taon ay tuluyan ka ng magiging tao. Ngunit dahil sa isang pangyayari ay napilitan siyang bumalik sa kaniyang dating Gawain. Siya ang naituturing na babaylan ng grupo. Isa siyang babae na 'di gaanong katandaan, mabait din siya ngunit 'di siya madaling magtiwala sa ibang tao. "Naghanap ako ng makakain," sagot ko sa kaniya. "Naghanap ka nga ba? Mukhang 'di iyon ang pinuntahan mo Simon. Nakikita ko ang pagkislap ng galit sa mga mata mo," sagot niya sa akin. "Pinuntahan mo ba ang Binibini na lumimot sayo?" tanong niya muli sa akin. Di ako nakasagot sa kaniya. Pinuntahan ko nga ba siya? Hindi, nakatingin lang ako sa kaniya mula sa malayo. Pinag-iisipan kung paano ko siya mababalikan sa kaniyang p*******t sa aking puso. Sa loob ng limang taon ay wala akong ginawa kung 'di ang magdusa sa sakit na ginawa niya sa akin. "Walang mangyayari sayo kung magagalit ka lagi sa kaniya." dagdag niya sa akin. "Masaya siya kasama ang heneral na iyon, Lahat ng pangarap ko para sa aming dalawa ay nakamit niya sa piling ng taong iyon. Mas mahal niya ang heneral na iyon, kinalimutan niya ako at ginawang isang laruan. Tinapon niya ako, Ilaya. Sa tingin mo ba madaling mawawala ang galit na nararamdaman ko sa kaniya?" tanong ko sa kaniya. "alam ko na matindi ang dinanas mo na paghihirap galing sa mga tao na malapit sa Binibini ngunit mas lalo kang mahihirapan kung itutuloy mo ang galit mo sa kaniya. Hindi ka magiging tao kung puno ng galit ang puso mo," sagot niya sa akin. "Hindi ko na gustong maging tao. Mas nais kong maging pinuno na lang ng pangkat na ito." "Talaga ba, Simon?" tanong n'ya sa akin. Masama ko s'yang tiningnan na s'yang dahilan upang matawa siya. Mahigit limang taon na ang lumipas ngunit ayaw mawala ng aking galit kay Selena. Ang dami kong pagsisisi at panghihinayang. Tama nga sila, hindi maari na magmahalan ang isang tao at aswang. Dahil ang isang tao ay halimaw na nagtatago sa mascara ng isang anghel. Gano'n si Selena sa akin. Isa s'yang halimaw na pinaniwala ako sa ilusyon ng isang pagmamahal. At kung mayro'n akong pinagsisisihan, iyon ay ang umibig sa kaniya. Ang mga ngiti niya nung araw na iyon. Ang kaniyang ngiti habang nasa bisig siya ng batang heneral na iyon. Sa tuwing naalala ko kung gaano siya kasaya habang nahihirapan ako ay kinakagalit ng aking puso. Mas hinihiling ko na lang na sana namatay ako kung paulit ulit na mararamdaman ng aking puso ang paghati dito sa tuwing naalala ko ang ngiti niya. "Di ko na mababago ang isip mo kung ganon nga ang nararamdaman mo. Pero minsan akala natin galit ang nararamdaman natin ngunit hindi pala, dahil minsan nasasabik lang din tayo sa mga minamahal natin." Sagot niya sa akin na para bang nababasa niya ang aking isip. "Hindi ako nasasabik sa kaniya," giit ko. Tinaas niya ang kilay niya at saka siya bumuntong hininga. "Binabalak nila Atec na kunin muli ang binibini para magamit siya sa isa pang ritwal. Nais ng ama mong makamit ang kapangyaruhan ng kadiliman sa pamamagitan ng puso ng isang babae..." pagkwento niya sa akin. "Iaalay niya sa Diyos ng impyerno ang puso ng Binibini na 'yon," giit niya muli sa akin. Napakuyom ang aking palad, napangisi ako. "Kung 'yan man ang gusto ng aking ama, nagagalak ako na tulungan siya sa pagkuha sa kaniya." Sagot ko kay Ilaya at saka ako naupo sa isang upuan na malapit sa pintuan. Nadinig ko ang mahina niyang tawa. "Kung iyan ang gusto mo nawa'y wala kang pagsisihan sa mga naisip mong galawan tungkol sa binibini." sagot niya sa akin at biglaan siyang nawala napabuntong hininga na lang ako at nilagay ang aking kamay sa bulsa ko. Doon nakapa ko ang rosaryo na ibinigay sa akin dati ni Selena hinawakan ko ito ng mahigpit dahilan upang masira ang ilang bato nito. "Wala na ang pagmamahal ko sayo Selena, tanging galitna lang ang natira sa akin. Ipaparamdam ko sayo ang sakit ng ginawa mong paglimot sa akin. Mahal ko," mahina kong bulong at iniwan ko ang rosaryo sa may lamesa. Lumabas ako ng balay ni Ilaya at nakita ko sila Benjamin at Kosme na nagsasanay. "Mukhang kanina pa kayo diyan. Matuto naman kayong magpahinga," sabi ko sa kanila dahilan para mapatigil sila sa kanilang ensayo. Pinatunog ni Kosme ang kaniyang leeg, at pinalagatok naman ni Benjamin ang kaniyang daliri. "Ang susugurin natin sa susunod na kabilugan na buwan ay nagdala ng mga armas laban sa ating uri kaya kailangan namin na magsanay. Ayokong mabaril ng pilak na bala kung 'di mamatay ako," sabi sa akin ni Benjamin. "Walang laban ang immortalidad natin sa mga banal na reliko at mga pilak na sandata," giit n'ya sa akin. "Parehas na karwahe lang naman ang susugurin natin. Madali lang natin na makukuha ang tinakda," sabi ko sa kaniya "Mukhang talagang limot mo na siya ha? Si Selena ang kukunin natin Simon. Ang babaeng mahal mo, nakalimutan mo na ba?" sabi sa akin ni Kosme. "Siya ang babaeng kinamumuhian ko ngayon Kosme, at kung maari lang na mapahirapan ko siya bago man lang ang gagawing ritwal ay magiging kasiyahan ko iyon," sagot ko kay Kosme at saka ako ngumiti. "Iyan ba ang iyong nais anak?" tanong ng isang boses sa aking likod, ang aking Ama agad akong lumingon at tumingin sa kaniya. "Kung iyon ang nais mo ay pagbibigyan kita, wag mo lang siyang mapapatay dahil kailangan ko ang puso n'ya," dagdag pa niya sa akin. Agad akong napangiti sa mga narinig ko. "Papayag ka ba na gantihan ko siya, aking ama?" tanong ko sa kaniya. "Siyempre naman anak." Giit n'ya bago siya tuluyang umalis. Ngumisi ako sa kaniya, mas lalo tuloy akong nasasabik na makita ang babaeng iyon. Gusto kong iparamdaman ang mga naging paghihirap ko, kung maari lang ang ulitin ko sa kaniya ang bawat latay ng latigo na nakamit ko. Kung maari lang... "Nahihibang ka na ba, Simon? Sa mga kinikilos mo ay parang 'di mo siya minahal. Seryoso ka ba sa nais mo?" tanong sa akin ni Benjamin. "Minahal ko siya ngunit naglaho na iyon ngayon." sagot ko sa kaniya "Ninais niya maging tao ka, pero sa mga kinikilos mo mas masahol ka pa sa aswang," sagot niya sa akin. Agad akong lumapit sa kaniya at dinamba siya ng isang suntok. "Wag kang magsalita na parang may alam ka sa nararamdaman ko, Di ikaw ang umibig at di ikaw ang nasaktan. Hindi ikaw ang pinatay upang mabuhay lang ulit dala ang galit na ito," bulong ko sa kaniya at saka ako umalis sa lugar na iyon. **** SELENA ZARAGOZA "SEÑORITA, hindi po maganda sa inyo ang hamog dahil sa malamig ngayon. Isara n'yo na lang po ang bintana," sabi sa akin ni Rita dahil sa binuksan ko ang bintana ng karwahe para makalanghap ng sariwang hangin. "Gusto ko na malanghap ang sariwang hangin Rita. Gumagaan kasi ang aking loob kapag nakikita ko ang mga puno," sagot ko sa kaniya, pumasok sa aking isip ang mga ala-ala ko kasama si Simon. Ang mga punong naging saksi ng aming pagmamahalan. "Wag kang magaalala sa akin ha?" paninigurado ko sa kaniya. "Ngunit Señorita naman! Kung sakaling nagdadalang tao nga kayo tapos may karamdaman pa kayo ay 'di naman iyon maganda. Di mo maalis sa akin ang magaalala dahil parang anak na rin kita. Tama na sa akin ang mawalan ng isang anak," sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, "Hwag kang masiyadong mag-alala sa akin. At saka 'di ako nagdadalang tao, Rita." Bulong ko sa kaniya at muli akong tumingin sa bintana,naalala ko nung mga oras na magkatabi kami ni Simon sa karwahe, nung mga oras na na naglalakad kaming dalawa sa kalye para mamasiyal. "Señorita, 'di niyo pa rin po ba nakakalimutan si Simon?" tanong n'ya sa akin. "Rita, gusto ko na s'yang makita. Ang tagal ko ng hinihintay na dalawin ako ng kamatayan ngunit nais ata ng Diyos na magdusa ako dahil ang pagmamahal ko sa kaniya ay ang nagdala sa kaniya ng kamatayan." "Señorita, kung buhay pa po si Simon o kung nadidinig man niya kayo. Ayaw n'yang marinig 'yan mula sa iyo." Naluha si Rita habang sinasabi iyon sa akin. Gusto kong muling masilayan ang ngiti ni Simon, pero alam kong impossible na iyon. Tanging mga ala-ala na lang ng kaniyang mga ngiti ang mababalikan ko. *** Napagdesisyonan ko na lang na humimbing sa byahe, si Rita ang kasama ko sa karwahe samantalang nasa isang karwahe naman si Juanito kasama ang ilan pang gwardiya sibil. Napapagitnaan ang aking karwahe upang kapag may nangyaring g**o ay madali daw akong mapoprotektahan. "Senorita! Senorita! Gumising Kayo!" napamulat ako ng mata at saka napatingin sa mukha ni Rita, puno ito ng kaba. Inayos ko ang aking upo, bumungad sa aking tainga ang sigawan na tila ba may komosyon na nangyayari sa labas. "Bakit, anong nangyari?' tanong ko sa kaniya, "Señorita, sinusugod tayo ng mga aswang. Kasalukuyan na nakikipaglaban si Ginoong Juanito at ang mga Gwardya Sibil!" sigaw n'ya sa akin. "Ano?!" malakas kong sigaw biglaang tinakpan ni Rita ang aking labi.  "Wag kang maingay dahil baka puntahan nila tayo. Narinig kong may hinahanap silang babae. Señorita, baka kayo ang nais nilang kunin," sabi niya sa akin tumingin ako sa paligid at nasa loob pa rin ako ng karwahe. "Selena! Selena! Ang taong pumatay sa aming si Simon! Lumabas ka!" sigaw ng isang boses babae galing sa labas. Agad akong yinakap ni Rita ng mahigpit. "Humanda ka na dahil mamatay ka na!" muli niyang sigaw mula sa labas. "Natatakot ka na ba, binibini? Kung 'di ka pa lalabas ay papatayin namin ang mahal mong asawa! Papatayin naming s'ya gaya ng ginawa niya kay Simon!" singhal ng isang boses babae. Iyon ay si Lira, ang kaibigang aswang ni Simon. Naalala ko ang kanilang mga boses, humiwalay ako sa pagkakayakap ni Rita. Kung ang pagsama sa kanila ang tama kong gawin. Kung 'yon ang paraan upang mapagbayaran ko ang kasalanan ko kay Simon ay gagawin ko. Handa akong mamatay sa kamay ng mga aswang gaya ng nangyari kay Simon na namatay sa kamay ng mga tao. Ako, na nagdala ng kamatayan sa kaniya ay malugod na tatanggapin ang aking kamatayan. "Senorita! Wag niyo ngang gawin iyan! Paano kung saktan kayo ng halimaw na iyan!" sigaw sa akin ni Rita. "Pero kailangan kong humingi ng tawad dahil sa nangyari kay Simon!" pagdadahilan ko sa kaniya. "Rita, ito na ang kamatayan na hinihintay ko at malugod ko itong tatanggapin," sagot ko sa kaniya. "Señorita! Afu Diyos ko! Gisingin n'yo ang diwa ng batang ito!" "Nasaan ka?!" sigaw niya muli. Binuksan ko ang karwahe at bumaba ako mula doon "andito ako" sabi ko sa kaniya dahilan iyon para mapalingon ang aswang sa akin. Ang nakakatakot niyang itsura ang bumungad sa akin, galit na galit ang mga aswang ng makita nila ako. "SELENA! BUMALIK KA SA LOOB NG KARWAHE!" sigaw ni Juanito at pinagbabaril niya ang ibang aswang na sumusugod sa kaniya. Ang ilan sa kanila ay bumagsak at namatay. Dahil siguro ito sa pilak na balang nakakarga sa rebolber n'ya. "Nandito ka pala, Selena. Pinasigaw mo pa ako at pinahirapan," sabi ng babaeng aswang sa akin. "Nais n'yong ipaghiganti si Simon diba?" tanong ko sa kaniya. Mas nanlisik ang mga mata nila, mahina akong ngumiti sa kanila. "Sasama ako sa inyo para sa kaniya," giit ko at tumulo ang aking luha. "Selena! Pumasok ka na ulit sa loob! Selena! Selena!" sigaw muli ni Juanito at nagtatakbo siya palapit sa akin pero may dalawang aswang na pumigil sa kaniya. Nakipag laban si Juanito sa kanila habang paulit- ulit na sinisigaw ang pangalan ko. "Lira! Kunin mo na lang siya at ng makaalis tayo!" sabi ng isang aswang sa kaniya. Patakbong lumapit sa akin si Lira napapikit na lang ako, kamatayan... ang kamatayan na matagal ko ng hinihiling ay makakamit ko na. "SELENA!" nadinig ko na sigaw ni Juanito. "SENORITA!" sigaw naman ni Rita at naramdaman ko na lang na parang lumilipad na ako. Minulat ko ang aking mata, at nakita ko na may aswang na bumubuhat sa akin. Bago pa man tunay na manghina ang mga mata ko ay may nakita akong pamilyar na itsura. "Simon..." mahinang bulong ko sa pangalan niya. "Kukunin mo na ba ako sa lugar kung nasaan ka?" tanong ko sa kaniya, ngunit mas lalo ng nanghina ang aking paningin at tuluyan na lang akong nawalan ng malay. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD