Chapter 19

1316 Words
LEONA Kakapasok ko pa lamang ng aming bakuran nang salubungin ako ni Anita. “Senyorita, nandyan ka na pala. May bisita ka. At kanina ka pa inaantay ng ‘yong ama.” Nagmadali akong lumakad papasok sa loob ng aming bahay at nang makapasok na ako sa pinto ay bumungad sa akin si Governador-heneral Flavio Agustin na nagmula sa bansang espania at kasalukuyang namumuno dito sa aming nayon. “Buenos dias, Señorita” Magalang na bati niya sa akin. Yumuko din ako upang batiin siya. “Beunos dias, Gobernador-heneral.” Nakangiting bati ko sa kanya. “Maupo ka anak.” Wika ni Ama kaya lumapit ako sa kanya upang magmano at ganun din kay Ina bago ako naupo sa kanyang tabi. Kaharap namin si Governador-Heneral Flavio. Hindi lang ito ang unang beses na dumalaw siya kay ama. Palagi siyang narito sa amin at paminsan-minsan may dala pa siyang mamahaling serbesa. “Anak, matagal ng kaibigan ng ating pamilya si Governador-Heneral Flavio. Kaya siya naririto upang hingin ang iyong kamay.” Wika ni Ama na ikinagulat ko. “Po? Anong ibig niyong sabihin?” Tanong ko sa kanya. “Nais ka niyang maging kabiyak at hindi ako tumutol dahil alam kong nasa tamang edad kana upang mag-asawa.” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na napatayo sa aking kina-uupuan. “Ano po bang sinasabi niyo ama? Ipapakasal niyo ako sa kanya? Bakit? Hindi niyo man lang ba ako tatanungin kung gusto ko ba siya at kung gusto ko ba siyang maging asawa?” Nangingilid ang luhang singhal ko sa kanya. Dala na rin siguro ng halo-halong emosyon kaya ko nagawa yun. Tumayo si Ama at mabilis na dumapo sa aking pisngi ang kanyang mabigat na palad. “Peter!” Bulalas ni Ina na nagulat din sa ginawang pananakit ni Ama sa akin. “Lapastangan! Ano pang silbi ng pagsimba mo tuwing linggo kung hindi mo naman alam ang tamang asal!” Galit na sigaw ni ama. Tuluyang nagbagsakan ang mga aking luha ngunit matapang na hinarap ko siya. “H-Hindi na nga po malaya ang ating bansa dahil sa mga dayuhan na yan. Pati ba naman akong anak niyo ipapasakop niyo sa kanila? May sarili akong isip at puso ama. At magpapakasal lang ako sa taong aking minamahal.” Pagkatapos kong sabihin yun ay kaagad ko silang tinalikuran. “Leona! Bumalik ka dito!” “Tama na Peter nabigla lang ang anak mo!” Narinig kong pigil ni Ina. Wala akong paki-alam kung anong iisipin ni ama at ng Flavio na yun! Ngunit hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking yun. Alam kong sa likod ng ma-authoridad niyang pagkatao ay may masamang pakay din siya sa pamilya namin kaya gusto niya akong pakasalan. At hinding-hindi ako makakapayag sa nais nilang mangyari! Pagka-akyat ko sa aking silid ay pabagsak kong isinara ang pinto. “Señyorita! Buksan mo ang pinto!” Tawag ni Anita habang walang tigil sa pagkatok sa aking pinto. “Leona!” Narinig kong tawag naman ni Ina. Ngunit nagtakip ko ng aking tenga kahit ano pang gawin nila hindi ako lalabas ng pinto hanga’t hindi ini-uurong ni ama ang kasunduan. “Iwanan niyo ako! Lalabas lang ako dito kapag itinigil ni ama ang kasunduan!” Malakas na sigaw ko. Hangang sa humupa na rin ang mga katok. Naupo ako sa malambot na higaan at nagpatuloy sa pagtangis. Ito ang isa sa pinaka-ayaw kong kaugalian ng maharlikang angkan. Ang ipagkasundo sa lalaking hindi ko naman iniibig. At hindi ko rin naman maaring sabihin sa kanila ang tungkol kay Padre Damion dahil nasisiguro kong isang malaking kahihiyan yun sa aming pamilya. Bukod doon, aalis na rin ito sa San Joaquin at nakakalungkot mang isipin ay hindi ko na siya ulit masisilayan pa. “Señorita, kumain ka na. May dala akong pagkain para sa’yo.” Narinig kong sabi ni Anita sa labas. “Ayoko! Hindi ko kakainin ang mga yan! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kaysa kainin yan!” Pagtanggi ko. Masama talaga ang loob ko. Nakadagdag pa ang lungkot na nararamdaman ko. “Hayaan mo siyang magutom Anita! Hayaan mong mahirapan ang lapastangan na babaeng yan!” Lalo akong nanlumo nang marinig kong sabihin yun ni ama. Ni minsan ay hindi ko nagawang suwayin siya. Lahat ng gusto niya sinusunod ko. Ngunit labis na ang kanilang panghihimasok sa buhay ko. Hindi na tama ang mga nangyayaring ito! Lumipas ang maghapon wala nang gumugulo sa akin. Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng aking sikmura. Dahil sa labis na gutom at namamaga na rin ang aking mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Mula sa pagkakahiga ay tumayo ako upang sumilip sa balkonahe. Wala na gaanong tao na naglalakad sa daan. Papalubog na rin ang araw. At nagaagaw na ang dilim at liwanag. Ngayon ko naisip na seryoso si ama na ipakasal ako sa lalaking yun. Dahil hindi man lang niya ako magawang kausapin ng maayos. Hindi man lang niya ninais na marinig kung bakit ayoko na sundin ang kagustuhan niya. Aalis na sana ako sa balkonahe nang makita ko ang pagdapo ng alitaptap. Kinuha ko ito at inilagay sa aking palad. “Malungkot ka rin ba gaya ko? Nandito ka ba upang maibsan ang lungkot na nararamdaman ko?” Sandaling nanatili ang alitaptap at pagkatapos ay lumipad na rin ito. Bigla akong may naisip na gawin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako nang makita ko si Anita na nakaupo sa sahig at nakapikit na habang yakap ang kanyang tuhod. Mahina ko siyang tinapik at kaagad naman itong nagising. “Sen—” “Sshhh…” Pigil ko sa kanya. Hinila ko siya papasok sa loob ng aking silid. “Anita, alam ko ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon. Maari mo ba akong tulungang tumakas?” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “Señorita, delikado yang binabalak niyo. Simula nang umalis kayo kanina naging mahigpit na ang bantay sa labas ng mansyon. At ang utos ni Don Peter wag kayong palalabasin.” Mahinang bulong niya sa akin. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. At nagbagsakan muli ang aking luha. “Anita, kahit ngayon lang… alam kong hindi ko na mapipigilan si ama. Kahit ngayong gabi lang nais kong maging malaya.” Pagmamakaawa ko sa kanya. “Pero— pero paano? Saan ka dadaan? Hindi rin kita matutulungan.” Nag-isip ako ng paraan at isa lang ang naisip ko upang makatakas ako nang walang nakakakikilala sa akin. “Ikuha mo ako ng baro at pantalon. Dito ako sa balkonahe dadaan!” “Ha? Hindi maari señorita! Kapag nala—” “Please, Anita…maawa ka sa akin. Ikaw na lamang ang pag-asa ko. Nais ko siyang makausap sa huling sandali. Aalis na si Padre Damion at hindi ko na siya makikita pa. Tulungan mo akong masabi sa kanya ang aking nararamdaman kahit ngayon lang. Pinapangako ko sa’yo babalik agad ako bago magbukang liwayway.” Napabuntong hininga siya ngunit alam kong hindi niya ako matitiis. “Ipangako mong mag-iingat ka.” Sambit niya na ikinangiti ko. Nabuhayan ako ng loob. “Oo, pangako. Maraming salamat Anita.” Nagmadali siyang lumabas ng aking silid. Ilang minuto din akong nagpalakad-lakad dahil hindi ako mapanatag. Natatakot din ako sa aking gagawin ngunit hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. “Señorita, ito na!” Sinara ko ang pinto at tinulungan niya akong magpalit. Camison pantulog lang kasi ang suot ko at mabilis naman akong nakapagpalit ng damit panlalaki. Itinali ko din ang aking buhok at inabutan niya ako ng salakot. Upang itago ang mahaba kong buhok. “Mag-iingat ka, at bumalik ka kaagad.” Nag-alalang sambit niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Salamat Anita.” Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kagaya ng palagi naming ginagawa ni Anita. Inihulog ko ang manipis na kawayang hagdan na nakabuhol sa matibay na lubid sa balkonahe. Kung hindi ko masasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Baka pag-sisihan ko ito habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD