Chapter 15

1533 Words
MIA Nandito kami sa malawak na sala nakaupo sa wooden chair na pinaglumaan na ata ng panahon. Ngunit matibay pa din dahil sa kahoy na ginamit. “Wow, ang ganda ng bahay mo. Ikaw lang ba ang nakatira dito?” Tanong ni Alex. “Oo nga, puwede na itong pag shootingan ng horror movies.” Dagdag naman ni Drey. “Kasama ko si Mama Sabel dito.” Sagot ko sa kanila. Siya namang paglabas ni Mama Sabel nasa likuran niya si Pablo na may dalang pitsel at magdugtong pa din ang kilay. “Mia, pinaglihi pa yan sa sama ng loob?” Bulong sa akin ni Lucy dahil katabi ko lang siya sa upuan. “Baka marinig ka.” Saway ko sa kanya. Nakaharap kami sa sementado at may puting pintura na ding-ding. Doon daw kasi ipu-puwesto ni Drey ang portable projector para makanuod kami ng movie. Inilapag nila sa mesa ang pagkain na dala nila. “Hi po Tita.” Bati nilang tatlo kay Mama Sabel. “Maraming salamat sa pagdalaw niyo sa anak ko. Mag-enjoy lang kayo dito at aakyat na ako.” Paalam niya sa amin. “Salamat po.” Sabay din nilang sabi. Ngumiti sa akin si Mama Sabel at inginuso si Pablo na nakatayo sa gilid ng pinto bago ito nakangiting tumalikod. “Pablo, dito ka na sa tabi ni Lucy baka mangalay ka diyan.” Tawag ko sa kanya. Nasa gitna ako at katabi ko si Lucy sa kabilang side ko naman ay katabi ko si Drey. At nasa hiwalay naman na upuan si Alex Tatlo lang kasi ang kasya sa upuan kaya sa tapat ni Alex ko pinaupo si Pablo. Humakbang siya papalapit sa amin at naupo sa tabi ni Lucy. “Hi, I’m Lucy. Friend and school mate ni Mia nice to meet you Pablo.” Nakangiting pakilala ni Lucy sa kanya. Sabay abot ng kanyang kamay. “Pablo.” Sambit nito. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi niya inaabot ang kamay ni Lucy. Ngunit huli na dahil binawi na nito ang kamay niya. “Hi bro! I’m Drey.” “And I’m Alex.” Tipid lang siyang ngumiti sa mga ito. Ano kayang problema ng lalaking yun? Galit pa rin ba siya dahil sa pagtatalo namin kaninang tanghali? “Ah guys mag set-up na kayo kukuha lang ako ng ketchup and water.” Paalam ko sa kanila. “Tulungan na kita!” Presenta ni Drey ngunit naunang tumayo si Pablo at hinarangan siya. “Ako na ang tutulong sa’yo.” Sabi niya sa akin. Malamig pa rin ang boses niya. “Kami na Drey, tulungan mo na lang si Alex.” Nakangiting sabi ko sa kanya. At kaagad na akong nagpunta sa kitchen. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kusina kaya hinarap ko na si Pablo. “Ano bang problema mo? Hindi mo ba alam nai-intimidate sa’yo yung mga kaibigan ko.” Nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya. “Mabuti nga yun para umalis na sila.” Mahinang sambit niya pero narinig ko pa din. “Ano? Gusto mo silang umalis? Ang sama naman ng ugali mo! Bakit ka ba ganyan?” Mahina ngunit may diin na sabi ko sa kanya. Baka kasi marinig sa sala yung boses ko kaya kahit paano ay pinipigilan ko ang sarili ko. Nagulat ako ng hatakin niya ako patungo sa kabilang pinto na palabas sa likuran ng bahay ni Lolo. Pagkalabas namin ay marahas niyang binitawan ang kamay ko. “Dahil sayo kaya ako nagkakaganito! You make me jealous! Nakalimutan mo na bang sinabi ko? Your mine!” Nagulantang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. “Jealous? I’m yours? Nagpapatawa ka ba? Sino ka para sabihin yan? May relasyon ba tayo? Diba may girlfriend ka? Alam ba niya ang ginagawa mo?” Naguguluhan na tanong ko sa kanya. Tumiim ang anyo niya habang nakatitig sa akin. “Pinapaalala ko lang sa’yo Pablo. Wala kang karapatan na magalit at magselos dahil walang tayo!” Singhal ko sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at mas lalo pa akong natakot sa paraan ng tingin niya sa akin. “Wala na akong girlfriend, matagal ng patay si Leona. Dumalaw lang ako sa puntod niya.” Walang emosyon na sagot niya bago niya ako tinalikuran. Naumid ang dila ko at hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung patay na pala ang Leona na yun bakit pa sila nagce-celebrate ng anniversary? Bakit siya nagseselos? Ibig sabihin may gusto siya sa akin? Pero hindi pa rin siya maka-move on sa namatay niyang girlfriend? Pablo…hangang kailan mo ako lilituhin ng ganito? Pagbalik ko sa loob ay dala ko na ang sawsawan na ketchup na nilagyan ko ng mayonnaise. “Nasaan si Pablo?” Usisa ni Lucy nang makita niyang walang Pablo na sumunod sa akin. Hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta. “Ah, sabi niya may puntahan lang siya.” Pagdadahilan ko. Hindi ko kasi alam kung babalik pa siya dahil ibinilin nga ako ni Mama Sabel sa kanya. “Ano na yang papanuorin natin?” Tanong ko dahil nag-uumpisa ng mag-play yung movie. “Demon ang title.” Sagot ni Alex. Umayos na ako ng upo kumuha ako ng unan upang ipatong sa hita ko. “Nakakatakot ba yan? Hindi ako sanay manuod ng horror eh.” Wika ko sa kanila. Yung sound effect pa lang nakakakilabot na. “Wag kang mag-alala nandito naman ako libre yakap kapag natakot ka.” Nakangising sabi ni Drey. “Tse! Humirit ka na man diyan Drey.” Saway ni Lucy sa kanya. “Ito naman! Palaging kontrabida kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh.” Litanya ni Drey sa kanya. Dinilaan lang siya ni Lucy na parang bata. “Tumigil na kayo manuod na lang tayo.” Sabat ni Alex. Napadako ang aming tingin sa malaking screen habang nakuha ng kutkutin sa mesa. “Ahhh!” Sigaw ko nang biglang sumulpot yung nakakatakot na lalaking may sira ang mukha na parang nabubulok na bangkay. Tinawanan lang nila ako. “Masyado naman nilang pinapangit yung demon.” Usal ni Alex habang kumakagat ng pizza. “Bakit? May demon bang guwapo?” Sansala naman ni Lucy sa kanya. “Ako guwapo.” Nakangising sabat ni Drey. Kahit natatakot ay nagawa naming matapos ang movie. Ang story nito ay ng lalaking naunang namatay at hindi natangap ang kamatayan niya dahil hindi niya nakasama ang minamahal niyang babae. Bukod doon sa hell din siya napunta. Kaya ginawa niya ang lahat upang bumalik sa lupa. Ngunit pagbalik niya ay may ibang mahal na ang babae at hindi niya ito matangap kaya naghiganti siya sa babae dahil kinalimutan siya nito at pinatay niya rin ito. At sa bandang huli nagsisi siya sa mga ginawa niya. At sa dami ng naging kasalanan niya tuluyan na siyang nilamon ng lupa at hindi na nakabalik. “Ang pangit ng story walang happy ending.” Opinion ni Lucy habang inuubos namin ang pagkain. “Paano magkakaroon ng happy ending yun?” Tanong ko sa kanya. “Nakakaawa kasi si Satan. Mahal na mahal niya si Stella. Kaya lang nakalimutan kaagad niya si Stella. ” “Ha? Paano naging pagmamahal yun? Madami siyang pinatay para mapasakanya lang si Stella.” Komento ko. “Tama, kung talagang mahal niya ang babae hindi niya ito sasaktan.” Dagdag pa ni Drey. “Kaya nga fiction eh, wag na kayong magtalo. Wala namang ganun sa totoong buhay.” Wika ni Alex. “Sabagay tama ka diyan.” Samuol na sagot ni Lucy. Nabusog na ako at ang tirang pagkain ay inilagay ko na lamang sa ref. “May lakad ka ba bukas?” Tanong sa akin ni Drey habang hinahatid ko sila sa labas. “Meron eh, magsisimba ako kasama si Mama Sabel. Bakit?” “Wala lang gusto sana kitang dalhin sa park. Pero next time na lang.” Nakangiting sabi niya sa akin bago siya sumakay sa van. “Salamat Mia, sa susunod tour mo naman kami sa bahay niyo. Mahilig din ako sa antique eh kaya lang umaga natin umpisahan para hindi creepy.” Nakangising sabi ni Lucy. At sumakay na rin ito. “Nag-enjoy kami sana may next time pa.” Wika naman ni Alex. Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam. Tinanaw ko pa ang papalayong sasakyan nila bago ako pumasok sa loob ng gate at sinara ito. Alas-onse na at inaantok na rin ako. Hinihikab pa akong nagbukas ng pinto sa aking kuwarto. Pagkatapos ay sinara ko na rin ito. Ngunit pagharap ko ay may anino ng lalaki akong nakita. Sisigaw na sana ako ngunit ayaw lumabas ng boses sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit. Hangang sa unti-unti siyang humarap sa akin. “Panahon na siguro upang makilala mo ako.” Wika niya sa akin. Nangilabot ako sa boses niya. Para itong galing sa hukay. Ngunit kabaliktaran naman ng kanyang mukha at tindig. “A-anong sina-sabi mo?” Napa-atras ako nang humakbang siya palapit sa akin. “Ako si Damion, ang tanging nagmamay-ari sa’yo Mia.” Nanlaki ang mata ko nang hapitin niya ako at siilin ng halik sa labi. Ngunit hindi ko magawang makagalaw. Parang may puwersang pumipigil sa bawat parte ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD