MIA
“Pablo? Bakit ka nandito? Bakit gising ka pa?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Humakbang ako papalapit sa bukas na gate papasok sa loob.
“Bakit ibinabalik mo sa akin ang tanong? Alam mo ba kung anong oras na? Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang lumabas ng gabi sa panahon ngayon? At ano yang suot mo? Suot ba yan ng matinong babae?” Litanya niya sa akin na ikinataas ng kilay ko.
“Bakit ka ba nakiki-alam? As far as I know care taker lang kayo ng ancestral house ni Lolo bakit pati pananamit ko pinapaki-alaman mo?” Mahina ngunit may diin kong sabi sa kanya.
“Hindi ako mangingi-alam kung wala akong paki-alam sa’yo!” Singhal niya sa akin.
“Eh bakit ka nga nangingi-alam? Noong umalis ka ba upang bisitahin ang girlfriend mo pinaki-alaman ba kita?!” Singhal ko din sa kanya. Akala niya siguro porke’t mabait akong tao ay hindi rin ako marunong sumagot. Isa pa tama naman ang sinabi ko. ngunit dala na rin siguro ng alak kaya malakas ang loob ko na sagutin siya.
Natigilan siya sa sinabi ko. Nagulat din siguro siya dahil nasigawan ko siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na talikuran siya. At nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay.
Pagdating ko sa hagdan ay dahan-dahan lang akong umakyat upang hindi makalikha ng ingay.
Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na ako sa aking kuwarto. Tinangal ko lang ang sapatos ko at ibinasak ko na lang ang aking katawan sa malambot na kama.
Sumobra ba ako? Hindi naman siguro magtatanim ng galit si Pablo dahil sa ginawa ko. Pero bakit ba ako nag-aalala? Siya naman ang unang sumigaw sa akin.
Napabuntong hininga na lamang at pinikit ko ang aking mga mata dahil ngayon ko lang naramdaman ang antok.
“Hahayaan muna kita sa gusto mo dahil sa pagtungtong mo sa tamang edad. Hindi mo na yun magagawa pa.”
Bigla akong napabangon nang marinig ko ang nakakatakot na bulong na yun. Ngunit wala naman akong nakikitang ibang tao sa paligid. Hindi kaya dala lang ito ng alak?
Hinila ko ang kumot at nagtalukbong ako.
Napadilat ako dahil sa sunod-sunod na katok ni Mama Sabel sa pinto.
“Mia? Tanghali na hindi ka pa ba babangon?!” Malakas na boses niyang tawag sa akin. Napabalikwas ako ng bangon dahil naalala kong hindi pa pala ako nagbibihis.
“Mama gising na po maliligo lang ako!” Sagot ko sa kanya sabay hablot ko ng tuwalya narinig ko pa siya na sumunod na lang sa garden dahil doon daw kami magla-lunch.
Tanghali na pala! Pagkapasok ko sa banyo ay kaagad akong naligo. Wala pang labin-limang minuto ay tapos na ako. Nagsuot ako ng putting blouse at maong na short. Lalabas na sana ako nang makita kong umiilaw ang phone ko kaya dinampot ko agad ito at tinignan ang screen kung sino ang tumatawag sa akin.
Unknown number?
“Hello?”
“Mia! Mabuti naman sinagot mo din.”
“Drey?”
“Ako nga! Mabuti naman hindi mo pa rin nakakalimutan ang boses ko.” Sagot niya sa akin. Bumaba na ako ng hagdan habang kausap siya.
“I’m sorry ngayon lang ako nagising.”
“It’s okay, tumawag pala kami upang ipaalam sayo na manunuod tayo ng horror movie mamaya kung papayag ka.”
“Ha? Hindi ako papayagan ni Mama.” Pagtangi ko sa kanya.
“Hindi ka naman aalis eh. Kami ang pupunta diyan. Magdadala na lamang kami ng projector.” Dagdag pa niya.
Nasalubong ko si Mama Sabel kaya nag-excused muna ako sa kanya.
“Mama Sabel? Puwede po bang dumalaw mamayang gabi yung mga kaibigan ko? Manunuod lang kami ng horror movie.” Paalam ko sa kanya.
“Abay oo naman! Mabuti nga yun makikilala ko sila.” Sagot niya na ikinangiti ko.
“Okay, see you later.”
“Okay bye!”
Halata sa boses ni Drey na nasiyahan siya sa sinagot ko sa kanya. Hindi ako fan ng horror ngunit masaya siguro yun kapag may kasama kang manunuod.
“Sabayan mo na si Pablo kumain tapos na ako eh haharapin ko yung mga labada para makapamili at makapagluto mamaya ng meryenda niyo.” Paalam sa akin ni Mama Sabel. Nagpasalamat ako sa kanya dahil hindi niya tinangihan ang mga kaibigan ko at gusto pa niyang ipaghanda kami ng pagkain. Ngunit nang lumabas ako ay salubong na kilay ni Pablo ang bumungad sa akin. Wala akong choice kundi ang puntahan siya upang makakain na rin ako.
“May bisita ka mamaya?” Seryosong tanong niya sa akin. Naupo ako at kumuha ng plato ngunit pagdampot ko ng kutsara ay hiniwakan niya ang pulsuhan ko.
“Tinatanong kita.” Madiin na tanong niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Paano mo nalaman? Eh ano naman ngayon sa’yo? Mga kaibigan ko sila. Magagalit ka din ba dahil pupunta sila dito mamaya? Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit ng ganyan hindi naman kita kuya hindi rin naman kita tatay at mas lalong hindi kita boyfriend kaya walang dahilan para pagbawalan mo ako ng ganyan.” Inis na sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Natumba pa ang upuan niya dahil sa ginawa niya.
“Hindi kita girlfriend pero akin ka.” Sambit niya bago niya ako talikuran.
Ano daw? Hindi niya ako girlfriend pero sa kanya ako?
“Nabubuwang ka na ba?!” Singhal ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglakad at hinarap niya ako.
“Wag kang gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan Mia. Kung ayaw mong magsisi sa huli.” Lintanya niya at muli din siyang tumalikod at naglakad palayo.
Bigla kong naalala ang alok ni Andeng sa akin. Tamang-tama linggo bukas puwede akong magpasamang magsimba. At magdadahilan lang ako kay Mamam Sabel upang makapunta ako kina Andeng.
Kinagabihan ay tapos ng magluto ng meryenda si Mama Sabel. Nakahanda na ang french fries, popcorn at kwek-kwek sa mesa. Nagtimpla din siya ng lemon juice at nilagay sa malaking jug.
“Mia!”
Unang bumungad sa akin ang nakangising si Lucy kasunod si Drey at Alex.
“Kayo lang?” Tanong ko.
“Oo, may ibang lakad yung apat eh.” Sagot ni Lucy sa akin.
Nang makalapit sila ay nakipagbeso-beso pa siya sa akin. Nagulat na lamang ako nang abutan ako ni Drey ng blue rose na nakalagay sa box.
“For you.”
“Sa akin?”
Tumango siya kaya wala na akong choice kundi tangapin yung bulaklak. Humangin ng malakas at naglaglagan ang mga dahon sa puno.
“Sino siya?” Tanong ni Lucy. Napatingin ako sa likuran ko at nasa pinto pala si Pablo na seryosong nakatingin sa amin.
“Ah, siya si Pablo, care taker ng bahay na ito.”
“What? So you mean dito siya nakatira? Wow, ang hot naman pala niya sa malapitan.” Nakangiting sabi niya. Napakunot na lamang ako nang noo at napatingin ulit kay Pablo. Nakamaong siyang pantalon at itim na t-shirt pero umaapaw pa rin sa kakisigan.
“Gutom lang yan tara na may dala akong pizza at fried chicken.” Sabat ni Alex sabay hawi sa aming dalawa. Nauna na siyang magtungo sa pinto.
“Hi brad, I’m Alex.” Pakilala niya kay Pablo. Derecho sa akin ang mga mata niya kaya sinenyasan ko siyang i-welcome ang mga bisita namin. Ngunit hindi siya nagsalita at pumasok sa loob.
“Ay? Kasing hot din ang ugali?” Siniko ko si Lucy nang sabihin niya yun. Mabait naman talaga si Pablo paminsan-minsan lang kung ano-ano ang sinasabi niya sa akin.
“Wag mo na lamang pansinin inaya kasi ni Mama Sabel na sumama na rin sa panunuod natin. Dahil mauuna na siyang a-akyat sa kuwarto.