Chapter 9

1287 Words
Nandito ako sa veranda dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok. Marami kasi ang gumugulo sa isip ko. Yung mga nangyari kanina, yung nangyari kay Roy, yung ginawa niya sa akin. Pagkatapos niyang sabihin na sinumpa ang bahay na tirahan ko tinawag naman niya akong demonyo. At ang lalaking nagligtas sa akin. Pamilyar siya sa akin, parang nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan. Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa aking sarili. Mahabang damit pantulog lang kasi ang suot ko. Napadako ang tingin ko sa ibaba at nakita ko si Pablo. Ano kayang ginagawa niya dito? “Pablo!” Mahinang tawag ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. “Bakit gising ka pa?” Usisa niya sa akin. “Ah, kasi hindi ako makatulog. Ikaw? Bakit gising ka pa?” “Hindi rin ako makatulog.” Sagot niya. “Ah, ganun ba? Pareho pala tayo.” Tipid akong ngumiti sa kanya. “Gusto mong maglakad muna tayo?” Wika niya na ikinagulat ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. “Maliwanag naman ang buwan ipapasyal kita sa lawa dito sa likod.” Dagdag pa niya. “Ha? May lawa sa likod?” Ulit na tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam na may lawa pala doon. Sa lawak ng lupa na kinatitirikan ng bahay ni Lolo ay hindi man lang ako nagkaroon ng oras na ikutin yun. “Oo at maraming alitaptap sa mga puno doon. Kung ayaw mo okay la—” “Sandali! Bababa na ako!” Awat ko sa kanya. Nagmadali kong kinuha ang red cardigan ko at sinuot ang tsinelas ko. Siguro sa mga oras na ito ay tulog na si Mama Sabel. Gusto ko lang naman makita ang sinasabi ni Pablo na lawa. At isa pa hindi naman siguro siya gagawa ng hindi maganda. Paglabas ko ng pinto ay nakangiting mukha ni Pablo ang bumungad sa akin. “Malayo ba yun? Basta bumalik tayo kaagad.” Paalala ko sa kanya. “Wag kang mag-alala, sandali lang tayo. Saka malapit lang naman.” Napansin ko na may dala siyang malaking flashlight pero hindi naman masyadong madilim dahil bilog na bilog ang buwan. “Sigurado ka may lawa sa likuran?” Ulit na tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan kasi ako. Mahigpit na binilin sa akin ni Mom at Dad na wag basta sasama sa hindi ko pa gaanong kakilala. At ilang araw palang kaming nagkakilala ni Pablo. Pero wala naman akong maramdaman na kakaiba sa kanya. I feel safe pa nga kapag siya ang kasama ko. Nagsimula kaming lumakad patungo sa likuran ng bahay. Nadaanan pa namin ang kubo kung saan sila nakatira ng kanyang ama at dumerecho kami sa likuran. Mga matataas na talahib ang bumungad sa akin. “Saan tayo dadaan? Baka may mga ahas diyan!” Mahinang sambit ko. Ayoko pa naman ng mga gumagapang na hayop. Inisang hawi niya ang mataas na talahib at nalaglag ang panga ko nang makita ko ang isang may kalakihan na lawa sa bandang ibaba. Ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mga umiilaw na alitaptap sa mga puno na nakapalibot dito. Dahil sa pagkamangha ko ay namalayan ko na lamang hawak na niya ang kamay ko upang igiya ako palabas sa mataas na talahib. Inalayayan niya akong bumaba dahil medyo may kadulasan pababa ng lawa. “Paano nagkaroon ng lawa dito?” Tanong ko sa kanya. “Mataas kasi ang kinakatirikan ng bahay ng lolo mo. Kaya sa tuwing umuulan sinasahod ng lawa na ito ang tubig mula sa mataas na bahagi ng lupa. Kaya nagkaroon ng lawa dito. Bukod doon ipinaayos din ito ng lolo mo noon kaya naging maayos ang drainage system nito.” Paliwanag niya sa akin. Nang makababa na kami ay binitawan na niya ang kamay ko. “Wooow! Ang ganda dito…” Sambit ko. Tumatapat pa ang maliwanag na sinag ng buwan at nagiging reflection ito sa tubig. Lumapit ako sa puno na napapalibutan ng alitaptap. At sinalo ko sa aking kamay ang mga iilan na lumilipad sa mababang bahagi ng puno. “Ang ganda…” Nakangiting sambit ko. Lumingon ako sa kanya ngunit hindi ko siya nakita. “Pablo? Asan ka?” Bigla akong kinabahan dahil baka iniwan na niya ako. “I’m here!” Napatingin ako sa gilid ng lawa at nakita ko siyang nakasakay sa bangka na walang katig. “Gusto mo bang sumakay?” Nagmadali akong humakbang patungo sa kanya. At inalalayan niya akong sumakay sa bangka. Malaki para sa dalawang tao ang banka kaya hindi gaanong nakakatakot na bumalanse kahit dalawa lang kami. “Bakit may bangka dito?” Usisa ko nang paupuin niya ako sa tabla na nasa gitna. “Matagal na ito, may mga nilagay kasi kaming isda dito kaya may bangka.” Sagot niya sa akin. May hawak siyang mataas na kawayan at itinukod niya sa lupa kaya tuluyang umandar ang bangka. Hindi ko maiwasan ang ngumiti. Habang pinagmamasdan ang paligid. Nakikita ko pa din ang reflection ng buwan. Ang pagkalat ng mga alitaptap na nagmistula naming liwanag at nagpapakislap lalo sa tubig dahil sa reflection ng kanilang liwanag. Napadako ang tingin ko kay pablo na isang dipa lang ang layo sa akin at nagsasagwan. “Ang sarap mong panuorin.” Sambit niya na ikinangiti ko. “Ang sarap kasi sa pakiramdam. Napakatimik ng lugar na ito. At napakaganda. Ngayon ko lamang nalaman ang lugar na ito. Puwede ba akong pumunta dito kahit umaga?” Nakangiting tanong ko sa kanya na ikinatigil niya. “Puwede ka lang pumunta pero sasabihin mo sa akin para masamahan kita.” “A-ah, ganun ba? Sige!” Masigla sagot ko sa kanya. Muli kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Ang sarap, nakaka-relax talaga. Para akong dinuduyan sa gitna ng lawa. Ngayon ko lang naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mata ko. At napahikab na rin ako. “Salamat Pablo, pero inaantok na ata ako bumalik na tayo.” Wika ko sa kanya. Pinihit niya ang bangka gamit ang kawayan at nag-umpisa na siyang magsagwan pabalik sa pinangalingan namin. Lalo akong inatok sa paglipas ng minuto habang papalapit kami sa daungan. Hangang sa napayuko na lamang ako sa antok. Hindi ko alam na napaidlip na pala ako. Marahan kong minulat ang mata ko nang maramdaman kong may mahigpit na kamay na nakayakap sa akin. Pagmulat ko ay nakatungtong na ako sa lupa at nakayuko habang ang mukha ko ay nasa kanyang dibdib. Gusto ko siyang itulak dahil naka-akap siya sa akin ngunit pakiramdam ko sobrang bigat ng mata ko at gusto ko na nalang ulit matulog kaya wala sa sariling pumikit ako ulit. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at ang kanyang paghakbang. Gising ang diwa ko pero hindi man lang ako nakaramdam ng pagtutol. Ilang sandali pa ay dinig ko na ang mga hakbang niya papasok sa loob ng bahay. Hindi ko akalain na hahayaan ko siyang ihatid ako hangang sa aking kuwarto. Naririnig at nararamdaman ko kung ano ang ginagawa niya pero para akong lasing na walang kakayahan na ayusin ang aking sarili. Hangang sa ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang paglapat ko sa malambot na kama. Idinilat ko ang aking mapungay na mga mata. At nakikita ko ngayon ay yung lalaking nagligtas sa akin mula kay Roy. Pero hindi ko magawang magulat hindi ko maipaliwanag ngunit wala akong nararamdaman na kahit anong takot. “Matulog ka na, babantayan kita.” Sambit niya sa malalim na tinig. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng kanyang labi sa akin. Unti-unting ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko panaginip ang nakikita at nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang lalaking ito…Sino siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD