Chapter 8

1282 Words
“Anong nangyari doon?” Tanong ni Lucy sa akin sabay turo kay Roy. Nakatulala pa rin kasi ito at hindi makausap. Kahit ang mga kaibigan niya ay hindi man lang niya tinatapunan ng tingin. Kahit ako ay nagtaka din dahil okay naman siya kanina. “Hindi ko alam.” Sagot ko kay Lucy. Inalala ko yung sinabi niya tungkol sa kung saan ako nakatira. Pagkatapos noon sinabi niya yung sinumpang bahay daw. Tapos nagkaganun na siya. “Baka binasted mo?” Pangungulit ni Lucy na ikina-iling ko. Pinagtuunan ko na lang ng pansin ang sinusulat kong notes. Mabilis na lumipas ang ilang oras at saktong alas-singko na ng hapon. Katatapos lang din ng last subject namin. Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay napansin ko na umilaw ang phone ko. Nang makita ko ang number ni Pablo ay pinatay ko ang tawag niya. Siguro tatanungin din niya kung pauwi na ako. Balak kong hindi sumabay sa kanya sa pag-uwi. “Malayo ka ba dito?” Tanong ni Lucy sa akin pagkalabas namin ng building. “Hindi malapit lang ang bahay namin.” “Ah ganun ba? Andiyan na kasi yung sundo ko. Mauna na ako sayo invite mo na lang ako sa house niyo next time para alam ko din kung saan ka nakatira.” Paalam niya sa akin. “Okay, ingat ka!” “Ikaw din, see you tomorrow!” Kumaway siya sa akin at humakbang na siya patungo sa kinaroroonan ng parking lot. Kahit hindi niya sabihin alam kong mayaman ang kanyang pamilya. Dahil halata naman sa suot niya at mga gamit. Maglalakad na sana ako sa hallway papalabas ng gate nang matanaw ko mula sa malayo ang nakatalikod na si Pablo. Nakatigil siya at wari’y may hinihintay. Nang akma siyang lilingon kung nasaan ako ay kaagad akong nagtago sa poste. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero may naguudyok sa akin na iwasan ko na lang siya. Sumilip ako ulit at hindi na siya nakatingin sa gawi ko pero naramdaman ko abg pag vibrate ng phone ko sa bulsa ng palda ko. Dinukot ko ang phone at nakita ko ang name niya kaya kaagad ko rin na pinatay. Nagpasya akong bumalik sa loob ng building upang doon ako dadaan sa likuran. Patuloy ang pag-vibrate ng phone ko pero hindi ko pinapansin hangang sa makarating na ako sa likuran na puro mga puno at wala ng mga tao. Ngunit pag-ikot ko sa gilid ng building ay nakita ko si Roy na nakasandal. “R-roy?” Sambit ko. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong atakihin at sakalin isinandal niya ako sa sementong dingding ng building. “Demonyo ka! Demonyo ka hindi ba?! Ikaw ang may gawa kung bakit ako nakaramdam ng labis na takot kanina hindi ba?!” Angil niya sa akin habang mahigpit na hawak niya ang leeg ko. “A-ano ba-ng sinasa-bi mo!” Nahihirapang tanong ko sa kanya dahil hindi na ako makahinga sa higpit ng sakal niya sa akin. Nagumpisa na rin akong mag-panic dahil sa labis na takot ko sa kanya. “Isa kang demonyo!” Patuloy na sigaw niya. Mahigpit kong hinawakan ang braso niyang nakahawak sa leeg ko ngunit hindi sapat ang lakas ko upang makawala sa kanya. “Ple-ase…bita-wan mo ako-” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil napaubo na ako. Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere at nakatingkayad na ang dulo ng mga paa ko. Unti -unti na ring nauubos ang hangin sa dibdib ko at nagdidilim ang paningin ko. “R-ro-y!” “Mamatay ka na! Mamatay ka na—” Bumagsak ako sa lupa nang bitawan niya ang leeg ko. Ngunit kasabay ng pagbagsak ko ang pagtilapon niya sa katawan ng puno na nasa kanan ko na ikinawalang malay niya. Nanlalabo ang paningin na nag-angat ako ng tingin dahil sa malakas na pwersang papalapit sa akin. Ang panlalabo ng paningin ko ay unti-unting luminaw at lumitaw sa harapan ko ang isang matangkad na lalaki. Tama lang ang kulay ng kanyang balat. Matangos ang kanyang ilong at makapal ang kanyang kilay malalim ang kanyang mga mata at itim na itim pa ito. Sakto lang ang kapal ng kanyang labi. At may makapal na kulay itim din siyang buhok. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at tinulungan akong makatayo. “S-sino ka?” Tanong ko nang makabawi ako ng hininga. Walang emosyon siyang nakatitig sa akin. Napatitig ako sa guwapo niyang mukha. Ngunit hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Namalayan ko na lamang ang unti-unting pagbigat ng aking talukap hangang sa tuluyan na akong bumagsak sa mga bisig niya. Nang magising ako ay nasa kwarto na ako ng mansyon. Napabalikwas ako ng bangon at inala ang nangyari kanina. Nagtaka ako kung bakit bigla na lamang akong napunta dito dahil ang huli kong naalala ay nahimatay ako kanina sa labis na takot sa ginawa ni Roy sa akin. “Mabuti naman gising ka na. Pinag-alala mo ako ng husto. Mabuti na lang inuwi ka ni Pablo. Ano ba kasing nangyari? Bakit ka nahimatay sa school?” Nag-aalalang tanong ni Mama Sabel sa akin na ikinagulat ko. “Si Pablo po ang nagdala sa akin dito?” “Oo, nahimatay ka daw kaya buhat-buhat ka niya pauwi dito. Mabuti na lamang at hindi masama ang bagsak mo.” Wika niya sa akin. Kaagad akong tumayo at lumabas ng kwarto. “Mia! Saan ka punta?” “May itatanong lang po ako kay Pablo!” Pahabol na sagot ko sa kanya. Nagmadali akong lumabas ng mansyon at nagtungo sa likod bahay. Naabutan ko siyang nagsisibak ng kahoy gamit ang malaking palakol. “Pablo!” Tawag ko sa kanya. Sandali siyang tumigil sa pagsibak at hinarap ako. “Ano yun?” Seryosong tanong niya sa akin. Hindi ko na pinansin na wala siyang suot na t-shirt pero tumutulo ang kanyang pawis sa katawan. Hindi na ako magtataka kung bakit nagawa niya akong i-uwi ng walang kahirap-hirap. “Paano mo nalamang nasa likuran ako na building? Anong nangyari kay Roy? Nakita mo ba yung lalaking nagligtas sa akin?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Hinanap kita, naglabasan na ang lahat ng studyante kaya napunta ako sa likuran ng school upang hanapin ka. Nakita lang kitang nakasandal sa pader ng building pero hindi ko nakita ang sinasabi mong Roy bakit?” Balik na tanong niya sa akin. Imposible na hindi niya nakita ang lalaking nagligtas sa akin pati na rin si Roy dahil malakas ang pagkakatapon nito sa puno. At mukha naman siyang hindi nagsisinungaling. “Ah, ganun ba? Salamat…sa pag-uwi mo sa akin.” Mahinang sabi ko sa kanya. Akmang tatalikuran ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang braso ko. “Kung balak mong umiwas sa akin. Wag mo na ulit ilalagay sa panganib ang buhay mo.” Wika niya na ikinakunot ng noo ko. “Ano? At bakit naman kita iiwasan?” Maang na tanong ko sa kanya. Pero totoo naman na iniwasan ko talaga siya kanina kaya muntik na akong mapahamak. “Hindi ko alam sa’yo.” Binitawan niya ang braso ko at nagpagpatuloy sa pagsisibak ng kahoy. “Oh, Hija! Okay ka na ba? Nag-alala kami ni Sabel dahil sa’yo balak na niyang dalhin ka sa hospital kanina pero sabi ko normal naman ang paghinga mo baka napagod ka lang.” Paliwanag ni Tatang Celso. “Opo, maayos na po ako. Pasensya na po kung pinag-alala ko kayo.” Nakayukong sabi ko sa kanya. “Okay lang yun, ang mahalaga ayos ka na.” Nakangiting sabi niya. Bumaling siya kay Pablo. “Tama na yan at kakain na tayo. Magpalit ka na ng damit.” Utos niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD